CHAPTER 7
Onyx: Ah.. Wala.. Wala...
Biglang lumapit si Xandre.
Pearl: Bakit? May nagpapabigay ba ulit ng kape kay Onyx.
Xandre: Wala. Tapos na duty ko dito. Gusto ko lang makipagkwentuhan.
Pearl: Ah. Sige umupo ka.
Xandre: Ayaw mo ata Onyx?
Onyx: Hindi. Sige umupo ka.
Pearl: Matanong nga kita Xandre, may lahi ka bang Korean?
Xandre: Ay oo. Half Korean ako at Half Filipino. Sa Korea ako pinanganak pero dito ako lumaki. Ang nanay ko pinay ang tatay ko korean.
Pearl: Ang galing. So murong kang magkorean?
Xandre: Kaunti lang kasi hindi naman ako tumagal sa Korea eh.
Pearl: May kapatid ka ba?
Onyx: Pearl!
Pearl: Nagtatanong lang ako eh. Curious lang naman ako at interested. Ok lang ba sayo Xandre?
Xandre: Ok lang. Uhm. May kapatid ako. Isa. Mas matanda sa akin.
Pearl: Ah...
Dumating naman si Nais.
Onyx: Huwag mong sabihin na tapos na duty mo.
Nais: Paano mo nalaman?
Hindi ko binasa ang isip niya. Promise! Para lang kasing napapansin kong nakikigulo ang dalawang 'to sa amin.
Onyx: Kutob ko lang.
Nais: Hehehe. Ikaw talaga.
Pearl: Kamusta na yung bago mong girlfriend?
Onyx: Ang tanong kayo pa ba?
Pearl: Hindi mo ba alam Xandre na dakilang chickboy 'to si Nais. Kilabot yan ng mga kolehiyala tinalo pa yung artista. Sino ba yung artista na yun? Basta tinalo pa niya yun!
Nais: Ikaw naman oh! Sinisiraan mo ako kay Xandre.
Pearl: Nagsasabi lang ako ng totoo. Yang si Nais naligawan na kaming dalawa niyang ni Onyx kaya lang hindi naman kami katulad ng iba diyan na madaling napasagot ayun basted!
Biglang may dumating na babae na galit na galit.
"NAIS!" sabi niya.
Onyx: Uy! diba si Angeline yan? Yung bagong girlfriend mo? Bakit parang galit ata?
Pearl: Lagot ka!
Nais: Wala na kami ah! Bakit nandito ka Angeline? Diba wala na tayo? Tinext ko kagabi sayo!
Angeline: Wala kang kwenta! Minahal kita! Sa walang kwentang kadahilanan hiniwalayan mo ako! Bakit ba? May ginawa ba akong mali?
Onyx: Tinext lang kasi eh! Dapat harap-harapan!
Nais: O sige Onyx kung gusto ninyong harap-harapan. Angeline, Tapos na tayo. Hindi na kita gusto. Malinaw?
Angeline: Pero Nais?
Nais: Wala nang pero pero.. Umalis ka na!
Umalis si Angeline ng humahagulgol. Hindi umiiyak ah! Kundi humagulgol!
Onyx: Ano ba naman kasi nangyari?
Pearl: Huhulaan ko! Nagsawa ka noh?
Onyx: Eh wala pa kayong isang buwan ha?
Nais: Eh ayaw ko na sa kanya eh!
Pearl: Yan na nga ba ang sinasabi ko eh!
Onyx: Tsk. Tsk. Tsk.
Biglang may tumawag sa cellphone ko.
"She's the girl that you love to hate.. she's the heartstoppin' doubletake.. everyone knows that she's got it made.. working hard to be... Miss Popularity"
Pearl: Anong kanta yang ringtone mo?
Onyx: Favorite song ko lang..
Pearl: Sino ba yan?
Onyx: Wait! Sasagutin ko pa..
Sinagot ko na si Mama pala...
Onyx: O, Mama.. Bakit?
Mama: Pwede ba kayong umuwi muna dito?
Onyx: Bakit ho? May emergency ba?
Mama: Wala wala.. Dito ko na lang sasabihin sa inyo sa bahay.
Onyx: Sige po. Bye!
Mama: Bye!
Binabako na yung cel ko.
Pearl: Bakit daw?
Onyx: Umuwi na daw tayo.
Pearl: Bakit tayo pinapauwi?
Onyx: Ewan ko.
Pearl: Sige uwi na tayo.
Onyx: Bye Nais! Naku! Ikaw talaga! Hindi ka na nadala! Kakaramahin ka rin! Magingat ka!
Pearl: Oo nga! Bye Xandre!
Nais & Xandre: Bye!
Xandre: Ikaw kasi Nais pare! Bakit mo ginanun si Angeline!
Nais: Eh pare--
Xandre: Naku alam wag ka nang magpaliwanag. Alam ko na sasabihin mo!
Umuwi na kami.
Onyx: Ano yun? Bakit?
Mama: Mag-impake na kayo.