Teentalk

Author Topic: WISH (w/ mini-movie: MEETING YOU)[take my by the hand and WISH..]-[END]  (Read 29204 times)

p!nk

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2054
  • Karma: +194/-56
  • Nichkhun <3
Re: "Wish" [my second story!]
« Reply #15 on: December 14, 2007, 07:40:33 pm »
CHAPTER 3


Sa bahay...

Onyx: Ma! Nandito sina Shane!

Bumaba si Mama.

Mama: Oh! Shane! Mameng! Kamusta na kayo?
Aling Mameng: Ok lang naman. Salamat at papatuluyin mo kami dito.
Mama: Hay naku! Ok lang yun! Sige halika na.
Pearl: Ma, alis muna kami ni Onyx may bibilin lang ako eh.
Mama: Sige. Magingat kayo ha!
Onyx: Sige po!

Pumunta na kami sa Mall.

Tumutingin kami sa may mga tiangge ng mga mabibili. Hindi kami mayaman kaya naman sa tiangge lang kami bumibili. Wow! May nakita akong magandang ring.

Onyx: Magkano po?

"150" sabi ng tindera.

Onyx: Ang mahal naman po. Pwedeng 100 na lang?

"Hindi pwede eh." sabi ng tindera.

Onyx: Sige na po!

"Sige na po Ms. Maganda ibigay ninyo na sa kanya ng 100." sabi ng lalaki.

Sino ba ito? Siya pa tumatawad para sa akin.

"Sige na nga! Gwapo naman yang boyfriend mo eh!" sabi niya sa akin.

Onyx: Boyfriend? Wala ho akong boyfriend!

Huwattttt???

"Huwag na kayong magkaila! Oh ito!" sabi ng tinder sabay abot ng ring.

Onyx: Eh. Hindi naman po talaga eh.

Inabot ko na sa kanya ng ang bayad.

Onyx: Salamat.

At umalis na ako.

"Wait!" sabi niya.

Ikukuwento ko sayo ang istura niya. Alam ninyo yung si Prince Gian sa Princess Hours? Ayun! Yun ang itsura niya. Siguro foreigner ito! Marunong lang magtagalog. Matignan nga este mabasa nga ang isip niya. Malay ko ba kung artista 'to... Uhm.. Uhm.. Wait? Bakit? Bakit hindi ko mabasa? First time ito ha! Wait? Bakit ganun!

Umalis na ako agad. Nakita ko na lang si Pearl.

Pearl: Oh! Bakit parang nakakita ka ng multo?
Onyx: Halika nga dito.
Pearl: Bakit? Anong nangyari?
Onyx: Kasi may lalaki na tumawad para mabili ko itong singsing na 'to. Akala pa nga noong tindera boyfriend ko siya.
Pearl: Eh ano ngayon?
Onyx: Nung binabasa ko ang isip niya hindi ko mabasa? First time lang sa akin nangyari yun Pearl. Ngayon lang.
Onyx: Tignan mo ha. Makinig ka. Ayun! Ayung guard na yun! Namimiss na niya yung mga anak niya at yung asawa niyang nasa probinsya. Ayun! Yung crew na yun sa fastfood, mamaya lalabas sila ng boyfriend niya mamaya. Yung magasawa na yun. Magkakababy na sila kakagaling lang nila sa Doctor. Tignan mo! Yung lalaki lang yun ang hindi ko nababasa ang isip. At ikaw rin iniisip mong nababaliw na ako!
Pearl: Oo na. Pero bakit naman ganoon?
Onyx: Ewan ko nga eh.
Pearl: Ok na yun noh! Halika na! Umuwi na tayo! Huwag mo na yun problemahin!
Onyx: Halika na nga!

At umuwi na kami. Malaki talagang mystery sa akin yung guy na kamukha ni Prince Gian na yun!

Sa bahay..

Mama: Ang tagal ninyo naman. Kanina pa naghihintay dito sina Jed at Ian.

Sino sina Jed at Ian? Si Ian manliligaw ko, si Jed manliligaw ni Pearl. Magkakambal din sila. Cool noh! Hala! Magseselos si Shane niyan!!

Onyx: Sorry po. Sandali lang Ian, magbibihis lang ako.
Pearl: Ako rin.
Ian & Jed: Ok.

Umakyat na kami.

Pearl: Pwede bang bastedin na natin sila?
Onyx: Sinabi mo pa. Ayaw ko naman sa kanila eh. Pinipilit naman lang din naman sila ng Nanay nila eh. Si Ian ang nabasa ko sa isip niya ang mahal niya si Karyl.
Pearl: Yung pinsan natin?
Onyx: Oo. Si Jed naman mahal niya si Chantal.
Pearl: Yung classmate natin?
Onyx: Oo. Kaya nga huwag na nating silang pahirapan ok.
Pearl: Ok.

Bumaba na kami.
« Last Edit: April 20, 2009, 03:46:16 pm by p!nk »

twishia_19

  • jellybean
  • **
  • Posts: 217
  • Karma: +15/-2
Re: "Wish" [my second story!]
« Reply #16 on: December 15, 2007, 02:12:14 pm »
wow!may fafa! hmmm..bakit nga kaya hindi mo mabasa yung isip ni fafa?...
shige, bastedin niyo na po sila...sayang oras nila noh hehehe ;D

angeline116

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1255
  • Karma: +129/-30
  • Sshh.
Re: "Wish" [my second story!]
« Reply #17 on: December 16, 2007, 06:58:46 pm »
weh. don't leave us hanging in here!



bakit ba lahat nalang ng storya na binabasa ko binibitin ako masyado? karma na ba to? :-\ lol. up na sis :D
I am Pinay Aussie.

sweet_angel23

  • taffy
  • ***
  • Posts: 408
  • Karma: +77/-13
  • promise you won't fall?
Re: "Wish" [my second story!]
« Reply #18 on: December 17, 2007, 04:06:39 pm »
ano kaya connection nung lalaki sa life ni onyx??!
naks prince charming...
let's flip a coin
HEADS, im yours
TAILS, you're mine ♥

moshimonster!
plurk people!

swit_emerald

  • taffy
  • ***
  • Posts: 376
  • Karma: +21/-6
  • -just call me elaine-
    • multiply
Re: "Wish" [my second story!]
« Reply #19 on: December 17, 2007, 04:56:15 pm »
nice one sis..
ill support this story too just like ive supported vendo machine..

keep it up.! ;)
im a CANDY GIRL by heart...with heart..

im DIFFERENT..

only the CLEVER survives.!!

elle17

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 784
  • Karma: +19/-13
  • Improv Everywhere!
Re: "Wish" [my second story!]
« Reply #20 on: December 17, 2007, 05:34:02 pm »
nice one sis. actually, this is my first time to visit creative corner and read one of its stories.  :) this thread caught my eye. keep it going, sis.

i love it. :)
You are just another picture to burn!

yummyjOycie

  • jellybean
  • **
  • Posts: 136
  • Karma: +8/-2
Re: "Wish" [my second story!]
« Reply #21 on: December 18, 2007, 09:06:09 am »
ahaaha..
nice story..
next na po.. please?
joycie here..
LOVE WAITS. we don't need to rush things. God has best plans for us. right? BE HAPPY of what you have right now. mwah! :)

p!nk

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2054
  • Karma: +194/-56
  • Nichkhun <3
Re: "Wish" [my second story!]
« Reply #22 on: December 18, 2007, 06:42:22 pm »
note: sorry ngayon lang ako nakapagup.. busy kasi ako lately eh! Salamat talaga sa inyo lahat!

CHAPTER 4


Pearl: Gusto ninyo ba ng juice?
Ian: Hindi ok lang.
Onyx: Uhm.. May sasabihin sana kami.
Pearl: Ikaw na mauna Onyx.
Onyx: Sige.
Jed: Ano ba yun?
Onyx: Uhm. Hindi ninyo na kailangan pang pumunta dito gabi-gabi Kasi..
Pearl: Kasi alam naman naming may mahal kayong iba.
Ian: Pero..
Onyx: Alam namin at nauunawaan namin. Ok lang sa amin yun.
Jed: Salamat ha.
Ian: Oo nga. Si Mommy lang kasi eh pinipilit kami.
Pearl: Ok lang yun.
Onyx: Oo nga. Puntahan ninyo na sina Karyl at Chantal. Sila na naman ang mga mahal ninyo eh.
Jed: Paano ninyo nalaman?
Pearl: Huwag ninyo nang itanong. Ang mahalaga may pagasa na kayo sa kanila. Ok?
Ian: Ok! Salamat talaga!
Jed: Friends?
Onyx: Friends!
Pearl: Friends!
Ian: Sige alis na kami.
Onyx: Sige ingat kayo!

Hay salamat! Natapos na rin yun!

Kinabukasan..

Mama: Alam ninyo bang magbabakasyon tayo sa Tita mo next week?
Onyx: Weeh? Doon sa may resort?
Mama: Oo.
Pearl: Ang galing! Sama kami ha!
Mama: Siyempre!
Onyx: Ay! Ma alis muna ako!
Mama: Saan ka pupunta?
Onyx: Dyan lang sa may Cafe. Sama ka Pearl?
Pearl: Hindi na! May lakad kami ni Sean eh.
Onyx: Naks naman! Kwento mo mamaya kung anong nangyari ha o hindi na kailangan.
Pearl: Ikaw talaga! Ikukuwento ko na lang! Balik ka dito mamaya magbebake ako ng cake tulungan ko ako!
Onyx: Ok! Sige Ma, Pearl. Bye!
Mama: Bye! Ingat ka!

Pumunta na ako sa aking suking Cafe.. Nandoon ang aking kabarkada si Nais. Mas matanda siya sa akin ng isang taon. Niligawan niya ako pero yun... hindi ko rin sinagot. I'm to busy to have a boyfriend.

Onyx: Hi Nais!
Nais: Oh! Hi Nyx! Lalo kang gumaganda ha! The usual?
Onyx: Ikaw talaga! Hindi ka na nagbago. Anyways.. Oo, the usual!
Nais: Sige upo ka na lang muna diyan. Dadalhin na lang sayo.
Onyx: Ok.

Umupo na ako nagbasa ng libro. Habang nagbabasa ako ng libro.

"One Mocha Frappe for Onyx?" sabi ng waiter.

Onyx: Yes here please.

Nang bigla akong tumingala. Yung.. Yung guy na kamukha ni Prince Gian!!

Onyx: Ikaw yung..

"Diba ikaw yung sa mall?" sabi niya.

Onyx: Oo nga ako nga yun. Salamat ulit ha.

Kakahiya naman.

"Wala yun. Ako na pla si Xandre. Ikaw si Onyx diba?" sabi niya.

Onyx: Oo. Mocha Frappe ko.
Xandre: Ay sorry.

Inabot na niya sa akin yung Mocha Frappe. Bumalik na ako sa pagbabasa ko. Ang liit talaga ng mundo. Makikita ko pa pala ulit yung lalaki na yun. Habang nagbabasa ako bigla kong narinig ang pinaguusapan nina Nais at Xandre. Hindi to eaves-dropping ha! Nakataon lang! Heheheheh

Xandre: Palagi ba nandito yang si Onyx?
Nais: Bakit close kayo?
Xandre: Hindi noh! Ngayon ko lang nalaman yung pangalan niya pero noong isang araw nagkita na kami. Pero noong time na yun di ko natanong name niya.
Nais: Ikaw talaga! Ngayon mo lang pala nalaman ang pangalan nagtatanong kana na parang imbestigador.
Xandre: Eh sagutin mo na lang ang tanong ko. Ang simple-simple lang ng tanong ko eh.
Nais: Ok! Ok! Palagi yang nandito. Suki namin yan. Palagi yang nagbabasa dito at ang palagi niyang inoorder... hulaan mo?
Xandre: Mocha Frappe?
Nais: Dale! Ok na ba yun?
Xandre: Wait meron pa akong tanong. May boyfriend na ba yan?

Ehem. Nasamid ako! Ano daw?

Nais: Yan? Malabo!
Xandre: Bakit naman?
Nais: Alam mo maganda nga siya..
Xandre: Ang ganda niya talaga!
Nais: Patapusin mo muna ako. Maganda nga siya pero wala yan walang balak magkaboyfriend yan! Ang priority niya pamilya niya. Uulitin ko walang balak! at walang panahon! sa pagboboyfriend yan. Kaya naman huwag mo nang ligawan yan. Maraming nanligaw diyan pero walang pumasa. Pati doon sa kapatid niya. Naku! Parehas sila. Intiende?
Xandre: Naku!  Bakit mo naman nasabi?
Nais: Isa lang ang masasabi ko sayo. Personal Experience!
Xandre: Weeh? Niligawan mo na yang si Onyx?
Nais: Oo naman pre! Alam mo ba sina Thor, Max at Sid?
Xandre: Hindi ko pa alam.
Nais: Huwag kang pilisopo!
Xandre: Sorry!
Nais: Tutuloy ko na. Sila mga barista sila dito sa cafe na 'to naakit rin sila sa kagandan niyang si Nyx, niligawan nila pero ano? Ayun basted! Lahat ng mga suki namin dito na lalaki lahat ata nanligaw na kay Oynx pero ayun wala pa rin! Kasi si Onyx, full package pero walang balak magkaboyfriend!!!

Ano ako promo sa department store? At pinalabas mo pa akong masama! Eh ayaw ko naman talaga silang paasahin eh! Sorry!

Xandre: Paanong full package?
Nais: Ganito yan. Si Onyx... Maganda!
Xandre: Tama yan!
Nais: Matalino!
Xandre: Wow!
Nais: Mabait! Talented! at higit sa lahat matangkad!
Xandre: Full package nga!

Naks naman! Thanks!

Nais: Ano ba sabi ko sayo?!
Xandre: Hayyyyyy!!! Hindi ko na siya papakawalan! Bahira ang babae na full package! Naku! Basta pag niligawan ko yan! Sasagutin niya ako!
Nais: Ang lakas ng hangin! Tinatangay ako! Yabang mo pare! Tignan natin!

Naku! Sa pakikinig ko sa uspan nila. Naubos ko na ang Mocha Frappe ko at what? anong oras na magkikita pa kami ni Pearl sa bahay! Aalis na ako. Pumunta na ako sa Cashier. Nakalimutan
ko kasing magbayad eh.

Onyx: Nais, eto pala bayad! Sensya na nakalimutan ko eh.
Nais: No problem basta ikaw!

Inabot ko na ang bayad. Nahawakan niya ang kamay ko.

Nais: Ang lambot talaga kamay mo!
Onyx: Ikaw talaga! Nananyansing ka nanaman ha!
Nais: Biro lang!
Onyx: Sige alis na ako! Bye Nais! Bye Xandre!
Nais: Bye! balik ka ha!
Onyx: Sige. Bye!

Umalis na ako. Narinig ko na lang si Nais..

Nais: Huy! Pare! Bakit tulala ka diyan? Naku! Tinamaan talaga!

Hahahahhaha! Umuwi na ako sa bahay! Magbebake nga pala kami ni Pearl ng cake.
« Last Edit: April 20, 2009, 03:47:30 pm by p!nk »

swit_emerald

  • taffy
  • ***
  • Posts: 376
  • Karma: +21/-6
  • -just call me elaine-
    • multiply
Re: "Wish" [my second story!]
« Reply #23 on: December 20, 2007, 10:47:50 pm »
naks! inlababo na ata si xandre kay onyx..

iba talaga ang karisma mo girl!! ;)
im a CANDY GIRL by heart...with heart..

im DIFFERENT..

only the CLEVER survives.!!

cycle

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2701
  • Karma: +92/-13
  • || i <3 frappé ||
    • || friendster ||
Re: "Wish" [my second story!]
« Reply #24 on: December 20, 2007, 11:09:15 pm »
hello! new reader..
uhm nice plot! hehe..
i like the mind-reading thingy.. hehe

btw, rein here..

p!nk

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2054
  • Karma: +194/-56
  • Nichkhun <3
Re: "Wish" [my second story!]
« Reply #25 on: December 21, 2007, 11:43:21 am »
hello! new reader..
uhm nice plot! hehe..
i like the mind-reading thingy.. hehe

btw, rein here..

hi rein! salamat at nagustuhan mo ang story ko...

ahaaha..
nice story..
next na po.. please?
joycie here..
hi joycie! salamat at nagustuhan mo ang story ko...

cycle

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2701
  • Karma: +92/-13
  • || i <3 frappé ||
    • || friendster ||
Re: "Wish" [my second story!]
« Reply #26 on: December 22, 2007, 12:10:08 am »
ahehe.. yeah.. cause i love mind-reading eh..
pati na rin telekinesis! haha.. i would love to learn those things..
hehe.. kaso is it learned ba? or a gift?

p!nk

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2054
  • Karma: +194/-56
  • Nichkhun <3
Re: "Wish" [my second story!]
« Reply #27 on: December 22, 2007, 02:27:00 pm »
ahehe.. yeah.. cause i love mind-reading eh..
pati na rin telekinesis! haha.. i would love to learn those things..
hehe.. kaso is it learned ba? or a gift?

i think both...

p!nk

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2054
  • Karma: +194/-56
  • Nichkhun <3
Re: "Wish" [my second story!]
« Reply #28 on: December 23, 2007, 09:45:28 pm »
CHAPTER 5


Pearl: Tamang-tama timing mo! Tapos na akong magbake. Titikman mo na lang.
Onyx: Paano yan hindi na kita natulungan?
Pearl: Ok lang yun! Sa taste test lang naman talaga kita kailangan eh!
Onyx: Ikaw talaga!
Pearl: Oh, eto tikman mo.

Tinikman ko ang cake niya. Wow sarap! Chocolate Mousse..

Onyx: Sarap mo talagang magbake!
Pearl: Salamat. Eh ikaw naman magaling kang magluto. Dapat magtayo tayo ng restaurant. Ikaw chef ako pâtissier.. dibah?
Onyx: Oo ba! Oo nga pala... naalala mo si Ate Sunday yung pinsan natin?
Pearl: Oo. At yung boyfriend niyang si Kuya Louis.
Onyx: Kamusta na nga pala sila?
Pearl: Sila? Ayun! 2 years na sila pa rin! Tagal na noh?
Onyx: Hay... Sana pag nagkaboyfriend ako katulad din ni Kuya Louis.
Pearl: Biruin mo pinaghintay ni Ate Sunday si Kuya Louis ng one year!
Onyx: Oo nga! Mahal talaga ni Kuya Louis si Ate Sunday kasi nahintay niya 'to. Wait! Oo nga pala ikukuwento mo ba yung nangyari sa inyo ni Shane o ako na bahalang umalam?
Pearl: Wag! Ako na ang magkukwento.
Onyx: Sige start!
Pearl: Ayun tama ka mahal niya nga ako. Akala ko naman sasamahan ko lang siyang bumili ng damit kasi nga sasama siya sa beach next week ayun pala...
Onyx: Kasama si Shane kayna Tita next week?
Pearl: Oo pati yung Nanay niya. Saka may inimbitahan din si Mama na best friend niya noong high-school na sumama. Kasama ata yung pamilya. Si Mama na lang ang magkwekwento sayo.
Onyx: Naks. Marami pala tayo sa resort ni Tita. Sabagay.. The More The Better! hehehehe..
Pearl: Sige tutuloy ko na. Sabi niya mahal niya ako pero sabi ko i need more time. Sabi naman niya ok lang daw maghihintay siya.
Onyx: Ang sweet naman! Nilalangam! Hehehehe. Basta! It's up to you! Malay mo siya na yung.. "The One" dibah? Sige akyat na ako. Ang sarap talaga ng cake mo! Walang katulad!
Pearl: Sige!

Umakyat na ako.

Kinabukasan..

Nagising ako sa ingay ng TV. Kaya naman bumaba ako.

Onyx: Ano ba yan yaya? Ang aga-aga! Akala ko naman kung ano.
Yaya: Pasensya na Onyx. Pinapanood ko kasi etong favorite movie ko eh.
Onyx: Ano ba yan?

Naki panood na rin ako.. hehehe..

Yaya: Eto? Sina Donna Cruz at si Jason Everly. Favorite ko kasi yung song dito eh saka ang ganda ng kwento!
Onyx: Ah. Anong ba title ng movie na yan?
Yaya: Isang Tanong Isang Sagot. Matagal na ito pero kahit isang bilyong beses ko panoorin maganda pa rin talaga!
Onyx: Ikaw talaga. Ano ba yung favorite mong song diyan?
Yaya: Eto oh! Yan! Pakinggan mo.

Biglang pinatugtog ang isang kantang parang pamilyar pero hindi ko na maalala kung saan ko narinig..

There's a star in the sky tonight
and it trembles like my heart
And in this world, we're all alone tonight,
so close and yet so far.

My heart would never lie
I can feel you want me too (I can feel you want me too)
And if that star should fall,
then baby, here's what we should do

Wish, take me by the hand and wish
Hold your breath and we may find
it might come true on this starry, starry night

Wish, look into my eyes and wish
Reach out for that dream it's there
for me and you and we might fall in love again.

Mayroong (mayroong) kaba sa 'king dibdib
ito nga kaya'y pag-ibig?
Huwag mo nang labanan pa
Tunay mong damdamin

'Di na maitatagong
Ikaw ay mahal ko rin (ikaw ay mahal ko rin)
Kung panaginip man, sana ay huwag nang magising

Wish...Sana bawat bukas ay
lagi kong kasama ang pag-ibig mo (Dito sa puso ko)
Wish...Sana bawat sandali
ay maging walang hanggan
Mahal kita hanggang kailanpaman


Ganda nga ng song.

Pearl: Oh gising ka na pala. Wait parang narinig ko na yang song na yan?
Onyx: Ako rin eh.
Pearl: Yan yung ringtone ng cellphone nina Ate Sunday at Kuya Louis dibah?
Onyx: Oo nga! Matching pa nga sila ng ringtone! Hehehe.
Pearl: Oo nga! Anyways, gusto mo ba pumunta ng Cafe mamaya?
Onyx: Oo ba sige!

Pumunta na kaming Cafe pagkatapos maligo at kumain. Si Shane ako at si Pearl.

Onyx: Uy! Nais! Usual sa akin.
Nais: Oo ba!

Biglang lumapit si Xandre.

Xandre: Wait! Nahihilo ba ako bakit parang may dalawang Onyx magkaiba lang ng damit?
Nais: Tange! Kakambal yan ni Onyx si Pearl!
Xandre: Wow! May kakambal ka pala. Magkamukha talaga kayo.
Nais: Kaya nga kakambal eh!
Onyx: Oo nga pala Xandre si Pearl kakambal ko. Pearl si Xandre siya yung guy dati yung...

Binulong ko na lang sa kanya medyo kailangan private eh.

Onyx: Yung hindi ko mabasa yung isip.
Pearl: Ah. Siya pala yun! Small world nga naman!
Xandre: Ano yun?
Pearl: Wala! Wala! Nice to meet you!
Xandre: Nice to meet you too!
Onyx: Oo nga pala Xandre, Nais si Shane kababata ko.
Nais: Hi Pare!
Xandre: Hi!
Onyx: Magingat ka Shane lalo na diyan kay Nais naku! Matinik yan sa chicks baka mahawa ka!
Nais: Hindi naman noh!
Pearl: At may pagkamanyakis pa!
Nais: Hindi naman.

Natawa lang si Shane.

Nais: Bago ninyo ako alaskahin. Ano ba order mo Pearl? Ikaw Shane?
Shane: Ladies first.
Nais: Naks naman!
Pearl: Salamat. The Usual din.
Nais: Mocha Frappe. Parehas talaga kayo ni Onyx.
Xandre: Kamabal nga dibah pare?
Nais: Oo nga naman! Ikaw Shane?
Shane: Cappucino na lang.
Nais: Ok. Sige si Xandre na lang magdadala.
Pearl: Ok. Eto bayad oh.

Binigay ni Pearl ang bayad. Nang papalakad kami. Bigla akong bumalik sa Cashier.

Pearl: Bakit?
Onyx: Huwag kang maingay. Alam mo yan lalaki na yan? Manghohold-up yan dito sa Cafe any minute huwag kang maingay.
Pearl: Bakit nabasa mo sa isip niya?
Onyx: Oo kaya naman mauna na kayo umupo.
Pearl: Sige ingat ka.

Pumunta ako sa may cashier.

Nais: Bakit? Bibigyan mo ako ng isa pang chance na ligawan ka ulit?
Onyx: Hindi tange! Huwag kang maingay! Tumawag ka ng pulis.
Nais: Bakit?
Onyx: Huwag kang maingay! Basta tumawag ka ng pulis!
Nais: Ok! Chill!

Pumunta ako sa likod nung hold-upper.

"Hold up 'to! Taas ninyo lahat ng kamay ninyo" sabi niya.

Bigla ko siyang tinadyakan dun sa may kuwan.. Basta dun. Bigla siyang napadapa at namilipit sa sakit. Dumating ng maaga ang mga pulis.

Onyx: Yan ho!
Pulis: Salamat Hija. Kami na bahala sa kaniya.

Biglang lumapit sina Nais, Xandre, Shane at Pearl.

Shane: Ang galing mo ha!
Nais: Paano mo nalaman na manghohold-up siya?
Onyx: Sabihin na lang nating na alam kong manghohold-up siya. Ok? Ang mahalaga ligtas tayo.
Pearl: Oo nga naman.

Wahhh!! What a day! Muntik na yun!
« Last Edit: April 20, 2009, 03:47:41 pm by p!nk »

jan_pink

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1472
  • Karma: +111/-16
  • EEEH.
Re: "Wish" [my second story!]
« Reply #29 on: December 23, 2007, 10:34:51 pm »
una ako?!yey!

nga pala, new reader lang po ako., :)

ang nice nung story.,

sana may powers din ako tulad ni onyx.,heheh., ;D

ay!
jannica here pala!

if you want, jan-jan nalang!

next na sis!

i'll support this!


 

Candy Blog

What We Did: A Week-Long Internship!
by: guest, 2012-02-10
Hi, :hi: we're Estelle and Tanitha, we're 15 and 14 year old French girls and we're in...

Council of Cool Blog

Hidden Treasures
by: Kristine, 2012-02-09
Weekends are sparkling gems in the midst of the doldrums of school and academic requirements....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website