note: eto na po! sana magustuhan ninyo!
CHAPTER 2
Onyx: Ano ba?
May nakabunggo sa akin na guy. Alam ko na sasabihin niya sorry. At wait. Ang sasabihin pa niya na kakilala niya ako.
"Sorry. Wait parang kakilala kita ha?" sabi nung guy.
Coincidence? Hindi. May sasabihin akong secret sa inyong walang nakakaalam kundi si Pearl lang. Nakakabasa ako ng mga iniisip ng tao. Nalaman ko na may ganito akong kakayahan nung 7 years old ako. Galing noh! Pero sabi nga.. "With great power comes great responsibilty!" Pero medyo nacocontrol ko na siya. Pero kapag nakakaramdam ako ng matinding emotion hindi ko siya nacocontrol. Tinanong ko si Pearl kung mayroon siyang kakayahan katulad ko pero sabi niya wala naman daw.
"Ok lang. Uhm.. Parang kilala rin kita." sagot ko.
"Sean?" sabi ko.
"Onyx?" sabi niya.
Sean: Onyx! Long time no see!
Onyx: Sean! Oo nga eh. Akala ko ba nasa province ka?
Sean: Lumuwas lang kami ng Nanay ko kahapon para magbakasyon.
Onyx: Ah. Kamusta na pala Nanay mo?
Sean: Ok lang naman.
Lumabas kami ni Sean ng simbahan habang naguusap nang biglang....
Pearl: Onyx! Halika na!
Biglang lumapit si Pearl sa amin. Alam ninyo ba mga close friends at family friends lang ang nakakadifferenciate sa amin ni Pearl. Yung iba! Yun nalilito. Galin noh!
Pearl: Sean? Ikaw ba yan?
Sean: Pearl! Ako nga!
Onyx: Lumuwas daw sila ng Nanay niya para magbakasyon.
Pearl: Ah. May tutuluyan na ba kayo?
Sean: Wala pa nga eh.
Onyx: Gusto ninyo sa amin muna kayo tumira.
Sean: Nakakahiya eh.
Pearl: Okay lang yun.
Ano ba yan! Sinasabi naman ng utak niya na gusto niyang tumira sa amin dahil kay Pearl eh. Pakipot pa siya! Sabi na nga ba! Matagal na niya gusto si Pearl Hehehehe...
Onyx: Oo nga! Ok lang yun! Matutuwa pa sina Mommy.
Sean: Bahala kayo. Wait tatawagin ko lang ang Nanay.
Pearl: Sige. Maghihintay kami.
Umalis sandali si Sean. Si Sean nga pala ang kababata namin ni Pearl sa probinsya. Naiwan namin siya kasi noong 6 years kami ni Pearl lumuwas kami nina Mommy sa Maynila.
Onyx: Alam mo ba gustong-gusto niyang tumira sa atin dahil sayo?
Pearl: Bakit nabasa mo sa isip niya?
Onyx: Oo. Pakipot pa siya! Hahahahha. Gusto ka lang niya makita. Gusto ka nun eh!
Pearl: Hahahah! Hindi noh! Ikaw talaga.
Onyx: Bakit ba parang nagmamadali ka?
Pearl: Kasi aalis sana tayo. May bibilin ako.
Onyx: Sige sasamahan kita mamaya sa Mall hatid muna natin sina Sean sa bahay.
Pearl: Sige.
Onyx: Ano ba bibilin mo?
Pearl: Pearl.
Onyx: Pinapatawa mo ba ako? Sa totoo lang hindi ka nakakatawa.
Pearl: Hindi noh! Promise kailangan ko kasi ng Pearl earrings para sa kasal ni Ate Nareen.
Si Ate Nareen pala mas matanda sa amin ng mga ilang years. Magpapakasal na sila ng fiance niyang si Kuya Kert next year. Kakaingit sila kasi si Ate Nareen ang first love ni Kuya Kert at si Kuya Kert ang first love ni Ate Nareen. Cute noh!
Onyx: Tagal pa nun ah!
Pearl: Eh!
Onyx: Sige na nga!
Kasi ganito yan. Tatlo kaming magkakapatid: Si Ate Nareen, ako at si Pearl. Pero mas matanda ako ng 1 minute kay Pearl. Hehehe..
Bumalik na si Sean kasama ang Nanay niyang si Aling Mameng.
Aling Mameng: Kayo pala yan, Pearl, Onyx! Papatuluyin ninyo daw kami sa bahay ninyo. Nakakahiya naman!
Pearl: Okay lang ho yun!
Aling Mameng: Salamat ah! Ang babait ninyo talaga!
Onyx: Wala hong ano man.
Pearl: Sakay na ho tayo sa sasakyan.
Sumakay na kami sa sasakyan at umuwi na sa bahay namin.