Part 19 - Candace's p.o.v.
After buying some food and snacks from Stop N Shop, the three friends were back in Candace's condo. Anna pulled out a litle plastic of herbs from her handbag. Tapos she went to the terrace and opened the sliding door.
I asked her, "Ano yang illegal activity na yan ha Anna ?"
"Wag ka magalala Candace, hindi ko paamuyin itong place mo okay. I just need to step out muna. Masyadong magulo isip ko and I want to clear my head okay." Ang sagot ni Anna.
Na-surprised silang dalawa nung sinabi ko kay Anna na, "Sabagay you're right naman. Lahat tayo we need to get our head screwed on right."
So tumingin ako kay Kelly para makita ko reaction nya. Tapos tumingin rin si Anna kay Kelly.
Nag ungol si Kelly, "Ugh! Hindi ko kelangan itong peer pressure okay."
Nag dial ako ng 911-1111 for Pizza Hut delivery sa amin. Nagpa deliver ako ng meat lovers and vegetarian pizza. Tapos habang nagaantay kami ng delivery nag huff and puff kami ng herbs.
Well I was in those moods. Wish na I was still in grade school. Sagot nila mom and dad ang lahat ng gastos. Simple snacks and lots of cartoons lang ang nasa isip ko. Nothing like after college graduation na grabe ang realities of life. Hay nako. I miss it all.
Pero wala na. Those days are memories lang. That's it.
Dumating yung pizza. So we ate up the pizza. Tapos we took out the Jose Cuervo and had tequila shots. Para kaming nasa grow up girls camping trip.
So si Kelly nag gag as she took another hit. "Cough! Hay nako, I can't believe we're doing this."
"Parehas tayo Kelly," I choked. "No wonder ngayon lang ako since college nag smoke nito." And I let out another cough.
At si Anna naman ay nagsabing, "Pagkatapos ng last two relationships mo Candace, isa o dalawang MJ maybe is not so bad compared sa nangyari sayo."
We were all wearing pajamas. Light blue for Anna, pink for Kelly, and I was wearing cream colored ones. Lasing na kami tapos may halo pang buzz. Very tipsy and nagsla-slur na ang mga ibang words namin.
Nagsalita si Kelly, "Wala na. I am out soon na. Hindi na tayo makakalabas to go club dancing. Disco dancing. Whatever dancing."
Agree ako kay Kelly, "Well yan ang last thing na kelangan ko. Na nasa discohan tayo tapos nag ga-grind ang mga girls next to their guys. Grinding on each other tapos suckling faces sila sa mga boyfriends nila."
Nagdagdag si Anna, "That's it. Sleepy time na ako."
Well bago kami mag sleepy time ewan ko siguro dahil sa mixture of ng mga ininom namin and smoke namin and the pizza I went on and on sa mga nangyari sa amin ni Mark. Tapos I tried to end it na ako ang panalo sa confrontation namin. Pero wala kino-convince ko lang sarili ko at sila.
Kelly added, "Forget him, at least tinatawagan ka pa ni Dave Tahid diba?"
Biglang nabuhayan ng life si Anna at nagsalita. "Dave ? Bagong name ata yan. Hindi ko pa narinig yan. Candace, sino naman si Dave ?"
Sinagot ko naman si Anna, "Wala lang I met him. Taga Alabang sya."
Lumiit ang mga mata ni Anna, tapos nag inhale sya, "Ano naman ang work nitong si Dave?'
"He's one of the top engineers here sa Metro Manila area." I answered her.
Pinasa ni Anna ang MJ kay Kelly tapos sinabing, "Yan ang gusto kong pagusapan natin. Diba sabi ko kanina na may mga issues tayo na dapat pagusapan Candace."
Parang mejo ayoko yung dating ng judgemental tone ni Anna. Masama kse ang dating sa tenga ko. Bigla ko na lang sinabing, "At ano naman yon Anna?"
Anna said, "Wag mong sabihin na katatapos mo lang si Mark tanggalin sa buhay mo nayon, ay biglang papapasukin mo sa loob ng pintuan mo itong si Dave bukas?"
Na-sense ni Kelly na mejo nagiinit ang usapan so nag cut-in sya, "Well Anna naman. Hindi naman dapat mag stop ang life ni Candace dahil sa gagong Mark na yon. She has to go on with her life."
Anna added naman, "Look ang sinasabi ko dep from my heart okay. Si Candace ang the best off sa ating magbe-best friends okay. I love her like a sister. And sh'e like parang reyna sya ng bayan. Ngayon, kung reyna sya dapat she should act like one. Nandoon tayo nung linoko sya ni Carlos. Nandito ulit tayo ng niloko sya ni Mark."
Pero may laman yung sinasabi ni Anna. Pero read between the lines, palagi syang Better Than You pag magsalita. Yung know it all na tipong tao na hindi nagkakamali. Palaging tama.
So nagresond lang ako, "Dave is a friend lang naman."
Nag tsk si Anna sabay sabing, "Yan rin ang sabi mo tungkol kay Mark last month. At heto ang kasabihan para sayo okay Candance...'men and women cannot be friends. Kse one of them will want to go to the next level.' Okay Candace?"
So sinagot ko si Anna, "Okay. So tulungan mo akong ma-understand kung bakit ganito ang trato sa akin ng mga men. Alam ko naman I am a good catch eh. Single. I own my own condo. Nakatapos ako. I have a good paying job. I have money saved. Magaling ako sa pera. I am every Filipino man's dream. In fact, I am every man's dream girl."
Parang annoyed yung mukha ni Anna, "Yang condo, good job, at degree mo ay hindi makakatulong sayo pag nabuntis ka at naging single mom ka. At lalo na kung mahawa ka sa sexually transmitted disease." Tapos Anna inhaled more MJ. Sobrang high na sya. Nagsabi pang, "Hetong mga bodies natin parang bulaklak. Wag mong payagan lahat na dumapong bubuyog na i-pollinate ang garden mo. Yang katawan mo parang simbahan. I-treat mo as one."
Ayos ang morality lesson ni Queen of Get High.
Hindi na funny ang pinaguusapan namin so tinanong ko si Anna, "At paano ko naman malalaman kung totoo ang sinasabi sa akin ng guy?"
Sumagot si Anna, "Hay nako Candace. Get a clue okay. Ikaw yata yung pinaka stupid na single girl dito sa Metro Manila area with a degree na kilala ko."
Ang sakit naman non, "Ouch."
Tapos biglang nanahimik lahat ng ilang segundo. Parang halos habang buhay yung time na yun.
Biglang nagsalita si Kelly, "Alam mo Anna akala mo kung sino kang magaling magsalita. Pero bakit ikaw iniwan ka ng tatlong guy na nagpropose sayo na pakakasalan ka. Masyado kang bitter. Kelangan yata meron kang makilalang magtighten sayo. Kelangan mo yata ng some guy to give you a few orgasm para bigyan ka ng bagong attitude adjustment."
Whoh hindi ko ine-expect yun from Kelly na i-defend ako ng ganon.
Sumagot si Anna, "I can have orgasms anytime Kelly. So please okay, mag shut-up ka lang." Tapos tinaas ni Anna ang palad ng kamay nya sa mukha ni Kelly.
Nanginginig na ako sa galit kay Anna so sinabi ko kay Anna, "Anna vibrators don't count."
At dinagdag pa ni Kelly ng, "And mas much better doing it with a guy than a vibrator Anna. Balang araw pag ginamit mo yan makokoryente ka."
Tumaas ang boses ni Anna at pinagsabihan kaming, "Kung meron akong ma-meet na half way decent na guy dito sa Metro Manila then meron pa sana akong relationship. Pero all guys make promises. Tapos mabilis mawala sa buhay mo pag nakuha na nila ang gusto nila. Tapos ikaw pa ang titingnan na sasabihin sayo na ikaw pa ang may kasalanan."
I added na lang, "Well at least kahit linoko ako ni Carlos, he was good in bed kse ako pinauuna nya."
Nabuhayan si Anna, "Talaga?"
Tapos like all girls we discussed the guy's endowments. Of course we will not admit that to guys. But we do talk like guys sometimes. And sometimes we toalk worse than guys when it comes to sex and everything that deals with that.
Natapos yung usapan namin nung sinabi ni Kelly, "Hindi yun tao. Kabayo yun." And we all started laughing.
Tapos sinabi ko kay Anna, "Hindi naman ako naniniwala sayo nung sinabi mo sa akin na inask-out ka ni Carlos on a date."
Tumaas ang ilong ni Anna parang na-offended, "At ano naman ibig sabihin nyan Candace."
"Wala. Drop it." Ang sabi ko na lang.
Tapos nag wander yung isip ko.
...to be continued.
* * * * *
Part 20 - Candace's p.o.v.
Bastard talaga si Dave. Bigla syang nawala sa buhay ko. Wala man lang paliwanag. Tapos babalik sya ni wala man lang tawag. Tapos ang kapal ng mukha at inask out nya pa si Anna para makipag-date ? Napakasakit, parang halos nakalimutan ko yung si Mark at ang iskandalo ng kanyang pamilya. Well hindi naman nakalimutan, yung bagong pain tinakpan lang yung bibig ng old pain.
Napaligiran kaming tatlo ng tahimik. Yung parang nakakasakal na katahimikan.
Ewan ko kung ano iniisip ni Kelly at ni Anna. Pero yung isip ko ay naka kay Dave. Sa pagiisip ko lang sa kanya ay nakakahina ng kaluluwa.
I met him habang kasama ko si Anna at si Kelly partying in a club in Makati. It was an okay and happening place.
Naalala ko na kinalabit ako ni Dave, tapos kinausap ako, and I felt good talking to him. Yung parang feeling weak ka dahil kinakausap ka ng crush mo. That type of feeling. It surrounded me. Tapos the songs changed to a slow tune and we slow danced. I believe in love at first sight, but I'll be giving up believing in that fromnow on. Dave was funny, tall, at meron ambition. Tapos nasa Air Force pa sya, based at Villamor Air Force Base.
So about one year we ate dinners outside in restaurants, tapos we watched many movies, had lots of sex. Pero looking back parang ako lagi ang taya at ako ang gumastos ng lahat. Mahina kse ang money management skills ni Dave.
Pero yung last ko syang nakita was on a Wednesday. Nasa base kami at inaantay ko sya sa room nyang maliit. Aarkila daw sya ng car para mag drive kami ng Tagaytay for my birthday that weekend. Yeah yun ang sabi nya. It sounded great.
"Yes honey. Antayin mo lang ako at ako ang magda-drive para sa birthday mo at sagot ko lahat ng gastos sa Tagaytay. So we can celebrate your birthday." Yun ang huling sabi ni Dave sa akin.
I was supposed to work that Saturday pero nag sick call ako. Para makalabas kami ni Dave ng maaga that Saturday to avoid the traffic sa Metro Manila so South Hi-Way. Tapos nagpa manicure and nagpa pedicure and nagpa fix ako ng bagong hairdo sa salon. Tapos I got home and dressed up kinabukasan ng madaling araw.
Dapat dumating na sa condo si Dave ng 4:00AM. Yung 4:00AM naging 4:30AM. Tapos naging 5:00AM, tapos naging 6:00AM. Tapos umabot na ng tanghali. Napagod na ako ng kalalakad ng back and forth sa condo. Napaiyak nga ako kse Dave stood me up on my birthday at well dressed pa sa bagong dress na binili ko. Nakita ko yung reservation nya sa hotel sa Tagaytay. So tinawagan ko sya ng speed dial. Panay answering machine lang ang sumasagot at voice mail sa cell phone nya.
So nagpalit ako ng damit. Jeans and a shirt and a baseball cap. Pumunta ako ng Jollibbee and got a Yummy Burger and Chicken Joy. Then I went home. Tinawagan ako sa cell phone nila Anna at Kelly. Nag iwan sila ng message ng Happy Birthday para sa akin and kung kumusta raw kami ni Dave sa Tagaytay. Napaiyak lang ako.
Tapos nung midnight na masyadong galit ako para umiyak at masyadong nasaktan para matulog. Parang time stood still.
Lumipas ang ilang araw. Hindi pa rin ako pinarinigan ni Dave. Tumawag ako sa kanya ng ilang beses. Walang sagot sa araw o gabi. So yung galit ko naging worry. Baka kung napaano na sya. So nag drive ako at pumunta sa barracks room nya sa Villamor Air Force Base or kung ano ang tawag nila sa mga rooms na yun sa base.
Ang sinabi ng mga kasama nya na-transfer sya sa Basilan. Pero walang communication open doon unless official militry communication lang daw. Napaka bastardo talaga ni Dave. Hindi man lang nagpaalam. Tapos nalaman ko na two months na pala nyang natangap yung transfer orders nya. Napaka salbahe talaga.
Walang sulat. Walang tawag. Wala man lang postcard na good bye. Talagang nakakainis talaga ang mga taong aalis na hindi man lang mag good-bye.
Grabe. Halos madisconnect ang cell phone line ko. At talagang sagad sa bills ang calling. Tapos naka max-out ang mga credit cards ko sa mga gastos namin. Talagang inabuse nya ang ma expenses ko. My body is exhausted, tapos hindi matino pagiisip ko, talagang pinirito nya ang pagiisip ko. Dapat nakita ko talagang dadating kami sa ganito ni Dave. Na gagamitin nya lang ako.
Ang problem hindi ko pa rin makita.
* * * * *
Part 21 - Candace's p.o.v.
Back sa condo nag sound trippings kami nila Kelly and Anna. Mga R&B and love songs. May mga songs about hopefullness na one day magiging free kaming mga girls from love, lies, at habang buhay na paghihirap.
Nakinig kami. Tapos we sang along with the songs. Pero mostly yung kumakanta ay si Kelly, kse she can really sing good. It's no wonder hindi pa sya nadi-discovered. She is really a talented actress and singer.
Pero nung natapos yung sound trippings namin, biglang nagkaroon na naman ng seriousness sa ere. Sinabi ni Kelly na magusap kaming tatlo ng serious na usapan.
Nag gulp ako parang uneasy feeling na nervousnes, "Okay."
Nag nod lang si Anna to agree with Kelly.
Lumingon sa akin si Kelly. "Candace seriously ano ang pinaka-kinatatakutan mo? Worried kse ako sayo. I don't like to see you get hurt palagi. Alam mo it hurts me also to see you hurt like that. Just to let you know."
Puno ng love yung boses ni Kelly. Like genuine true love from a sister.
I paused. Tapos I let out a sigh. "Siguro getting old na magisa lang. Yung feeling na truly being alone. That's what I am scared of the most. Maging old na alone at broke pa. Yun siguro pinaka fear ko sa buhay."
Nag nod si Kelly sa agreement.
Pero si Anna naman ay nagsabing, "Hay nako Candace napaka dependent mo sa ibang tao."
My hand rubbed my face. Yung mga salita ni Anna parang hamog ng madaling araw, napakalamig at napaka walang emotion or empathy. Parang manhid na baka itong si Anna. "Anna, hindi naman ako dependent noh."
Lalong tumitig sa akin si Anna at nagbitaw ulit ng matulis na pananalita, "Oh really ? Sige nga. Ano yung pinakamatagal na time mo sa buhay na sinubukan mong walang lalake sa buhay mo? Aber."
Nag straighten ang katawan ko, "Alam mo Anna, ang pag-ibig ay just that pag-ibig. Minsan sobrang bilis ang pag dating at pag kilos ng love na hindi ko ma-handle ng maayos. Mas mabilis pa sa pag understand ko minsan. I love being in love. I love making love while being in love. Ganon."
May laman yung salita ni Anna na nagdagdag ng, "Yung having sex. Diba?"
So sinagot ko siya, "Okay, sex. I'm not going to fake it Anna. I'd rather have sex with a guy than have a cold, non-living vibrator okay."
Nagliyab yung mga mata ni Anna. Parang I stepped on her dignity. Ang tulis kse ng pananalita nya. I had to defend myself and not let her step all over me. Even though we're best friends.
Unti-unting lumapit sa space ko si Anna. "Hindi kita tinanong tungkol sa love Candace. Ang tanong ko sayo ay kung gaano katagal mong sinubukan na walang lalake sa buhay mo."
For a moment eye-to-eye kami ni Anna. Walang kibuan basta staredown lang. Kung may baril siguro kami eh nag-draw na siguro kami na parang dalawang cowboys. Or cowgirls.
Si Kelly naman naging peacemaker, "Ano ka ba Anna? Change subject nga tayo. Candace nasaan yung mga playing cards mo. Let's play cards muna."
Ayaw pa rin pakawalan ni Anna ang usapan. "Ang baraha ko ay nasa lamesa Candace. Ang bilis mong sinurrender sarili mo kay Mark. Tapos naman si Carlos ay parang andito lang ng kakailan lang. Ang tanong ko sayo Candace. Ilang lalaki na ang pumasok sa loob mo?"
Parang nabigla ako sa insulto ni Anna. So winarningan ko syang, "Wag kang pumunta dyan Anna ha."
Pero the b..ch kept tormenting me, "Sabihin mo yung totoo Candace. How many men have been inside you?"
Weird talaga ang mundo. Walang makakasakit sayo katulad sa mga pananakit ng mga kaibigan.
...to be continued.