Part 6 – Candace’s p.o.v.
It’s after midnight, biglang meron akong narinig na bata sa labas sa hallway ng condominium ko. “Daddy,” sabi ng little boy. Tapos meron na naman isa, “Daddddyyyyyy.” This time parang little girl. Pero tumatagal parang lumalakas yung sigaw. Parang serena ng police car.
Si Mark naman biglang nagising sa tabi ko sa bed at biglang nag sit-up straight sya. Nagising sa ingay sa hallway. Gabing-gabi na magigising yung buong compound. Talagang minsan hindi marunong mahiya ang mga ibang tao.
Tumayo si Mark. Tapos lalong lumakas yung mga ingay ng mga bata sa labas sa hallway. Grabe. Tulog na lahat ng mga kapit bahay. Nakakahiya sa labas talaga.
“Dadddddyyyyy! Daddddddddyyyyy! Dadddddddyyyyyyyy!” Ang lakas ng sigaw ng dalawang bata. Ano na kaya yung nangyayari sa labas?
Nagbihis si Mark at lumabas ng bedroom door para pumunta sa main door ng labasan para tingnan ang hallway kung ano yung ingay.
Biglang nagsabi si Mark ng, "Sh.t.” Tapos nung malapit na sa main door si Mark bumalik sa kwarto at nagbihis ng damit nyang pang labas. Parang ninenerbyos na ewan si Mark. Yung mga mata nya panay ang blinking, tapos nanginginig sya.
So tinanong ko sya, “Mark sino yung nasa labas? Bakit maingay?”
Ang sagot ni Mark, “ I … umm … I … ummm … aahhhh…”
Basta ang alam ko yung mga bata na nasa labas ay hindi sa akin. Tapos mukhang natataranta si Mark. So naisip ko na yung mga bata na yon ay sa kanya.
Biglang sumigaw yung isa sa mga bata, “Dadddddyyyy uwi ka na! Dadddyyy! Please! Uwi ka na!”
Biglang feeling kong para akong nasasakal. Tapos para akong nahulog sa isang imbornal na pag dating sa pinakamababa ay parang sinalo ako ng demonyo at sinakal ang aking kaluluwa.
Biglang meron isang babae na sumigaw, “Mark Velasco Perez!”
Umikot yung paningin ko nung narinig kong isigaw ng babae yung buong pangalan ni Mark. Linabanan kong wag akong mag black-out sa pagka-shock ko. So nag robe ako at lumapit sa may main door at sinabi ko kay Mark, “Mark sino ba yung mga nasa labas at bakit alam nung babae yung pangalan mo?”
Narinig siguro ako ng babae sa labas dahil sumagot sya ng, “ Yung asawa mo ito Mark. At ang mga anak mong sina Baby, Bambi, at Boyet. Pwede ka bang lumabas dito please?”
Sa sobrang pagka nerbyos ni Mark, tipong nanginig na ang buong katawan nya at parang naglalaway at tumutulo ang kanyang pawis.
Isinara ko ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito sa akin. “Hindi ito nangyayari. Please Mark. Tell me na hindi ito nangyayari sa akin.”
Sumigaw na naman yung isang little girl sa labas, “ Daddddyyyyy, sabi ni mommy na sabihin ko sayo na umuwi ka na.”
Naghalo na yung hilo ko at yung galit ko. At unting nag-turn yung katawan ko na parang latigo, at pag bwelta ng katawan ko kasama yung braso ko, lumagitik ang isang napakalakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Mark.
WHAPAK!
Tilang halos pag 180-degree turn ang leeg ni Mark. At parang bali wala lang yung sakit dahil parang nasa hysteria na si Mark.
Gusto ko na syang patayin. Dapat nga patayin ko sya. Pero sa shock ko ay tilang parang nag freeze ang aking buong katawan pagkatapos ko syang sampalin.
May asawa’t anak sya. May asawa’t anak sya. Ilang beses dumaan yan sa isipan ko.
Tinalikuran ko sya. Nakita ko sa living room yung vase na puno ng roses. Roses na regalo ni Mark kanina. Kanina nung napakaganda ng mundo ko. Feeling nasa heaven.
Yun pala ang angel ay isang demonyong nakamaskara lamang at nagpapanggap na isang angel.
Biglang nagging feeling kong marumi. Feeling naked. Feeling na ako’y nasa gitna ng isang voluntary rape. Tumulo ang mga luha sa aking mga mata.
“Mark sinungaling ka. Liar…liar…liar…”
Biglang natauhan si Mark. Sinubukan nyang magpaliwanag, “Candace… “ Pero iyon lang. Walang lumabas sa kanyang bibig. Huli na sya.
Pero sinubukan nya pa rin ipaliwanag ang sarili nya, “Candace, it’s not what you think.”
… to be continued…