Part 30 - Richard's p.o.v.
Fairview, doon nakatira ang mga parents ko. A place in Q.C. split into various subdivision and where the end is where Fairview intersects with Camarin, Novaliches, and Lagro stands SM Fairview, a gigantic mall in terms of square meters-wise. Before enterring all subdivisions are the usual guardhouse gate with two to three security guards each. And the highways heading towards Jordan Plains and the one heading towards SM Fairview have vehicles that can speed up to 240 kph. During the evenings you can see the kids racing each other there, or in the early hours on Sundays you'll have a film crew filming car chase scenes.
Every first Sunday ng every month meron kaming family dinner doon sa bahay ng parents ko. Everyone sa family ay nag a-attend ng Sunday church service sa North Fairview at pagkatapos ng Sunday mass ay meron mandatory lunch sa kanila mama. Basta gusto ni mama na meron family get together sa kanila every first Sunday ng kada buwan. Siguro gusto nya lang meron update sa balita sa kanyang dysfunctional na family and relatives.
Nagtayo ng volleyball at badminton courts sa likuran ng bahay yung mga bata. Yung kuya ko at ang kanyang tatlong anak at pitong mga bata galing sa kapitbahay ay nagja-jamming ng CD sa stereo-blaster nung lumakad ako sa likuran nung sinusundan ko kung saan nangagaling yung mga masasayang ingay.
Tapos naman, yung semi-kalbo at naka-goatee na jeprox na papa ay nasa harapan ng kanyang grille at naka sombrerong ala-chef at naka apron, naka jean shorts at sandals habang naka mejas na hanggang tuhod. He was wearing the ipod na regalo ko sa kanya nung Pasko at siguro ay nakikinig ng mga old school tunes. Tinanggal nya yung headphones nya at inalis yung tabaco nya sa bunganga nya at nag wave sa akin nung dumaan ako ng gate.
Nagsalita si papa, "Alam mo bang halos lunes na, anak."
"Maga-alas-dos pa lang," Nag-shrug ako. "May kelangan lang asikasuhin kanina."
Nag shake ng ulo lang sya. "Mag asawa ka na. Madaming taong namamatay ng kaliwa't kanan."
"Paano mo naman naisip na babae na naman ang inaasikaso ko kanina?" Ang sagot ko sa kanya.
"Bakit mo naman nasabing hindi? Eh palagi kang may kasamang sabaw na putaching."
Mejo naiirita ako kay papa na naman. "Alam mo pa, mali ka eh. Alam mo ba kung gaano ako kalayo dito sa inyo?"
Sumagot sya ng, "Okay halos mga 80 kilometers o 100 kilometers. Eh sino ba naman ang nagsabi sayong lumipat ka sa malayong lugar doon sa lagpas ng Alabang."
"Papa, banda doon ang aking trabaho."
"Marami rin namang trabaho dito ah. Dapat malapit ka sa pamilya mo. Yan ang mga problema sa mga ibang bata ngayon lalayas ng malayo. Tapos nakakalimutan ang mga pamilya. Hindi katulad ng mga intsik. They stick together at nagtutulungan at hati hati sa gastos. Kaya mas madalas kang makakita na mas maganda ang buhay ng mga intsik kesa sa mga pinoy.
"Pag mas mataas na ang sahod sa gawi dito ng Kyu-Si, eh tsaka lang ako babalik sa balwarteng ito."
"Anak, bahala ka. Sya nga pala, yung Midori ay naka isang daang tawag na dito sa kahahanap sayo."
"Pa, ano sabi nya?"
"Tawagan mo sya. Anong akala mong sinabi nya? Atsaka meron pang mga ibang babae na tumawag dito. Marami na akong nakitang mga lalaking nawalan ng buhay dahil sa mga katarantaduhan na mga ganyan. Mhm. Yung mismong kapatid ko'y binaril dahil sa isang putaching na babae."
"Yes, sir. Binanggit nyo po yan sa akin."
"Pero matanda ka na at may edad ka na. Kaya magisip-isip ka. Basta wag ka lang magdala ng gulo mo dito sa pamamahay ko. Wag mo dalhin dito sa bahay ng mama mo. Marami na syang nadaanang problema sa buhay nya.
Alam kong tinutukoy ni papa ang aking tunay na ama. Palagi nyang binabangit yun.
Pero yung suot ni papa na t-shirt ay napaka bright. Sobrang pangit na halos ayos tingnan sa kanyang pot-belly. Nagba-barbeque sa kanyang grille. At kanya talaga. Bawal gumamit kahit sino, kahit meron silang katulong ay bawal gumamit ng grille ang katulong.
Halos kasal na si mama at si papa ng mga fifteen yata or sixteen years. Pero baka mas malapit sa twenty-one years yata. Kse nasa college na yung utol kong babae. Sa kada birthday celebration ng aking mas batang kapatid na babae, halos nakalimutan ko na kung ilan, so siguro mahigit twenty-one years na ngang magkasama sila papa at mama.
Kami ni papa, hindi kami nagkakasundo mula nuon pa. Nung bata pa ako inignore nya ako o walang patience sya sa akin. Parang feeling outcast ako. Hindi naman nya ako na-mistreat, pero halatang parang walang pakialam sya sa akin. Minimal contact lang kami. Halos walang usapan. Pero sobrang daming disiplina. Alam ni mama ang feelings ko sa papa ko, at ang feeling ni papa sa akin, kaya binigyan ako ni mama ng mas maraming pagmamahal galing sa kanya mismo para mabalanse yung pagmamahal na kulang galing kaya papa.
* * * * *
Part 31 - Richard's p.o.v.
Lumabas ng bahay si mama, sinigaw yung pangalan ko at binigyan ako ng usual impatient na frown. Nag flop yung chinelas nya with each step. Tinangal nya yung reading glasses nya nung binigyan nya ako ng kiss at sabay sabing, "Nasaan na yung softdrinks na sinabi kong dalhin mo?"
"Ma nasa koche. Kunin ko in a minute okay." I hugged and kissed mama. Parang masaya sya na pumarito ako sa kanila.
"Well, hindi naman kami kakain sa koche mo hijo. Nauuhaw na yung mga tao sa bahay, ah ewan ko. And tumawag nga pala si Midori ng mga ten minutes ago. Gusto nyang tawagan mo sya ng pagdating mo dito."
"Okay ma, tatawagan ko sya. Bakit nga pala nakataas at pinned yung buhok mo ng ganyan?"
"At si Britney nga pala ay tumawag dito kagabi. Nakataas at naka pin yung buhok ko dahil sobrang init ngayon. Sobrang sobra na baka pumunta ako doon sa hair salon ni aleng Nancy at ipaputol ko ng sobrang ikli ang buhok ko ng katulad ni aleng Nancy."
"Mama please lang, huwag mong pagupitan yang buhok mo."
"Bakit ba ganyan kayong mga lalaki. Gusto nyo mahaba parati ang mga buhok ng mga babae, tapos yung buhok nyo ay pinapaiklian nyo?"
"Kase it looks good mama."
"Hay nako. Kunin mo na nga yung mga softdrinks doon at dalhin mo sa loob bago ma dehydrate ang mga tao."
I hugged mama again. "Okay ma. Nasaan ba ang lahat ng mga tao?"
"Yung kapatid mong si Junior ay nandoon sa barber shop. Mejo matatagalan sya sa trabaho hanggang mamayang gabi, so baka hindi sila makapuntang magasawa at yung mga bata dito. Alam mo naman yung asawa nyang si Doreen, hindi mahilig mag drive kahit sobrang pagod na ang kanyang asawa sa trabaho." At pumasok ulit sa loob si mama.
Yung binata kong musculadong younger brother na si Nelson ay lumabas ng pintuan. Naka-dressed to kill. Palaging soabe itong si Nelson. Ayos palagi magdamit.
Binati ako ni utol Nelson, "Uuuuyy stranger? Bakit wala ka sa simbahan katulad ng lahat dito?"
"Nag oversleep ako man. Alam mo hindi nyo dapat i-expect na makapunta lahat ng tao sa alas ocho ng umaga ng linggo." Natawa lang ako nung sinabi ko yun sa kanya. Lalong mas mahirap kung may katabi kang warmth. Haha. Tapos nahalata ko nagpatubo sya ng bigote. Nag apprvoe thumbs up ako sa kanya, "Ayos ang bigote man."
Nelson replied, "Well sabi ni Lisa nagmukhang akong sophisticated dahil sa bigote."
Sinabi ko sa kanya, "Alam mo man, mag yosi ka ng Philip Morris para sophisticated ang dating mo. Ah hindi nga pala pwede, kase under ka ng syota mo. Bawal mag yosi. Pero kelan ka ba unang nakinig kay Lisa?" I started to laugh.
"Yung araw na ikinasal kami."
"Nelson !!!" Sumigaw si mama sa may pintuan.
Nagsalita si Nelson, "Ikukuha ko si Grace ng birthday gift." Tinutukoy nya yung baby sister namin na nasa college.
"Wag kang mala-late ha." Sabi ni mama, "Narinig nyo ba ako?"
Sabay kami ni Nelson sumagot, "Opo mama."
"Alis muna ako. Sunduin muna si espi. Balik rin ako maya maya." Sabi ni Nelson.
"Richard bilisan mo." Lumabas si mama at itinulak akong pagai ng koche ko. "Kunin mo na yung mga softdrinks bago ako mag dehydrate. Sana hindi ka bumili ng mga cheap na softdrink ha. At pinagiba-iba mo naman ng klase. Hindi katulad nung dati eh puros pop at sarsi ang binili mo. Kung ganon lang eh tubig na lang sana ang ininom ko."
Pwedeng magsalita si mama ng sobrang haba kung minsan pag nasa bahay nya ang mga anak at mga apo nya. Pero parang mas over-na-over yung mga salita nya na parang may urgency. Petite si mama. Pwede syang kumain ng parang kabayo pero hindi tumataba. Fast metabolism sya kase. Maliit na tao pero kung minsan eh parang higante kung magsalita.
Pumunta si mama doon sa may pwesto ng stepfather ko para mag inspect ng linuluto ni papa. Tinakot ni papa si mama at itinaas nya yung sandok at pang tusok sa kay mama, pero hindi man lang kumilos so mama. Walang takot sa kanya. Haha.
Nagsalita si papa na may halong irita ang kanyang boses, "Ginugulo ba kita babae nung nagluluto ka ng kare kare at kaldareta sa kocina kanina ? Ha ? Pumasok ka nga sa loob ng bahay bago maginit ang ulo ko sa galit at masunog ko ang lahat dito."
Kinurot lang ni mama ang pisngi ni papa at diniin yung kurot at tumawa. "Bilisan mo ang pag luto sweetheart."
"Layuan mo nga ako babae!" sabi ni papa at talagang naiirita na sa kakulitan ni mama. "Bumalik ka nga sa loob ng bahay at para naman may pakinabang ka!"
Hindi kumilos si mama hangang ready na sya. Ganon talaga maglambingan yung dalawa na yan.
Ayos talaga dito pag nagkita-kita ang lahat. Sobrang maingay, sobrang puno ng buhay ditto.
* * * * *
Part 32 - Richard's p.o.v.
Nagkwentuhan kami sa monthly gathering sa kanila mama. May mga dumaan na mga kapitbahay din. Pero yung attention ko ay sa mama ko. Yung babaeng na-nag allow sa kanyang second husband na burahin ang mga memory ng father ko at ilipat kami sa Fairview. Yung nanay kong si, Anne.
Apat na anak. Dalawang ama.
Pero mahal ni mama ang dalawa naming ama to last a lifetime.
Sa harapan ng mga tao I had to tolerate yung pagkwento nya tungkol kay daddy. Sasabihan nyang masyadong jeprox, pogi, at mayabang. Na mas feeling nyang asawa sa mga babae nya kesa sa mismong asawang pinakasalan nya. Yan ang palaging sagot nya sa mga taong nagtatanong tungkol kay daddy.
Pero walang nagbangit yung kinabukasan sa pag alis ni daddy sa buhay namin nung kasama nya yung babaeng naka dilaw na damit. Yun yung huling pagkita ko kay daddy. Katulad ng sinasabi ko, kinabukasan non, dumating kami ni Nelson kinabukasan galing sa school. Si mama ay nasa harapan ng bahay nakaupo lang sa rocking chair sa likuran ng bahay, hawak ang .38 revolver habang pinapanood nya ang ang isang pile ng mga sunog na men's clothing sa sinigaang drum. Nung namamatay na yung apoy, linagyan nya ulit yung drum ng mga panibagong mga shirts, pantalon, etc. tapos bumalik sya ulit sa rocking chair nya. Yung .38 revolver nasa lap nya.
Nagtanong kay mama si Nelson kung nasaan si daddy, pero nakaupo lang sya sa rocking chair nya, walang imik at nakatingin sa malayo. Pag meron dumaan na koche sa harapan at parang huminto, itinaas ni mama yung baril at handang kalabitin ang gatilyo ng baril. Akala ko babaril sya ng ibaong maya o kalapati non. Yung parang naghunting. Basta I kept my mouth shut na lang at pinanood ko lang si Nelson para alam ko kung ano gagawin ko. Halos kinausap ni Nelson si mama ng kalahating oras non. Tapos huminto rin si Nelson nung hindi sya sinasagot ni mama. Tapos nagtinginan lang kami ni Nelson ng kalahating oras ulit. Tapos biglang nabuhayan si mama at ngumiti sa amin ni Nelson, "Hey, darlings. Kelan kayo dumating sa bahay?"
May mga bagay sa buhay ko na talagang nakatatak sa isip ko. Pagkatapos non, yung sumunod na umaga naman bago ako nagising ng madaling araw, nakita ko si mama lumabas ng bahay, naka damit ng maganda at mabango. Parang katulad ng mga Sundays bago kami pumunta ng simbahan. Pero malayo pa rin ang tingin parang katulad ng nakaraang araw. Malayo ang tingin.
Hindi sya bumalik hanggang gabi na, nung wala ng araw at maingay na yung mga crickets. Naalala ko may mga nahuli kami ni Nelson na mga salagubang. Tinalian namin yung mga hita nila at pinipilit namin silang lumipad. Tapos biglang dumating si mama at nakangiti. Pero feeling na hindi normal. Parang normal ang dating na natakot kami ni Nelson. Yung tipong gusto naming lumayas ng bahay sa takot. Basta binuhat ni mama si Nelson at hinalikan sya. Tapos sumayaw si mama. Tapos nagluto sya ng dinner. Made dessert. Tinulungan kami sa homework namin, at kinantahan kami para makatulog.
Pero ang nalaman namin ni Nelson galing sa mga ibang tao yung nangyari kung saan pumunta si mama at kung ano nangyari. Alam mo naman sa province, ang chismis ay parang bagyo. Umaabot sa lahat ng parte ng bayan. Nung umalis si mama ng madaling araw, pinuntahan nya pala si daddy sa trabaho nya. Tumayo lang sa labas ng trabaho ni daddy at tinawag ang pangalan nya. Tapos lumabas si daddy galit na galit at nagmumumura, at sinundan si daddy ng best friend nya sa trabaho na si Jerry. Huminto lahat ng mga kasamahan nila sa trabaho para panoorin yung "show". O kaya panoorin ang iskandalo. Hawak hawak ni daddy yung kamay ng matangkad na babaeng kabit nya.
Parang ice-cold yung boses ni mama daw, "May plano ka pa bang umuwi?"
Bago makasagot si daddy, lumapit kay mama yung kabit nya at tinakot si mama na babaliin nya yung leeg ni mama dahil pinuntahan nya ang lalaki nya. Tapos dinuraan nya si mama.
Lumakad si mama ng dalawang hakbang na parang aalis na, tapos dinukot nya yung treyntay-ocho ( .38 revolver ) sa kanyang bag at kinalabit ang gatilyo ng baril at nagpapaputok.
Pucha...nagkanda-dapa-dapa ang mga tao sa katatakbo sa kung saan-saan. Tumalon dito, at tumalon doon. Nagtago sa kubli ng kung ano ano...puno, pader, etc. Anim na bala ang pinaputok ni mama. Tapos nag re-load sya ng anim na bala ulit. Wala syang tinamaan na tao. Hindi naman nya talagang sinubukan tumama ng tao sa pagbabaril nya. Hindi naman nya kailangan. Pero alam namin ni Nelson na asintado si mama sa baril. Kahit dalawang kanto ang layo ng target ay bullseye na tatamaan ni mama ng baril.
Bumaril si mama sa parte ni daddy at ang kanyang kabit. Ipinakita lang ni mama sa kay daddy at ang kanyang kabit kung sino sya at kung sino ang sinasagupa nila.
Sobrang takot ang babae ni daddy, na itinutulak nya si erpat sa harapan nya. Natumba yung babae, nagdasal, sumigaw, tumajak, umiyak, at nagsorry. Napaihi siguro rin sa sobrang takot.
Tapos itinutok ni mama yung baril sa babae at sinabing, "Alam mo, hindi ko nagustuhan yung pagdura mo sa damit kanina."
Sumigaw na naman ng todo yung babae, nag-aleluya at sobrang dasal.
Tapos lumingon si mama kay daddy at itinutok yung baril kay daddy.
Nagsisigaw si daddy at nagdasal ... Kahit hindi sya nagsisimba.
... ITUTULOY.
* * * * *
Part 33 - Richard's p.o.v.
Nung tinutuk ni mama yung .38 revolver kay daddy at nagsisisigaw ng dasal si daddy parang sureal yung dating.
Nagsalita si mama, "Magpasalamat ka at tatay ka ng mga anak ko. Basta magpasalamat ka.
Nagpaputok si mama ng limang beses sa bagong sasakyan ni daddy na Toyota. Tapos kung anong makina, radiator, ilaw, gulong, windshield na hindi pa sira o nabasag sa papuputok ni mama, ay sinira nya ng pagpupukpok ng cementong hollow blocks.
Nung matapos si mama tiningnan nya na parang demonyo si daddy at pinagsabihan nyan, "Wag kang babalik sa bahay."
Parang tutang nagsalita si daddy, "Eh paano yung mga damit ko?"
Kinasa ulit ni mama yung baril at tinutok sa gawi ni daddy.
Umatras ng palayo si daddy.
Lumakad ng paalis si mama at nagsabi sa mga tao, "Magandang araw sa inyo." At isinuksok nya ulit ang kanyang revolver sa kanyang bag.
* * * * *
Part 34 - Richard's p.o.v.
Pagkatapos ng ilang araw nung incident nung pinababaril ni mama yung koche ni daddy, dumating sa harapan ng pintuan namin si Jerry. Binati sya ni mama ng revolver at walang salita. Ibinaba lang ni Gerry yung dalawang bags ng grocery sa lumang upuan sa harapan ng bahay. Tapos nag nod sya sa kay mama at unting lumakad sa koche nya at nag drive away.
Once every week pag gising namin ng umaga meron dalawang bags ng grocery sa harapan. Minsan pag may ice cream doon sa bag eh kakatok si Gerry sa bintana namin, para kunin namin agad yung grocery bags para hindi matunaw yung ice cream. Tapos ilalagay namin sa ref. Bago kami dumating sa may pintuan ay wala na sya at nakapag drive na ng paalis.
Pero isang umaga inabutan sya ni mama habang binababa nya yung grocery bags sa harapan. Ilinabas ni mama yung revolver atpinagsabihan si Gerry ng, "Sabihin mo sa kanya na hindi ko kailangan ang charity nya. At ibalik mo itong mga grocery sa kanya."
"Misis, hindi po galing sa asawa nyo ang mga supplies na ito," ang sagot ni Gerry kay mama.
"Sino nagpadala ng mga iyan?"
"Galing po sa akin ma'am."
"Bakit?"
Sumagot si Gerry, "Wala naman po akong masamang dahilan kung bakit ko kayo dinadalhan ng supplies. Miss Anne alam kong nasa hard times ng buhay kayo. At nakita ko ang ginawa ni Arturo na masarap ang buhay kasama yung kabit nyang babae habang naghihirap kayo at ang mga bata. Hindi ko kayang matiis na makita kayong maghirap ng mga bata."
"At bakit naman?" Ang sagot ni mama.
"Kasi Miss Anne, mula't nung simula I always thought highly of you. Palagi mula noon hangang ngayon." Yun ang sagot ni Gerry, yung aking stepfather ngayon.
* * * * *
Part 35 - Richard's p.o.v.
"Alam ko naman na noon pa eh mabait at maresposibilidad kang tao. At alam ko rin na wala kang kakilalang mga kamaganak ditp sa inyo na makakatulong sayo. Ngayon hihingi ako ng paumanhin sayo kung na-offend kita. Pero ginagawa ko lang ang dapat na tama. Ngayon mauuna na ako sa inyo." Ang sabi pa ni Gerry kay mama.
Inimbita ni mama si Gerry at nag stay sya ng sandali para uminom ng kape.
Pagkatapos non nakita namin si Gerry ng maraming beses pa at madalas. Dumadaan sya ng mga araw at minsan sa gabi na may dalang ganito at dalang ganyan. Minsan meron syang inaayos sa bahay.
Pagkatapos ng halos isang buong taon na ganon, minsan nagising ako na wala na sya sa sala. Pero nasilip ko sa labas na nasa labas pa ang kanyang koche. Sarado yung bedroom door ni mama. Matagal ng hindi sarado yung bedroom door ni mama mula nung umalis si daddy sa bahay namin at kinasama yung babae nyang kabit.
Dumating rin yung panahon na wala akong pakialam sa pagpunta ng bagong lalaki na ito sa bahay namin. Pero dumating din yung panahon na nakasanayan ko yung pagpunta nya sa bahay namin at parang mejo ayos din yung pagpupunta nya. At nag enjoy kami ni Nelson na minsan sinasama nya kami sa koche nya at naglalakwacha kami. Nakasanayan ko na rin yung tawanan na nanggagaling sa locked na pintuan sa kwarto ni mama.
Pero still, namis ko rin yung dad ko.
Tapos ikinasal si mama at si Gerry. Hence naging stepfather ko si Gerry. At hence pa ang tawag ko sa kanya. Inampon nya kami at ipinalit nya yung apelyido namin sa apelyido nya. Pagkatpos ng mga walong buwan ay ipinanganak yung kapatid naming si Grace. Tapos the following year ipinanganak naman si Junior.
Sinabi sa akin ng mga tao, na inabot rin ng problema ang dad ko. Parang nag drive sya ng malayo. Tumawid ng ferry boat at nagpunta ng Visayas hanggang Mindanao. Basta ang nalaman na lang namin pagkatapos ng ilang taon ay may dumating na sulat sa amin namatay na sya. Ang dahilan ay sakit sa atay.
Hindi ko binabanggit yung story na ito. Family story usually mejo mabigat sa kalooban ko. Hindi ko naman ginnusto na ibang lalaki ang maging tatay ko. Hindi ko ginusto ang isang stranger na papasok sa pamamahay namin at leleksyonan ako kung ano ang tama at kung ano ang mali.