Part 38 - Candace p.o.v.
Pinuntahan ko yung ringing phone. Baka si Dave ang tumatawag. So I picked up on the fifth ring bago mag-on ang answering machine. “Hello?”
“Boo!” Ang sagot sa kabilang line. “Bakit mo sinagot ang telephone?”
Sagot ko, “Hoy Kelly wag mo ng i-disguise ang boses mo. Alam kong ikaw yan.”
Tumatawa sa kabilang line si Kelly, “Haha. Natakot ka noh. Sabihin mo yung totoo.”
“Alam ko naman na ikaw yun Kelly.”
“Kelly tinawagan mo ba si Anna ?”
“Nagbibihis sya. Alam mo naman, kelangan nasa work sya bago sila mag-open.”
Tinanong ko si Kelly, “Alone ka ba ?”
“Wala dumaan lang si boyfie. Andon sa bedroom tulog na parang nasa coma.”
Nagusap kami ni Kelly. At nagtawanan. Habang naguusap kami nagbibihis ako. Pagkatapos ko magbihis at palabas na ako ng bedroom, biglang may malakas na beep. Naka-on pa siguro yung answering machine.
Sabi ni Kelly, “Nako Candace sana wala tayong sinabing very juicy sa usapan natin.” Tumawa na naman si Kelly.
Inisip ko pero hindi ko maalala kung ano pinagusapan naming. Well ayoko naman na naka-record ang conversations naming at pakingan ni Dave. After all ang mga conversations ko ay para sa akin lang. So sinabi ko kay Kelly na teka muna. Iba kase ang mga buttons sa answering machine ko sa bahay. So hindi ko alam kung anong button dapat pindutin.
Sabi ni Kelly, “Basta pindutin mo yung may tuldok. Yung may circle.”
So pinindut ko at nag-stop ang machine.
Nagtanong si Kelly, “Ano ba pinagusapan natin?”
“Hindi ko matandaan eh. Hmmm. Erase ko na lang lahat.”
Nagsabi si Kelly, “Teka teka. Candace, baka may mabura kang important na message na kelangan ni Dave.”
Tama nga naman si Kelly, “Okay ano ba dapat.”
“Candace basta pindutin mo yung may reverse o parang pang rewind ng message. Tapos press mo yung parang forward na para mag-play.”
So pinindut ko at nag click yung answering machine. Tapos mejo matagal ang pag rewind ata at nag play ng old message ni Dave. Boses ng babae ang nag iwan ng message. At ganito ang sabi nung nag iwan ng message.
“Hello Dave. It’s me. Ummm nagluluto ako. Kung gutom ka pa, ako rin gutom. Gutom na gutom ako sayo honey. Alam ko parang trip diba. Pero ikaw nagti-trip din. Talk to you later. Bye.”
“Sh.t! Kelly narinig mo bay un?” Napatalon ako.
Sumagot si Kelly, “Mukhang iba ang gusting lutuin ni sis ah. Ilapit mo ang receiver sa machine at lakasan mo ang volume.”
Tapos yung sumunod na message ay galing sa boss ni Dave.
“Dave si boss mo ito. Ginawa na naming yung weekend schedule as per your request, hindi mo kailangan pumasok ng mga weekends this whole month. Si Anthony ang co-cover sa weekend shift mo. Have a good month and weekend Dave.”
Napatingin ako sa wrinkled sheets sa kama. Naalala ko yung mga basing sheets nung umagang nahuli si Mark ng kanyang asawa.
Not again. Ayoko na talagang umiyak.
Silence.
Nagsalita si Kelly, “Candace are you all right ?”
“Okay lang.” My teeth were clenched sag alit. “Lumang tugtugin na toh Kelly.”
... to be continued