Part 29 - Richard's p.o.v.
Ang pagtatapos ng isang relasyon ay hindi napak-simple lamang. Pero kay Melissa parang napaka-simple lang ng pakipag-break. Mas nahirapan pa nga ako sa Jollibbee sa pag-decision kung Jolly Hot Dog o Yummy Hamburger ang pipiliin ko.
So yun. Naalala ko lang yung relasyon ko kay Melissa. Yung buong relasyon mismo. Inaalam ko lang siguro kung kung saang moment nagbago ang isang loving relationship at naging ganitong bulls..t.
Basta yung natatandaan ko lang ay tinanong ko si Melissa, "Okay, come on tell me. Ano ginawa ko?"
"Wala." Nag pause sya. Tapos nagtuloy-tuloy syang, "Wala kang ginawang masama Richard."
Tapos biglang napaiyak si Melissa at dumiretso sya sa banyo. At pagsara nya ng pintuan dinig na dinig ko yung pag iyak nya sa loob ng C.R.
So everything got messed up. May milagro palang nangyayari sa harapan ko. Hindi ko lang napansin dahil sobrang busy ako sa pagaasikaso sa kinabukasan naman para everything stays sweet. And this is how Melissa repays my kindness, loyalty, and being a good man...by cheating behind my back and then breaking up with me.
Pag labas ni Melissa ng C.R. nagmadali sya at nagimpake ng maliit na overnight bag. Nung bago sya lumabas ng pintuan tumingin sya sa gawi ko pero nakatingin sya sa kanyang mga paa at nagsalitang, "Richard babalikan ko yung mga iba kong gamit habang nasa trabaho ka." Pero sa boses nya at sa kilos nya ay desididong-desidido sya na iwanan ako at makipagsama sa lalaking nakipagkita sya ng katagalan na, na hindi ko alam habang magkasama kami.
Hindi nya ako matingnan ng diretso. Ganon siguro talaga ang mga taong may mga ginagawang mali hindi makatingin ng harapan.
At parang anino biglang wala na sya sa pintuan at buhay ko non.
Tapos lumipas ang tatlong araw. Gabi na siguro mga after midning nag ring yung telepono ko. Tinawagan ako ni Melissa. Gising na gising pa rin ako dahil hindi ako makatulog mula nung umalis sya.
Basta ang sinabi lang ni Melissa ay, "Richard kelangan makita kita."
Mga ilang oras lang biglang dumating si Melissa sa harapan ng pintuan ko. She was walking back and forth nagaantay na papasukin ko sya sa loob.
Sabi ko, 'Okay lang Melissa, pasok."
Nung nasa loob na sya, parang iba yung mukha at kilos ng katawan nya. Yung tipong parang isang taong nagkaroon ng isang malaking tragedy. Hindi ko na sya tinanong kung ano nangyari sa kanya.
Habang tumagal si Melissa sa loob ng apartment ko, nanlaki ang kanyang mga mata. Parang ito yung pinakaunang punta nya sa pamamahay ko.
Tapos nagtanong sya, "Pwede ba ako makitulog dito. Sa sofa mo na lang ako." Sinabi ko na lang sa kanya na no problem.
Tapos nung babalik na ako sa kwarto para matulog she was there sa bedroom door ko with a pajama top unbuttoned blocking the door. Tiningnan nya ako tapos tiningnan ko sya. She took my hand and led me to the bedroom.
There was really no passion.There was too much pain the couple of days. It wasn't cool. Ang hirap mag pretend na okay lang ang lahat. Parang napipilitan lang ang lovemaking. Parang napipilitan lang ako. Dahil alam ko na kung ano ang ginagawa ko, ay ilang oras lang at kung ilang beses sa nakaraan na buwan, meron ibang lalaki ang gumagawa sa kanya na ang ginagawa ko ngayon sa bedroom.
I did not love Melissa anymore. She knew. And she accepted the pain. Nung pagkatapos ng lovemaking we just layed next to each other, parang dalawang taong hindi magkakilala.
I hated remembering all that. I hated remembering all that messed up thing with Melissa. All the pain. Yun ang problema ko ngayon. Hindi ko maibigay ang lahat kay Midori. Mula nung problema kay Melissa, I decided to have safety nets. Na yung huwag ibigay ang lahat sa isang babae, dahil masasaktan ka lang.
Trisha.
Kelangan kong ma-control ang mundo ko. Yung ang kagandahan kay Trisha. Always welcome ang mga tanghaling dalaw ko. At hindi tinatangihan ang tawag ko ng mga gabing katulad ng midnight hours. Lagi akong welcome sa kanya.
So tinawagan ko si Trisha. Nag ring yung phone nya ng tatlong beses. Meron pagod na boses na sumagot. Lalake. I hung up the phone. Alam kong tama ang pag dial ko. Dial ako ulit. Yung lalaki pa rin yung sumagot. Ang tono ng boses ng lalake ay parang isang taong akala mong sa kanya yung telepono.
I hung up the phone. That hurt. I don't know why.
Mukhang mas kelangan ko pa ng mas malaking safety net.