Part 1 - Richard p.o.v.
"Ilan na ang girlfriend mo ngayon?"
Nung nasa grade three ako dinalaw kami ni dad. Palagi akong amazed sa pagdadamit ni dad. Mula ulo hanggang paa, palaging malinis at soabe. Tapos umupo si dad sa sofa at tiningnan ang report card ko. Nag grunt sya na parang low-voiced na ubo tapos humithit sya sa yosi nya na Marlboro. Bali wala kay dad na perfect yung attendance record ko sa school, at parang okay lang din na above average ang mga grades ko. Pero parang natuwa sya na nasa honor roll ako ngayon. Nahalata ko sa mata nya na parang masayang makintab pero tipong binali wala nya lang. Humithit pa sya ng mga dalawa o tatlong beses pa sa yosi nya tapos linagay nya sa ashtray at pinatay nya yung yosi ng isang diinan lang ng kanyang kamay. Tapos yung kabilang kamay nya ay kinuha yung lapad na alak at tumoma sya. Isa yata o dalawang gulp, tapos bigla nya akong hinatak sa kanya.
Linapit ni dad yung mukha nya sa akin tapos sinabi nyang, "Narinig mo ba ako Richard? Come on, pwede mo naman sabihin sa akin. Daddy mo ako."
Pero I shook my head, parang tilang lito ako sa sarili ko. Ngumiti si dad at parang nangintab yung mga ngipin nya. Lumapit sya sa tenga ko tapos binulungan nya ako, "Ilan na ang girlfriend mo ngayon?"
Inisip ko kung isa lang sabihin ko sasabihin ni dad na bakla ako. Pag sinabi kong dalawa baka kanchawan naman nya na kahina ko naman. Yung may girlfriend nga pero mahina naman. Kaya sinabi ko na lang sa kanya, "Dad three ang girlfriend ko."
"Good boy." Inakbayan ako ni dad tapos tinap nya yung ulo ko. Parang feeling proud na proud sya sa akin. Tapos linagay nya ako sa lap nya at sabay sabing, "Big boy ka na ngayon Richard. Proud si daddy mo sayo."
"Ngayon pag naging binata ka na, alam mo na dapat gawin mo sa mga chics diba ?" Tanong ni dad sa akin.
Hindi ko alam so I just shook my head na parang ewan.
Binulong ni dad sa akin, "Hanapin mo sila. Bolahin mo sila. Yariin mo sila. Kalimutan mo sila."
Hindi ko alam kung ano ibig sabihin ni dad bata pa kase ako. Pero yung mga sinabi nya it stayed palagi sa isipan ko.
Tapos biglang dumating si mommy sa sala. Masama yung tingin ni mommy kay daddy sabay sabi nyang, "Nasaan yung wedding ring mo? Bakit hindi mo suot?"
Tumawa lang si daddy tapos kinindatan nya ako. Tapos kiniliti ako ni dad sa tiyan. Tapos lumakad si mommy sa bintana at tumingin sa labas. Tinitigan nya yung pasahero ni daddy sa koche. Tapos lumingon si mommy kay daddy, tapos pinikit nya mata nya at lumakad sa kusina. Parang ang bigat ng katawan ni mommy na maglakad tapos nagsasalita na hindi ko marinig. Yung tipong parang nagdadasal na bigyan sya ng lakas ni Lord.
Nanood lang si dad ng tv ng sandali, flipping through the channels. Tapos dumukot sya sa bulsa nya tapos binigay nya sa akin yung mga bariya nya at mga perang papel na iba't ibang kulay. Tapos lumabas sya ng bahay at lumakad syang parang jeprox papunta sa koche nya. Pumunta ako sa pintuan. Pumasok sya sa koche nya and he drove off kasama yung babaeng naka pink na damit na nagcha-chain smoke na halos nakatitig sa bahay namin habang nasa loob ng bahay si daddy. Nag screech yung goma ng koche ni daddy nung rumangkada syang mabilis na pag drive.
Sumigaw ako sa kanya ng "Bye daddy!" At nag wave ako. Pero hindi man lang lumingon o nag wave ng good-bye sa akin si dad.