Part 10 – Richard’s p.o.v.
It’s Valentine’s Day.
It’s early in the morning and we made it to this particular resort in Los Banos. And we’re enjoying the splash at the end of the water tube rides. Actually, nauna sila Jake at Cindy. Nag water-slide din sila sa mga water tube rides. Nag splash si Jake sa end ng ride that ends sa big swimming pool. And behind him naman ay si Cindy.
Late 20s na si Cindy. About mga halos 5’6” tall halos magkasing-height sila ng girlfriend kong si Midori. My girl for today.
Tinuro ni Jake yung “Terminator”. Yung pinakamataas na water tube ride sa buong resort at pinaka vertical angle sa lahat. “Susubukan naming yan,” sabi ni Jake.
“Kaya mo ba?” Tanong ko sa kanya.
Natawa si Jake at tinaas nya yung sunglasses nya, “Poof! Sisiw pare. Sa Olongapo nagda-dive kami sa “China Man’s Hat” area. Eh doon may mga pating pa.
Nagtawanan kami.
He took his small water proof miniature camera and handed it over to me. Tapos he grabbed his fiancée and I took their picture. Parang prom queen si Cindy. Pang prom queen nga naman yung smile nya.
“Mauna na kayo.” Sabi ko sa mag-fiancee. At inaantay ko makahabol dito sa ride si la Midori at Sharmaine, yung friend nya. Habang inaantay ko sila, magandang tingnan sila Jake at Cindy. Ang ganda talaga ni Cindy. Genuine smile at genuinely happy look talaga. Parang nasa heaven ang tingin nya. Napakasaya nilang dalawa ni pareng Jake. At si Jake naman hindi mo mahahalata na habang kasama si Cindy, ay maraming mga ibang chics na nagaantay sa kanya sa kama nila na hindi alam ni Cindy. Daig pa ni Jake yung mga toy stores sa dami ng manika sa collection. Yun nga lang yung mga manika ni Jake ay mga tunay na babae.
Ang init sobra. Wala man lang ulap. Pure sun lang talaga. Tumingala ako sa open sky.
“Ano tinitingnan mo?” Biglang sabi ni Midori na hindi ko alam ay nasa likod ko na pala.
Nag shrug lang ako.
Inulit nya ulit, “Ano ang tinitingnan mo?”
Ine-enjoy ko lang yung init ng araw. Tamang tama sa pang swimming weather. Ayos talaga si mother nature. Sasabihin ko sana kay Midori yun pero hindi ko na sinabi. Instead sinabi ko na lang na mag smile sya at linabas ko yung miniature water proof camera ni Jake at pinuktyuran ko sya. “Let me take a picture of you beautiful,” Sinabi ko sa kanya habang naka smile ako.
“Pinapawisan ka. Ready ka na?” Tanong nya. So umakyat kami sa papuntang Terminator water tube ride and down we went. Pag splash naming sa swimming pool sa baba umakyat kami sa ground area at naglakad pabalik sa taas ng rid ulit. Umaga pa kaya walang masyadong tao. Tapos doon sa kabilang ride may grupo rin ng mga bakasyonista. May mga sexy girls silang kasama na naka bikini.
Meron isang girl sa kanila na ngumiti sa direction naming at nag wave sa amin.
Nag iba yung tono ni Midori. “Sino yun?”
“Huh?”
Sabi ni Midori ulit, “Sino yun? Sino yung b..ch na nag-wave sayo?”
Yun yung side ni Midori na talagang ayaw ko sa kanya. Sobrang pagka selosa. Kahit yung mga bale walang bagay na hindi ko naman kinalaman ay ginagawa nyang issue. Siguro kung wala yun sa pagkatao niya, baka lang iwanan ko na yung mga ibang chics. Pero baka lang ha. So sinagot ko si Midori ng, “Bakit naman kelangan maging b..ch yung babae?”
“Kase inantay ng b..ch na yan na hindi ako nakatingin bago sya nag-wave sayo. Bakit hindi sya nakapag-wave sa atin habang nakatingin rin ako. And that’s why bakit sya isang b..ch. Sino sya Richard?”
“Ewan ko. Siguro mga taong nag ah-outings din katulad natin.” Sagot ko.
“Hmph. Mahigit sa friendly wave yun ginawa ng b..ch na yun.”
Sinabi ko naman kay Midori, “At paano mo naman alam na mahigit pa?”
“Babae ako Richard. Alam ko yung mga ganyan na kilos ng mga babae.”
Lumapit sa akin si Midori. Then she gave me a kiss at binati nya ako ng, “Happy Valentine’s Day sweetheart.”
Binati ko rin sya ng the same. Sinabi ko sa kanya yung sinabi ko rin kay Trisha kahapon. Nakatakas lang ako kay Trisha dahil sinabi kong magtatrabaho ako ngayon. Bonga si Trisha kagabi. She made me dinner complete with candles. Ang layo ng drive ko dito sa Los Banos halos 6 hour drive. Kahit ilang vitaminsa at ginseng pagod pa rin ako.
So I kissed back Midori and told her Happy Valentine’s Day.
Parehas rin sasabihin k okay Janet mamayang gabi.
Pero sa lahat ng women sa buhay ko, si Midori ang main girlfriend ko. Sya yung pinaka priority ko sa lahat. Yung pinaka love ko. Sya lang yung may genuine feelings ako na para sa kanya talaga. Yung mga iba hindi ko naman talaga love, parang infatuated lang ako. Halos mga 1 year and 6 months na kaming nagkikita ni Midori.
Petite si Midori. Tight wasted and sexy. Half-Filipina and half-Japanese. I met her online. So after naming mag e-mail at mag-exchange pictures nag agree kami na mag-meet. So nag-meet kami sa isang romantic Italian restaurant sa Makati. Tapos lumipat kami ng bar and nag-bet kami during shots for kisses. She just got a great job in an office by Ortigas. She’s only 25 and she had two previous boyfriends before me. Pero nothing happened between them. Inexperienced sa kasalanan si Midori pero perfectionist sya. She’ll do anything to please her boyfriend. That’s the best part of her, pero yun rin yung masama sa kanya. Very intense and napaka clinging sya. Yung tipong lagging nakabuntot at nangaalam ng kilos ko palagi.
Isinama ni Midori yung best friend nyang si Sharmaine. She had no date. Nakahabol rin sya mula sa unang ride sa amin.
May nahulog kay Midori, at nag bend sya para pulutin yung nahulog nya. Tumabay si Sharmaine ng pagpulot at konting nagasgas ni Sharmain yung legs ko ng braso nya. Tapos tumaas ulo nya at tumingin sa akin sabay ngiti. Hindi nakatingin si Midori nung ginawa yun ni Sharmaine. Nung pagkatayo nila at nakatingin ulit si Midori sa gawi ko biglang sa opposite direction nakatingin si Sharmaine, acting like she never saw me.
“So Sharmaine, anong nangyari sa date mo?” Tanong ko sa kanya.
Nag shrug lang si Sharmaine, “Ewan ko. Nag break-up kami last week.”
Alam ko nay un. May parte sa akin na gustong marinig yung boses nya. Sinabi k okay Sharmaine at Midori na nauna na sila Jake at Cindy sa amin sa drying area and showers.
Sharmaine looked hot. Sexy from all angles and very pretty. Sya yung tipong fantasy girl ng mga guys back in school.
Nagsalita si Sharmaine, “So saan na ang punta natin people?” At lumakad sila ni Midori papunta sa shower areas. Nauna si Midori sa kanya. Sumunod sa Sharmaine. Nag wave sa akin si Sharmaine. Hindi nakita ni Midori nag wave sa akin ang best friend nya kse nasa unahan sya.
Super pretty and sexy si Midori. Pero hindi ko maiwasan na hindi matingnan si Sharmaine. At the same time parang hindi ko rin makapag stop ng imagining. What a shame. So sumunod ako sa kanila.
Pero kahit sa past pag kasama ni Midori si Sharmaine, lagi kong nakikita si Sharmaine na pag hindi nakahalata si Midori ay tumitingin si Sharmaine sa akin ng nakaw na tingin dito at nakaw na tingin doon. Ngiti dito at ngiti doon. Minsan biglang tatawag sa condo ko si Sharmaine at hinahanap nya si Midori, pero alam na nyang wala si Midori doon bago sya tumawag. And we’ve had nice conversations. Minsan pinagusapan naming yung boyfriend nya. Yung mga problema nilang dalawa. Sex. Pero alam ko pag naguusap sila ni Midori tungkol sa akin ay wala syang binabanggit kay Midori kundi na nag-hello at nag-goodbye lang sya sa akin.
Pag kasama naman nya si Midori nagpapanggap si Sharmaine na meron isang line na hindi nya pwede i-cross.
Pero ewan ko lang kung ano mangyayari sa amin ni Sharmaine pag nagging biktima kami ng space at opportunity.
Part 11 - Richard's p.o.v.
After ng swimming and going through the tube water rides nag meryenda ang grupo namin. We went by the dining area pero mejo crowded na ng konti kse halos mag la-lunch time na. Pero nakakuha pa rin kami ng bakanteng lamesa. So with towels on our necks and drying up we sat and got comfortable.
Ice cold softdrinks and ice cold bottled water were on the square table. And the girls got up to the resto-counter and brought back sandwiches.
Midori said, "Cindy, I'm glad I nagkakilala rin tayo sa wakas. Palagi kang nababangit ni Richard ng mahigit isang taon na."
Yes. Ito nga ang first meeting nilang dalawa. Well na-meet na ni Cindy yung mga ibang babaeng kasama ko dati sa mga outings nila ni Jake na inimbita ako. And she enjoyed her time with those other so-called "girlfriends" of mines. Pero Cindy has never met Midori pa until now.
Cindy's fiance Jake, who happens to be my best friend, asked Sharmaine, "So sa same company ba kayo nagwo-work ni Midori ?"
Hindi ang sagot ni Sharmaine. "Nagtuturo ako ng high school language arts. Yung mga engineering na bagay para kay Midori at Richard na lang yan."
Nung umupo si Cindy sa upuan at umabot ng napkin sa table, nakita ni Midori yung engagement ring ni Cindy. Biglang sabay nagtanong si Midori kay Cindy, "Oh my nakalimutan ko nasabi pala sa akin ni Richard na engaged ka nga pala. Cindy, kelan ang wedding nyo ni Jake?"
Tumahimik yung buong lamesa. Walang sagot.
…to be continued
Part 12 - Richard's p.o.v.
It was quiet for a while. Kung meron karayom na mahulog sa sahig, maririnig talaga.
Lumipat ng upuan si Sharmaine at umupo sa gitna namin ni Jake. Malaki naman yung space. Pero nararamdaman ko yung legs ni Sharmaine na talagang pilitan nyang idinidikit sa legs ko rin. Nasa tapat namin si Midori, at nararamdaman ko yung warmth ng legs ni Sharmaine sa legs ko. Biglang nagsalita si Sharmaine para mabago ang katahimikan, "Hey Cindy patingin nga ng singsing mo." And Sharmaine reached for Cindy's hand. Tumingin rin si Midori sa kamay ni Cindy. So mejo tumayo sa upuan si Midori at si Sharmaine para lumapit yung mukha nila sa kamay ni Cindy to oogla and aahhh at her engagement ring. Pero hindi napansin ni Midori nung tumayo si Sharmaine at lumapit sa kamay ni Cindy ay sadjang irini-rub nya yung body nya sa katawan ko. Tapos umupo po sya at nakadikit pa rin yung legs nya sa akin. Inignore lang ni Sharmaine, kunwari hindi nya napansin na naka-press yung legs nya sa legs ko. Tapos tinanong ni Sharmaine si Cindy, "Gaano katagal na kayong dalawang engaged ?"
Mejo ngumiti lang si Cindy sa tanong. Pero si pareng Jake parang hirap na hirap yung mukha nya. Tipong habang nagtatanong yung dalawang babae tungkol sa engagement nila o kung kelan ang wedding nila, eh parang mukha syang pinaparusahan ng mabibigat na trabaho sa bilanguan. So ang ginawa ni pareng Jake ay inistroke nya lang back and forth ang kanyang chin. Parang nagiisip. When we guys do that pag ninenerbyos kami, it's the nerbyos na nagmu-mukhang cool na look. Gagawin ng gagawin namin yung ganon over and over.
Finally, sumagot si Cindy, "Hindi pa kami nakapag finalize ng date. Napagusapan na namin ni Jake. Pero alam nyo naman." Tapos ngumiti lang si Cindy.
Nagsabi si Sharmaine ng, "Siguro recently lang kayo naging engaged?"
"Hindi naman." Biglang nawala na yung smile sa face ni Cindy. Parang halatang isang bilyong tao na ang nagtanong sa kanya ng kaparehas na question na yun at ilang bilyon nya rin sinagot yung tanong na ganon. "Actually halos isang taon na kaming engaged. Well sa end of this month yung one year na kaming engaged. Pero sino naman nagbibilang ng araw diba."
Tumahimik na naman yung buong lamesa.
Nagiba yung mga expression ng mga babae. Nagsha-share sila ng silent information sa facial expression and looks sa isa't isa. Naramdaman namin ito ni Jake. Alam namin na nagco-communicate yung mga babae in silence sa tingin lang. Dahil ginagawa rin namin ni Jake na nagtinginan kami na may problema at agree sa akin si Jake sa pagtingin nya sa akin.
Biglang nagsalita si Midori, "Mas matagal na kaming may relasyon ni Richard kesa sa inyong dalawang engaged."
Biglang lumala ang silence. Parang may nagkaroon na masamang judgement.