Part 14 - Richard's p.o.v.
"Kamukha nung ex-girlfriend ko sa college. Yung parang bayolenteng psychotic pala. Pero hindi naman kami serious. Yung parang fling lang na mejo tumagal." Sabi ni Jake.
"Ano?"
"Basta parang mukha nya yung nasa nightmares ko pare. Meron pang mga iba pero hindi ko matandaan. Pero palaging pare-parehas yung mga tao sa kada nightmare." Sagot ni Jake.
Tinanong ko si Jake, "Doon sa nightmare pare, sinaktan ka ba nila?"
Jake answered, "Hindi pare. Pero yung mga pagtingin nila sa akin. Nakakatakot pare. Yan tingnan mo braso ko. Kinikilabutan ako pag naalala ko. Parang mga zombies tapos napaligiran yung building. Pero yung huling bangongot meron isang lalake."
"Anong lalake?"
Sumagot at nagpatuloy si Jake, "Meron lalake yata. Hindi ko alam kse parang naka damit na itim na parang judge. Tapos hindi ko makita mukha kse may mascara na suot. Pero yun parang nanonood lang. Hindi ko matandaan. Alam mo naman yung mga panaginip palaging ganyan. May mga portions na matatandaan mo. Tapos meron mga ibang bagay na nakakalimutan mo pag gising."
"Siguro pareng Jake kelangan magpaka-totoo ka na kay CIndy pare. Baka mawala yang mga nightmares mo."
Nag-respond si Jake ng, "Tingnan natin pare." And he just rubbed his eyebrows and closed his eyes as if in deep thought.
Pabalik na yung mga girls galing sa ladies room. At nung malapit na sila sa lamesa ay nagngitian kaming lahat. And nag balik kami sa swimming area.
Later that afternoon nung tapos na kaming lahat. Nagbihis na kami at nag ready ng maguwian. So nagimpake ng kami ng mga gamit. Tapos lumapit sa akin si Midori and kissed me. She asked, "Magkikita ba tayo mamayang gabi?"
Sinagot ko si Midori, "Alam mo kasama ko si Cindy at si Jake. Puntahan mo na lang ako mamaya sa condo."
Nag-frown mukha ni Midori at sinabing, "Alam mong kasama ko si Sharmaine diba?" Na-inconvenienced kaming dalawa dahil magka-opposite ng direction ang travel namin. So hindi kami magkikita mamaya.
Ang hindi alam ni Midori pre-planned na yung inconvenience na ito. Meron kase akong all night date na plano mamayang gabi. Kaya I just played at tagged along for this Valentine's Day swim sa resort dito sa Los Banos.
So I just grabbed her towards me at nagsmile ako ng pinaka widest smile ko at sinabi ko sa kanyang she's the prettiest, "Alam mo ang importante nag spend tayo ng time today. Kaarawan ng mga pinagisa ng puso."
And Midori said, "Holiday ito ng mga lovers. Kaya nga I want to be with you tonight. Swimming is fun, pero I want something mas romantic. Yung alam mo na, one on one tayong dalawa lang."
"Ako rin Midori, kung alam mo lang."
"So? Kelan tayo mag-ge-get together?" Nagtanong si Midori.
"Next week. Pero alam mo na na kelangan puntahan ko sila mama sa Sunday. Meron family get together sa restaurant yata gaganapin."
Biglang nag warm smile si Midori, "Alam mo yan ang talagang gusto ko sayo Richard. Maganda relasyon nyo ng mother mo. Wala kang mga issues katulad ng mga ibang lalake. Importante talaga sa akin yan."
She kissed me. Tapos sinabi kong, "Well mauna na tayo at magta-traffic ng sobra sobra."
Naging bright yung smile ni Midori pero halata sa mata nya na sobrang disappointed sya ngayon. So parang namaga yung mata nya holding back some tears at nagsabing, "Ayoko ito."
Hindi ko naintindihan ibig sabihin nya. "Anong ito?"
Midori answered, "Itong distance sa ating dalawa. Sometimes mas kailangan kitang makita sa weekend. Tapos lately halos hindi na every weekend kundu two weekends a month lang tayo nagkikita. So ano plano mo para maayos natin ito?"
Na-surprised ako ni Midori. Hindi ko ine-expect yun.
...to be continued