Part 13 - Richard's p.o.v.
Talagang nanahimik yung buong lamesa. Tapos nagtanong naman si Sharmaine, "Cindy, gaano katagal kayong mag-on ni Jake bago sya nagpropose sayo ng engagement?"
Cindy said, " Five months."
Tapos nanahimik na naman yung buong lamesa.
Tumingin naman sa akin si Midori. Yung parang nag-iba yung kanyang mata. Yung tipong may gustong hingiin na hindi pa nya natatangap.
Wala akong sinabi at kinain ko lang yung sandwich ko na dala ng mga girls galing sa food counter. At pinabayaan ko lang silang lahat na magusap. Pero yung ulo ko'y parang nahihilo at feeling na iniipit ng plais.
Midori and I we've had our highs and lows. Pero lately mostly lows palagi. Masyado syang nagiging intense. Nagsimula kse ng magkiktia kami ng after hours lang. Tapos weekends lang. Movie. Dinner. O kaya konting party time. Nag click yung relasyon namin so naging seryoso. Pero syempre meron mga pagkakaiba kay Midori na lumalabas na hindi ko alam sa beginning ng relasyon namin.
Hinila ni Cindy yung kamay ni Jake at tumayo silang dalawa sa lamesa.
Midori asked, "Saan ang punta nyong dalawa?"
Nag smile lang si Cindy. "C.R. Heto yung part na hindi ko gusto. Going to a public C.R. Kse diba minsan filthy at nakakadiri yung toilet seat. Yung mga ganitong moments sana naging lalake na lang ako. Kase napakadali kung guy ka at ilabas mo lang yung "herbie" mo tapos you can pee standing up instad of sitting down in a public C.R."
Nagtawanan yung tatlong babae. Parang naughty girls sounding laugh ang pagkatawa nila.
Tumayo si Midori, "Samahan na lang kita Cindy."
Tumayo rin si Sharmaine, "Sama rin ako. I have to pee rin also."
Nung mejo malayo-layo yung mga girls at hindi na kami naririnig, pinaalam sa akin ni Jake na kelangan nya ng mga male bonding time. Sabi nya andoon na naman yung mga bangongot. Minsan binabangongot na naman sya. Halos mga mahigit one year ng nagkaka nightmares si Jake.
Habang nagsi-sip sya ng sprite nya sinabi nyang, "Katulad rin nung mga dati pareng Richard. Pagbukas ko yung chics pa rin. Pasunod sunod sa akin kahit saan ako magpunta. Yung mukha nya parang gusto nyang kagatin at tanggalin yung pu..nginang...ulo ko at nguyain at idura sa sahig.
Tanong ko sa kanya, "Huh ? Anong ulo?"
"Parehas." Sagot ni Jake.
Nagtawanan kami ng sobrang sobra. Halos sumakit yung sikmura namin. I asked him, "May idea ka ba kung sino yung babae sa nightmare na yun pare?"
Jake said, "Parang yung naging girlfriend ko sa college."
Sagot ko, "Sino?"
Sabi naman ni Jake, "Yung isang weirdo na babae. Pare nakalimutan ko na sya. Wala akong matandaan sa mga naging chics ko. Pero yun parang natatandaan ko."
... to be continued.