Part 4 – Richard’s p.o.v.
…Well nung sinabi kong love you rink ay Chrissy nag hands-up in the aur sya kse alam nyang sarcastic yung response ko sa kanya. It’s not a secret naman kase na kinakausap ko sya only because asawa sya ng best friend kong si Charlie. Kung hindi then I would never ever even talk to Chrissy. Kahit maganda at sexy si Chrissy, eh napaka-kupal ang ugali nya. I can’t stand her. Pero she is good wife material naman. Siguro kse I am not looking for a wife kaya kinasusuklaman ko si Chrissy. Of course I don’t tell her that.
As for Trisha naman. She came driving down here from Quezon City pa ng 4:00AM this morning para lang for a little loving from me before sunrise.
So after ng exchange naming ni Chrissy umiling lang sya. She said, “ Hindi ba sasama sa atin si Trisha?”
Sabi ko, “Hindi. Siguro matutulog lang sya hanggang pag balik natin mamaya.”
Pero at that moment nag moan na bagong gising si Trisha, turned over in the bed tapos didilat-dilat yung mata na parang nasisilaw. Biglang nag side step si Chrissy sa gilid ng bedroom door para hindi sya Makita ni Trisha. So bumalik ulit ako sa bedroom and mejo closed ko yung door behind me and sinabi ko sa bagong gising, “Hey sexy.”
Nag clear ng throat si Trisha tapos tinaas nya yung kumot sa body nya tapos sinabi ng mahinang bagong gising na boses sa akin, “Sino kausap mo Richard?”
Ang pretty at ang sexy talaga ni Trisha. Lalo na pag kini-kiss nya ako ng twenty straight times. So lumpait ako sa kanya and ran my hand over her hair. Tapos minasahe ko yung back ng neck nya. Sabi ko, “Narinig mo si Chrissy.”
Tinaas nya yung ulo nya at lumingon sa akin, “Sino si Chrissy?”
“Wife ni Charlie,” sabi ko.
Sumigaw si Trisha sa direction ng bedroom door, “Hi Chrissy, nabangit ka at si Charlie pag naguusap kami ni Richard.”
Tapos sa other side ng door naman, “Hello Tirsha nice to see you again. Sorry ha. Hindi ko sinasaja na ma-wake up ka.”
“It’s okay.” Nagunat si Trisha. “Richard ano ginagawa mo?”
Sabi ko, “Saturday morning badminton o tennis.”
Tinaas na naman nya yung kumot and Trisha said, “Pwede ba mag stay na lang ako here sa place mo at antayin ka baby?”
Sabi ko naman kay Trisha, “Bakit hindi ka makipag exercise sa amin, at sumama ka na lang?”
Nag sabi ng sh.t si Trisha tapos nag tanong, “Meron ka bang extra na racket?”
“Syempre meron naman.” Sinagot ko sya.
Mabuti na lang at sumama si Trisha sa amin sa court. Kase baka mamaya habang wala ako ditto eh halungkatin nya ang buong condo ko. Baka meron syang matagpuan na hindi nya dapat malaman.
Tapos lumapit ako ulit sa kanya and kissed her.
Nag giggle si Trisha tapos lambing na itinulak ako, “Wag mo gawin kung hindi mo kayang tapusin.”
Nag smile lang ako sa kanya at sumigaw ako sa may direction ng pintuan, “Chrissy sasama raw sa atin si Trisha.”
Chrissy said naman, “That’s good. Kelangan ko ng female bonding this morning.”
Tapos nagtawanan kaming tatlo.
Tapos biglang bumulong sa tenga ko si Trisha, “Na-meet ko na sya before?”
Nabigla ako, “Ano?”
Trisha said, “Sabi nya kse nice to see me again daw. Pero I don’t remember her, so hindi ko pa sya na-meet.” Tapos meron syang false smile na nakatingin sa akin.
Sinabi ko sa sarili ko BASTED!
Pero soabe lang na binaliwala ko yung tanong nya at ngumiti lang ako sa kanya and told her, “Mag-shower ka na. At paalis na tayo.”
Tapos lumiit na naman mata ni Trisha. Tanong nya, “Nakasara ba yang door talaga?”
So nag nod lang ako na nakasara nga yun pintuan.
Tapos hinatak ako ni Trisha towards her. Well naisip ko na hindi naman ako nabasted. Basta pagmahuhuli ah palaging deny lang at baliwalain para makalimutan…kaya madaling makalusot ang mga babaero.
Part 5 – Richard’s p.o.v.
Nagpunta kami sa Fitness club sa Makati. Si Chrissy ang nag drive ng Toyota Land Cruiser nilang magasawa. She reserved a court sa Aquarius Towers sa Makati Ave. Tapos naglaro kami ng badminton. Una couples versus couples. Tapos boys versus girls.
Vicious talaga ang paglaro ni Chrissy. Parang katulad ng pagkuha at pagbenta sa mga cliente nya sa real estate office nya. Very aggressive at malinis ang laro. Ayos ang rhythm nya. Nung nasa groove na sya halos hindi matalo.
Si Trisha naman parang etudyanteng delikado na nagaral ng sobrang-sobra at ready na ready na sa examen. Parang kina-calculate nya yung trajection ng badminton birdie at halos parang alam nya kung saan babagsak yung (shuttlecock) birdie bago dumating doon yung birdie.
Si Charlie naman parang masyadong trying hard. Isang bese hinabol nya yung birdie na halos tamaan nya yung net. Pero lahat ng tira nya halos parang killshot. Tipong parang bullet na galling sa baril ang spped ng kada tira nya sa birdie. Pero pag hindi sya naka score or pag tumama sa net yung birdie, titingnan ni Charlie yung racket nya at tipong sinisisi nya yung racket at kasalanan ng racket kung bakit hindi naka score.
Ako naman concentrate ako sa mga weak spots nila at titirahin ko doon yung birdie. Mahina at hindi consistent yung backhand ni Chrissy so binibira ko yung birdie sa location ng backhand nya. Minsan sa gilid ng line ko mismo tinititra so parang labas sa line yung tira ni Chrissy at out.
Si Charlie naman halos gusto nyang mga return shot ay puro power shots. Kaya ginagawa ko titirahin ko ng deep sa back court line tapos ina-anticipate ko yung tira sa front court at konting tap lang sa gilid. Si Trisha naman hindi masyadong mabilis kumilos ng side to side, hindi katulad sa kwarto. So nung nakalaban ko sya sa boys versus girls, pinapagod ko sya ng left to right shots para panay ang kilos nya.
Nanalo kami ni Trisha yung unang game. Tapos si Charlie at Chrissy naman ang nanalo ng next two games ng hindi masyadong napagod.
Nung nag switch kami ng partners at nagging boys versus girls nagsalita si Chrissy, “Trisha, let’s kick their arses.”
Natawa si Charlie at sinabing, “Okay. Kawawa kayo.”
Tapos sinabi ko naman, “No mercy sa mga nagP-PMS!” Humalakhak ng tawa si Charlie. Biglang ang sama ng tingin naman sa akin ni Chrissy.”
Tinalo naming sila sa first game by three points. Tapos yung last game tinalo nila kami by four points.
30 minutes na lang natitira sa court time naming. Pagod na pagod na kaming lahat. At gitna na ng tanghali. Tulo ang pawis naming. And parang mejo nag ca-cramp na ang mga calf-muscles naming sa katatakbo at hinto all over the court.
So after ng game, nag crash kami lahat sa hard wood floor. Si Chrissy next to Charlie. Sa opposite court naman kami ni Trisha. Humiga ako sa floor. Si Trisha umupo at nag legs apart tapos nag stretch from side to side, tapos face sa floor.
Tumitig si Chrissy kay Trisha, “Paksyet Trisha. Kung flexible akong ganyan, eh di nagka-baby na ako.”
Nagtawanan kami lahat.
Nagsabi naman si Charlie, “Kung sa kama ka ba naman nag stay ng kada Saturday morning imbis na pinilit lahat na pumunta ditto sa court, eh di meron ka na ring baby.”
Nag-stare si Chrissy kay Charlie sabay sabing, “At ikaw naman lalake, kung pumunta ka sa kama sa gabi imbis na nagta-type dyan sa computer mo, eh di father ka na sana ngayon.”
Sensing na mejo nagiging mainit angusapan nagsalita si Trisha, “So sino gusto kumain ng burgers sa inyo ?”
Lumingon si Chrissy kay Trisha, “Ikaw Trisha meron ka na bang baby?” At sumagot naman si Trisha, “28 and no babies.” Nag-ngitian ang dalawa.
Tapos sabi ni Chrissy, “Just like sa amin ni Charlie. 29 kami and wala pang mga tagapagmana. Soon magiging 35 to 40 age range na ako tapos magiging high-risk pregnancy category. Not cool yun.”
Sabi ni Charlie, “Wag ka naman maging depressed sweetheart.”
Hindi alam ni Trisha na hindi serious si Chrissy. So sinabi ni Trisha, “ Okay lang naman sa akin. Kaya nag stop ng pag-couning ng biological clock a couple of years ago. I am not ready pa kase to give up my freedom.”
Habang nagsasalita si Trisha, pinuntahan ni Chrissy yung asawa nya at gusting pagsabihan tungkol sa comment nya kanina. Si Charlie naman ay lumakad ng palayo sa asawa nya ayaw marinig yung bunganga ni Chrissy. Nagkasagutan yung magasawa. Tapos biglang kiniliti ni Chrissy si Charlie at itinulak nya si Charlie. Bumagsak sa floor si Charlie tapos umibabaw si Chrissy at ni-kiss nya yung face ng husband nya. Kahit nagaaway yung dalawang magasawa, meron silang ilang taon na nakakainggit minsan.
Nahalata ni Trisha na tinitingnan ko yung dalawang magasawa, at tinitigan nya ako. Tapos bigla syang ngumiti sa akin. Puno ng affection yung mga mata ni Trisha.
Mga three months ago nagkakilala kami ni Trisha sa Zbarro’s sa Mega Mall. Puno ng tao yung place wala kaming kasama. Nagkatinginan kami sa linya at pagtapos ng kuha ng order naming tinanong ko sya kung gusto nyang mag share ng table. We both had mutual interest sa isa’t isa so she agreed na mag-share kami ng table. Very articulate sya magsalita, at palaging nakangiti. Yung pagka-communicate nya yung umappeal sa akin. She was great. Yun ang problema ng mga guys. Hindi marunong makipag communicate sa mga girls. Kaya nagsa-suffer yung mga relationships nila. O kaya basted kaagad dahil Da-Moobs lang ng Da-Moobs, panay ang salita. Syempre maasar lang yung chics diba. Ang dapat ay pabaayaan mo lang magsalita yung babae yung tipong na-absorb mo yung mga sinasabi nya at listen lang. Tatango ka na na-aagree sa kanya. Tapos ngi-ngiti ka at tango na naman. Tapos clasp your hands place them by your chin tapos tango na naman. Tapos ngiti at tango na naman. She’ll think palagi kang attentive sa kanya at in due time mahuhulog ang kalooban nya sayo at akalang matagal na kayo magkakilala.
Well pagkatapos ng badminton games nagpunta lahat sa showers. Para naman matangal yung pawis at pagkalagkit ng body. Para maging feeling refreshed lahat.
Nung nasa locker room na at nagcha-change na kami ng damit tinanong ko si Charlie, “Pare nasaan na yung mga ibang pages na ipapabasa mo sa akin sa book na sinusulat mo?”
Sinagot ako ni Charlie, “Wala pang update pare. Pa-isa-isang paragraph lang nasusulat ko. Busy sa office. Tapos pag dating ko naman sa bahay palaging pakyut si Chrissy at gusto ng attention.”
Sabi ko sa kanya, “Alam mo naman yan diba pare. Ang mga babae, they will suck the life out of us pare.”
Charlie said, “Tama ka pare. Pagbibigay ng pansin sa babae halos panibagong full-time job. Pero super-busy talaga sa office. Inaayos ko nga yung hearing against Cebu Pacific sa Manila. Tapos meron akong inaasikaso na estafa case against sa mga engineers ng isang realtors dahil sa missing millions ng allocation funds, at kung ano ano pa.”
Sinabihan ko sya, “Pare wag mo sobrahan ang trabaho, mapapasubo ka at mawawalan ka ng oras ng pagpahinga. Tapusin mo yang libro mo. Malay mo, maging movie yan at dyan ka kumita ng ilang milyones.”
Napangiti lang si pareng Charlie sa encouragement ko, “Nakausap mo ba si pareng Jake?”
Si Jake ay yung isa pa naming na best friend since the old days. Iang officer sya na naka-assign sa Crame. PMA graduate si Jake. Tapos doon ko naalala yung resort outings sa Los Banos for Valentines Day. Inimbita nga pala kaming lahat ni Cindy, yung fiancée ni Jake. SAasabihin ko sana kay Charlie, pero ayaw kong sabihin sa harapan ni Trisha. Well kung kasama ko si Trisha this weekend, yung next weekend gusto ko kasama ko si Midori. Pero kung magkita pa kami ni Britney hindi ko alam kung ano gagawin ko.
Sabi ni Charlie meron silang plano ni na ni Chrissy sa Valentines day. Pupunta raw sila ng Boracay. Para ma-experience nila ulit yung golden sunset sa Boracay. Their romantic weekend at yung boat ride plus yung 5 star accommodations ay naka-ready na ni Charlie.
He asked, “Tinawagan ka ba ni Jake tungkol sa mga nightmares nya ulit?”
Umiling lang ako. Ayoko pagusapan yung mga nightmares ni pareng Jake. Nakakatakot na parang kinikilabutan ako pag napapagusapan yung mga nightmares na yun. So I just changed the subject at tinanong ko kung ano gagawin nila ni Chrissy tonight.
“Manonood kami ni Chrissy ng sine. Ikaw ano plano mo pareng Richard?”
“Wala lang. Iniisip ko kung paano ko paalisin si Trisha.”
Biglang napatawa si Charlie.
“Pag pinupuntahan nya kase ako dito, mahirap syang paalisin. Matutulog sa condo ng buong weekend. Akala nya girlfriend ko sya.”
Charlie said, “She like syou lang naman pare.”
“I like her too pareng Charlie.”
Charlie added, “Okay you like her pare. Pero paano kung sampu-sampu ang chics mong pinagsa-sabay-sabay, paano mo malalaman na may potential yung relationship? Kelangan focus ka lang sa isang chics. Kse pag hindi they cancel each other out pare.”
“Alam ko naman yun pareng Charlie. Pero siguradong mag-stay sa condo si Trisha hanggang Sunday night o Monday morning. Kaya sasabihin ko na lang sa kanya na dadalawin ko muna yung mga parents ko. Para sabay kami mag drive papuntang Q.C. Tapos sasaglit ako sa parents ko. Tapos bwelta ako kaagad pabalik ditto sa condo. “
Tumawa na naman si Charlie. “May back up plan ka na sa plano mo sa schedule mo. Ako hindi ko kaya yang ginagawa mo. “ At tumawa na naman si Charlie.
Sabi ko sa kanya, “Nasayo na ang the best pare. Nasayo na si Chrissy. Hindi mo na kailangan ang ibang chics pare.”
Agree si Charlie, “Grass is always greener when you’re married pare.”
Tapos nagbihis ako at nag excuse kay pare na may itatanong lang ako sa front desk. So habang nagaayos pa yung mga babae sa kabilang locker room, pumunta muna ako ng front desk. I politely asked the receptionist na pagamit ng telephone. So tinawagan ko si Midori. Para kahit mag call back sya ay tama pa rin ang alibi ko na nag badminton nga ako kse dito ang magre-register ng telephone. Inabot ng halos 20 minutes para ma-cool off ko si Midori sa pambobola. Galit nag alit sya at hindi nya ako ma-contact since yesterday. Lumamig yung ulo nya nung binaggit ko yung plano ko para sa Valentines Day outing naming sa isang resort sa Los Banos. Okay na ang lahat. Excited na sya at hindi nag alit, although nejo disappointed pa rin sya.
Pagkatapos non lumabas na sila Trisha, Chrissy, at Charlie. Naguwian na kaming lahat.
Pag dating sa condo sinabi k okay Trisha yung plano kong puntahan parents ko. So nag get ready sya at nag drive na pauwi sa Q.C. Ako naman nag drive ng sarili kong car right behind her. Pag dating sa place nya at nag park ng car nya. Sumakay naman sya sa akin para kumain kami sa restaurant along Quezon Ave. Tapos I dropped her off sa place nya after eating. Pero hinatak nya ako to her house. Hindi ako makatakas…
I woke up next to her in the middle of the night in her bedroom. Parang gising na tulog stage pa rin ako. I remembered si dad. Tapos yung cologne nya at yung jiggling ng coins nya. Bigla akong linamig tapos wala lang. Namis ko si dad. Iniisip ko kung meron bang heaven para sa kanya. Tapos I drifted back to sleep in Trisha’s arms.
Part 6 – Candace’s p.o.v.
It’s after midnight, biglang meron akong narinig na bata sa labas sa hallway ng condominium ko. “Daddy,” sabi ng little boy. Tapos meron na naman isa, “Daddddyyyyyy.” This time parang little girl. Pero tumatagal parang lumalakas yung sigaw. Parang serena ng police car.
Si Mark naman biglang nagising sa tabi ko sa bed at biglang nag sit-up straight sya. Nagising sa ingay sa hallway. Gabing-gabi na magigising yung buong compound. Talagang minsan hindi marunong mahiya ang mga ibang tao.
Tumayo si Mark. Tapos lalong lumakas yung mga ingay ng mga bata sa labas sa hallway. Grabe. Tulog na lahat ng mga kapit bahay. Nakakahiya sa labas talaga.
“Dadddddyyyyy! Daddddddddyyyyy! Dadddddddyyyyyyyy!” Ang lakas ng sigaw ng dalawang bata. Ano na kaya yung nangyayari sa labas?
Nagbihis si Mark at lumabas ng bedroom door para pumunta sa main door ng labasan para tingnan ang hallway kung ano yung ingay.
Biglang nagsabi si Mark ng, "Sh.t.” Tapos nung malapit na sa main door si Mark bumalik sa kwarto at nagbihis ng damit nyang pang labas. Parang ninenerbyos na ewan si Mark. Yung mga mata nya panay ang blinking, tapos nanginginig sya.
So tinanong ko sya, “Mark sino yung nasa labas? Bakit maingay?”
Ang sagot ni Mark, “ I … umm … I … ummm … aahhhh…”
Basta ang alam ko yung mga bata na nasa labas ay hindi sa akin. Tapos mukhang natataranta si Mark. So naisip ko na yung mga bata na yon ay sa kanya.
Biglang sumigaw yung isa sa mga bata, “Dadddddyyyy uwi ka na! Dadddyyy! Please! Uwi ka na!”
Biglang feeling kong para akong nasasakal. Tapos para akong nahulog sa isang imbornal na pag dating sa pinakamababa ay parang sinalo ako ng demonyo at sinakal ang aking kaluluwa.
Biglang meron isang babae na sumigaw, “Mark Velasco Perez!”
Umikot yung paningin ko nung narinig kong isigaw ng babae yung buong pangalan ni Mark. Linabanan kong wag akong mag black-out sa pagka-shock ko. So nag robe ako at lumapit sa may main door at sinabi ko kay Mark, “Mark sino ba yung mga nasa labas at bakit alam nung babae yung pangalan mo?”
Narinig siguro ako ng babae sa labas dahil sumagot sya ng, “ Yung asawa mo ito Mark. At ang mga anak mong sina Baby, Bambi, at Boyet. Pwede ka bang lumabas dito please?”
Sa sobrang pagka nerbyos ni Mark, tipong nanginig na ang buong katawan nya at parang naglalaway at tumutulo ang kanyang pawis.
Isinara ko ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito sa akin. “Hindi ito nangyayari. Please Mark. Tell me na hindi ito nangyayari sa akin.”
Sumigaw na naman yung isang little girl sa labas, “ Daddddyyyyy, sabi ni mommy na sabihin ko sayo na umuwi ka na.”
Naghalo na yung hilo ko at yung galit ko. At unting nag-turn yung katawan ko na parang latigo, at pag bwelta ng katawan ko kasama yung braso ko, lumagitik ang isang napakalakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Mark.
WHAPAK!
Tilang halos pag 180-degree turn ang leeg ni Mark. At parang bali wala lang yung sakit dahil parang nasa hysteria na si Mark.
Gusto ko na syang patayin. Dapat nga patayin ko sya. Pero sa shock ko ay tilang parang nag freeze ang aking buong katawan pagkatapos ko syang sampalin.
May asawa’t anak sya. May asawa’t anak sya. Ilang beses dumaan yan sa isipan ko.
Tinalikuran ko sya. Nakita ko sa living room yung vase na puno ng roses. Roses na regalo ni Mark kanina. Kanina nung napakaganda ng mundo ko. Feeling nasa heaven.
Yun pala ang angel ay isang demonyong nakamaskara lamang at nagpapanggap na isang angel.
Biglang nagging feeling kong marumi. Feeling naked. Feeling na ako’y nasa gitna ng isang voluntary rape. Tumulo ang mga luha sa aking mga mata.
“Mark sinungaling ka. Liar…liar…liar…”
Biglang natauhan si Mark. Sinubukan nyang magpaliwanag, “Candace… “ Pero iyon lang. Walang lumabas sa kanyang bibig. Huli na sya.
Pero sinubukan nya pa rin ipaliwanag ang sarili nya, “Candace, it’s not what you think.”
… to be continued…