Part 8 - Candace's p.o.v.
Hindi ako nakatulog. Madaling araw na at naglalakad ako sa kwarto ng back and forth. I talked to myself all night upset sa nangyari.
Finally, I just dropped on on my bed imbis na mag-breakfast. I was just going to call the office at magsick-call ako. Then na realize ko na wala palang pasok at Sunday morning lang.
Parang gulong gulo ang isip ko. Now meron pa akong migraine, and I can't think straight.
Alam ko naman na I'm too smart for this mess. I finished college. May degree ako from a respectable university. Pero I guess there are just things na hindi nila itinuturo sa babae sa college.
Then nakatulog ako.
Tapos nagring ng nag ring yung landline telephone ko at cell phone ko around 10:00AM. Sino kaya yung tumatawag. I answered the phone, "Hello."
"Hey baby. I am sooo sorry. Please forgive me ha. Pwede ba ako pumunta dyan. Please. Magkita tayo. Come on. I'll explain everything. Hindi mo kse naiitindihan. It's not what you think." It's Mark whining and begging to come over. Grabe talaga ang pagka-kapal ng mukha ni Mark. Huling huli na sya gusto pa rin makipagbalikan at magpaliwanag. Ganyan ba katanga-tanga ang pag tingin nya sa akin?
"Mark, paano nalaman ng asawa mo kung saan ako nakatira?" Tanong ko sa kanya.
Sumagot sya, "Yung card na padala mo sa akin. Nakita nya."
Tumingin akong pataas, "Divine intervention."
Nagmakaawa sya, "Mag drive ka papuntang Ortigas. Meet me sa Mega Mall sa Zbarros. I can explain everything baby."
Natawa ako, "Ipapaliwanag mo ang sitwasyon mo?"
Sumagot ang demonyo, "It's complicated kse baby."
Talagang nangigil ako sa sagot nya. "Tingnan natin ng maigi okay Mark, you lying son of a b..ch! May asawa at pamilya ka. May family ka na nung nagkakilala tayo. You slept with me nung alam mong may asawa kang nagaantay sayo sa bahay mo. Kung may palpak yung memory mo na nakalimutan mong may pamilya ka, dapat mag almusal at sumabay sa almusal ng mga anak mo. Para mag improve yung memory mo."
Tapos sumagot naman yung makapal na mukha ng, "So, paano yan baby. Hindi ba tayo magkakasama sa Valentines Day?"
I just hung up the phone.
Para akong nalagutan ng hininga. Sumakit yung mga lungs ko. Nag ring na naman yung phone. Si Mark na naman siguro. Pag sagot ko ng phone sinigawan at minura ko yung taong nasa kabilang linya tapos I threatened to get a knife and cut his Mr. Herbie.
Biglang may nag pause sa kabilang line. It was so quiet na parang may narinig ako ng mosquito flying around.
Pero hindi pala si Mark. It was a friendly voice at nagsalita, "Candace?"
…to be continued.