Part 7 - Candace's p.o.v.
Did he just say he it's not what I think ? Hilong hilo na ako basta sinabi ko sa kanya, "Mark, hindi yan ang mga door to door na naniningil."
Bago ko makapagsabi pa ng gusto kong sabihin, biglang kinuha ni mark yung sapatos nya at pumunta ng papuntang main door at lalabas. Sa dilim ay nadapa sya sa upuan. Bumagsak sa sahig. Tumayo sya ulit at isinuot yung isang sapatos nya habang palabas. Ngunit sa pagmamadali nya eh nadapa na naman si Mark sa coffee table. At lumagapak na naman sya sa sahig. This time tumama yung ulo nya sa may halaman sa gilid ng front door. Minura ni Mark yung halaman at napa araykupo sya. Tumayo na naman habang palabas at binuksan nya yung pintuan.
Pero hindi sya lumabas agad. Kinuha ko yung vase na full of roses na pasalubong nya sa akin kaninang umaga. Sa galit ko, ibinato ko yung vase sa talikuran nya. Tinamaan sya ng basa sa batok nya at nabasa yung damit nya sa tubig na nasa loob ng vase. Nung bukagsak yung vase sa sahig, hindi nabasag at nag roll back sa pwesto ko. Gusto ko sanang pulutin at ibato sa kanya mulit yung vase. Umaray na naman si Mark at nagstagger sya. Umikot sya ulit at tumitig sa gawi ko. Tinitigan nya ako at parang nagliyab yung mga mata nya. Para syang naging isang toro na susugod sa biktima. Sobrang galit ang mukha nya.
Sinipa ko yung vase out of the way. Tapos I made a fist. Handa na akong masira yung mga kuko kong bagong katatapos ng manicure. Naging loose yung buhok ko at napunta sa mukha ko. Lumabas yung ngipin ko sa sobrang galit. Kung makikita mo ako, para akong isang werewolf na handang makipagdigmaan sa hijo de p..a na ito.
"Daddddyyyy, daddddyyyy, daddddyyyy..." Sigaw na naman ng mga bata sa hallway.
At yung asawa ni Mark ay biglang nagsalita, " Mark, wag mo akong pababayaang mag iskandalo pa dito."
Tinalikuran ako ni Mark at humarap sa pamilya nya. At lumakad sya sa kinalalagyan nila. Minura ko si Mark. Kinuha ko yung mga roses sa sahig at pumunta ako sa likuran nya at ipinaghampas-hampas ko sa batok nya at sa pisngi nya. Lumakad lang sya at binali wala yung ginawa ko sa kanya.
Tapos na shock na naman ako. Parang bumagsak yung buong mundo ko muli. So I lowered my head na lang. Diyos ko. I went thorugh this pain ilang buwan lang na nakaraan kay Carlos. Parang kahapon lang na ginamit at linoko ako ni Carlos. Bakit nangyari na naman sa akin ito. Twenty-six lang ako, bakit palaging nangyayari sakin ito. Hindi ba pwedeng sa ibang parte ng buhay ko mangyari itong sakit ng loob. Wala pang tatlong buwan ay pinasakit na naman ang aking kalooban.
Nung mejo nawawala na yung shock ko tumingin ako sa babaan sa may nakapark na koche sa harapan ng condominium entrance. Binuhat ni mark yung isa sa mga bata na naka pajama. Yinakap sya ng bata. At pumasok sila sa loob ng sasakyan. Ang huling pumasok ay yung babaeng naka pajama na naka curls pa. may hawak din syang bata at naka house slippers. Tinitigan ako ng asawa nya.
Yung isa sa mga bata nag tanong kay Mark, "Daddy sino yung babae na yon?"
Hindi sinagot ni Mark yung tanong ng asawa nya, "Wag ka na magtanong at pumasok ka na lang sa loob ng koche."
Yung isang bata naman nagsalita, "Mommy huwag ka ng umiyak. Please stop na."
Sinagot ng mommy ng bata, "Shhhh. Pasok ka na sa loob ng car sa daddy mo."
Bago pumasok ng koche si misis, ay tinitigan ako ng warning. Hindi sya nagsalita, pero ang titig na yun ay maraming ibig sabihin. Sinasabi non asawa nya si mark at alam nya kung saan ako nakatira. Parang halatang nangyari na sa kanya ito dati sa pinaggagawa-gawa ni Mark.
Parehas kaming tumutulo ng luha. Ang mga kapit bahay ko naman ay nakadungaw sa kanilang mga bintana o kaya'y nagbukas ng kapirangot ng pintuan at tumingin kung ano ang nangyayari. Talagang nosy ang mga kapit-bahay.
Talagang pinaikot ako ni Mark. Nakilala ko sya sa National Bookstore last month. Nandoon kami sa isang very small na section. Nag chit-chat kami tapos nag exchange ng business cards. Tapos mula noon, pinapadalhan nya ako ng flowers at cards sa office namin. Yun pala panggastos sa pamilya nya ang ginagastos nya sa akin. Ilalabas nya ako. Tapos mag snack kami sa Red Ribbon or Goldilocks. Tapos pag dinner naman doon kami sa Glorietta. Tapos hindi sya nakakalimot tumawag sa akin. Very perfect nga. And katulad ng lahat ng mga perfect...it's too good to be true.
Yun nga lang yung sira ula na Mark na yan biglang nagkaroon ng amnesia na may asawa sya. Napaka lapit na ng Valentines Day at nangyari pa sa akin ito.
Napaka bobo ko naman kase. Kapag tinatawagan ko si Mark biglang nag vo-voice mail palagi. At beep-beep lang ng beep-beep. Yun pala forward sa ibang voice mail service yung naka program sa cell phone nya.
Tapos nung sinabi ko na ayoko mag drive ng malalayo bigla syang naging isang napakasayang ewan at sinabi mabuti pa na sya na lang ang dadalaw sa akin at para iwas ako sa lahat ng mga napakadelikadong bagay sa highway at sa iba't ibang daan. hay nako kung dumilat lang sana yung mata ko at ako ang dumalaw sa kanya.
Nahalata kong nagbabago na ako. Lumalamig na yung puso ko.
Hinakot ko yung bedheets ko at itinapon ko sa basurahan. Tapos naligo ako. Trying to scrub all memories. Si Craig kailan lamang pinaikot din ako. Ang hirap. Parang feeling kong napakabigat ng mundo na pinapasa ko sa aking balikat.
Please lang God. Ayoko ng umiyak. Ayoko ng masaktan ulit. Alisin mo na yung sakit ng uloko at ihinto mo na yung feeling ng pagka-bigat sa katawan ko. Please God.