Teentalk

Poll

Ako ay isang:

Silent Reader
Napasyal lang
Avid Reader :)

Author Topic: Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit  (Read 39397 times)

itsmerachelleg

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +4/-0
  • Crazy for You!
    • TuMbLer qOh! ♥
Re: Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit
« Reply #495 on: October 10, 2011, 08:37:55 pm »
Wew.. Natapos ko din! :D Sis...ang coool coool ng story mo!! ;D HAHA!! Tengines talaga yang si BLUE pati kay PINYA galit ako!! lalo na yung sa sugat thingy!! A-AH mo KEN!! >:( KAinessss! >:( jared, where art thou??!!
i'm going to smile and make you think i'm happy,
i'm going to laugh, so you don't see me cry,
and even if it kills me
i'm going to smile! :|

♥  Twitter   ♥

yahk06

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1659
  • Karma: +88/-10
  • I bite! ^__^
    • Cutehearts
Re: Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit
« Reply #496 on: October 26, 2011, 12:25:13 am »
oii sis! Isang buwan na ang nakalipas mula sa last reply ko. Ahee. Kelan ang update? Huhu.. :( sobrang miss ko na ang fp. Haii~ lalo na si ken at grace. Aheee.

Sembreak na kasi namin at sobrang boring. T.T wala pang computer na pwedeng gamitin para magnet. Wala na rin akong mapaglibangan. Ahe. Nagdrama eh no? Haiii.. Sana makaupdate ka na. Muah!
Tumblr | DeviantArt | Twitter

I realized, it was only just a dream <3

dizzy gurl

  • taffy
  • ***
  • Posts: 344
  • Karma: +33/-4
  • You got me tipsy, baby!
    • ALWAYS G U T O M :D
Re: Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit
« Reply #497 on: November 06, 2011, 05:23:51 pm »
| Inlike or Inlove? Incrush?
The Princess is confused!

Ayun, dumating din ung oras ng deadline. Naireport naman namin kay Sir Sadista ng maayos yung project namin though medyo sumablay pa ako kanina kasi nagkamali ako ng intindi sa tanong ni Sir -___- Pero at least ok na kami diba! Sure pass na kami nito for sure!

DA: oi Grasya! May gagawin ka ba this Saturday?
G: wala naman Ernesto. Baket?


Sa tuwing tinatawag niya akong Grasya, tinatawag ko naman siyang Ernesto. Gantihan lang!

DA: tara sama ka samin. May imimeet akong fangirls and fanboys kasi magcecelebrate kami ng birthday nung isa kong “tomodachi”. Masaya yun! XD
G: oo ba! Wala naman na din tayong gagawin eh. Tapos na di naman tayo sa project. XD


So ayun. Saturday it is. May raket kami ni DA. Shet naexcite ako tuloy. Ngayon ko lang kasi maeexperience ang fumangirl kasama yung ibang fangirl (and fanboys) eh. Wahahaha. Annnd makakapag-fangirl na ulit ako dahil tapos na kami sa project namin. Yay!

DA: sama mo na din si Jared hehe :D

Ay. Ansabi? Sasama ko daw si Jared. Hala ka! O_O

G: tuwang tuwa ka masyado kay Jared ah. Type mo yata eh -___-
DA: hindi ah! Kaw naman selos ka na agad. Dali isama mo siya ha.
G: oo na kulet.


Feeling ko talaga type niya si Jared. Kasi lagi niyang hinahanap tsaka kinakamusta sakin ever since na nagkakilala sila eh. Feeling ko talaga half-half tong si DA eh. Half Boy, Half Girl. :|


--------------------
Araw ng Sabado. Usapan namin na magkikita-kita kami sa tapat ng isang Japanese Restaurant kasi doon daw yung “gathering” nila. Kasama ko na si Jared tapos si DA na lang hinihintay namin. Late na siya sa usapan namin ng 15 minutes. Tss.

J: ano naman gagawin niyo sa gathering? Para ba yang children’s party??
G: to be honest, hindi ko din alam. First time ko lang umattend sa mga ganito eh. Buti nga at pumayag kang sumama. Kinukulit kasi ako ni DA na isama ka eh. Type ka niya ata >_<
J: haha, loko ka. :P o eh nanjan na pala siya eh.


Nagmamadaling tumakbo palapit samin si DA. Grabe lang pagod namin sa paghihintay niya infairness ah. Sarap kutusan ang tagal kasi!

DA: sorry na-late ako! Traffic kasi eh!
G: traffic your face. 15minutes kang late. Dapat ilibre mo kami ni Jared!
DA: oo sige libre ko na kayo. Sorry na -_____-
G: well, dahil ililibre mo kami, you’re forgiven na!


Ganun lang naman ako kadaling kausap eh. Basta ba sulsulan niyo ako ng pagkain lalo na kung libre, forgiven ka na sa mga kasalanan mo sakin. Muhehe! :D

So dinala na ni DA sa Japanese Restaurant na tinutukoy niya. Actually, cake shop siya tapos yung may nagseserve sa loob eh mga cute na maids. Naka-black dress sila na may malalaking ruffles. Maid Café yata tawag sa kanila. Akala ko sa anime lang ako makakakita ng ganun. Ngayon mismong nasa harap ko na sila ngayon at pwede ko silang hawakan. Ang cute nila!!! Tapos ang sasarap pa nung desserts na sine-sell nila. Ang kukulay at parang ang sasarap pa. Weee~ Kahit yung ambiance mismo nung Cake Shop ang ganda. Japanese na Japanese ang dating plus decorated siya with some “kawaii” stuff. :P

Doon kami umupo sa may bandang dulong part ng shop. Napansin namin ang daming nagkukumpulang mga tao. I guess sila yung mga friends ni DA. Ang ingay nila :O

DA: ui! Sorry late ako. Pakilala ko pala sa inyo friends ko. Siya si Grace tapos yung katabi niyang gwapo ay si Jared.

Biglang nag-flail yung ibang fangirls nung napakilala ni DA si Jared sa kanila. O_O shet. May fangirls na agad si Jared. Bilis ah =))

Edi ayun, ginawa namin yung “ginagawa” din nila. Nag-flail. Kumanta. Nagkwentuhan. May isa pa nga sa sa kanila nagdala ng laptop eh. Nanood kami ng ibang mga palabas doon.

J: so ito pala tinatawag nilang “fangirls” and ganito din ginagawa ninyo.
G: hehe oo. Bored ka na ba? >_<
J: haha nope. Enjoy naman eh. Nakakatuwa kayong panoorin :P
G: ay hehe pasensya na. Ganun talaga kami. Nagfe-flail kami pag yung idols na namin napaguusapan.
J: pansin ko nga eh. Pero mas gwapo naman ako sa kanila no B)
G: haha! Ewan ko sayo! May mga fangirls ka na nga eh XD
J: haha ikaw may fanboy.
G: fanboy? Ako? Sino?
J: edi ako! :P
G: hahaha baliw!


Ui pero inaamin ko. Kinilig ako doon sa sinabi niya. Hahaha :D landi ng lola mo haha. Baket ba! Eh sa nakakakileg yun sinabi niya eh >_<

FANGIRL1: Kuya mukha kang anime. Fanboy ka ba?
J: ha? Hahaha hindi eh
FANGIRL2: pero mukha kang anime! Parang kang anime na lumabas sa TV!!!
J: ah ganun ba? Hehe, thanks!

O diba. Dami na niyang fangirls. At pinagkaguluhan na siya. Haha. Pero ok lang. Ang mga Dyosa hindi yan madamot. Bagkus, mapagbigay pa sila. So ok lang SAKIN. Ay. Ano daw? Inangkin? Haha!

DA: oiii tantanan niyo na si Jared. May GF na yan no!
FANGIRLS: eeeeh?!

Biglang ngumuso si DA pa-direksyon sakin. Napatingin naman lahat sakin yung fangirls ni Jared and in synchronization, sinabi nila:

FANGIRLS: WEEEEEEH DI NGAAAAAA?!
J: hindi ko pa siya girlfriend, pero doon na din yun mapupunta. :P
FANGIRLS: WEEEEEEH DI NGAAAAAA?!

At inulit pa nila. Ay sorry naman no? Sorry kung nakaka-disappoint yung narinig nila. Sorry kung hindi ko na-meet yung standard nila para doon sa “sinasamba” nilang si Jared. Sorry naman. Hahaha.  Natawa na lang ako sa reactions nila eh. Pero di naman sila naging harsh sakin kahit nalaman nilang you know ako ni Jared. Kinakausap and kinukulit nga lang nila ako lalo. =____=

Mga bandang 6pm na nung natapos yung gathering. Ang saya lang ng event eh. Paano, nakakilala ako ng new friends. Tapos for the first time na-experience ko din yung ganitong mga gaths. Ang sarap pala ng feeling pag fumafangirl ka ng may kasama XD Ang mas masaya pa sa araw na ito eh nilibre ako nina Jared at DA. Sino ba namang hindi sasaya pag nilibre diba? Hehe --, Nilibre nila ako nung cake. Ang cute talaga, parang nakakahinayang kainin >_<

DA: ang saya dibaaa?
G: oo nga eh! Next time sama ulit ako ah!
DA: sure!
G: kaw din Jared sama ka ulit ha?
DA: oo nga! Para matuwa yung mga tomodachi ko. Hehehehe.
J:hmm.. kung may next time pa :)
G: eh? Bakit naman? Meron pa yan for sure!
J:
*smiles*

Ito na naman yung weird aura ni Jared. He just smiled at us, pero parang pilit. Ewan ko ba. Parang napapadalas na ganun yung aura niya kapag nakakasama ko siya. Feeling ko talaga may something siya na hindi niya sinasabi sa akin..

Hindi kaya nadedevelop na din siya kay DA? O_O ay shet, joke lang. >_<

DA: hatid na kita Grace.
G: ha?
DA: ay sorry hahatid ka nga pala ni Jared. Wah~ sorry sorry! *bows head*
J: haha, ok lang. Hmm, may lakad din kasi ako after. Ikaw na lang din maghatid kay Grace sa kanila.
DA: eeeh? Talaga ok lang sayo? Wow, great!


Hyper na naman tong si DA. -___- kanina pa siya maingay eh, pansin niyo? Hahaha.

G: eh? Saan ka punta?
J: hmm, may aasikasuhin lang akong papers. :)
G: papers? Sa gabi? Diba sarado na mga office?
J: kamaganak ko naman yung nag-aayos ng papers kaya pwede kong iabot sa kaniya directly
G: ah.. ok.
J: DA, kaw na bahala kay Grace ha? Una na ako sa inyo.
DA: ok ingat!
G: ingat ka!


Tapos ayun, umalis na si Jared. Papers? Anong papers kaya yun? Papers kaya sa kasal namin yun?? Ay, joke lang HAHA.

DA: ang aga pa, wag muna tayo umuwi!
G: o eh saan naman tayo?
DA: wala lang. Gala lang muna tayo sa mall XD
G: ah ok. Medyo tinatamad pa naman ako umuwi.


So ayun, inikot namin yung buong mall. We talked about fandom, how and when he and I started liking Korean and Japanese music. Kung sino bias namin and stuff related to fandom nga. Walang tigil kami sa kakatawa, eh kasi naman ang bebenta nung mga jokes niya.

Then bigla naming napagusapan si Jared. Intrigero talaga tong lalaking to. Palibhasa type niya (ata) si Jared kaya kinukulit ako eh. -_____-

DA: matanong ko lang, kelan ka pa nililigawan ni Jared?
G: Hmm.. di ko alam eh. Basta bago magtapos yung school year last year nanliligaw na siya
DA: ah.. eh bakit di mo pa siya sinasagot?
G: ha? Eh di ko alam eh..
DA: bakit? Eh diba mafifeel mo naman kung mahal mo na yung isang tao?
G: hindi ko alam eh. Kasi to be honest, hindi pa ako naiinlove. Kaya di ko alam talaga..


Shet parang ang awkward ng topic namin. Love stuff eklavoo. Eh wala naman talaga akong alam sa mga ganyan >_< Itong si DA lang mapilit pagusapan yung topic na yun. T_T Well since napagusapan na din namin, bakit nga ba hindi ko na lang siya tanungin. Like you know, tips on how to know if you are really in love with that person.

G: eh ikaw? Paano mo naman masasabi pag inlove ka na?
DA: well, I am not sure kung LOVE nga ba ang tawag doon. Pero that time, I was the happiest person when I’m with this girl. Every little thing she does makes my heart go flutter. I had butterflies in my tummy without knowing kung bakit. Alam mo yun, parang kinakabahan ka kapag kasama mo siya. Kinakabahan in a sense na hindi mo alam ang gagawin mo kapag kasama mo siya. Tapos gusto mo siyang makita everyday… gusto mo siyang makausap. Kinikilig ka kapag nakakausap mo lang siya. Miss mo na agad siya at as much as possible, gusto mo siya makasama ng mas matagal sa isang araw.
G: ah..
DA: pero kaniya kaniyang perception naman kasi ng pag-ibig yan. Maaring iba yung ibig sabihin ng salitang “pag-ibig” sayo. Basta ang sakin lang, hindi mo kailangan ng dahilan para magmahal at mahalin ka ng isang tao. Kasi ano na lang mangyayari kung nawala yung “dahilan” diba? Edi ibig sabihin hindi mo na mahal yung isang tao? Mali naman yun diba? At dumadating si “pag-ibig” sa mga unexpected situations. So minsan, mabibigla ka na lang “Shet, inlove na pala ako sa kaniya!”. Ayun. And wala din yan sa tagal ng pagkakakilala mo sa tao. Hindi ako naniniwala sa mga ganun :P Basta once na tumibok ang puso ko, wala na. It’s over na. Inlababo na ako doon sa taong yun hehe
G: ah… so ganun pala yung “Pag-ibig”…


Pag talaga pag-ibig na ang pinaguusapan, napapa-seryoso mo ang isang tao ano? Tulad na lang nitong si DA. Lagi kasi siyang hypher at puro kalokohan yung mga sinasabi niya pero nung napagusapan namin yung tungkol kay “Pag-ibig”, bigla na lang siya naging seryoso and yea, sentimental. O_O Feeling ko tuloy hindi si DA yung kausap ko -____________-

DA: ikaw ba,nafeel mo na din ba yun?
G: oo. Kaso…
DA: kaso ano?
G: kaso parang may kulang?
DA: paanong kulang?
G: Si Jared, lagi niya akong pinapasaya. May mga times na kinikilig ako pag kasama ko siya. Pero pakiramdam ko parang may kulang pa eh. Oo, kinikilig ako pero parang iba… Di ko maexplain eh waaah @_@
DA: ahh. Naku mahirap yan. Maaring mamisinterpret mo ang LOVE sa LIKE.
G: eh anong gagawin ko?? Di ko nga alam kung ano tong lintek na nararamdaman ko eh! At isa pa..
DA: ano naman yun?
G: ano eh..


Ehhh. Paano ko ba sasabihin? Nahihiya kasi ako eh. Parang nadidiri din ako sa sarili ko kapag naiisip ko yung “bagay” na yun. Pero kasi namaaaaan waaaaaaaaah asjkghkfg

DA: ano nga yun?
G: eh ano kasi. Ganito yun. Wag kang tumawa ha? Kung hindi ihuhulog kita sa bangin. T___T
DA: oo pramis. O game. Ano yun?
G: minsan may weird feeling din ako kapag kasama ko yung isang tao.
DA: oh tapos?
G: tapos ano eh.. ewan ko di ko maintindihan pero lagi kaming nagtatalo. Hindi talaga kami magkasundo! Pero may mga times na pag nakakasama ko siya,   I feel heartburn in my chest? Parang bigla na lang kakabog yung puso ko pero hindi ko naman siya gusto! Ewan ko naguguluhan ako!
DA: so yung nafifeel mo kay Jared, nafifeel mo din doon sa isang tao?
G: oo parang ganun na nga. Gets mo ba? Kasi naguguluhan ako sa sarili ko eh. Waaaah @_@


Tengene kinikilabutan ako sa mga nirereveal ko kay DA. Nakakakilabot parang gusto kong isuka yung mga sinasabi ko T____T

DA: so you’re confused, eeeeh.
G: confused your face! Hindi ako nacoconfuse sa kanila. Nacoconfuse ako sa nararamdaman ko. Kasi ang labo nila. Mas Malabo pa sila sa mata ko. Pakshet.
DA: and do I know this other person who makes your heart race?
G: race mo mukha mo. At paalala ko lang sayo, di ko siya gusto ok? And secret ko na yun kung kilala mo siya o hinde!
DA: eeeh. Ikaw ha, may sinisikreto ka na sakin. --,
G: tse! Ewan ko sayo.


Dapat talaga hindi ko na lang inopen-up sa kaniya yun eh. Ay naku, nakakainis lang! And kahit kulitin pa niya ako, di ko sasabihin sa kaniya kung sino!

Kayo ba kilala niyo kung sino yung tinutukoy ko? Hindi diba? Please say No!!! >_<

DA: total naman may sinabi ka saking sikreto, ako naman may sasabihin sayo.
G: o ano yun?
DA: may crush ako ngayon.
G: weeeh di ngaaaa at sino naman yan ha?! Pakilala mo naman sakin!


Hulaan ko. Si Jared crush niya. Heheheeh --, Joke!

DA: teka nga! Patapusin mo muna kasi ako! Ayun nga. Tapos pag kasama ko siya ang saya ko. Ang kwela niya kasing tao tapos ang cool cool niya! Ang funny niyang kasama actually. Tapos parang ayokong maghiwalay kami kasi feeling ko mamimiss ko siya agad. Kaya nga kung pwede lang, pinapatagal ko yung oras pag magkasama kami eh. At pag kausap ko siya, malakas kabog ng puso ko.
G: oh tapos? Anong nangyari?
DA: tapos, tapos na!
G: eh?! Ano ba naman klaseng kwento yan, tapos na agad?!
DA: oo. Eh kasi meron na siyang someone eh.
G: eh? Naunahan ka? Sayang naman!
DA: hindi naman.. basta as long na nakikita ko siyang masaya, masaya na din ako. Tsaka crush ko lang naman siya eh. Hanggang doon lang naman yun. Hehehe.
G: ah.. ok. Labo nun ah. Crush mo pero yung symptoms of being inlove, nafifeel mo sa kaniya. Sino ba yung crush mo?? Kakilala ko ba yan?
DA: hehe secret din!
G: daya!!!


Natawa ako doon. For the first time kasi nag-open up ng secret sakin si DA. At yung topic namin ngayon eh di related sa fandom ha. Infairness naman :))

DA: Grace
G: ow?

Bigla niyang kinuha yung kamay ko tapos nilapat niya sa puso niya. Hala, anong nangyari doon? O_O Maglu-Lupang Hinirang ba siya at bakit kamay ko pa yung ginamit niya? Labo amp!

DA: nafifeel mo ba?
G: ang alin??

Imbes na sumagot siya, nginitian lang niya ako. Ano ba gusto niyang mafeel ko?? Yung puso niya? Eh may puso din naman ako ah, bakit kelangan hawakan ko pa yung puso niya? O_O

Dug dug. Dug dug. Dug dug.

G: ang lakas ng kabog ng puso mo! O_O Anyare sayo?
DA: hahaha

Hindi na naman niya sinagot yung tanong ko. Hala eh bakit ang lakas ng kabog ng puso nun? May sakit ba yun sa puso? Eh kung meron dapat kanina pa nangisay yun. Ah. Baka kaya ganun kasi kinakabahan siya kanina nung kinukwento niya yung secret niya sakin O_O Ah. Ganun ba kalupit yung sikreto niyang yun at para kabahan siya ng ganun? O_O

DA: tara na nga ihatid na kita sa inyo at medyo late na din
G: oo nga eh. Napasarap masyado kwentuhan natin haha! Oi sikreto lang yung mga napagusapan natin ah!
DA: ni hindi ko pa nga kilala yung tinutukoy mo kanina eh..
G: eh naku. Wag mo ng alamin at hindi mo naman ikamamatay pag nalaman mo yun. Hahaha


Mga 10pm nung umalis kami ng mall. Iniisip ko kung sino yung crush ni DA. Hindi kaya si Jared yun? Eh kaso kakakilala lang naman niya kay Jared eh.. OH NOES. DON’T TELL ME SI KEN YUNG…. O_O

G: DA may tanong ako pero wag mong mamasamain ha?
DA: ano yun?
G: are you Gay? :|
DA: HAHAHAHAHA WHAT?!
G: just answer me!
DA: of course not!
G: eh semi-gay?
DA: hahaha! May ganun ba?!
G: oo. Ikaw. -_____-
DA: ay naku Grasya ewan ko sayo. Hahahahaha
G: ewan ko din sayo Ernesto. -_____-


Aba. Malay ko ba kung semi-gay siya ngayong nalaman kong si Ken pala yung crush niya….. -_____- No wonder kung bakit ganun na lang kalakas tibok ng puso niya.  -_____-

------------------------

GUYS! ngayon lang nakapag-update dahil sa busy sched. Wala pala dito si Ken. magpapamiss daw muna siya sa inyo haha! :P Sana magustuhan niyo. Heehee! :)
« Last Edit: November 06, 2011, 05:35:51 pm by dizzy gurl »

envyhurts

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 545
  • Karma: +27/-6
  • Hi! I'm April Salvador
    • Personal Blog
Re: Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit
« Reply #498 on: November 06, 2011, 06:26:27 pm »
Haha i knew it! DA! Haha at si jared ang weird parang wala nang sweetness.. At si ken? Nakakamiss ü

yahk06

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1659
  • Karma: +88/-10
  • I bite! ^__^
    • Cutehearts
Re: Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit
« Reply #499 on: November 07, 2011, 01:04:38 am »
ahee~!
ok lang kahit bitin. hehe
nu anyari kay JARED? hmm? hehe
miss you na papa KEN! hakk!

Thumbs up sis! MUAH! ;)
Tumblr | DeviantArt | Twitter

I realized, it was only just a dream <3

dizzy gurl

  • taffy
  • ***
  • Posts: 344
  • Karma: +33/-4
  • You got me tipsy, baby!
    • ALWAYS G U T O M :D
Re: Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit
« Reply #500 on: January 01, 2012, 08:17:11 pm »
| Bidding Goodbye to the Prince


KEN’s POV
Hai weekend. I love weekends! Sino ba namang hindi diba? Nasa bahay ka lang at nagpapaka-bum kasi walang pasok. Wala din yung fangirls ko na umaaaligid sa akin kaya naman napaka-peaceful and quiet ng paligid ko. I love weekends!

*RING RING*

Calling: 0916*******

At sino naman tong caller na to? Unregistered number. Might be one of those girls who keep on stalking me? Kainis! Hindi pa pinatawad yung Sunday ko! Pag di ko naman sinagot to, baka sabihin nila snobbish ako at ikakasira pa yun ng image ko! Demmet! So no choice ako diba?

K: yes, hello?

Ken?

Did I heard it right? Boses siya ng isang… lalaki O_O Don’t tell me, nakakabading masyado itong kagwapuhan ko?!

K: who’s this?

It’s me, Jared.

Oh good. At si Jared pala tong tumawag sakin. Hindi lang niya naistorbo yung pahinga ko, nasira pa niya mood ko. The mere fact na marinig ko pa lang boses niya, makita siya or marinig ko pangalan niya, umiinit na ulo ko eh. Kung bakit? Hindi ko din alam. -____-

K: yo what’s up.
J: pwede ba tayong magkita?
K: are you asking me for a date?
J: well yes.
K: WHAT THE HELL?
J: lol no. Gusto ko lang makipagkita. I have something to tell you. Mas maganda kasi kung in person.

So pumayag ako sa gusto niya. Ano naman kayang sasabihin niya sa akin at nag-effort pa siyang tawagan ako? Hmms.

So we met sa isang coffee shop near my house. He was already there when I came. Siguro kanina pa siya nandoon nung tinawagan niya ako.

K: so anong meron at kailangan mo akong makita ngayon?

He didn’t answer. Tahimik lang siya at nakatitig lang sa coffee niya. Shet, ako ba gusto niyang kausapin o yung kape niya?

K: Jared, kung may kailangan ka pwede bang sabihin mo na sakin kasi busy ako.

I lied. Ang tagal kasing magsalita eh. Ano ba to, chix? Kelangan pang pilitin para lang magsalita? Badtrip ha.

J: Ken.
K: o. Nagsalita ka din.
J: will you take good care of Grace for me?

So okay? That was weird? Bakit niya sinasabi sakin yun? I mean come on, mukha ba akong yaya ni Grace para siya bantayan ko? At diba siya yung PA ko dapat ako inaalagaan nun ah! Pero ang weird, bakit niya sinasabi sakin yun?

K: o bakit? Iiwan mo si Grace? Aalis ka? Ha! Joke ba to?

Natawa na lang ako. Eh head over heels inlababo tong lalaking to sa Amazona na yun eh sabay sasabihin niya sakin yun? Take care? Take care his face!

Pero hindi pa di nagsasalita si Jared. Ano bang problema ng lalaking to?

J: just promise me. Will you take good care of her?

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. I just stared at him. Hindi ko kasi maintindihan yung mga sinasabi niya eh. Parang lasing kausap. I composed myself then started talking.

K: ok. Baka pwedeng ikwento mo muna sakin yung nangyari kasi nabibigla ako sa mga sinasabi mo eh.

He cleared his throat and started talking. He explained to me everything. Now I know kung bakit niya sinasabi sakin ang mga ito. Medyo magulo, pero pinipilit kong i-gets. Nagulat ako actually sa mga sinabi niya. And… I don’t know kung kakayanin ni Grace kapag nalaman niya ang bagay na ito.



GRACE’s POV
Ano kayang meron at pinapunta ako ni Ken ng maaga sa school?? Baka naman may iuutos na naman sakin yun. Pakshet, napakatamad talaga ng Pinyang yun. -____-

K: HOY BAKIT ANG TAGAL MO?!
G: anong matagal pinagsasasabi mo? Eh ang aga pa kaya!
K: kanina pa ako naghihintay dito. Ano ka, chix?
G: hinde, DYOSA ako.

Badtrip eh! Kaaga-aga nakasimangot agad! Sino ba namang di mababadtrip doon diba?!

G: oh? Anong kelangan mo at pinapasok mo ako ng maaga?!
K: mag-cut tayo sa class ni Sir Sadista.
G: eh bakit?! Ayoko nga! Gusto kong mag-aral no!

Shet, nakakakilabot yung sinasabi ko. Ako? Gusto kong mag-aral? Sa subject ni Sir Sadista? Kelan pa?! Pero dahil ayokong makasama yang Pinyang yan, mas pipiliin ko pang pumasok kesa sumama sa kaniya no! Pakenbits naman oh.

K: wag ka ng pumasok, wala din naman papasok sa utak mo eh.
G: aba! Ang kapal mo! Ayoko nga kasing--
K: ngayon flight ni Jared.
G: sumama--- ANO?!
K: ang daldal mo kasi! Ayaw mo akong pagsalitain! Tapos ngayon tatanong tanong ka!

Teka, ano daw sabi niya? Flight? Diba ibig sabihin aalis ka sakay ng eroplano? Si Jared? Flight? Aalis? Teka, ang gulo!

G: pakiulit nga yung sinabi mo. Anong flight? Aalis si Jared?
K: sumakay ka na kasi sa auto. I-eexplain ko sayo kung anong nangyari.

Shet. Teka. Nanghihina ako. Bakit ganun? Bakit walang sinasabi sakin si Jared? Bakit hindi niya sinabi sakin.. na iiwan na niya pala ako?




----FLASHBACK – Ken and Jared’s Conversation----

KEN’s POV

K: ok. Baka pwedeng ikwento mo muna sakin yung nangyari kasi nabibigla ako sa mga sinasabi mo eh.
J: I am getting married.
K: WHAT?! MARRIED? YOU?

Bigla akong napa-inom ng di oras sa kape ko. Di ko naalintana yung init. Putek, eh nagulat ako sa sinabi ng kaharap ko eh! Ikakasal na siya! Eh ang alam ko si Grace kursonadang babae nun eh!

J: actually, biglaan.
K: what?! Nabuntis mo yung babae?!
J: G@GO HINDI PWEDE BA KASING PATAPUSIN MO MUNA AKO?! FOR PETE’S SAKE!

Ok, napatingin samin yung mga tao sa coffee shop. Nakakahiya, baka isipin nila may LQ kami. Eww. At knowing na sa kaniya pa ako mapagkakamalang may karelasyon? Mas eww!

J: My Dad’s company got bankrupt and the only solution is to marry the only daughter of his business partner. Sa sobrang desperado ng Dad ko, he agreed with it without my consent. Sinabi lang niya sakin yun about sa b*llshit na marriage na yan after matapos ma-arrange ung papers sa kasal namin nung girl na never ko pang nameet at nakilala..
K: so… you’re leaving Grace?

His hands were clenching. Halos mabasag na yung baso dahil sa sobrang higpit ng hawak niya dito. Galit na galit siya habang kinukwento niya sa akin yung mga bagay na iyon. I don’t know what to say. I don’t know what to react. And I don’t know what to do. Unang una, dahil hindi ko gusto ang taong nasa harap ko. I don’t even consider him as a friend. At pangalawa, hindi ko alam kung ano nga ba ang right words na dapat kong sabihin pag sa mga ganitong klaseng sitwasyon.

J: I don’t want to. But I have no choice. Naayos na lahat ni Dad and wala na akong magagawa. He even sent me my flight ticket to New York. Last month pa actually. Kaya panay ang alis ko dahil inaayos ko yung mga papers na kailangan. Gusto ko sanang sabihin kay Grace pero paano ko magagawa yun kung nakikita kong masaya siya? Ang sakit sa loob. Ayoko siyang masaktan dahil sa desisyon na yun. Lahat nung pangako ko sa kaniya, naglahong parang bula dahil sa lintek na problema namin. And as much as possible, ayoko siyang madamay sa problema ko.
K: Pero you don’t want to leave Philippines without seeing her, right?
J: I wanted to see her… but I don’t have the courage to do so. I don’t want to see her cry and hurt because of me..
K: alam mo, ang drama mo. Kalalaki mong tao umiiyak ka.

Oh yes my dear readers and fangirls. He started crying after masama si Grace sa topic namin. Kalalaking tao umiiyak? So gay! At mas nakakahiya lang dahil yung mga tao sa loob ng café nakatingin samin ulit. Shet, baka iniisip nila na boyfriend ko tong si Jared at umiiyak siya dahil nakikipag-break ako sa kaniya? OH GOD.

Hindi ko na lang sila pinansin (I am trying) and focused myself sa taong kasama ko (putek parang ang gay pakingan -____-)

K: kung matapang ka at kung mahal mo nga talaga si Grace, sasabihin mo ang lahat sa kaniya. Sasabihin mo yung truth. Hindi pa huli ang lahat. Meron pang bukas para masabi mo lahat sa kaniya. Explain to her everything and say sorry. Ahm.. I know I am not the right person to say this but, kahit naman lagi kaming nag-aaway ni Grace, alam kong mabait siya. Mapapatawad ka nun.

Shet. Lumabas ba talaga sa bibig ko yung salitang yun?! Si Grace? Mabait? Kelan pa?! Makikidlatan ako ng di oras nito eh.

J: I know.. But I don’t know kung mapapatawad niya ako after kong itago sa kaniya to.
K: trust me. She’ll understand. Bakit nga pala sakin mo sinasabi tong mga to? Alam mo namang hindi ko kasundo si Grace so bakit sakin mo siya hinahabilin?
J: kasi may tiwala ako sayo.
K: tiwala? Sakin? So ipinagkakatiwala mo sakin yung taong gusto mo?
J: yes. Because I know that you would take good care of her.
K: nonsense.

Eh talkshit na naman yung pinagsasasabi ng lalaking to. Nakakainis.

J: baka sa ngayon hindi mo pa narerealize. Or maybe, narerealize mo na pero pinipigilan mo lang. You’re just in denial.
K: yun alin pinipigilan ko?
J: yung feelings mo sa kaniya.
K: ah. Feelings ko? Oo. Gusto ko siya minsan sakalin kasi napaka-clumsy at ang ingay niya. Minsan gusto ko siyang sapakin kasi ang gulo niya at ang bagal kumilos. Yun yung mga feelings ko sa kaniya na pinipigilan ko lang kasi ayokong magkaroon ng kasalanan. Ok? Satisfied ka na?
J: haha ok, sabi mo eh.

Then he started to drink his coffee. Medyo kalmado na siya. Siguro nga tama ang sinasabi nila na mas nakakagaan ng loob kapag may tao kang nasasabihan ng problema mo. Well, I don’t know. Pag may problema kasi ako, mag-isa ko siyang sinosolve. Magaling ako eh!

K: So, what time is your flight?

He gave me the details then he left the café. Mukhang mapapa-absent ako bukas sa school nito ah.
----END OF FLASBACK----

dizzy gurl

  • taffy
  • ***
  • Posts: 344
  • Karma: +33/-4
  • You got me tipsy, baby!
    • ALWAYS G U T O M :D
Re: Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit
« Reply #501 on: January 01, 2012, 08:20:47 pm »
(cont..)

GRACE’s POV
K: o ano? Kalmado ka na? pwede na ulit magsalita?
G: so yun pala yung nangyari. Bakit… bakit hindi niya sinabi sakin? Bakit…. Biglaan naman yata?

No. Actually hindi siya biglaan eh. According sa explanation ni Ken, matagal na pala daw yung problema nila.. Pero ngayon lang nalaman ni Jared at nung panahong nalaman niya yung tungkol dito, nakulong na siya sa isang kontrata. Kaya nga ba ayoko ng mga magulang na super yaman eh! Kapag may desisyon sila, damay pati buhay ng mga anak nila. Ang selfish nila! Wala na silang pakiaalam sa mga anak nila basta lang maisalba nila yung nalulugi nilang kumpanya. At isa na doon si Jared.

Naiinis ako. Hindi ko alam gagawin ko. Nakakabigla kasi. Parang nung isang araw lang magkasama kami ni Jared. Ang saya saya pa nga namin eh diba? Iyon pala.. may kapalit pala yung happiness na yun. Bakit lagi na lang ganun? Kapag sobrang saya mo, biglang sobrang lungkot mo na the next day. Hindi ba pwedeng lagi na lang masaya? :’(

K: pupunta tayo ngayon sa airport. 9am yung flight. Ihanda mo na lahat ng sasabihin mo sa kaniya kasi this might be the last day na makikita mo na siya ulit

Last day... ang sakit pakingan. Ang dami kong gustong sabihin kay Jared pero parang nagkakabuhol-buhol sila sa isip ko. Hindi ko alam kung anong uunahin kong sasabihin. Ni hindi ko nga alam kung makakapagsalita ako mamaya pag nagkita kami eh…

Nakarating kami sa airport, 15 minutes bago ang flight ni Jared. Pagkarating namin eh agad naming hinanap si Jared. Nakita namin siya sa upuan malapit sa ticket booth..

G: Jared!
J: Grace? Anong.. Anong ginagawa mo dito?

Umiral na naman pagka-cry baby ko. Hindi ko napigilan sarili ko ang hindi umiyak at dali dali akong tumakbo palapit sa kaniya… at niyakap ko siyang mahigpit. Mahigpit na mahigpit na mahigpit.

G: bakit hindi mo sinabi sakin?
J: kasi ayokong masaktan ka.
G: kaso nasaktan ako
J: I’m sorry..

Pagkasabi niya ng “Sorry”, mas lalo akong napahagulgol sa iyak. Ngayon lang ulit ako naiyak ng ganito. Hindi ko mapigilan luha ko. Nakakainis kasi eh. Naiinis ako kasi huli ko ng nalaman na aalis si Jared. Tapos pag naiisip ko na iiwan na ako ni Jared at may malaking chance na hindi ko na siya ulit makikita, lalo lang ako naiiyak.

G: mamimiss kita Jared.
J: mas mamimiss kita..
G: mag-iingat ka sa New York ha. Wag mo akong kakalimutan..
J: oo naman. Hindi ko kayo makakalimutan, lalo na ikaw. Prinsesa kita eh..

Lalo akong naiyak nung sinabi niya yung salitang “Prinsesa”. Siya lang kasi nagsasabi sakin nun. Siya lang din nagturo sakin kung ano ang pakiramdam ng pinapahalagahan.. Kung ano ang pakiramdam ng may “Prince” at ang maging isang “Prinsesa”. Siya lang tumatawag sakin nun.. At mula sa araw na ito, hindi ko na ulit maririnig ang mga salitang yun.

J: Grace, I love you.. at hindi magbabago yun kahit pa magkalayo tayo. I may be attached to someone else, pero kontrata lang yun. Papel lang yun. But my heart, it only belongs to you.

Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap ko then he kissed me in my forehead. He looked at me with his eyes still full of tears.. then he spoke.

J: don’t worry Princess. Kahit wala ako sa tabi mo, I know someone’s there to take good care of you.
G: eh? Sino?
J: well who knows kung kelan siya magpapakilala sayo.
G: ha? Ano? Ang labo mo -____- iiwan mo na nga lang ako, magiiwan ka pa ng mystery sakin -____-
J: hahahaha!

ATTENTION TO ALL PASSENGERS FLIGHT NY 1234 IS NOW READY FOR BOARDING AT GATE 2 NOW.

Ayan na.. nanjan na yung plane na na maghahatid sa kaniya sa “The Big Apple”. Mamaya-maya aalis na si Jared…

J: naku, kelangan ko na palang umalis. Magiingat kayo, lalo ka na Princess.
G: uhmm *nods* *naiiyak*
J: oh, wag ka umiyak, if I have time, I’ll visit you guys sa summer. Ok? Magkikita pa naman tayo eh. Isipin mo na lang, magpapamiss ako sayo.
G: Jared talaga oh..

Aalis na nga lang tong si Jared, nagawa pang makipagbiruan sakin. Eh naiiyak na nga ako kasi aalis na siya tapos may sinasabi pa siyang magpapamiss siya. Ngayon pa nga lang na nasa harap ko siya, namimiss ko na siya eh.. paano pa kaya pag nakaaalis na siya diba? Huhuhu.

J: pwede ko bang makausap saglit si Ken?
G: ha? Ok..

Ano naman kayang paguusapan nilang dalawa? At kelan pa sila nagkasundo? O_O


KEN’s POV
Ano ba tong dalawang to. Grabe kung magyakapan. Nakakairita. Aalis na nga lang naglambingan pa. Err. Basta naiirita ako.

ATTENTION TO ALL PASSENGERS FLIGHT NY 1234 IS NOW READY FOR BOARDING AT GATE 2 NOW.

Ayun oh sa wakas natawag na din yung flight niya. Hindi mapigilan yung dalawa eh. -_____-

J: Ken.
K: ow.
J: kaw na bahala kay Grace ah. Sayo ko siya ipauubaya.
K: ano ako, magulang niyan? Nanny?
J: alam ko namang gets mo ibig kong sabihin eh.
K: hinde. Hindi ko magets.
J: haha. Hanggang ngayon ba in denial ka pa din? Sige ka ikaw din. Baka pagsisihan mo yan. Mukha pa namang may ibang taong nagkaka-interes kay Grace.
K: ano?! Eh ikaw lang naman may interes sa kaniya ah.
J: correction. Ako at IKAW.
K: correction sa correction mo, ikaw LANG.

Kaasar din tong lalaking to. Bakit ba niya pinipilit sakin si Grace? Eh di ko nga gusto yung tao! At ayoko sa kaniya. Hindi siya qualified sa standards ko! Mahirap bang intindihin yun?Nag-hahallucinate yata tong lalaking to eh. Akala niya napaka-ganda nung “mahal” niya para magustuhan ko din. Hell No!

J: oh. Ok. Tama. Mali nga ako. So hindi pala ako at ikaw.
K: correct.
J: ako pala at si DA.
K: huh?!
J: haha wala. Sige, una na ako. By the way, thanks doon sa isang araw. And thanks for letting me see her today. Nagkakilala man tayo sa maling sitwasyon, but I believe that you are a good guy. Bye Ken!

Taenang yun. Anong pinagsasasabi niyang good guy good guy? Matagal na oi! At bakit nadamay pa si DA dito? Eh diba bading yun?! Ay. Semi-gay pala. Shet. Ang labo talagang kausap nitong Jared na to oh.

K: Jared! Goodluck!

Pagkasabi ko nun, tumingin siya sakin then he smiled. At ilang saglit lang, tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.


GRACE’s POV
Pinanood namin ni Ken na umandar yung eroplanong sakay ni Jared bago kaming tuluyang umalis. Nakaka-emo feeling lang. Tengeneng luha to, gusto na namang lumabas sa mga mata ko.

Nasa auto na kami at pareho kaming tahimik ni Ken. Ewan ko.. wala ako sa mood makipag-usap talaga..

K: *coughs*grabe higpit ng yakap sayo ni Jared kanina ah. Aalis na nga lang nanantsing pa siya.
G: uhmm…
K: ok ka lang? Tahimik mo ata?
G:  ha? Ako? Oo naman ok lang ako!
K: kanina ka pa tahimik eh.
G: ah.. ako? Hindi naman. Medyo pagod lang ako.
K: so you’re not ok.
G: im ok!
K: hmm…
G: *smile*
K: I doubt you’re ok.
G: hindi ah! Ok na ok ako no!

I smiled at him but it was a fake one. Ang hirap umarte. Gusto kong isipin na masaya ako para hindi ako maiyak. Pag kasi sinabi ko kay Ken na hindi ako okay, baka tumulo na naman luha ko eh. Oo. “Amazona” man ako sa paningin ni Ken, pero mahina din ako. Mabilis akong maiyak. Cry baby nga ako eh. Mayamaya eh huminto kami sa tapat ng isang pastry shop.

G: hindi pa ba tayo babalik sa school? For sure hinihintay na nila tayo.
K: uhmm yea. Babalik tayo in a while. But before that, I’ll just buy something so you just wait me here ok?
G: ah. Ok..

Lumabas na si Ken at iniwan niya ako mag-isa dito. Saan naman kaya pupunta yun? After 5minutes eh bumalik na siya sa auto niya at may bitbit itong paper bag then inabot niya yun sakin. O_O

K: oh.
G: ano to?
K: something that will make you cheer up.
G: eh?

So binuksan ko naman yung paper bag. And guess what yung laman? Ang saya ko lang naman nung nakita ko kung ano ang laman nung paper bag!

G: creampuffs!!!!
K: haha sabi na eh, that will make you smile.
G: salamat Ken. Mula ngayon, magiging MAS mabait na ako sayo!

So medyo gumaan yung pakiramdam ko after eating the creampuffs. Grabe ang sarap talaga! Solve na solve. Alam mo yun, sobrang depressed ko lang kanina pero gumaan talaga pakiramdam ko after kong kumain ng creampuffs. Creampuffs -- the best pastry in the world!

K: uhh Grace, may tanong ako. seryoso yung tanong ko ah..
G: ano yun?

Napaubo pa siya bago siya magsalita. Seryoso daw eh. At gaano naman kaya kaseryoso yung tanong niya? O_O

K: nalungkot ka ba ng umalis si Jared?
G: ha?

So napatigil ako sa pagkain ng creampuff dahil sa tanong niyang yun. So yun na yung tanong niya na “Seryoso”? Akala ko pa naman tatanungin niya ako kung gusto niya ng creampuffs ko…

K: yung totoo?
G: hindi ko alam eh..
K: ano ba yung nararamdaman mo ngayon? Honestly?
G: ngayon? Parang.. parang wala ako sa mood. Parang gusto ko mag-isa para makapag-isip. Parang ayokong tumawa ngayon. Parang… gusto kong umiyak.

So parang bumalik bigla yung mabigat na feeling sa dibdib ko. Parang gusto kong maiyak ulit. Kainis naman tong si Ken eh! Nakalimutan ko na nga, pinaalala na naman niya ulit.

K: so nalulungkot ka nga.
G: kung iyon nga yung depinisyon ng nalulungkot, siguro nga oo. Nalulungkot ako.
K: kayo na ba ni Jared?
G: ha? Kami? Hindi ah! Friends lang kami.
K: ows.. eh bakit ganun na lang pagkakayakap niya sayo kanina?
G: ha? Hindi ko alam! Bakit ako tinatanong mo. Siya tanungin mo hindi ako.
K: hmm…

Intrigerong palaka. Bwiset. So hugging ba means na kayo na? Sarap ipasok yung ulo sa paper bag eh -_____-

K: pag ako ba nawala, mamimiss mo ako?
G: hindi.
K: OI. BAKIT ANG BILIS NG SAGOT MO!
G: bakit? Sabi mo sagutin ko honestly tanong mo diba?
K: eh bakit nung sakin na yung tanong, ang bilis mo sumagot?!
G: well, ang dali lang ng tanong mo eh kaya madali ko din nasagot.
K: akala ko ba magiging mabait ka na sakin? bakit naman ganyan yung sagot mo?!
G: ah eh ang sabi ko po eh magiging MABAIT. Pero hindi ibig sabihin eh kelangan ko na magsinungaling.
K: grabe ka din ah!
G: maraming salamat sa creampuffs boss. Gusto mo? Hehe

At ayun. Starting today, hindi ko na makikita si Jared. Hindi ko na siya makakausap.. Hindi makakatext o makakausap sa telepono. Wala na din susurpresa sakin. Wala na yung taong nagpapasaya sakin.. nagpapa-kabog sa puso ko.

Kung asan man siya ngayon sana ay maging masaya siya. Alam kong madami pa siyang pagsubok na pagdadaanan, pero sana kayanin niya lahat iyon. Kailangan ko ng mag-move on. Kailangan ko na ulit bumalik sa dati. Dapat masaya na ulit!

Grace, Aja!

=================

loodeedoo. Ngayon lang ulit nakapag-update! Long weekend kasi :) No work tomorrow dahil US Holiday ^_^ Anyway, medyo malungkot yung update ko ngayon. Wala na yung Prince natin. He left our Princess! Paano na ngayon ang ating Prinsesa. Ano na kayang mangyayari sa kaniya ngayong iniwan na siya ng kaniyang Prince Jared? Oh noes!

Abangan na lang ang next update :) hihi. by the way, HAPPY NEW YEAR GUYS! :)

envyhurts

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 545
  • Karma: +27/-6
  • Hi! I'm April Salvador
    • Personal Blog
Re: Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit
« Reply #502 on: January 01, 2012, 11:12:59 pm »
ano ba yan jared. huhu i want you panaman para kay grace saklap lang. well kapalit mo naman si DA hahah at si ken kung makaserysong tanong ah. i missed this story. happy new year ms.author :)

yahk06

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1659
  • Karma: +88/-10
  • I bite! ^__^
    • Cutehearts
Re: Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit
« Reply #503 on: January 06, 2012, 05:25:42 am »
RIP JARED! --- JOKEEEEEEE! :D :D
Para kasing namatay si Jared ee.  ;D
Ok lang yan Grace, andyan pa si PRINCE KEN! ;D

Happy New Year sis!! muahh! :-*
Tumblr | DeviantArt | Twitter

I realized, it was only just a dream <3

dizzy gurl

  • taffy
  • ***
  • Posts: 344
  • Karma: +33/-4
  • You got me tipsy, baby!
    • ALWAYS G U T O M :D
Re: Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit
« Reply #504 on: January 07, 2012, 08:04:23 pm »
ano ba yan jared. huhu i want you panaman para kay grace saklap lang. well kapalit mo naman si DA hahah at si ken kung makaserysong tanong ah. i missed this story. happy new year ms.author :)

Sana patuloy pa din kayo sa pagbabasa kahit year 2012 na hihi. :) Happy new year din sayo!

RIP JARED! --- JOKEEEEEEE! :D :D
Para kasing namatay si Jared ee.  ;D
Ok lang yan Grace, andyan pa si PRINCE KEN! ;D

Happy New Year sis!! muahh! :-*
Happy new year din sayoooo. MWAAAH! :*


heeh. at dahil wala akong magawa ngayon, ako ay mag-uupdate. hihi! 2chapters for today. yaaatta! *u* :)

=====================

| DA—Ang Tagahilom ng Pusong Sawi!

Nandito kami ngayon ng barkada ko sa pavillon. Eh wala ako sa mood pumasok kaya niyaya ko sila na tumambay kasama ko. Sa ngayon, kelangan kong madistract yung sarili ko para “makalimot” ako.

At mamaya papatay na ako ng tao. Kanina ko pa kasi napapansin na nagbubulungan tong tatlong to eh. OP ako ha. Ano na naman kaya pinaguusapan nung mga yun? :|

G: baka naman gusto niyo kong isali?
M: ay kalabaw! Nakakagulat ka naman!
G: malamang magugulat ka kasi may ginagawa kayong kalokohan. O ano? Hindi pa ba kayo magsasalita? Kelangan pa bang may dumanak na dugo dito bago kayo magsalita? Bistado ko na kayo eh!
A: ah.. eh ano kasi. Ahm..
G: ano ba? Parang tanga naman to kausap uutal utal. May sakit ka ba?
C: anong nangyari sa inyo ni Jared?

Ah. So yun pala yun. Yun pala yung kanina pa nilang pinagbubulungan.

G: ah.
A: o ano na? magsalita ka na!
G: teka, diba dapat ikaw yung magsalita kasi ikaw yung pinsan? Bakit hindi mo sinabi sakin?
A: alam mo, nabigla lang din ako. Hindi din siya nagsabi sa akin. Sinabi niya lang yung “yun” nung araw na paalis na siya.

So talaga palang sinikreto sa lahat ni Jared yung pag-alis niya. Hai.. ganun ba kalaki yung suliranin niya sa buhay at kahit mismo sa pinsan niya eh di niya na-open up yun?

M: so kamusta naman puso mo?
G: normal heart rate naman. Baket? Mukha ba akong may sakit sa puso?
M: pusa ka. Ang ibig kong sabihin eh kung heartbroken ka ba?
G: bakit naman? Eh wala naman akong boyfriend in the first place para ma-heartbroken O_O At mukha bang maluwag turnilyo ng puso ko para masabi niyong heartbroken ako? Ayos pa naman siya. Mahigpit pagkakakapit sa dibdib ko!

Ay ang kerni -____-

M: o ito piso hanap ka ng kausap mo ha? Bwiset. :|
G: eh kasi ok naman talaga ako eh! Ano bang pinoproblema niyo? -__________-

Seriously. I’m fine. I’m ok. Ayos ako. It has been 3 days since he left us. I am still adjusting pero eventually masasanay din ako. Akala mo naman girlfriend ako ni Jared para makapag-react ng ganito eh no?

A: he’s getting married next week.
G: ooh.. good for him.
C: ok lang ba talaga sayo Grace? Ikakasal na si Jared! Hindi mo ba naisip na dapat ikaw yung babaeng kasama ni Jared sa altar at hindi yung kung sino mang babae!
G: ano ka ba naman Collin. Mas bitter ka pa yata sakin eh -_____- Ok lang sakin. Hindi naman niya ako girlfriend para pigilan ko siya eh. At isa pa, desisyon niya yun. Hindi ko naman pwedeng i-judge yung tao dahil lang doon diba? And malay niyo naman matutunan din niyang mahalin yung girl diba? Baka nga mas ok pa yung babaeng yung kesa sakin eh. Matalino si Jared. I’m so sure, he’ll find his happiness. :)

Infairness naman, sincere ako doon sa sinabi ko. Though medyo nalungkot nga ako dahil doon sa sinabi ni Collin. Pero isipin niyo na lang kung naging boyfriend ko si Jared, edi mas masakit yung pag-alis niya diba? Naisip ko na ok na din yung naghiwalay kami ng ganito. At least we are still friends diba? Pero hindi naman din ako sure sa feelings ko. Hindi ako sure kung mahal ko na ba si Jared. Ang sigurado lang ako, importanteng kaibigan si Jared sa akin at talagang ikinalungkot ko yung pag-alis niya.

A: well sa bagay. Hindi naman pabaya yung pinsan ko. He’s old enough to make his own decisions too.

Nag-smile na lang ako sa sinabi ni Anna. As much as possible ayoko na kasing pagusapan pa tong topic na to kasi wala lang, nakaka-emo lang. Kahit naman silang tatlo nalungkot sa pag-alis ni Jared dahil kaibigan na din nila yung tao. Wala na din naman kaming magagawa eh diba? Life goes on.

GRASYAAAAAA~

Ay butiki! Sino ba yung hinayupak na yun na tumatawag sakin?! Pagkalayo-layo ang lakas ng boses!

GRASYAAAAAA~

Ay teka bakit ko pa nga ba tinatanong, eh isang tao lang naman tumatawag sakin sa ganiyang pangalan -_______-

M: hui! Ikaw ba tinatawag nun?
G: hehe oo. Amp.
C: HAHAHAH! GRASYA!
A: o eh nandito na pala sila eh. May bitbit pang chix.

Chix? May bitbit na chix si DA? Pagkalingon ko, nagulat ako sa nakita ko. Hindi pala CHIX bitbit ni DA. LINTA. At PINYA.

G: ay, di yan chix. Linta yan. -_____-

Ang sabi ko na lang sa mga kaibigan ko. Then they threw me a weird look. Hahaha.

DA: Grasya!! Baket ka absent kanina? Wala tuloy akong kausap huhuhu
G: ah. Eh tinatamad pa kasi akong pumasok eh.
B: can you just give that to thing to that girl para makaalis na tayo!

Ay epal na naman yung linta. Sarap i-vacuum cleaner ng mahigop na eh. Kakairita kasi!

K: iabot mo mamaya kay Sir Sadista. Kelangan kasi niya yung hard copy ng report.
G: o eh bakit ako mag-aabot nito? Bakit di na lang ikaw eh nasayo na rin lang.
B: we don’t have time for that. May date kasi kami ni Kenny. Ok? Maliwanag? May tanong ka pa?
C: fufufu Kenny? Eh diba “Ken” pangalan niyan?

Natawa ako sa banat ni Collin eh. Nasa timing! Fwahaha! Tinignan lang siya ni Blue mula ulo hanggang paa. Eh wala naman siyang palag kay Collin kasi kung sa kagandahan lang din lang ang mapaguusapan, may maibubuga si Collin sa kaniya. Insecure b*tch hehe --,

G: ay, nakalimutan ko pa lang ipakilala sa inyo. Sila pala mga kaibigan ko, sina Anna, Mae and Collin. Itong makulit na lalaki na to, siya si Ernesto.
DA: Hi! Wag kayong maniwala kay Grasya! My name is Daniel Anthony Francis Ernesto Villadelgado! But you can call me DA! Nice meeting you!
M, A, C: wooooah ang haba ng pangalan O_O

Hahaha see, hindi lang ako nabigla sa pangalan ni DA. Kahit sila din nabigla. Wahaha.

G: at itong bitbit este, katabi naman ni Kenny, ay, Ken pala sorry. Anyway *coughs* yung katabi naman niya eh si Leech. Ay, mali ulit *coughs* Blue pala.
B: whatever.
M, A, C: *no reaction*
 
Na-feel ko na na-feel ng mga friends ko yung hindi magandang aura na lumalabas sa katauhan ni Leech. Kahit yung reaction nila nung pinakilala ko si Blue sa kaniya, hind maipinta eh. Wahahaha. Wagas!

B: tara na nga Kenny, baka hindi na natin maabutan yung movie.
K: oi ge. Kayo na bahala ni DA sa project.

Then after nun, umalis na lang sila bigla. Ni wala man lang “Bye” nung tumalikod sila. Bastos din ano? Nakakagigil talaga pag magkasama yung dalawa!!!!

M: girlfriend ba niya yun?
G: hindi. Bago niya lang kalandian.
C: magbebreak din sila agad.
G: hindi pa nga sila eh.
A: marerealize din ni Blue na mali yung nilalandi niya.
G: hindi si Blue ang nagkamali, si Ken!
DA: mamaya magkakapalitan na sila ng mukha.
M, A, C, G: TOMOOOO!

Ay hindi pa pala nakaka-alis si DA. Nawala sa isipan ko na kasama pa pala namin siya. XD

G: ay susme, nandito ka pa pala!
DA: oo. Hinihintay kita. Bigay na natin to kay Sir!!!
G: ok ok fine. O siya friends una na ako sa inyo at baka mapagalitan na naman ako ni Boss pag hindi ko pa to naabot kay Sir.
M, A, C: ingat!

Pagka-abot namin nung project kay Sir Sadista, bigla na namang nagyaya mag-lakwatsa si DA. O siya na ang gala.

DA: tara mall tayo! Ang inet eh. Libre kita!
G: ok.

At siya na din ang mayaman -_____-

DA: sama mo si Jared. Masaya pag tatlo tayo hehe

Miss na niya agad yung crush niya. Ay naku, paano ko kaya sasabihin sa kaniya na wala na yung crush niya? Baka maging emo din siya tulad ko. -____-

G: ah eh ano kasi eh.
DA: ano nga? Dali tawagan mo na siya!
G: eh.. wala na si Jared..
DA: ha?! Wala na? patay na?!
G: GAGA SYEMPRE HINDI ANG SAMA MO! *knock on wood*
DA: eh ano?

Walang hiyang lalaki to, mas malala pa sakin mag-isip eh. Pinatay ba naman yung taong buhay?! Pero sabi nga nila diba, kapag ang taong buhay napagkamalang patay, ibig sabihin eh hahaba pa ang buhay. Diba? Diba? :|

G: lumipad siyang papuntang New York nung isang araw. He’s getting married..

Natahimik si DA sa sinabi ko. Nakatayo lang siya tapos nakatingin lang sakin. Matagal lang siyang nakatingin sakin samantalang ako eh nakatingin sa ibang direksyon. Nabasag ko yata puso niya dahil sa sinabi ko kaya hindi siya makapagsalita T_T Kasalanan ko pa yata pag nag-emo to. :|

Pero bigla niyang hinawakan yung mga kamay ko……..

DA: ok lang ba yung puso mo?
G: ha? Haha ano ba namang klaseng tanong yan. Oo naman. Ok naman ako.

... at dahan-dahan siyang lumapit sakin at sinabi..

DA: gusto mo bang hilumin ko yang sugat sa puso mo?

Ha? Ano daw? Hihilumin? Ang puso? Nino? Ako? Ha? At kelan pa siya naging screwdriver ng puso ko? Hindi naman maluwag yung turnilyo ng puso ko ah. Heartbroken ba ako?? At teka, diba ulo lang ang lumuluwag ang turnilyo at hindi ang puso? O_O Hala ang labo! @_@

dizzy gurl

  • taffy
  • ***
  • Posts: 344
  • Karma: +33/-4
  • You got me tipsy, baby!
    • ALWAYS G U T O M :D
Re: Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit
« Reply #505 on: January 07, 2012, 08:22:02 pm »
| Double Date

So binitbit ako ni DA dito sa mall. Isa daw to sa paraan para “hilumin” niya ang “puso” kong sugatan. Anong hihilumin, eh wala namang sugat -____-

DA: tara kain na lang ulit tayo ng cake doon sa pinagkainan natin last time. May papatikim ako sayo doon na super sarap na cake!
G: sige lang! Basta ba libre mo.

So doon ulit kami kumain sa Japanese Cake Shop. Pinatkim niya sakin yung favorite niyang cake. Ang saraaaap nga. Chocolate cake with ice cream (padutdut na lang ng link para makita yung keyk). Basta ang sarap! XD

After namin kumain eh nag-gala gala ulit kami.  Lakad dito lakad doon. Hanggang sa napagod kami. Kapagod maglakad lalo na kung may kasama kang mahilig mag-window shop -_____-

DA: tara! Videoke tayo! Atleast nag-eenjoy tayo habang naka-upo tayo XD
G: ok lang basta libre mo.
DA: oo sige. Gameee!

Hala kuya sige. Excited masyado. :)) So ito na nga papunta na kami sa arcade para mag-bidyoke ng biglang….

DA: uiiii Ken! Dito rin pala kayo nagdedate?
K: o. anong ginagawa niyo dito? Yung inuutos ko sa inyo nagawa niyo na?
G: oo kanina pa Boss.

Kainis -___- sa dinamidami ng makakasalubong namin at sa dinami-dami ng pagde-date-an nila nung leech, dito pa. Pag minalas ka nga naman :|

DA: wow ok ito! Total naman eh nagkasama-sama na tayong lahat, sama na kayo samin! Double date!
G: ha?!anong double date? Ni di nga tayo nagde-date eh!
DA: eh ganun din yung ginagawa natin diba??  Pag dalawa lang na magkasama, edi date na yun!

Hala!!! Wala akong alam! Hindi ko to alam! Anong date? Eh sinasamahan ko nga lang siya sa mall eh! Shet. Ano daw?! Oo nga, si DA nga nanlibre sa araw na to pero hindi pa din date yun!! Tsaka tsaka tsaka kung ang pagsama ng dalawang tao ang depinisyon ng paged-date..edi ibig sabihin ilang beses ko ng naka-date si Ken… kaya kaya kaya kaya HINDI PWEDENG MAGING DATE ITO!!!!

B: what! You are dating this.. uhh..girl?!
DA: matagal na!

Sheeeet ano ba tooooo ano ba tong pinagsasasabi ni DA?? Naririnig ba niya sinasabi niya? At kelan pa naging date ang “kasama” sa mall? Sarap talagang sapakin oh! Meeeeeep naka-filter sa tenga ko mga sinasabi niya. Nirereject ng tenga ko lahat ng naririnig ko. Meeeeeeeeeep! >_<

G: hoy DA. Para sabihin ko sayo, hindi tayo—
DA: TARA!!!!!

Eh ayun, di pa ako tapos magsalita ng bigla akong hinatak ni DA sa loob nung arcade. Sina Blue at Ken naman eh sumunod lang samin. Tsaka ano bang problema ng Ken na to? Ang sama na naman kung makatingin sakin. Dukutin ko mata niya eh! Ay, wala pala akong madudukot sa kaniya. Singkit eh =__=

BOOM BOOM BOOM! SHAKASHAKALAKALA WOOO!!!!!
OH YEAH!!! YEAH BABY YEAAAH!!!


Kami na ni DA ang masaya. Bigay todo sa pagkanta eh. Yung mga novelty songs na sikat dito kinakanta namin eh. Hanggang sa pati yung kanta ng F4 pinatulan namin. Eh ang saya kasi kumanta. Nakakawala lang sa sarili XD

B: ano ba naman yan! You are not even making music. You’re making noise! Gosh!
DA: o sige nga ikaw nga kumanta ka!
B: give me that mic and hit me some music!

Binigay ko yung mic kay Blue tapos nagstart naman mamili ng song si DA. Ako naman eh umupo sa sulok habang pinapanood ko yung dalawa. “Hit Me Baby One More Time” ni Britney Spears yung kinanta nila. May boses naman si Blue infairness. Medyo sumasablay nga lang sa mataas na part pero keri naman. Tong si DA naman backup dancer niya. Delikado pala pag may hawak siyang tambourine eh, hindi niya na mabitawan! Pero infairness habang pinapanood ko sila, narealize ko na bagay sila. Mas bagay si Blue kay DA kesa kay Ken infairness. And speaking of Ken.. kanina pa siya tahimik. -_______-

G: di ka kakanta?
K: wala ako sa mood.
G: KJ mo naman!
K: hindi kasi pang-arcade boses ko.
G: o ikaw na pang-stage boses.
K: talaga!
G: still, KJ ka pa rin.
K: lol.

Epal talaga. Akala ko pa naman ngayon ko siya maririnig kumanta. Never ko pa nga kasi siyang narinig at napanood kumanta. Yung una nung practice kina Justine.. eh hindi naman kasi performance yun so hindi siya counted. Pangalawa naman nung Dance. Eh hindi ko na marinig at mapanood yung perf nila kasi puro hiyaw na ng tao yung naririnig ko. Eh malas, KJ pala tong Pinyang to. Oh well, better luck next time :|

K: ambilis mo namang maka-move on.
G: move-on saan?

Putek, pinagsasasabi ng Pinyang to? Ang retarded ng pinagsasasabi eh.

K: kanino pa nga ba.
G: ha?
K: hindi pa nakaka-isang lingo nung umalis siya sabay pinagpalit mo na siya agad. Wow ha.
G: wow ha. Wag ka ngang magpapaniwala kay DA. Hindi kami nagde—
DA: Grace! Dali turn mo na!!! may napili na akong song mo!
G: ha? teka!

Amp, di pa nga ako tapos sa pagsasalita ng bigla akong binatak ni DA :| Eh di na naman ako makabalik kasi nakatayo na ako at nabigay na sakin yung mic. Ok. This is my moment. Oras na para ipakita ko ang aking galing sa pagkanta.

Syempre joke lang yun. Hehe :D Kumakanta ako, pero di ako magaling XD So yung napiling song ni DA na kakantahin ko eh “Torete” by Moonstar88. Sakto, paborito!

♫♫ Sandali na lang
Maari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip♫♫


Infairness feel na feel ko yung pagkanta. Eh kasi paborito ko to eh! Kahit na alam kong wala akong boses sa pagkanta, todo birit pa din ako.

♫♫ Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa 'yo
Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo♫♫


Akala ko baback-up-an ako ni DA with his tambourine. Napansin ko na lang na ako na lang pala yung kumakanta sa loob tapos lahat sila nanonood lang sakin. Shet, nakakahiya! >_< Bigla akong nahiya >_< Akala ko kasi kanina eh busy sila.  Waaah~

♫♫ Ilang gabi pa nga lang
Nang tayo'y pinagtagpo
Na parang may tumulak
Nanlalamig, nanginginig na ako♫♫


Si DA medyo naririnig kong sinasabayan niya akong kumanta. Well at least hindi na ako nag-iisa ngayon habang kumakanta ako. Tapos si Blue naman eh…. Ano pa nga ba? Edi busy. Busy isiksik ang sarili kay Ken. Busy landiin si Ken. At Busy yakapin si Ken. Kairita. Tss.

♫♫ Akala ko nung una
May bukas ang ganito
Mabuti pang umiwas
Pero salamat na rin at nagtagpo♫♫


Then napansin ko si Ken na nakatingin lang sakin habang kumakanta ako. Eh, mas lalo akong nahiya. Parang bigla akong naconscious? Eh kanina naman hindi ganito yung feeling habang kumakanta ako. Hello… ilang beses na akong kumanta, ngayon pa ako nakaramdam ng hiya. >_<

♫♫ Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete sa 'yo♫♫


Nakakatorete ka alam mo ba yun? Minsan hindi ko gets yung ugali eh. Minsan mabait, minsan ubod talaga ng sama. Minsan ang sarap mong kasama, minsan ang sarap mong sipain palayo sa planetang earth…

♫♫ Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete ako♫♫


Minsan gusto ko ng ma-fall sayo pero sinasabi ng isip ko na WAG kasi sa huli, ako at ako lang din ang masasaktan.

♫♫ Torete, torete, torete sa'yo ♫♫

Okay. Kinanta ko lang yung paborito kong kanta, bigla ko ng naisip yung mga bagay na yun? Shet, may sapi yata ako? Waaaah~ WAAAAH. WAAAAAAAAAAAAAAAAH. Ano ba tooooo para ko na ding sinabi na may-crush na ako kay Ken nito :/ Eh wala naman… nga ba? GAAH.

*clap clap*

DA: WAAAAW ang galing mo pa lang kumanta Grasya!
G: ah hehe, thanks.

Huhuhu na-torete tuloy ako bigla. Tengeneng kanta naman yan oh..

DA: aw guys. Wala ng load yung card ko. :/
K: itigil niyo na yan at gusto ko ng umuwi. Pagod na ko.
B: let’s go Kenny~ pagod na din ako. Pwede ba munang mag-stay muna ako sa house mo??

Kita mo tong babaeng to, pagod pero gusto pang “mangapit-bahay”. Landi lang eh no? sarap…. Ipukpok nung tambourine sa ulo!

K: sorry Blue, next time na lang ha?
B: eeeh? But Kenny…
K: tara.
G: ha?

Ha? ha? haaaaa? Bigla niyang hinatak kamay ko tapos iniwan namin sina Blue at DA sa arcade. Teka, hindi pa ako nagpapaalam sa date, este, kasama ko!!! Wah bakit ngayon pa nangyari to kung kelan natotorete ako???? Tsaka akala ko ba uuwi na yun? Bakit bigla niya kong hinatak?! What the effff?!

G: hui Ken! Saan mo ko dadalhin??

Ok. NR. No Reaction. Di ako pinansin. Di ako sinagot. Bingi ka `Pre? :|

G: Keeeen oiiii!

No response. Pota, eh mukha na akong tanga dito nagsasalita mag-isa eh!

G: KENNY!!!!
K: WILL YOU JUST SHUT UP. AT FIRST OF, HINDI “KENNY” PANGALAN KO OK?

Ay, ano daw? Nagalit si kuya? Amp! Problema nun?! Nagalit ba yun dahil “Kenny” tinawag ko sa kaniya? Huh?

G: eh kasi tinatanong kita kung saan tayo pupunta eh di mo naman ako pinapansin!
K: hindi pa ba obvious? Eh diba sinabi ko uuwi na?
G: eh malay ko bang kikidnapin mo ko!
K: so sa tingin mo may magtatangka pang mangidnap sayo? Sa itsura mong yan?!
G: EPAL MO! Uuwi ako pero kaya ko na mag-isa!
K: ang arte mo naman! Ikaw na nga tong ihahatid, ikaw pa tong nagiinarte!

Hala, ako pa tong maarte ngayon? Eh wala naman akong sinabi sa kaniyang ihahatid niya ako ah. Kapal talaga ng mukha

G: Hoy! Sino ba kasing nagsabing ihatid mo ko? Si Blue na lang ihatid mo! Ka-date mo yun diba!
K: ayoko nga!
G: eh? Baket?

Nabigla ako doon sa sagot niya. Si Blue na heartthrob sa amin, ayaw niyang ihatid sa bahay? At imbes siya ang ihahatid niya, AKO ang ihahatid niya. Wow, at kelan pa hinatid ang palaka? Ang alam ko, prinsesa ang hinahatid at hindi ang palaka. -_____- At kung matanong niyo kung bakit palaka? Kung maalala niyo yung nangyari nung Dance, sinabihan ako ni Ken na ako yung “Frog Princess”. Ang dami niyang alam no?

K: eh malayo bahay niya eh!
G: what? Yun lang?!
K: oo! Bakit ano pa ba sa tingin mo? Kung malapit bahay niya malamang siya ihahatid ko at hindi ikaw.
G: ah..

Ah, yun pala yun. Akala ko pa naman….

K: At isa pa, on the way naman yung boarding house mo pauwi samin kaya sumabay ka na.
G: ay, hindi na pala ako kina Claire nag-i-stay ngayon. Uwian na ako samin ngayon. Medyo malayo na yun kina Claire kaya wag mo na akong ihatid.
K: hindi, ok lang. Para if ever na may kailangan ako, alam ko kung saan ka nakatira.
G: kelangan ba o IUUTOS? :|
K: well tama ka nga, iuutos pala.
G: K.

Sus, ako naman tong si asyumera… nag-assume ng mga bagay bagay na alam kong IMPOSIBLE. Eh ayun, ako tuloy disappointed ngayon. Pero nakakainis, bakit kelangan kong madisappoint sa mga sinabi niya? Potek, baliw na yata ako >___<”

K: at isa pa..
G: ha?
K: At isa pa, wala akong tiwala sa DA na yun.

Mukha bang goon or gangstah o tambay si DA para di pagkatiwalaan ni Ken? Sa pagkakaalala ko eh maayos at malinis naman manamit si DA. Maayos din namang kausap. Hypher nga lang, parang adik. -____-

G: grabe ka naman kay DA. Mabait naman yun tao ah.
K: ewan. Di ko lang siya feel. At tsaka ayokong maguilty pag may masamang nangyari sayo.
G: o eh bakit ka naman magi-guilty?
K: eh sakin ka pinaubaya ni Jared eh.
G: ah…

Ah. Yun pala yun. Kasi “pinaubaya” ako. So meaning, ginawa niya yun hindi dahil sa GUSTO niya. Pero dahil SINABI sa kaniya. Ok. OK.






Nakaka-disappoint naman.

envyhurts

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 545
  • Karma: +27/-6
  • Hi! I'm April Salvador
    • Personal Blog
Re: Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit
« Reply #506 on: January 07, 2012, 08:32:22 pm »
Huwaaa! nakakakilig sana marealize nila ken at grace na gusto nila isa't isa! at si DA ang cuteeeee <3 nice update sa unang taon ng 2012! :)

hazalle_calla

  • jellybean
  • **
  • Posts: 233
  • Karma: +53/-5
  • SAI club is finally born on MARISCI
Re: Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit
« Reply #507 on: January 08, 2012, 07:18:44 am »
hi :) new reader here  :)
ang ganda ng storyng to. haha. engot lang ni KENny hahaha.  ;D ayaw pa kasing umamin, tas seselos-selos naman. tas aawayin si grace mahal naman nya. HAHAHAHA.  ::)

grrr. sana mapunta na sa planet pluto si blue. panget nya ehhh. yoko sa mga linta. wahahaha. :D ::)
loving someone is such a painful ordeal..but i can't stop myself from going to you..i love you so much..

 

Candy Blog

What We Did: A Week-Long Internship!
by: guest, 2012-02-10
Hi, :hi: we're Estelle and Tanitha, we're 15 and 14 year old French girls and we're in...

Council of Cool Blog

La Paella in Greenhills
by: Rebecca, 2012-02-10
With our limited allowance and time, us teenagers enjoy finding new spots to enjoy our time...
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website