dahil po may pasok na kami bukas... eh ipopost ko na po yung chap. 6..!!
>>CHAPTER 6<<
Grabeh! Hindi ako makagalaw nung pagkatapos niya akong niyakap. Hindi naman niya kasi ako kailangan pang yakapin eh!
“Hay?” winave niya yung kamay niya
“Haylin? Ok ka lang?” nakangiti pa siya sakin
“H-ha? O-oo, yeah I’m fine” naku… sana lang hindi ako nag-blublush
“Sigurado ka?” tapos tiningnan niya kung may lagnat ba ako
“Ano ka ba? Wala akong lagnat noh?!”“Ok sabi mo eh. Namumula ka kasi” what?!
“H-ha? W-wala ‘to mainit lang kasi kaya ganun” nilabas ko naman yung panyo ko kunyari, tapos punas-punas, acting lang yan! Wahaha!!
Tumawa lang siya sakin, ngumiti.
“Oh ano?” sabi ko sa kanya dahil naiilang ako sa tingin niya sakin. Umiling lang namn siya sakin na sinasabing “wala”.
“Yan nandito na tayo” umupo na ako nun sa tabi ni Harry at iniwan ko na siya!
“Mico! Kanina ka pa namin hinihintay dito ah?” sabi ni Ms. Tolentino sa kanya kaya yumuko lang siya at nag-kamot ng ulo.
“Ma’am meeting lang naman eh sa practice na lang dapat” nangatwiran pa!
“Ikaw talaga Mico! Feeling mo close tayo ha?” sabi ni Ms. Tolentino na naka cross na yung kamay niya sa harapan niya
“Bakit ma’am? Hindi ba?” natawa naman kaming lahat sa sinabi niya. Pilosopo kasi eh!
“Basta’t ayusin mo lang sumayaw, ayus na” yun na lang ang nasabi ni Ms. Tolentino kay Mico dahil talagang wala siyang ligtas
“Paupo lang ha?” nakakagulat namn ‘tong lalaking ‘to
“Yeah sure” ngayon siya yung nasa kaliwa ko si Harry naman yung nasa kanan ko
“Mico pare” sabi niya kay Harry na nakikipag-shakehands pa
“Harry” nakipag-kamay din siya, yan nagkakamayan na sila sa harapan ko
“Sandali… tama na nga yan hindi na ako makagalaw sa inyong dalawa, tama na yung isang kamayan diba?” 
Natapos din sila. Nkangiti namn ‘tong Mico na ito sakin. Anong bang problema nito?
“Ok nandito na ba lahat Ms. Haylin?”“Ah yes ma’am” tapos tiningnan ko ng masama si Mico dahil siya nga yung kaiisa isang hinihintay kanina pa
“Pasandal lang ha… matutulog muna ako at mahaba-habang usapan ang magaganap dito” sinandal nga niya yung ulo niya sa balikat ko
“Harry… tingnan mo ‘to” bulong ko kay Harry, tiningnan niya rin.
Alam niyo kung anong ginawa ni Harry? Binatukan niya. Dinaan niya sa likod yung kamay niya para hindi mahalata na siya yun, ang masama…
“Ouch!” sinigaw niya kaya nagtingininan tuloy lahat dun sa side namin. Mukhang napalakas yata yung pag-batok ni Harry sa kanya
“Bakit mo ginawa yun?” bulong ko ulit kay Harry, pero tumatawa lang siya at tinaas niya lang yung balikat niya na sinasabing “ewan”. Humanda ka sakin mamaya Harry!!
“Yes Mr. Castillejos?” sabi ni Ms. Sanchez na seryoso na talaga yung mukha
“Si Haylin po kasi binatukan ako!” tinuro niya ako habang hinahawakan niya yung part ng ulo niya na masakit. Ano?! ako?! ako?!
“H-ha? Anong ako? Wala nga akong ginagawa sa iyo!” nakangiti pa siya ng patago niyan sakin ha? Para hindi mahalata na nag-kukunwari lang siya para ako yung mapunta sa gulo
“Eh sino kaya yun? Multo? Eh ikaw lang namn yung katabi ko”Babatukan ko na sana, ready na yung kamay ko eh kaya lang…
“Ma’am o! si Haylin babatukan ako ulit!” ay… ang galing! Naku!! Kung hindi lang kita…
“Mico! Haylin! Tama na yan! Sige para tuluyang matigil na yan dito kayo sa harapan” kasi namn eh!

Yung mga ka-members namin tawa ng tawa dahil sa amin! Bago kami bumaba tiningnan ko ng masama si Harry dahil from the very start siya ang may pakana nito!
“Uhmmm excuse me… thanks!” umurong nman
“excuse me...” sabi ko dun sa mga ka-tropa ni Mico? Ano?! Kasali rin yung mga yun sa dance club?

Haylin kahit sino naman pwedeng sumali sa dance club dba?
“excuse me?” bingi yata ‘tong maga taong ‘to eh!
“Pare… padaanin niyo na, nakakatakot pa namn magalit yan” umurong naman yung mga kaibigan niya nakangiti pa kay Mico na may meaning pero hindi ko alam kung anong meaning nun!
“Baka merong bisita kaya masungit” 
mahina niyang sinabi, kaya lang narinig ko eh
“Anong bisitang pinag-sasabi mo diyan!!” 
sinuntok suntok ko namn siya sa balikat niya pero hindi naman malakas
“Tama na tama na” sinasabi niya na pinorotektahan niya pa yung sarili niya. Nagtawanan na naman yung mga kasama namin pati nga yung mga teachers natawa na rin eh
Hindi pa rin ako tumigil sa kakasuntok sa kanya kaya…
“AAAAHHHHHHH…!!!!!” na out of balance ako
“Haylin!!” Hinawakan niya ako sa likod ko kaya napahawak ako sa balikat niya at yumakap sa kanya tapos nakapikit pa yung mga mata ko dahil natakot ako, pag-bukas ng mata ko gosh! Ang cute niya! I.. I mean ang lapit ng mukha niya sakin.

Pati nga yung mga teachers nag-panic akala nila mahuhulog na talaga ako. Na out of balance pa kasi ako eh!
“Hindi kasi marunong pumili ng lugar sa panliligaw si Mico eh!” sabi nung isang teacher si Ms. Sanchez kaya napa-ayos na yung tayo ko. Ligaw? Eh hindi nga ako yung gusto ng taong ito eh! Paano kanamn nakaksiguro diyan Haylin ha?

Nagsimula namang mang-asar yung iba.
“Ma’am naman… walang ganyanan…” 
sabi ko kay Ms. Sanchez mabait namn din kasi yun eh siya nga yung favorite teacher ko
“Aba.. totoo nman yung sinasabi ko…” sabi niya na nakapamewang pa
“Kahit tanungin mo pa nga si Ms. Tolentino… totoo yung sinasabi ko” tumingin namn ako kay Ms. Tolentino
“diba Mico?” tumingin namn kami kay Mico
Sabi namn ni Mico eh…
“Ma’am mauubusan na tayo ng time…” ahaha!! very good Mico!
“Sus! Palusot pa eh!” sabi nung isa sa mga kasama naming tapos naki-ayon namn yung iba
“OO nga…”“Bahala nga kayo” sabi ni Mico na parang naiirita na hindi mo maintindihan kung gusto niya ba yung mga pangyayari o hindi
“Ok anyways…. Ganito yung gagawin natin sa umpisa interpretative dance muna so sila Haylin and Mico yung nasa spotlight tapos kayo… back-up muna kayo, then after that interpretaive dance mawawala na yung ilaw then bababa kayong dalawa sa stage para mag-palit… kasi yung susunod nun modern dance na… kayong dalawa yung nasa gitna since Ms. Haylin is the “Princess of the dance floor” and Mr. Mico is the ‘Prince of the dance floor’ alam niyo yung parang sa Asap and SOP gigsters kapag sumasayaw yung mga LOVETEAMS? Ganun siya” nag-asaran na namn yung mga kasama naming. Wala na bang tigilan sa asaran ha? Aarrrggghhh!! I DON'T LIKE THIS PLAN!!!

Kasi naman eh! May nalalaman pang pa princess and prince ng dance floor!
“Para may thrill” sabi nung isa pang teacher si Ms. Tolentino yata na nakatingin pa sa amin ng nakakaloko
“Yeah right, wait ibig sabihin siya yung sinasabi niyo na ka-partner ko?!” yun na lang ang nasabi ko sarcastic pa
“Yes Ms. Haylin any problem with that?”“Uh.. no ma’am” tapos ni-roll ko yung eyes ko
Si Mico naman naka-smile pa sakin. Habang nag-sasalita yung teacher eh sinamantala ko na
“Oi!” pinalo ko siya sa balikat niya
“wag mo nga akong tingnan ng ganyan” pero wala… wa-epek yung pagsabi ko sa kanya nakatingin pa rin ng nakasmile pa
“Bakit ba ha? May dumi ba ako sa mukha?” sabi ko dun sa katapat ko na naka-upo sa bleachers na nakatingin lang samin
Si Mico naman sumagot...
“Wala” tapos may pahabol pa siya
“Ang cute mo kasi” what?! I can’t belive this guy. Sabay pisil sa left side ng pisngi ko. Kaya ayan asaran na namn napahawak na lang ako sa pisngi ko na hinawakan niya.

Hay!! I just wish na matapos na 'tong asaran na nangyayari...!!
Ok lang ba yung update?
