eto na po yung next chap. sana po magustuhan niyo... parang ang panget nga eh? kasi parang bitin?
>>>CHAPTER 2<<<
“Hi Haylin!!” bati niya na nakangiti pa
Nagulat ako kaya parang statwa na ako dun. Kaya ang ginawa naman ni Ryoko kinurot niya ako.
“Ouch.” Pero mahina lang
“Uhmmm… hi Mico!!” nag-smile na lang rin ako sa kanya in return.

Then umalis na kami doon sa Bulletin Board sa guardhouse.
Do you know the reason why I look like a statue when I found out that si Mico pala ang nasa likod ko? Well… kasi po crush ko siya, at ang nakaka-alam lang tungkol dito ay sina Jaira and Ryoko, and of course kayo na rin!
Well… nag-bell na, dahil Monday ngayon that bell means that we have to line up and deretso na kaagad sa covered court para sa Flag Cremony, and of course the Rosary. Hindi bale tuwing Monday lang naman eh. Yung school kasi namin ay isang catholic school that’s why talagang we are having the Rosary.
Then after that pina-upo na kami sa bleachers. I think tungkol ito sa Welcome Freshmen. Oh well better listen na lang…, and then I was right! Tungkol talaga sa Welcome Freshmen.
“We are having a program to Welcome the Freshmen so the following events will be done…” sabi nung nagsasalita sa stage, then so on and so forth. Nakaka-antok nga eh.
Pinapasok na rin kami sa room nun after nang assembly na yun.
Syempre dahil nga first day of school kailangang mag-pakilala, lagi naman yun ung ginagawa eh… edi ayan nag-pakilala na sinimulan nung teacher namin sa S.S. (Social Studies) dun sa harapan buti na lang umupo kami sa 2nd row kaya makakapagready pa kami. Isa-isa na silang pinapatayo at nag-papakilala hanggang sa dumating na sa row namin.
“My name is Jean Aquino or you can just call me jet”
“My name is Jaira Espino. I’m 15 yrs. Old, and I’m an old student here” yung iba kasi new students kaya ganun.
Yan si Jaira. Bestfriend ko since grade 1.. tagal na noh?
“My name is Haylin Concepcion, you can also call me Hay or Lin, and I’m also an old student here that’s all thank you” marami na kasing nakakakilala sa akin sa school dahil nga sa mga activities dito sa school esp. sa dance club. Sa larangan talaga kasi ng dance ako kilala dito sa school nahihiya na nga ako minsan eh? kasi may mga nag-ha-hi sakin na hindi ko naman mga kilala.
“Thank you Ms. Haylin, next?” sabi nung teacher namin
“Hi! I’m Ryoko Yoshida, I’m a half-Japanese, and I’m also an old student here”Eto naman si Ryoko, half-Japanese nga.. maganda! marami ring may gusto sa kanya dito sa school, bestfriend ko rin siya since grade 1.
Naging mag-bebestfriends lang kaming tatlo nung gradeschool day practice namin... dahil magkakasunod-sunod lang kami sa line kaya naging close kami.
Si Harry... naging bestfriend namin yan nung grade 4 pero siya ang pinaka-una kong nakilala sa lahat... una kaming nagkakilala nung pre-school pa lang kami! let me tell you the story...
*FLASHBACK mode*
Sinundo ako nung service ko ng maaga pero nagtataka kami ni mama kung bakit, pero inayusan na lang niya ako kaagad kasi baka nga naman maaga ang pasok ko ngayon... hapon pa kasi ang pasok ko eh? mga 12 pa..
Ngayon... 9:00 am pa lang eh nandito na ako sa school at papunta na sa room ko... kinakabahan nga ako eh baka mali tong mga pinag-gagagawa ko...
"Hay.. bakit kaya ang aga ko ngayon?"
pag-pasok ko eh gulat na gulat ako dahil mga kinder pa rin yung mga nasa room eh samantalang ako eh prep na! pero konti na lang sila... dahil tama nga naman yung service ko na maaga ako ngayon dahil may practice yung mga prep para sa graduation namin... nakalimutan ko lang... ahahaha!! 
Umupo na lang muna ako at laking gulat ko ng may lumapit sakin na kinder at eto pa ang sabi niya sakin!
"Hoy! ikaw! umuwi ka na! hindi pwede ang mga prep dito!" and guess who kung sino yun...
si Harry!!
Hindi nga makapaniwala si Harry nung kinuwento ko sa kanya 'to nung grade 4 kami eh?*end of FLASHBACK*
Pag-katapos ni Ryoko mga ilang old students na rin kaya medyo inaantok na ako dahil pare-parehas lang din yung mga sinsabi kaya medyo naka-iglip na yata ako nagising na lang ako bigla nung nag-pakilala na yung nasa likod ko. Kilala ko yung boses na yun ah?! Kaya napatingin na lang ako kaagad sa likod kung sino yun. Nandun siya sa likod nung katabi ni ryoko kaya kapag nag-lean ako kay Ryoko makikita ko siya.
“uhmm My name is Laurenz Mico Castillejos” napansin niya yata na nakatingin ako sa kanya kaya medyo nag-stop siya ng kaunti
“I ah… my sport is basketball, but I also know other sports and I’m a very funny person if you just need someone to make you laugh I’m here” May athletic personality pala itong tao na ito ha?
“Mr. Castillejos if that is your case you should try out for the basketball team huh? And I think we’ll have a competition with the other schools sa darating na Zonal meet right?” wala namang sumagot sa amin
“ Naku… halatang hindi nag-babasa ng mga announcements doon sa board” kaya naman nag-tawanan kami pero hindi naman sobra.
I think this will be an awesome school year! I hope…
Napansin ko naman na si Jaira at si Ryoko ay nakatingin ng nakakaloko sa akin kaya iniwas ko na lang yung tingin ko kay Mico.
Pare-parehas lang din ang ginawa sa mga sumunod na subjects kaya maganda ang flow ng mga pangyayari. Kaya ngayon recess na!! My favorite subject!
“Ikaw ha? Tinititigan mo si Mm…” Mm?? Aahh… ok I get it binigyan nila ng nickname. Sus!
“Aba binigyan niyo pa siya ng nickname ha?” tinaasan ko sila ng kilay ko nun
“Syempre! Para hindi mahalata…”“Ang galing niyo talaga pag dating sa mga ganyan noh?! Siya nga pala si Harry nasan?”“Ay! Oo nga noh? Nasan na kaya yun? Akala ko nasa likod lang natin siya”Nakarating din naman kami kaagad sa canteen kaya bumili na kami at umupo. Bumili lang kami ng cheeseburger at nestea. After ng mga ilang minutes eh kailangan naming bumalik ulit sa room kasi malapit na mag-time.
Wala rin namang nangyaring maganda sa mga sumunod na subjects nun kasi ang laging ginagawa lang eh nag-papakilala at sinasabi lang kung ano yung mga expectations. Then uwian na!!
Kasabay kong umuwi sina Ryoko at Jaira hindi namin kasabay si Harry kasi may service siya, hindi pa kasi siya pinapayagan ng mommy nya na mag-commute kasi baka mag-lakwatsa lang daw siya mag-cocommute lang kapag kailangan talaga.
Nakasakay naman kami kaagad ng jeep yun nga lang ang tagal niya pang nag-hihintay ng mga passengers niya. Sa kasamaang palad hindi pa namin inaasahan ang makakasakay namin sa jeep. Nalaman ko lang dahil kinalbit ako ni Ryoko nung nakita ko kinalbit ko si Jaira kaya yung mga reactions namin natatawa kami kaya humarap kami dun sa side namin dahil ayaw namin ipakita na natatawa kami saka lang kami humarap sa kanila nung hindi na kami natatawa.
“Ah.. Haylin nag-bayad na ba kayo?” woah! Bakit kaya? Siguro dapat ililibre nila kami… sayang! Nag-bayad na kami eh?
“oo eh kanina pa”“ Wow pare! Wrong timing ka” binulong nung kasama niya. Sorry siya malakas pandinig ko eh.
Sila Ryoko at Jaira naman eh nakangiti lang samin ng nakakaloko.
Hindi ko naman maintindihan yung reaction ni Mico…
yumuko na lang siya nun nahiya yata.
kailangan ko pa bang ituloy? maganda na po yung sa next chap. ehehe!!