Chapter 1
“Wake up slave! Wake up slave! Your master is calling!”Huwaw, ang ganda naman ng morning greeting ko. Not. Nagtanggal na ako nun ng morning glory tapos nag-inat inat narin ng kaunti. Hay, today is my first day sa pagiging slave ni Mr. Yohanne Kristoffer Veloso a.k.a. EH’s MR. Arrogant.
Tumayo na ako mula dun sa kama ko tapos naligo narin. Ang ganda rin ng summer ko no? Not only am I living by myself in this condo unit but I also have to endure who knows how many days of being a slave. Not just any slave, Yohanne Veloso’s slave. Geez, am I lucky or what?
Ready na akong umalis nun kaso biglang napansin ko na may nagbiblink na red light dun sa may phone. May tumawag siguro sa akin.
“Maki, hey kamusta ka na diyan? Sorry talaga at hindi kami makauwi ng dad mo ngayon diyan sa Philippines. You know we want to pero hindi talaga namin kaya. Marami kasing business dito eh. don’t worry, I promise hahanap kami ng time para umuwi, then I’ll call you. Love you dear!”Hay, ganyan naman eh. Promise sila ng promise na uuwi sila pero hindi naman nila tinutupad. Yeah, kelan ba sila last na pumirmi dito? 4 years ago? I can’t even remember.
Hinayaan ko nalang yun, kahit papaano kasi, nakasanayan ko narin yung mga promises nina mama kaya hindi na ako masyadong naapektuhan. Nagmadali nalang akong pumunta dun sa address na binigay sa akin ni Yohanne. Halata mong minamadali niya ako kasi nakakailang miss call na siya. 10 pa lang naman. Konti no?
Nung makarating ako sa bahay nila eh napanganga lang ako. I know our house is big pero yung kanila, parang castle sa laki. Grabe, ang ganda pa nung garden nila, halatang pinaghirapan.
Nag doorbell naman na ako nun tapos may speaker dun sa gilid na sumagot.
“State your name and your business.” “Ahm, ako po si Maki Villanueva. Pinapunta ako ni Mr. Yohanne Veloso dito.”May narinig akong nag-uusap nun pero mahina lang. Ilang segundo rin eh binuksan na nila yung gate. Don’t tell me lalakarin ko yang ganyan kahabang daan?!
“Hey slave, hindi na kita ipapasundo. The exercise will do you good lalong lalo na sa mga lilipas na araw. Kekelanganin mo talaga ng lakas.”Okay, sabi ko nga eh, hindi anghel yung master ko. Geez.
Pagdating ko sa entrance ng bahay nila eh halos mawalan na ako ng hininga. Grabe nga eh hindi man lang siya naawa sa akin.
“Sino ka?”Nagulat ako nung biglang may maliit na batang nakatayo sa harap ko. Ang cute nga niya eh, ang laki nung cheeks, ang sarap kurutin.
“Ako si Maki…uhm…friend ni Yohanne.” “Oh, ikaw yung slave ni kuya??”Okay, did I say cute? Nagkamali lang yata ako.
“Err..right.” “Pumunta ka nalang sa kitchen at kausapin mo si Manang Beth, she’ll tell you what to do.”Tumango ako nun. Grabe, ilang taon lang ba tong batang to? Kakaiba rin palang mangimpluwensya yung Yohanne na yun eh no?
“Anong pangalan mo nga pala?”Tumigin siya sa akin nun tapos kumunot yung noo. OMG! Kamukhang kamukha na niya si Yohanne nung oras na yun!
“Sorry, I don’t give my name to strangers.”At pagkatapos nun eh umalis na siya sa harapan ko. Oh-kay.
Pumunta na ako nun sa kitchen, buti nga at hindi pa ako nawala eh, ang laki kasi ng bahay nila. Binigyan naman ako ng instructions ni Manang Beth tapos inabot sa akin yung breakfast ni Yohanne. Nagsorry pa nga siya sa akin eh dahil sa inasal ni Yohanne, sabi ko naman, partly kasalanan ko rin yun.
Habang umaakyat ako nun sa stairs nila, hindi ko mapigilang magtaka. Saan kaya yung parents niya? Alam kaya nilang may pinapahirapan yung anak nila? O baka naman tinotolerate nila yung anak nila kasi nagpapahirap din sila ng mga tao? Hay, ano nga kaya?
*TOK TOK TOK*
“Uhmm, Mr. Yohanne heto na po yung breakfast mo.”No response.
Okay, for sure naman narinig niya ako eh kasi may narinig akong gumalaw sa loob. What does this creep want me to do? Kneel and call him master?
There’s no harm in trying.
“Master, heto na yung breakfast mo.”Except for the kneeling part, it actually worked. Ilang seconds din eh binuksan niya yung pintuan tapos pinapasok ako. Muntik muntikan ko pa ngang mahulog yung tray kasi…
…he was freaking half naked!
“Anong problema mo Jane?”Jane? Ang alam ko eh Maki ang pinangalan sa akin ng nanay ko at hindi Jane. Kelan naman nabago yun?
“Maki po ang name ko master..” “Alam ko.” eh yun naman pala eh bakit jane pa ang tawag niya sa akin!?
“But I want to call you Jane. Got a problem with that?” “Wala po master..”Binaba ko na yung tray nun at syempre naghintay nalang ako sa orders niya. Hay, this is going to be a long day.
* * *
“Pagtapos mo diyan eh aliwin mo yung kapatid ko, mukhang bored siya eh.”Did I say long day? I meant long long long long long times infinity day. Grabe! Parang gustung gusto talaga niya na pahirapan ako eh. biruin mo ba naman, kaninang umaga pa ako patakbo takbo dito sa bahay nila para lang gawin yung mga inuutos niya. Nananadya yata siya eh kasi naman pag may papakuha siya eh sisiguraduhin niyang nasa kabilang side siya ng house. Geez, is he mean or what?
Pumunta naman ako kaagad dun sa kabilang dulo (sabi sa inyo eh gusto niya akong pahirapan eh). nagulat nga ako nang biglang nakita ko yung kapatid niya halfway nung papunta ako sa kwarto niya.
“May gusto ka bang gawin?” “Wala naman.” hay, ito ang mas mahirap. Ako pa mismo ang kelangan mag-isip ng gagawin.
“Umupo ka po kaya?”Okay, hold on, is she being nice to me?
“Salamat.”Umupo ako nun at saka lang ako nakahinga ng maayos. Grabe, nakakapagod pala talagang maging slave ni Yohanne.
“Pagpasensyahan mo na si kuya ha? Ganyan talaga yan.”Okay, getting creepy. Yung kapatid niya eh nagsosorry sa akin eh kanina lang eh ang sungit niya?
“Okay, wag mong masamain yung question ko ah, pero bakit parang nag-iba bigla yung ihip ng hangin at mabait ka na sa akin?”Ngumiti siya sa akin nun tapos lumipat siya sa tabi ko.
“I like you ate Maki. Sa lahat kasi ng napahirapan ni kuya eh ikaw lang yung tumagal.” ngumiti siya sa akin nun tapos mukhang tuwang tuwa pa siya.
Okay, so parang kelangan matuwa ako dahil dun? Hindi ba parang ang ibig sabihin nun eh lalo niya akong pahihirapan?
“Oo nga pala. Ako pala si Yesha Kristina Veloso. But you can call me Yammy.”Aww, ang cute naman ng name niya. Yesha? Diba parang sa Meteor Garden yun? Sosyal ah. Hehe.
“Hi Yammy. You have a very nice name.” “Thank you.”Nagkuwentuhan kami pagkatapos nun. Hindi ko na nga masyado matandaan kung anu ano ba yung pinag-usapan namin at bakit kami tinagal. Basta ang alam ko lang…
I met a new friend.