Chapter 9Pakialam ko ba? Sus naman.
“Tara na nga!” Ewan ko ba, parang nabadtrip ako.
“Selos ka noh?” Kinukulit pa ako ni Josh.
“Ungas!” Sinigawan ko naman siya.
As usual, tawa naman ‘tong Josh na ‘toh.
Umuwi na kami. Ewan talaga.
CRAP. Bwisit.
Ang nakakaasar pa, hindi ko alam yung rason kung bakit ang init nitong pesteng ulo ko.-------------------
Nung sumunod na araw, mag-isa lang akong pumasok, kasi may 4 messages sa cellphone ko:
[
pre. >.< nk2log ulit aq ng todo e. waha. nyaha. bsta d aq mkksbay naun. una n kau n yzzi. ]
[
ethe.. allo.. di aq mkksbay naun, ksi hhtid dw aq ni mnang sita. Ű pro, ikw, qng sbay tau, txt ka lang. Ű ]
[
Bro, nauna na q a. May aacksuhn p q s schul e. ]
[
reply reply ethe.. Ű ]
Rineplyan ko naman silang tatlo:
For Josh: [
nu b yan? araw2 nlng ha?? XD geh. ]
For Kuya Elmer: [
nu b?! isa kpa? nnman? nu b yan! geh n nga! XP ]
Nagdadalawang isip pa nga ako kung rereplyan ko ba si Yza eh, pero sige na. Wala naman siyang atraso sakin diba?
For Yza: [
‘toh n po. XD geh, geh. kita nln dun. XD ]
Tapos nung Sending Message…
Check Operator Services.NICE NAMAN.
Eh, wala na akong magagawa.
Naligo na ako, kumain, tapos umalis na.
Maaga-aga talaga akong umalis dun.
Earlier than the usual.
Kaya dumaan ako sa
long-cut para, wala lang, fresh air? Hehe.
Nung malapit na ako sa school, may tumapik sa likod ko…
“Ikaw nanaman?”As usual…
“Well, alam kong naiirita ka sakin pero pursigido ako.”
“Huh?” ‘Di ko gaano narinig yung huling sinabi niya.
“Wala. Sabi ko, pwede mo naman akong sigurong pasabayin?” 
Actually, wala naman talagang atraso sakin ‘tong si Racquelle eh, kaya…
“Sige na nga.”Wala lang, tahimik lang kami, pero nung malapit na kami sa may school, may nadapang lalake na parang si-siga-siga, alam mo yun, yung maangas type… Kaya hindi namin naiwasang tumawa. Nung papunta dun, pinauna ko na siya sa classroom kasi tatanggalin ko na yung mga pinost ko na posters nung isang araw. Tutal may time pa naman eh.
Nung papunta na ako sa room ko, nasalubong ko si Yza. Medyo masiglasigla na ako nun, kaya balak ko pa siyang yakapin.
Friendly lang naman. Tss.
“Yzzzzzzzzzziiiiiii! Hehehe.” Binukas ko yung arms ko na para bang yayakapin ko siya.
Pero umiwas siya…
“Ngayon ang sigla sigla mo?”“Huh?”“Anong ‘huh?’… Alam kong nainis ka sakin kahapon dahil sinamahan ko si AJ. Pero sana naman nagreply ka, at hindi mo ako hinayaan dun sa harap ng bahay niyo maghintay.”“Pero sabi mo hahatid ka ni Manang Sita?”“Nagtext kaya ako sayo! Sabi ko hindi na tuloy yun, at hintayin mo ako, kasi papunta na ako diyan!”Hindi ako maka-imik nun.
Kinapa-kapa ko yung cellphone ko.
“At nung akala kong wala ka lang talagang gana mag reply, pumunta na ako dito, nagshort-cut pa nga ako para lang masalubong ka eh!”“Eh—““---Pero nung nasa may gate na ako, nagulat nalang ako kasama mo yung lalanding Rachelle—"“Racqulle.” Pero hindi niya ako pinansin.
“---na yon! ‘Kala ko ba ayaw mo dun?! Naman! Pasigaw-sigaw pa ako ng ‘Ethan! Ethan!’, pero ayun, hala, sige, dirediretso lang sila, tawa pa ng tawa! Tapos ngayon, babatiin mo ako?!”Tapos dirediretso na siya maglakad.
Babae talaga. Hinding hindi ko maiintindihan.Hahabulin ko na sana siya, pero nag-ring na yung warning bell.
Papunta dun sa class, chineck ko yung cellphone ko…
Meron ngang message:
[
hindi n pla nya q hahatd. hehe. xurii. cge, pnta aq jan aa. w8 4 me. same time. Ű ]
Kaya pala hindi ko siya naabutan, kasi maaga ako umalis.
Kaya rin pala hindi ko siya narinig, kasi nga pala tinawanan naming ni Racquelle yung siga.
Kaya pala.
Kaya pala.
…
Patay.