Chapter 42“Yes?” Ngumiti naman siya, habang sinasabit niya yung isa sa mga decorations sa wall.
“Uhh…” Sh*t, pano ba? Linapag ko yung centerpiece dun sa isang table, tapos lumapit ulit sa kanya.
“Ethan?” Kumuha ulit siya ng decoration tapos tumayo dun sa upuan.
“Pw—pwede b—““Aaa!” Muntik na siyang malaglag dun sa upuan niya, pero na salo ko naman siya.
“You always fall, don’t you?” Bigla naming nawala yung kaba ko. Kaya nagawa ko pang ngumiti…
“Well, you’ll always catch me.” Tumawa naman siya…
“Won’t you?”“Of course I will.”
“Hoy hoy hoy.” Napatingin kami kay Francis… Lahat pala sila nakatingin samin. Si AJ nasa loob na rin ng Gym, nag aayos ng decorations. Si Raqcuelle naman, nakatingin lang rin.
“Mamaya na ang yakapan. Trabaho muna.” Tapos tumawa naman si Josh.
Oo nga pala. >< Buhat buhat ko pa si Yza.
Binaba ko na siya tapos hinampas naman niya ng mahina yung braso ko,
“Ano na ba kasi yung sasabihin mo?”Tumayo naman yung balahibo ko. Sh*t, kinakabahan na ulit ako. Crap.
“May-ka-date-ka-na-ba-sa-bash?”“Huh? Date? Wal—““Pwede-‘bang-ako-nalang???” Crap. I look foolish.
Please. Please. Please.
“Sig—““Salamat!” Kumuha ako ng centerpiece, tapos tumakbo sa kabilang table. Ayoko na, baka namumula nanaman yung mukha ko.
Delikado na.

Baka mabuking ang kaba.
…
“Hay salamat it’s finally done!” Lahat kami nakatayo sa may pintuan ng Gym habang tinitingnan yung gawa namin. Not bad. Kahit puro bulaklak, I actually like the design.
“Normally, too girly ang tawag ko dito, pero ayos naman pala gawa natin.”“Kasi, effort mo yan. Kaya mo na tripan. Tingin mo kung hindi ikaw naglinis nito, matritripan mo pa?” Tumawa naman si Francis, tapos nagkamot ng ulo.
“Pero ayos, mga pards. Di siya jologs.”“Of course, ako na organize niyan eh.”“Talaga lang ha?” Tumawa naman si Yza, sarcastically. Umirap naman si Racquelle.
Ba’t ba ang hilig ng mga babae, at ni AJ, na umirap? Baka naman sakit lang ng mga babae yun, at ni AJ? O baka naman babae si AJ? Gahd. Delikado ‘toh. Hahaha.
Napa smirk naman ako.
“O baket?”“Wala lang.” Tapos tumuloy tuloy na sa tawa.
“Uy sige, alis na kami. Pupuntahan pa namin si Francine.”“Bye.”“Babu.” Tapos umalis na sila.
“Oh well, I need to get my beauty sleep. Tata!” TATA? THE HECK?!
Tumawa ako, natawa rin naman si Yza. Umalis na naman si Racquelle…
Si AJ naman, hindi na nagpaalam, umalis nalang bigla.
Kinuha naman namin ni Yza yung bags namin, tapos umalis na.
Pagdating namin sa bahay nila…
“Magpapadrive nalang ako kay Kuya bukas.”“Okay.” Ngumiti naman si Yza…
“What time?” Tinuro niya yung chin niya, na para bang nag iisip…
“Uhh, pick me up at seven.”“Sure. Bye.” Tumalikod ako, tapos tinaas ko nalang yung kamay ko at nag wave…
“Bye!”Nung nasa may gate na ako ng bahay nila…
“Ethan!”Pag lingon ko…
“Ingat!”
**sorry napaka walang kwentang chapter. T_____T pinapalayas nako ni mama. sorry.