ANG TAGAL NG UPDATE KO. :]
sorry. sorry. sorry.
mga minamahal kong readers, sobrang pasensya dahil hindi ko kayo marereplyang lahat. ((: ehe. labyoo~ <33333 mahaba haba itong chapter na ito, PAMBAWI. hahaha. thanks sa lahat. sobra. *hugs*to all the new readers, salamat sa pagbabasa. muwaa~ <3sa mga nagsabing magupdate na ako, hehe, senxa na talaga. medyo busy lang. and like i said, im only allowed to use the computer during weekends. :] hope you understand.*Grenade - game na gawa gawa ko. ((:
-------------------------------
Chapter 41“Aray ko! Malay ko ba!” Hinimas himas ko yung likod ng ulo ko. Nayuyugyog na yang munting utak ko na yan dahil puro nalang batok ang inaabot niyan.
So may madadagdagan na sa kaalaman ko, ang girlfriend, hinding hindi dapat iniiwan.
Got it.
“Oh, may isa pa akong isesend sayo.” Kinalikot ni Josh yung cellphone niya habang tinitingnan lang namin siya ni Francis.
1 new message from
Josh[
“to be happy wid a man, u must undrstand him a lote & love him a little..”
“to be happy with a woman, u must love her a lot even if u dnt understand her at all..” ]
Binasa naman ni Francis, pagkatapos ‘kong basahin…
“Homaygad parekoy, you’re so makata.” Tapos tumawa naman kaming tatlo.
Lumingon ako, tapos nakita ‘kong palabas na si Yza ng shop. Tinapik naman ako sa braso ni Josh, tapos sumenyas sila na puntahan ko na siya.
“Pano kayo?”“’Tol, ano ‘bang meron sa kokote mo? Kayo na ba talaga?” Huh? Oo naman ha, kami naman. Daw.
“Oo naman.”“Inuuna yan pre. Tandaan mo.” Tapos tinuro niya si Yza…
“Inuuna lagi yan.”Tumango naman ako, tapos umalis na sila.
“O, ba’t umalis sila?”“Bibili pa daw sila ng centerpiece.” Tibay ‘kong magpalusot. Pero totoo rin naman eh, bibili p ata sila ng centerpiece.
“Ah. Okay.” “Ayos na yung flowers?”“Oo. Sa day na mismo nila idedeliver. Para fresh parin.”“So tapos na tayo?”“Yup.” Tapos ngumiti naman siya.
Okay. What’s next?“Hindi ko narinig yung sabi ni Racquelle kanina ‘eh. Ano na ba daw gagawin pag tapos na?”“Mag memeet daw tayo ulit mamaya sa Starbucks, ng mga…” Tapos nagisip siya,
“…three. Anong oras na?”Tiningnan ko naman yung relo ko…
“Two palang.”Sumimangot naman siya,
“Anong gagawin natin?”Kung sabagay, isang oras pa hihintayin namin, ano nga naman ‘bang pwedeng gawin?
“Lunch?”“Im full.” Kape lang yun, full na? Grabe.
Pero kung tutuusin, ako rin naman medyo busog na eh.
Pag kami nila Josh, lagi kaming— tama!
“Tara.” Hinawakan ko yung kamay niya tapos hinatak ko siya.
…
“Kozka?” Nakatingin siya dun sa sign nung arcade-an tapos tinatalong ako kung ano yung ibig sabihin nun.
“Malay ko ba jan. Basta arcade, uhm, place yan.” 
Ngumiti ako, tapos hinatak ko ulit siya paloob.
Ang weweird naman ng mga tao dito.
Lalo na yung mga babae. Ngiti ng ngiti.
“Miss apat nga.” Binayaran ko yung babae tapos hinatak ulit si Yza papunta sa pinaka pabrito naming game nila Josh at Francis… ang Grenade.
“Grenade?”“Yup.” May dalawang lalake na naglalaro din, kaya pinanood muna namin.
“Uhh, siguro naman alam mong hindi ko alam kung pano nilalaro ‘toh diba?”“Madali lang nama ‘eh. May 5 pads diba? Tapos may parang dalawang foot marks in each pad? Kung ano yung umilaw, yun yung dapat mong tapakan. Its as simple as that.”“Pano kung yung nasa red pad yung left yung umilaw, tapos sa green pad yung right yung umilaw?”“Edi tatapakan mo.”“Hindi pwedeng yung red lang?”“Minus points.”“Oh. I get it. Ang galing! Haha!” Tawa naman siya. Naaliw? Tumawa rin naman ako, pero mahina lang.
Umalis na yung dalawang naglalaro, kaya linagay na naming yung tokens namin. Nagstart na yung game, siyempre puro combo ako. Si Yza naman kung hindi nakaka miss, puro good lang yung nakukuha. After ng isang round, A yung score ko. Siya, E. Not bad. Unang try naming nila Josh, sa sobrang kakatawa naming, parehas kaming nag F. Linagay na ulit naming yung tokens naming. This time, nakaka kuha na ng perfect si Yza. Naka C siya, tapos B ako. Tawa nga kami ng tawa ‘eh.
“Gusto ko pa!” Tumawa naman siya. Kinuha niya yung kamay ko, this time…
…siya naman yung naghatak sakin.
…
“Ano ‘bang meron sa inyong dalawa, at lagi nalang kayong late?!”“You want the dirty details?” *pak* Binatukan ni Yza si Josh. Naunahan ako.
Nagtinginana naman kami ni Yza, tapos tumawa kami.
“Grenade.” Tumawa ulit ako.
“Grenade?”“Ahh, nag Grenade lang pala sil—Grenade??!”Hinatak naman ako ni Francis palayo. Sumunod naman si Josh. Pero malapit kami nun kay AJ. Sila Yza at racquelle naman, naiwan dun nang nagkwekwentuhan tungkol sa Grenade. Medyo naririnig pa nga si Racquelle eh…
“He took you to an arcade? How lame is that?”“Dinala mo siya sa Grenade? How hina can you get?”“Why are you so conyo ba?” Tumawa naman kami ni Josh. Pero biglang nagseryoso ang loko…
“Nagdate nalang kayo, sa Kozka pa?!”“Anong mali dun?”Nagkamot ng ulo si Josh.
“Mag scoscore ka na nga lang bakit dun pa? Tapos n—” Blah blah blah… Patuloy tuloy lang siya sa mga sinasabi niya. Hindi ko na naman siya naririnig ‘eh.
Ano nanaman ‘bang mali ‘kong ginawa? Dinala ko lang naman siya dun ha. Nag enjoy naman siya. Ayos naman, tuwang tuwa pa nga ‘eh. It’s only a way to pass time.
“Hindi naman lahat ng babae gusto ng pa resto-resto lang ‘eh.”Napatingin naman kaming tatlo kay AJ.
“May mga tao, lalo na mga babae, na mahilig sa mga paupo upo lang, sweet talk, things like that. Pero sa sitwasyon na ‘toh, hinde. Si Yza, kahit anong flow nasasakyan niya. Ang maganda pa doon, natutuwa pa siya sa mga bagay na hindi m ineexpect na katutuwaan niya. That’s what makes her unique. That’s what makes her special.”Lahat kaming lalake, maliban sa kanya, nung mga oras na yon, ay naka
WHAT-THE-EFF-LOOK. Like this:
O.oSi Francis naman humirit…
“Dude, ‘you gay?” Tumawa naman kami ni Josh. Si Aj naman todo kontra.
“Gag* hinde!” Mas lalo pa tuloy kaming natawa. Binalikan naman naming yung dalawa, patapos na rin sila sa usapan nila.
“…the point is, I had fun.” And that made me smile.

…
“Well, oo naman masaya.” Tumawa naman siya.
Pauwi na kami, at naglalakad sa aming munting, oo na, hindi na munti, subdivision.
“Yung Grenade?”“Sobra!” Tapos humigpit yung hawak niya sa kamay ko. Tiningnan ko naman yun.
Ayaw ko mang sabihin ‘toh, sinabi ko parin…
“You can let go now. Wala na naman sila eh.”Nag-meeting ulit kami nun sa Starbucks, nakabili na ng mga centerpiece sina Josh at Francis. Glass figurines, tapos lalagyan nalang rin ng flowers sa gilid, no choice eh. Plain kung glass figurine lang. Tapos sina racquelle at AJ din, nakapag pa-pagawa na ng banner. Ready for printing nalang. Pati yung mga garlands, naayos na nila. Kaya ngayon, pauwi na kami. Malamang tinulak tulak na ako nila Francis at Josh na umalis, para daw ma-solo ko na si Yza.Nag-buntong hininga naman si Yza, tapos binitiwan rin niya yung kamay ko. Hindi kami dumaan sa usual naming dinadaanan. Wala lang, nag long cut lang kami. Kaya nadaanan naming yung park.
Medyo madilim na, kasi mag gagabi na, pero hindi naman ganun ka dilim, kasi puro stars yung sky. Tapos nakabukas naman yung street lights. Hindi naman nakakatakot ditto, kasi fully secured. Kaya kahit 4 years old kang pagala gala dito, walang mananakit sayo.

Huminto naman si Yza.
“Hey. Naalala mo pa ‘toh?” Tumakbo siya dun sa may pink na swing, tapos kumanta kanta.
“Isang hakbang sa kanan, dalawa sa harap. Tatlo sa kaliwa, a bigla kang dadapa!” Umupo naman siya, tapos tiningnan niya yung sahig. Kanta namin nila Josh at Yza yun nung bata pa kami.
May pavement kasi doon eh, tapos my nakaukit.
“Tingnan mo yung ‘s’ ni josh, baliktad!” Tapos tumawa naman siya.
Nakasulat kasi doon yung pangalan naming tatlo. Josh-Yza-Ethan. Bagong tayo palang yung mini-park noon. Tapos may playground. Dati, nung bata pa kami, naglalaro kami. Tapos naapakan ni Josh yung pavement. Eh medyo basa pa yung cement nun, kaya may bakas ng paa niya. Dun sa spot na yun, kumuha kmi ng stick tapos sinulat naming yung names namin.
Tumay si Yza, tapos pumunta malapit sa may puno.
“Namimiss ko na ‘toh.” Tumingin naman ako sa kanya nung pagkasabi niya non…
“Yung park?”“Well, yun din, pero ,more on yung dati. Parang, wala lang. Napaka-simple.” Linapitan ko naman siya… Simple daw? Di ko nagets yun ah.
“Simple?”“Ngayon kasi, napaka complicated na ng mga bagay bagay.”Umupo siya dun sa may grass, tapos umupo rin ako sa tabi niya.
“Imagine, dati, palaro laro lang tayo dito. Napaka, hmm, kumbaga carefree? Napaka carefree natin. Ngayon, dapat bantay sarado ka na sa lahat ng gagawin mo. Dapat conscious sa lahat ng iisipin ng ibang tao… Yung mga ganung bagay.”Humiga naman ako sa grass, tapos tumingin sa taas. Ang dami palang stars?

Hindi ko alam kung baket ko ‘toh nasabi, pero lumabas lang sa bibig ko…
“Alam mo, hindi mo na dapat iniisip yung mga iniisip ng ibang tao. Nagegets mo ba yung point ko?”Humiga rin siya sa tabi ko, tapos nag nod.
“Wala silang pakialam sa kahit anong gawin mo. You are special for who you are. Corny ko 'noh? The point is, just be you. Just be Yza.”Naramdaman ko nalang na sumagi yung kamay niya sa kamay ko, pero inalis din niya.
“Mind if I do this?” Hinawakan ko namn ng mahigpit yung kamay niya. Umiling naman siya. Tapos ngumiti ako.
“Not that.” Lumapit ako sa kanya…
“This.” Niyakap ko naman siya. Ilang saglit din, bumitaw na ako. Tiningnan ko siya, tapos nakasmile siya. Hinawakan ko ulit ng mahigpit yung kamay niya. Pagtingin ko sa taas, bigla nalang may dumaan na shooting star.
Medyo napa-upo siya.
“Did you see that?!” Humarap siya sakin.
“Ethan, did you see that?!”Taps todo ngiti siya.
“Oo.”“Make a wish! Tara, sabay tayo!” Pinikit naman niya mata niya…
Wish?Bumulong nalang ako…
“I wish this night would never end…”----------------------------------
sana nagustuhan ninyo. :] muwaa~