Teentalk

Author Topic: It's His Point of View / pics: PG1. :] / **** EPILOGUE - 01/11/08 - PG.46  (Read 76346 times)

anicia

  • Guest
Re: It's His Point of View *new author. :) hope you like it.
« Reply #15 on: September 11, 2007, 09:08:32 pm »
ang kapal! siguro kontrabida to ::) hahah :P

hahaha. let's see. :P

hhehe. ang kulit naman ni ethan! hehe. nakakatuwa po yung story niyo. ang galing! next na po!  ;)

hay nako. si Ethan pa! ;D salamat!

Continue! hahahaha. love this story.;)

hehe. :P salamat. will do.


**paalala lang po sa readers, fictional po lahat ng nandito. :) gawa gawa ko lang ang names. especially the schools. :P

--------------------------


Chapter 4

Hala hala. Ewan ko ba dito sa nasa likod ko. May sayad ata. Lakas ng tama.

Nagdidiscuss na si Ms. Ramos tungkol sa transverse waves nang bigla nalang may kumalabit sa likod ko.. Pag lingon ko,

"Hey, do you have a ballpen?"

Ballpen ballpen. Kakatransfer lang nya dito wala siyang ballpen? Kalokohan.

"Kate!" Tinawag ko yung katabi niya.. "May ballpen ka ba?"

Tumango naman si Kate at inabutan ako black ballpen. Tapos inabot ko kay Racquelle..

"Next time, pag manghihiram ka, dun ka sa katabi mo muna manghiram. Hindi yung bubulabugin mo yung nasa harapan mo ha?"

"Okaaaaaaay." Alam mong irritated na yung boses nya.
Magagawa ko ba? Papansin kasi eh.

"By the way, I'm Racquelle."

"So I've heard."

"Ikkkaw??......" Natutuwa naman ako kasi irritated na irritated na talaga siya.

"Ethan. Never call me Ethe." Tumigil na siya sa kakapeste sakin.

Almost all my friends call me Ethe. Ewan ko ba jan sa babaeng yan, at ang sama ng vibes ko sa kanya. Maarte kasi. Nakakakilabot. Maganda nga, landi naman.

...

Pagkatapos ng pagkatagal tagal na araw, natapos na rin yung mga class namin. Pumunta naman kami ni Josh dun sa homeroom ni Yza. Si Francis naman, umuwi na. May susunduin pa daw siya e. Yung Racquelle, malay ko ba dun.


Pagkalabas ni Yz..
"Hui! Andito na pala kayo! Ang aga niyo ah! Balita ko may bago daw kayong classmates!"

"Ha? Oo nga eh. Mga taga Colegio de San Jose. San ba yun?"

"Ewan ko."
Yun lang sinagot ko. Hindi ko naman talaga alam eh.

"Pakilala nyo ako ha?"
Tapos nag blink blink ekek yung mata nya.

"Type mo lang si Francis eh!", pabirong sinabi ni Josh.

"Ha? Sino yun?"

"Wala, joke lang. Anyway, kamusta si AJ?"

"Oo nga, kinulit ka ba nung loko na yun ha? Sabihin mo lang!"
Tapos yung kamay ko, naka clench na yung fists.

"Hinde naman. Tahimik nga ngayon eh. Himala."

"Odi ayos. Tara na, uwin na tayo! Pagod na ako eh!"

Tumango nalang kami, tapos naglakad papuntang gate. Malalpit lang naman yung mga bahay namin eh, kaya nilalakad nalang namin. Sa iisang subdivision lang rin kami nakatira, kaya hinahatid na namin si Yza pauwi. Siya kasi may pinaka malayong street saming tatlo. Si Josh at ako naman, dalawang street lang ang pagitan.

Pero bago kami makalabas, sinalubong ako ni Coach Ron.

"Oh Coach! 'Kagulat ka naman!"
Papano ba naman, biglang tumigil sa harap ko.

"Hay nako Ethe. Buti nalang nakita kita. Kanina pa kita hinahanap eh! Buti nalang nakita ko si Yza. Imposibleng hindi ka nya kasama."
Tumawa naman ng mahina si Yza at Josh..

"Bakit Coach, ano pong meron?"

"Well, diba nag graduate na si Greg at Andrew? We need at least two new palyers by-" chineck nya yung papers na dala dala niya.. "-Friday. Yup. Conduct the tryouts on friday."

Ahh. Friday.

Teka. Wednesday ngayon ah.
2 days?!

"Coach!! Wednesday na! Tapos sa friday na yun! COACH! Paghahanapin nyo ako nga ipapalit sa dating captain at sa isa pang alumni sa loob ng dalawang araw?! ARE YOU SERIOUS??!"

"Yes Ethe."
Tapos ngumiti lang siya.

"WAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Bull Sh--"

"See you Ethe!"
Tapos tumakbo na paalis si Coach.

Ayos ah. Dalawang araw. San naman ako hahanap ng players?

"Ethe, that's okay. Haha. I'm sure mananalo kayo sa- Pfft. -next game nyo."

"Yeah, right!"

"WAHAHAHAHAHAHAHA!"

Konti nalang bubugbugin ko na 'tong dalawang toh.

Nauna na akong maglakad. San naman ako makakahanap ng dalawang players in two days?! Humabol naman sila Yz at Josh.


"Pre, joke lang. Natawa lang talaga kami. Makakahanap naman ng paraan dyan eh."


"Yeah, We'll find a way..."
Nagstop kaming tatlo.







































"We always do."
Tapos hinug niya ako sa side.

sympathetic.deathfall

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1559
  • Karma: +162/-11
Re: It's His Point of View *new author. :) hope you like it.
« Reply #16 on: September 11, 2007, 09:13:33 pm »
goodluck nalang sayo Ethe ;)

-- aba feeling close? ::) :D ;D

honeyjoyish_marbols

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 936
  • Karma: +54/-18
  • i love you . =)
    • [:.It started with a TEXT.:], .It's YOU & ME.
Re: It's His Point of View *new author. :) hope you like it.
« Reply #17 on: September 11, 2007, 09:46:58 pm »
HAHA. goodluck, ethe. ;):) hey sis anicia. NP, you're story's soo nice naman eh.HEHE. :D :);)
"until the day i DiE...
..i'd spill my heart for YOU."

anicia

  • Guest
Re: It's His Point of View *new author. :) hope you like it.
« Reply #18 on: September 12, 2007, 11:15:15 am »
goodluck nalang sayo Ethe ;)

-- aba feeling close? ::) :D ;D

hahaha. :D

HAHA. goodluck, ethe. ;):) hey sis anicia. NP, you're story's soo nice naman eh.HEHE. :D :);)

wow, thanks! :)

------------

dadami pa kaya ang readers ng story na 'to?
sana. :D

*will update later. :)

anicia

  • Guest
Chapter 5

Ewan ko ba, parang tumaas yung balahibo ko. Creepy, but in a nice way.

“Naks naman. Buti pa si Ethe hinuhug.” Tapos nag sad-face ‘tong si Josh. Pag nakita niyo yung mukha niya, matatawa kayo, pramis. Sarap upakan. The faaaaaaaaaaaace. Sorry to focus on ‘the face’, sobrang natwa lang talaga ako.

Konti nalang, babatukan ko na nga sana siya eh. Ganda na ng moment ko eh, sinisira ng mokong na ‘to.

“Osige, hug din kita. Joshiiiiie---“ huhug na sana niya si Josh, “---pero ayoko. Ang baho baho mo eh.”

Natawa ako sdun ah. Habng humahalakhak kami ni Yza, inamoy amoy ni Josh sarili niya. Tapos sumimangot.

“Hindi lang ako nagpabango eh!”

“Exactly my point.” Sabat ni Yz. Ayaw niya kasi samin ni Josh pag hindi kami nagpapabango. Kaya ayan si Josh, halos tuwing pasko, nireregaluhan ni Yz ng body spray. No offense, ‘di naman mabaho si Josh. Tinatamad lang yung mokong mag lagay ng pabango.

“Tara na.” Tapos naglakad na kaming tatlo pauwi.

...

“Left right, left right, kembot! Left right, left right, kembot!”
Hala hala si Yz, nababaliw na ata. Narinig kasi yung commercial ng Enervon dun sa radyo ng guard sa may subdivision. Kalog nanaman. Parang lasing! Kaya ayun, hanggang makarating na kami sa kanyang mala-palasyo bahay, kanta parin siya ng kanta. Yung bahay nga pala nila, napaka laki, tapos ang daming ka baliwan sa labas. (Kabaliwan – mga bulaklak, sculptures, etc.) Artist kasi tatay ni Yz. Kaya ayun, punong puno ng kabaliwan yung bahay nila. Kabaliwan na maganda.

Naghiwalay na kami ni Josh dun sa isang street, tapos naglakad na ako papunta sa bahay ko.



Pagpasok ko, nakasalampak si kuya dun sa sofa habang may kausap sa cellphone, tinakpan niya yung receiver, tapos sumigaw…
“Hoy bro, anjan ka na pala. Tatawag daw sina Mommy mamaya. Abangan mo nala—“

*ring*ring*

Nagriring na yung phone namin habang nilalapag ko yung bag ko sa couch.

“—sabi ko nga.” Tapos kinausap na niya ulit yung kung sino mas sa phone niya. Tinakbo ko naman yung phone namin.

“Yes hello, Ethan Viallaroy speaking.”

“Ethan!”
Aba, at sino naman ‘tong kalog na babaeng toh? Wait lang, si mommy na yata ‘toh…

“Mom?”

“Yes, anak, you don’t recognize my voice anymore?”

“It’s not that, I was just—“

“Anyway, I just called to check on you… How are things there? Studies? Sports? … Girls?”
GIRLS? Ayos ah. Parang wala lang sa kanya.

Si mommy nga pala, nasa states kasama ni Dad. Dun na sila nagtratrabaho. They left nung 1st year HS palang ako, sinasama na nga nila kami ni Kuya eh. Pero magcocollege na si Kuya noon, kaya ayaw na niyang sumama sa kanila. Ayaw ko rin naming sumama, kasi bagong lipat lang ako sa school nila Yza. (Pero matagal na kaming magkakilala nila Yza at Jos, pati ang mga parents namin.) Kaya pinayagan nalang kami dito sa pinas, basta mag checheck sila mommy from time to time.

“ 'my, girls ka dyan?!”

“Hay nako, wala parin?! Anak ang hina mo naman!”

“Aynako mommy, ano ba yan!”

“Anak, wala ka parin bang ibang babaeng ipapakilala sa Mommy kundi si Maria Yza?”

“Bakit ba ‘my? At anong namang masama kay Yza?”

“Wala. Sana nga siya nalang girlfriend m—“

“MOMMY!”

“Oo na! Anak naman binibiro lang eh! O, kamusta nga ba kayo ng Kuya mo jan? Este, ikaw pala? Kasi si Kuya mo nakausap ko na nga pala kanina.”

“ Ayan si ‘my, ulyanin na. Haha. Eto po, ayos lang naman. Ganun parin.”

“Ah. Mabuti naman! O siya anak, tinatawag na ako ng secretary ko. Remember mommy lo—“

“--loves you. Yeah, we know, we know. Bye ‘my! Love you too.”

Tapos narinig ko nalang yung *click* ng pag baba ng receiver.

“O, ano daw?” Tapos na pala si Kuya sa pakikipagusap sa phone niya.

“Wala, ayun, the usual.”

“Ah.” Nung parang wala nang sasabihin ni kuya, umupo na ako dun sa sofa tapos pinagisiapn kung saan ako hahanap ng 2 pang players in such short notice. Haaaaaaay. Buhay nga naman o. Pa captain-captain pa kasi eh. Well, pwede naman ako mag print nang fliers? Or iutos ko nalang kaya sa ibang teammates? Pwede rin naming word of mouth. O kaya naman ma—

“Bro, alam mo, ayos na sana eh.”

Eh? O_O

Ano nanaman bang pinagsasabi ng isang toh? Kitang nag coconcentrate ako dito.

“Ano nanaman ba yan?”

“Wala lang. Look pareh, ayos ka na eh. May kulang lang talaga sa image mo.”

“At ano nanaman ba yun?”Feeling ko alam ko na eh. Lagi naman yun yung sinasabi nila eh. Kulang ako ng…

“Girlfriend.”

Sabi na nga ba. Tumingin lang ako sa kanya tapos nag yawn.

“Look, second section ka. Captain ng varsity team. Gwapo, well nasa dugo yon. Haha. ‘Di ka naman namumulubi. Si Mom and Dad hindi tutol sa pagkakaroon ng girlfriend. Diba? Yun nalang talaga kulang moh eh! ‘Di ka tumulad sa kuya mong POGI.”

“POGI-ta. Wahahaha!”

“Bahala ka nga dyan brad. Kung ako sayo, linigawan ko na yang si Yza. Maganda. Mayaman. Captain ng volleyball. Section one. Mabaet. Ma—“

“Hindi siya pwede kuya.”

“At bakit naman?! Taken na ba si Yza?! Sayang naman bro!!!”

“Hinde. Basta...”



























































“Masyado na kaming close ni Yza para sirain ko pa ang relationship namin.”

------------

*sorry for the typos. sa Word ko kasi ginawa eh, kaya may Auto Correct. hindi ko na na-edit ng todo. :D

comments lang po sana.. :(
« Last Edit: September 12, 2007, 05:20:49 pm by anicia »

anicia

  • Guest
shall i continue??...  :-\


Ran1441

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 547
  • Karma: +44/-9
sige continue niyo po. ang ganda eh. lalaki kasi point of view kaya kakaiba. galing!  ;)

my angel

  • Guest
continue nyo lang po... :)
maganda naman e... ;)

-patricia

royaltie_princess

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 87
  • Karma: +1/-3
next na op...

kris0205

  • jellybean
  • **
  • Posts: 182
  • Karma: +6/-1
  • me, myself and i
next na po....
"I've been living with a shadow overhead, i've been sleeping with a cloud above my bed, i've been lonely for so long, trapped in the past, I just can't seem to move on..."

anicia

  • Guest
yep ^^ next na po ;)

sige, sige. ;D

sige continue niyo po. ang ganda eh. lalaki kasi point of view kaya kakaiba. galing!  ;)

hehe. ;D based nga si Ethe sa isa sa mga closest guy friends ko eh. :D

continue nyo lang po... :)
maganda naman e... ;)

-patricia


wee. salamat. :D

next na op...
next na po....

eto na po. hehe. :)

--------------------

Chapter 6

“Drama mo pareh. ‘Di bagay!” Tapos bumalik na si Kuya doon sa kung ano mang ginagawa niya, bago pa siya mag cellphone.

Haaaaay. BUHAY NGA NAMAN O. Pahirap.

Wala na talaga akong maisip na gawin para dun sa hinayupak na tryouts na yun, kaya yung flyers nalang yung gagawin ko. 6 na ako naka uwi, kaya mga 8 ko na natapos yun. 5 copies lang naman prinint ko eh. Pagkatapos nun, nagpaluto na kami ni Kuya kay Manang Loleng ng dinner. Pagkatapos kumaen, naligo na ako, tapo diretso tulog ng walang pangtaas na damit. Boxers lang. Hehehe.



Haaaaaay. Wait nga, nakakahilo naman, umaga na ba? Ba’t parang may tao sa kwarto ko? *yawns*… Kinapa-kapa ko yung phone ko, pag check ko ng oras, 5:37 pala. Sh*t naman ang aga aga kong magising! Normally 6 na ako nagigising eh… Ano ba yan? Ba’t ba parang feeling ko may tao di---

“---na walang tinatagong bato, sa loob ng kamay, na nahulog sa lupa, tinuka ng ma---“

ANAK NANG-!

“WAAAAAAAAAA!!! RAAAAAAAAAAPE!!!!” Napatalon ako sa kama ko, habang dali-dali kong kinuha yung kumot ko.

“Oh gosh Ethe, you only have your boxers on?!”
Tapos kunyari tinakpan ni Yza yung mga mata niya.

“MARIA YZA, What the heck are you doing here?!!!” Tapos tinakpan ko ng kumot yung buong katawan ko, habang ang napapakita lang ay yung mukha kong… Ubod ng gwapo. O, walang mag rereklamo, paminsan lang humirit. ;D

“Well, si Manang Loleng mamalengke daw, kamusta naman, sobrang aga, baka mamasyal pa muna yun sa kung saan man. May pagkain na daw tayo diyan. Si kuya Elmer naman umalis na, maaga din daw siya kasi may aasikasuhin pa daw siya sa college something, ‘di ko na maalala.”

“Ang dami mong sinabi, wala akong naintindihan!” Napangiti naman siya.

Kinuha niya yung towel ko nanakasabit dun sa cahir, tapos hinagis niya sakin.

“Ay basta wala sila. Wala si Dad ngayon at si Mommy kasi may tour si Dad. Si Manang Sita naman sinamahan si Manang Loleng, kaya ko napadpad dito kasi wala na akong kasama sa bahay.”

“Eh nasan na yung 2 niyo pang katulong?”

“Malay ko. Day off ata.”  Tapos kung ano anong bagay yung pinagkakalikot niya dun sa desk ko.

Kinuha ko yung towel na binato niya, tapos wrinap ko sa waist ko. Pumunta na ako sa cr para maligo. Kahit naka bukas na yun shower, rinig na rinig ko parin si Yz na kumakanta…


“No- No- No- Noddy!…”


Hala. Noddy? Parang bata lang ah. Ayos. Hahaha. Natwa ako dun sa looob ng cr.

Lumabas ako sa cr ng naka towel lang, eh nakatalikod naman si Yz, kaya nilapitan ko siya tapos tinakpan ko yung mga mata niya.

“Ethe, what the heck? Your hands are freakin’ wet, so my hair’s getting wet too, you know.”

“Well, I only have a towel on, so I can’t let you see—“ Tumayo siya habang hawak ko parin yung ulo niya, with my hands covering her eyes… “—me.” Tapos inescort ko siya palabas ng kwarto ko.

Nagbihis na ako, tapos pagbaba ko, nakatayo lang siya doon, hinihintay niya yung microwave oven na matapos mag init ng pagkain.

Hindi namin makakasabay si Josh papuntang school, kasi nagtext na siya sakin kanina:

                    [ pre. hehe. npasobra yata tlog q e. mauna n kyon dlwa. hehe. >.< ]

Kumain na kami ng sabay, tapos pumunta na sa school.

“Si Kuya Elmer yata may problems sa school eh. Ewan ko ba, parati nalang sobrang aga niya umalis.”

Napatigil si Yza. “Kuya mo?! Come on Ethe! Kuya MO?! Eh saksakan ng talino yun eh!”

Nag shrug nalang ako, “Malay.”

Tapos nag continue nalang kami sa paglalakad, habang kinukulit ako ni Yza na matalino daw si kuya, blah blah blah...

Nung malapit-lapit na kami…

“Ethan!” Tapos lumapit siya samin, si Francis pala. “Pasabay naman sa inyo ng, uhm, girlfriend mo… Kung ayos lang.”

“Girlfriend?!” sabay pa kami ni Yza.

“Transferee ‘toh noh?? Excuse me, ‘di ko boyfriend yang si Ethe!!!”

Tapos tumawa si Yz. Ako naman…

“OO NGA! Di ko GERL PHREN yang babaeng yan!!!”



















































“Is that so?…”

honeyjoyish_marbols

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 936
  • Karma: +54/-18
  • i love you . =)
    • [:.It started with a TEXT.:], .It's YOU & ME.
at sino naman 'yun? tss. HAHA. :D nextie sis! i <3 your story, soo much! ;) :)
"until the day i DiE...
..i'd spill my heart for YOU."

sympathetic.deathfall

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1559
  • Karma: +162/-11
epal talaga yan! chismosa! nakikisali sa usapan ng may usapan! heheh nagalit daw ba :D ;D

royaltie_princess

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 87
  • Karma: +1/-3
next na po...

 

Candy Blog

What We Did: A Week-Long Internship!
by: guest, 2012-02-10
Hi, :hi: we're Estelle and Tanitha, we're 15 and 14 year old French girls and we're in...

Council of Cool Blog

Hidden Treasures
by: Kristine, 2012-02-09
Weekends are sparkling gems in the midst of the doldrums of school and academic requirements....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website