tsk tsk tsk... sayang, di mababantayan ni ethan si yza... 
may unggoy pa namang umaali-aligid sa kanya!!
mwahahaha...
next na ulit! bilis mag-up ah!
wehehe...
haha. nagkataon lang.

try ko rin mg update ng madalas.

pero if not, baka tuwing sturdays ang latest.

sayang naman si AJ,,feeling ko gwapo siya eh 
gwapo yun!

haha. tutukan nyo nalang. hahaha.

new reader here, new reader here!HEHE. sooo nice! i want moooore!HAHA. hannah here pala, sis. 
13 years of age.HAHA. =) friends?

hey hey.

haha. thanks!

sure! anicia here. fifTEEN.

sana talaga dumami ang readers..
-------------------
Chapter 3Hinintay lang namin si Yz sa labas ng locker room nya. Hawak hawak namin yung mga gamit nya. Pag labas niya, naka uniform na siya. Tapos, kumpleto.. Naka pabango, powder, tapos naka lugay na yung buhok nya. Ang ganda talaga nito. No wonder heartthrob.
Nung naglakad lakad na kaming tatlo papunta sa building namin, may parang maliit na commotion dun malapit sa faculty..
"Mister Jaime, please stop contradicting us. These two will be transfered wheteher you like it, or not.""Miss Ramos, this is inhumane! It --""AJ Jaime! You are exaggerating too much! Itatransfer lang namn 'tong dalawa mong basagulong kabarkada dun sa sister school natin. Na-contact na ang parents nila abroad, at pumayag na. So wala ka nang magagawa hijo. Maganda na rin yan para sayo, at wala na itong dalawang BI na ito.""This is all bull-- ... crap."Tapos umalis na si AJ. Yung dalawa naman, sinamahan na ni Ms. Ramos palabas ng school.
"Ayos. Wala nang mga bastos na adik." Tuwang-tuwa si Yz.
Si Josh naman,
"Oo nga eh. Yes. At last. Wala nang mga sumisira sa concentration ko lalo na pag may training ako." Tawa naman siya ng tawa.
Ako, wala lang. Deadma. Pakialam ko ba sa mga yun? E 'di nga makalapit sakin yung dalawang basag ulong ulupong na yun eh. Anjan pa rin si AJ, so dapat bantay parin kami ni Josh kay Yz.
"Mag o-one na. Hanggang 1:15 lang excused ang students. Balik na tayo sa classroom."Tapos umalis na kaming tatlo sa grounds.
---
Nagstart na ang talagang school year, kaya normal classes nalang kami. Wala na talaga akong ineexpect na mga bagong nangyayari. Wala pa nga yung teacher sa room eh. Kaya ayun, yung mga babae nag chichismisan, yung iba nagbabasa, yung mga lalake naman nag hihiyawan, o kaya naman naglalaro.
Ako, wala lang. Pinaglalaruan ko lang yung ipod ko.
Vibes na vibes na ako sa kanta, pa falce-falceto pa nga ako..
"Your my sweetest dow--""Ano ba yan Ethe. Kabadingan ha." Tapos hinampas ako ni Josh ng notebook.
"Ano ka ba? Maganda naman yung kanta ah. Pakialam ba nila." Tapos kinuha ko yung ballpen na para bang microphone..
Tumawa si Josh.
"Oo nga naman. HOY CLASSMATES, QUIET LANG. SI CAPTAIN, NAG COCONCERT!""--I loved you fiiiiiiirst, I loved you first!" Tapos nag pose ako nung pogi-pose.
Tawa naman yung mga tao sa room.
Lumapit pa nga yung iba eh..
"Gag* pareh, apir! Wahaha."Pero biglang tumahimik. Pumasok bigla yung teacher namin.
"Class, quiet down."As usual,
"Goodafternoon, Miss Ramos.", yung sinigaw ng class. Pagkatapos non, naupo na yung students. Edi umupo na rin ako.
"As we all know, pinatransfer na sina Kyle at John sa sister school natin. So hindi naman pwedeng walang papalit sa kanila diba? Kaya eto, welcome your new classmates.."May pumasok na dalawang teenagers sa room namin. Isang lalaki, isang babae. Napa-upo ako ng maayos. Maganda kasi yung build ng katawan nung lalake, pwedeng ipanglaban sa varsity. Tiningnan ko naman kung magagamit ni Yz yung babae sa team nya, pero mukhang lalampa lampa.
"Please introduce yourselves." Tapos umupo na si ma'am dun sa teacher's corner.
Nag-motion yung lalaki na yung babae na yung mauna na mag introduce. Eto naman si babae, pahiya-hiya effect pa. Pero pumayag rin naman.
Pwede na, may itsura. Pero wala paring tatalo sa bestfriend ko."Hi. I'm Racquelle Elisse Santos, 16 years old from Colegio de San Jose in--""In tagalog please." Sumigaw ako. Tapos nagtawanan naman yung klase. Medyo nainis yung babae, pero nagcontinue rin.
"Sana marami akong makilalang-" Tumingin siya sakin..
"-mga mababait na nilalang dito." Nagsmile, tapos tumalikod na.
Humarap naman yung lalake,
"Francis Domingo here. 16 din. At taga Colegio de San Jose din. Magkakakilala rin naman tayo later on. Ahhm.. Ayon. Hello."Tapos nagtawanan naman kami.
"Okay class, pipe down. Racquelle, Francis, You are free to choose your seats."Umupo sa tabi ko yung lalake. Yung babae naman sa likod ko banda umupo. Not that I care though.
Bumulong naman sakin yung lalake..
"Nice one 'tol. Ayos ginawa mo kay Racquelle ah.""Sus. 'La yon. Ethan nga pala.""Francis." Tapos inabot nya yung kamay niya. Pero pinalo ko nalang yung likod nya. Tumawa naman siya.
Ayos 'toh. Madaling makasundo.Habang si Josh naman nakikipag-kilala rin, narinig ko nalang sa likod ko, may bumubulong.
"Kala mo naman kung sino ka. Hmp. Pero, pwede kang pagtiyagaan."-----------
*pardon the typos.

comments!