Maselang Bahaghari♫♫ Akala ko ay dagat, yun pala ay alat
Akala ko'y pumasok, sablay ♫♫Nagising ako na parang dala-dala ang buong mundo. Bakit ang bigat ng pakiramdam ko?
Bumaba na ako at nakita ko naman si Mama na hinahain na ang agahan namin.
“Ma, magandang umaga.”Napatingin si Mama nun sa’kin na parang gulat na gulat. Napangiti naman siya bigla.
“Gumaling ka na ata. Kagagaling mo lang sa sakit eh. Kumain ka na nga ng agahan mo rito.”Tumango naman ako at pumunta na dun sa mesa at kumain. Kaya naman pala ang bigat ng pakiramdam ko pagkagising dahil nga sa nagkasakit ako. Medyo sumakit naman ang ulo ko nun at umikot ang paningin ko.
“Okay ka lang, anak? Matulog ka na lang ulit. Mukhang hindi ka pa magaling.”Umiling naman ako nun at sinabi kong kailangan ko lang ng sariwang hangin. Nagpaalam naman ako sa kanya na pupunta ako ng park at dun na lang magpahangin. Ewan ko ba pero gusto ko talagang pumunta dun eh.
Nung una, ayaw niya pang pumayag dahil baka kung mapano raw ako pero dahil sa ako’y makulit na bata, napapayag ko rin siya. Mahal na mahal ako niyan ni Mama eh.

Nag-tsinelas naman ako at naglakad papunta sa park. Nagdala lang ako ng konting pera dahil baka magutom ulit ako. Madami pa namang pagkain dun. Swerte ko na lang at malapit lang sa bahay namin yung park.
Ewan ko ba kung bakit pero dinala na lang ako ng paa ko papunta dun sa seesaw. May nakita akong isang lalaki na halos ka-edad ko lang. Lumapit naman ako sa kanya at umupo para silipin yung mukha niya. Nakayuko kasi siya. Napaangat naman ang ulo niya at nakita ko ang namumula pero magaganda niyang mata. Umiiyak siya?
“So…sorry.”Ngumiti naman siya.
“Mita.”Nagulat ako nun. Kilala niya ako? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Uhm… ano… Bakit mo ako kilala?”Nginitian niya ulit ako at sinabing,
“Stalker mo ako eh.”Nagbibiro ba siya? Ako magkaka-stalker? Mas mukha pa nga akong stalker kaysa sa kanya. Ako ba eh niloloko niya? Sa kagwapuhan niyang yan--- Oops!
“Wag mo nga akong pinagloloko-loko.”Tumawa naman siya nun. Natulala lang ako sa kanya. Mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko. At may nararamdaman akong konting saya. Bakit?
“Pwede mo ba akong samahan?”Pumwesto naman ako sa may kabilang seesaw at umupo dun. Makikipagkwentuhan na lang nga ako sa kanya para hindi boring dito sa labas.
“Game.”Nag-seesaw lang kami dun. Nagkwentuhan na rin at tumatawa-tawa. Mukha na nga kaming eng-eng dun na ang tanda-tanda na pero tuloy pa rin kami sa pag-seesaw. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero…
…may kakaiba akong sayang nararamdaman nung kasama ko siya.♫♫ Pikit ko ang aking mata, ikaw ang nakikita
Akala ko'y wala ng saysay... ♫♫“Wag! Wag mo akong iiwan! Please! Ikaw ang gusto kong makasama habangbuhay…”
Nakatalikod siya habang naglalakad papalayo sa’kin. Tumatakbo ako patungo sa kaya pero may pwersang pumipigil sa’kin kaya hindi ko siya maabutan. Please… Sana… Sana…
“WAAAAAAAAAAAAAAAAG!!!”
“Mita! Mita! Mita!”
Napabukas ang aking mga mata at nakita ko si Mama na nag-aalala ang mukha.
Napayakap agad ako sa kanya at naiyak ng tuluyan.
“Mama, bakit po ganun? May hinahabol po akong lalaki sa panaginip ko pero hindi ko po siya maabutan. Sino po ba yun at parang gustong-gusto ko siyang mahawakan.”
“Sshh… Alam mong ikaw lang ang makakasagot sa tanong nay an, Mita.”
Napatingin ako kay Mama at nakita ko ang mga mata niyang puno ng lungkot. Bakit malungkot siya?
Bumangon na ulit ako at naisipan ko namang bumalik ulit sa park. Wala lang. Gusto ko lang ulit makasama yung stalker ko raw. Haha. Baka wala na siya dun pero okay lang. Gusto ko pa rin namang tumambay dun.
♫♫ Maselang bahaghari sa aking isipan
'Wag kang mabahala di kita malilimutan
Paglipas ng ulan ay mapapangiti ang araw
'Wag sanang mawala ang maselang bahaghari ♫♫Napatigil ako nang marinig ko yun. Bakit… parang pamilyar na pamilyar sa’kin ang kanta?
Biglang sumakit ang ulo ko kaya naman napatigil ako sa paglalakad at napaupo.
“Aaaaah! Aaa-”
Hanggang sa wala na akong makita.
Waaaaa! Sorry kung ngayon lang ulit ako rito nakabisita. PArt 1 pa lag yan kaya sorry ulit kung bitin. Sobrang busy as in super busy talaga ako kaya wala sa matinong pag-iisip. Hahabol talaga ako, promise. Sana maintindihan niyo.
TO MITA: Sorry kung ganito ka-lame na story ang naisip ko. Just tell me kung gusto mong ipabago. Don't worry. Open-minded ako.

PLEASE COMMENT KUNG IPAPATULOY KO PA BA ANG STORY SA "MASELANG BAHAGHARI". It will be a great help.