Chapter .11’00.“...magaling nating kapatid na si Chris...” paulit-ulit yung phrase na yun sa isip ko.
Hindi ko na nga maalala kung anong sinagot ni Miro at kung anong napagusapan nila dahil parang nag-freeze yung braincells ko.

Ang alam ko na lang eh nahila na ako ni ate cee papunta sa loob ng bahay ni mitch.
“Excuse me, pwedeng makigamit ng guest room?” 
sabi ni ate cee dun sa househelp nila Mitch na nakasalubong namin.
Pagdating namin sa guest room saka ko lang naisipang magtanong.
“Ate cee, kapatid nyo si Oreo? I mean, si Miro?” 
Bago sya sumagot eh hinila muna nya ako paupo sa kama.
“Yup. Half-brother namin sya.” 
Naramdaman ko naman na parang umikot yung paningin ko. Nahihilo na yata ako! Dahil dun sa ininom ko o dahil sa sinabi ni ate cee?
Ang liit naman talaga ng mundo! Half-brother? Ngayon ko lang na-realize na halos wala akong alam tungkol sa family ni Miro.
“Sige, iiwan muna kita dyan. Kukuha ako ng coffee. Hindi ka naman pala sanay uminom tapos iinom inom ka!”
She turned her back at me. Bumubulong bulong pa sya,
“Ano bang dapat kong gawin sa inyo? You’re both stubborn and both are in denial. Tsk, Kids!”Hindi ko naintindihan yung sinasabi nya pero sigurado ako na tungkol sa akin at kay Chris yun.
***
“Coffee?” When i opened my eyes,
“Miro?” 
He smiled,
“Here, para mawala yang sakit ng ulo mo.”Kinuha ko naman yung coffee sa kanya. He sat next to me.
“I really don’t understand girls. Bakit kailangan mong uminom dahil lang sa kanya?” 
*pffft!* ( sorry, walang maisip na ibang sound effect =p )
Naibuga ko yung kape sa kanya. Buti na lang hindi sa mukha nya, dun lang naman lumanding ang mahiwagang kape sa polo nya.
“Aahhhh! C'est chaud!! C'est chaud!! (It’s hot!! It’s hot!!)”
“Sorry! Sorry!” 
Nilapag ko yung coffee sa table then pinunasan ko ng panyo yung polo nya.
How can i be this clumsy? Kape yun! Mainit! Tsk.
“C'est chaud... (It’s hot...)” He keeps blowing air at his polo as if naman matutuyo yun diba?
Ako naman eh pinupunasan yung nabasang part. Sigurado mags-stain ito, Nakakahiya naman T___T
Kaya sige sukdulan nang mabasa ng coffee ang panyo ko.
“Kelangan lang pala mabasa itong polo ko para maging lively ka ulit eh.” Nung tinignan ko sya, nakangiti na sya. Loko din ito, naiisip pa yung mga ganung bagay matapos matapunan ng kape?
“Ano ba kasing sinasabi mo? Okay lang ako noh. Sumakit lang ang ulo ko.” 
Pero nung nanahimik kami ulit, the picture of Chris and Pola suddenly popped in my head.
Seeing them together makes me feel so down.
Siguro dahil nasanay na ako na nandyan sya lagi, parang mushroom na biglang sumusulpot... Or dahil nasanay ako na nangungulit sya o kung ano anong naiisip gawin kahit nasa class kami...
Nasanay na akong lagi namin syang kasama... nasanay na akong kakampi sya... kahit minsan, ang gulo ng utak nya... mas gusto ko pa din na kasama sya kesa yung hindi ko man lang sya makausap...
Ngayon ko lang na-realize, ang hirap pala pag hanggang tingin lang ang kaya kong gawin...
Tignan sya sa malayo... habang kasama si Pola...
“Hey, stop crying. Baka mahawa ako sige ka.”But still, i couldn’t help myself from crying.
Prolly because i feel like i would explode if i still try to hide it. It feels like i’m breaking down inside but no one can see. I feel so bad that i can’t hide it anymore.
I can’t pretend to be alright.
“hey, hey stop crying.” I even heard him whisper something like,
“que faire ? (What to do?)”Then he hugged me while i’m still crying.
“No matter what I do, i can’t hate him.”
“Shh. You don’t need to hate him you just need to accept it. Nandito lang kami, ako. Stop crying..”
Way to go purple_alex.
heya! Thanks
