“Here. Mas bagay sa iyo ito.” 
Sabay abot nya sa akin ng isang nightgown na simple lang pero elegant naman
“No. I think this fits her better.” 
Inabot naman sa akin ni Ate cee yung isang damit na long gown din pero sa tingin ko eh fitting at mejo open yung likod. V-cut din sya pero hindi naman nakakabastos yung itsura, elegant pa din.
“Ano ka ba ate, masyadong OA yang pinili mo! Ayoko nyan!”
“Bakit, para sa iyo ba? hindi naman ah!”
“kahit na! Hindi yan pwede!”“Mas bagay nga itong napili ni Ate.”
“Hindi, tama si Chris mas bagay itong isa.”
“Ako kahit alin bagay sa kanya.”
“Ito na kasi!”“Ano ka ba ikaw ba ang magus-suot? Hindi naman ah!” Teka, nakakahalata na ako ah! Sila ang nagtatalo eh ako naman ang magsusuot! Naku naman, ano ba itong mga kasama ko. sumasakit ang ulo ko sa kanila. Sa kanila ko kaya ipa-suot ang mga damit na ito?
“Teka, wala naman ako pamabayad eh.”
“Ako magbabayad.” Whoa! sabay pa sila. Ang labo talaga nitong magkapatid. Nung una kong makita magkasundo ngayon naman, kanina pa sila nagtatalo. Lord naman, galit ka ba sa akin?

bakit naman ganito pa ang napasukan ko? naku!!
Oo nga pala, kanina matapos ang muntik nang world war three eh napadpad kami sa mall. Birthday daw kasi ni Ate Cee sa Saturday. Si Vange at si ate Cee eh may damit na. meron naman akong damit sa bahay kaya lang peste itong si Kuya, naki-alam pa. hindi na daw bagay yun sa akin.
Si Shella eh nauna na naming bilhan ng damit. Namili lang si Vange ng sandals. Ako ang huling namili at eto nga kami, parang mga sira na nagtatalo sa isu-suot ko.
“Sino ba talaga?”
“Ako nga! Ito na suotin mo.” binatukan naman sya ni ate Cee. Ang mga bodyguard nila eh nakasunod sa amin pero hindi naman halata kaya ayos lang. Hindi sila makapalag kay ate. Haha! Ayos. May kakampi ako!
“Ang kulit mo Chris ah!” “kahit lagyan mo pa ako ng bukol sa ulo, ayaw ko nga nyan.” Waaa. Ang kulit ng magkapatid na ito. Anong gagawin ko?
“ito na lang kaya?” nakita ko naman si Shella na may hawak na night gown na velvet at color purple pero may side na parang maroon at meron naman na parang dark blue. Okay, ang weird pero cute yung gown and ayos pa yung color para sa akin.
The gown looks a lil conservative and a lil open-minded. Aba, may mind na ang gown? Joke! Haha.
It’s a long gown na mukhang fitted sa upper part pero afre ng hips eh mejo maluwag na. makakagalaw ako ng maigi. Sleeveless sya na v-cut pero yung style nung v-cut eh parang nakapatong yung right side sa left side at may konting lace kaya hindi ganun ka-exposed. Ang likod nya eh half open pero may 3 strings sa likod na hindi ganun kakapal. May cut din sya sa left side pero hindi naman ganun ka-taas. All in all, okay naman yung gown.
Tinignan ko naman yung reaction nilang lahat, hmmm. Aangal pa? Haha.
Whew! Life saver ka Shella.
“Yan na lang para walang away.” Aba, at tumahimik naman sila. Sa wakas!

Ayun, matapos ang mahabang pagtatalo naman naming ni ate Cee sa pagpili ng shoes eh natapos din kami.
Imagine, isang sapatos lang inabot kami ng 2 hours! Ang sakit na nga ng paa ko nun. Kakasukat. Muntik pa nga ako matumba nung pinagsuot nya ako ng heels na sobrang taas at grabe sa nipis!
In the end, ayun kumuha ako ng hindi naman ganun ka-taas na sandals pero okay na din. Tapos may mga bato lang sya na deisign. Cute naman. Simple lang. Ayoko din naman ng maraming arte.
Ewan ko ba sa kanila kung bakit ako ang pinamili eh hindi naman ako ang may birthday!
Pagkatapos nun, nagbabalak pa sila mamili ng accessories.
“I give up!” Lahat naman sila seryosong nakatingin sa akin.
“I mean, tama na ito for now. Maawa kayo sa mga muscles sa binti ko. Kanina pa sila nagrereklamo. Besides, gutom na ako!”“hello? Yes. Sunduin mo kami sa main gate. Yung van ang gamitin mo.” napatingin naman ako kay Chris na biglang may kausap na sa cellphone. Eh? ano daw?
“Is that Ram?” wah? Sino naman yun?
“Yeah. Papunta na sya sa main gate. Tara na.” Hinawakan naman ako nitong si kabute sa kamay at hinila. Teka teka, ano ito? HHWW – holding hands while walking?!
Ayun, hinila ko naman bigla yung kamay ko, tinignan lang nya ako na naka-kunot yung noo ko. magsasalita sana ako pero ngumiti naman sya at naglakad na.

Weird mo dude! kaya ako naman, nanahimik na lang.

Saan naman kaya kami pupunta ngayon? Aba, gutom na ako noh!
