Pagdating ko naman sa classroom, ayun at todo discuss na ang teacher ewan ko na lang kung bakit parang hindi nya ako pinansin eh late ako dumating sa class nya. Oh well, at least hindi ako napagalitan.

Kaya lang pag-upo ko naman eh hindi ako nagsasalita. Nakakainis. Sino ba kasi yung cher na yun? tinawag pa akong cher! Imagine, hinila-hila nya ako papunta sa restricted area para lang tawagin na CHER?

Aba! Sa dinami dami ng mga babae, bakit cher pa? O siguro nagtataka na kayo kung bakit galit na galit ako ano? Well, pano ba naman akong hindi magagalit eh hate na hate ko yung pangalan na yun!

Bakit? Kasi naman, nung gradeschool ako sya yung lagi ko kalaban sa grades. Lagi kaming kino-compare sa isa’t-isa. O sige sabihin nyo nang mababaw eh sa naiinis ako pag naririnig ko yung pangalan na yun. napaka-yabang kasi!

Palibhasa boyfriend lang nya yung crush ko nung time nay un. Aba, ang feeling masyado akal mo kung sino eh i-
“Ms. Aragon!”
“ay impaktita!” 
Naku, patay.
Ayaw kasi pigilan ang bibig! Lagot ka ngayon Ritz.“What?” Napatayo naman ako bigla
“Uh. Sir, wala po. Sorry po. I was just thinking out loud.”
Buti na lang lalaki itong teacher naming kung babae baka isipin sya pa yung tinawag ko na impaktita!
Ayun, sinermonan ako ni sir pero pinaupo din naman ako. at syempre, wala pa rin akong naintindihan sa lecture nya!

kita nyo na kung gaano ako ako minamalas dahil sa pesteng CHER na yan.

Pumasok si Chris sa class namin after lunch na. Nagliwaliw nanaman siguro yun, at ito naming teacher namin ni hindi sya pinagalitan. Sus! Kaya lumalaki ang ulo nyang mushroom na yan eh!

Sabi ko sa inyo mushroom talaga! Imagine, papasok lang kung kelan nya gusto. Nasabi ko na rin ba na pag trip na hindi mag uniform eh naka-poloshirt lang sya sa school? Ito pa, sa hindi ko maipaliwanag na dahil eh bigla bigla na lang sya lagi sumusulpot!
“huy, uwian na. tara na!” Kita nyo na? MUSHROOM talaga!
“Pwede ba kabute, tigilan mo ako at badtrip pa ako sayo!”
“Ayan ka nanaman, kung ano ano tinatawag mo sa akin. Tapos pag tinawag kitang cher galit na galit ka.”
Pinaalala pa talaga! Nakuuu.
Nakaka-inis! Ewan ko ba. naiinis talaga ako. malay ko ba kung sino yung cher nay un. at paki-alam ko ba? Bahala sya!
Ang bilis kong tumayo at inayos ang gamit ko sabay takbo palabas ng room. Ah peste! Cher na lang ng cher! Kanina pa sya ah!
pag nalaman ko kung sino yun paguuntugin ko pa sila! Malapit na ako sa gate kaya lang biglang may humila sa akin. pero sa halip na pigilan ako eh hinila ako palabas!
“Ouchieee!” pagtingin ko walang iba kung hindi si Kabute!
Bigla naman syang tumigil nung nasa may labas na kami ng gate.
“Kasi naman, walk-out and drama mo buong araw. Hindi na tayo nakapag-usap ng maayos ah.”“Eh ayaw kitang kausap eh! bakit ba?” babatukan ko sana kaya lang naalala ko may bantay ito baka itapon na lang ako bigla.
“Alam mo mageexplain ako mamaya pero ngayon pumunta muna tayo sa mall para lumamig ang ulo mo.” Asus. Bribery? Mall? Ano ito, date? AYOKO NGA!

Pilitin mo muna ako!
“cher naman oh, ---” waaaaaah. Inulit nanaman! I so hate him!
“CHE!” without the R! yan, bagay sa kanya. Magsama sila ni cher! Nakita ko naman na biglang dumating ang kotse ni kuya!
Aba, knight in shining armor ko talaga itong si kuya! At least, makakauwi pa ako ng hindi nakakapatay ng tao este ng kabute! Nakuuu!
Bigla ko naming iniwan si Chris at niyakap si kuya!
“Hay salamat nakita kita!” at binitawan ko naman sya.
Hinawakan nya yung wrist ko at tinaas. Ayun, naka-cross yung fingers ko (yung middle at pointing fingers). Ganyan kasi ako pag nagpipigil ng emotions. Ewan ko kung bakit pero nakasanayan ko na.
“whoa! Anong nangyari sayo? badtrip ka noh?”
Aba, psychic! Kilala na nga talaga ako. ano kaya itsura ko at nabuko agad nitong si kuya?
“Sinabi mo pa.kasi naman.---” Bigla may nanghatak ng kamay ko.
“Bitawan mo nga sya!” sabay hila sa akin at tingin ng sobrang sama to the highest level sa kuya ko!
Ay sira-ulong mushroom! Aawayin pa yata si kuya!
“Hoy! Ano ka--”“Hindi kita kinakausap!” Whoa! sinigawan ako. at iba yung sigaw nya ah, hindi katulad nung unang nag-away kami na masungit lang ngayon eh parang papatay ng tao. Waahhh. Napatahimik ako dun! >.<
“Pare,--”“Layuan mo na si Ritz!”
natatawa naman ako nun pero syemrpe nagpipigil. Aba baka sapakin kami ni kuya bigla eh. jusko! Ang beauty ko, kawawa naman!

Si kuya, ayun napangiti. Nafi-feel ko na, magkakasundo sila. Ganyan na ganyan si kuya eh!
“Pagusapan natin, pero bitiwan mo muna yang kamay ng kapatid ko.”“Aba’t nag-” tapos napa kunot ang noo nya sabay tingin sa akin na parang tinatanong ‘kapatid mo?’ nag nod naman ako kaya bigla nya ako binitawan.
“Bakit ngayon nyo lang sinabi?” at hindi talaga nag-sorry? Loko loko talaga! Si kuya naman, natawa lang!
*toink* nagulat naman ako nung biglang napayuko si Chris kaya napahawak ako sa braso nya. Yun pala binatukan ng kung sino man na nasa likod namin.
Pagtingin ko si ate cee pala! Oh loko, ayan.
“Hindi ka man lang ba magso-sorry sa kanila?” Yahooo! May kakampi ako!
Nagulat ako nung dumating bigla yung dalawang alipores ni Chris at hahawakan si ate cee kaya lang may dumating din na dalawang alipores yata ate cee na naka casual lang at humarang dun sa dalawa.
Naku, magaaway pa yata!
“Les quatre vous, arrêtez-vous! Je suis Cassandra. (The four you, stop! I am Cassandra.)” tumigil naman yung apat at nagkanya-kanya na. Jusko! Ano ba itong napasukan ko!!!!