Binitiwan naman ako nung dalawang lalake na naka-uniform, at lalo akong naguluhan sa sinabi nila,
“Sabi mo eh! Pero hindi pa tayo tapos Pare.” Sabay tatapikin sana si Chris sa likod pero nasalo agad ni Chris.
“Dapat, alam nyo kung saan kayo lulugar.” Tinawanan naman sya nung lalake.
Aba, for the first time in history. Kakampi ako kay Chris! Mga siraulong yun!

Napansin ko naman nakatingin sa amin yung mga classmates namin kaya lumabas na lang ako ng room. Pupunta sana ako sa washroom kaya lang, nagulat ako nung may biglang humawak sa kamay ko at hinila ako.
“ouchhhieee!” 
pagtingin ko si Chris! Naman. Parang trip nila akong bugbugin ngayong araw na ito. Kanina yung dalawang lalake ngayon naman si chris!
“dakilang kabute ka talaga kahit kailan!”“wag ka na maarte bilisan mo!” saan kami nakarating? Sa may swimming pool. Yes, meron pong swimming pool dito sa school pero restricted area yun. waaah!

Restricted area ito!
“baliw ka talaga!” sabay binatukan ko sya.
“bumalik na nga tayo dun. Una,may klase tayo. Pangalawa, restricted area po ito!” si chris, natawa lang sakin.
Tumahimik naman na ako. Pag ganyan na tinatawanan nya ako ibig sabihin lang nun, wala na akong magagawa. Ano ba kasi gagawin namin dito? Hindi naman siguro kami maglalangoy.
“Je vraiment comme vous. (I really like you)” Ano daw?? Eto nanaman po kami..
“Nakakainis ka alam mo yun? Sana lang next time, alam ko kung anong sinasabi mo.” ang tahimik nya, and he just smiled.
Teka, parang ang weird nya yata ngayon?
“Hindi ka kasi nakikinig sa akin. sinabi ko na sayo kanina huwag mo no akong batukan ayan tuloy muntik ka pa mapahamak.” Naku! Oo nga pala! Naalala ko yung dalawang siraulong yun! Mga galing yata ng mental!
“Sino ba kasi sila? Akala mo kung sino. Hinamon ka pa!”“Aba, bago yan ah, kumakampi sa akin. Akala ko aawayin mo ako eh.”“Hindi pa ako tapos noh! Kasalanan mo din yun. sukat hindi sabihin sakin!”“Eh bigla na lang kasi silang dumating dito. Malay ko naman na bodyguard ko nga sila. Nung napansin ko lang na lagi sila magkasama at nakabantay sa akin, saka ko lang naisip na pakana nanaman ni Dad ito.” “Palibhasa mana sa amo. Mga kabute!”“What? Ano ba yung kabute?”
“Hindi mo ba talaga alam?”
“Nah-uh. Kung alam ko hindi ko itatanong sa’yo.” Hay naku! The ever oh-so-sungit na Chris! Ganyan yan. Minsan makulit, minsan masungit. Pero hindi pa yata nagseryso. Haha!
“Lalo kong hindi sasabihin sa’yo! Mag-reasearch ka ano, ang tanda mo na! Teka, maalala ko lang bakit mo sinabing girlfriend mo ako? Ang kapaalll ah!” Hah! Mas makulit ako! Akala nya ah.
“Aba’t! Anong matanda ka dyan. Sa gwapo kong ito? Girlfriend? Ay naku, nagiimagine ka nanaman dyan!” At syempre conceited! Ayan, chris na chris talaga! Naku!
Hinamapas ko nga sya sa braso. Aba, pasensya kinetic akong tao. Madalas talaga ganyan ako, hampas dito hampas doon. Sanay naman na yata sya eh.
“Oo nga pala, kaya kita dinala dito kasi yun nga bodyguard ko yung dalawa na yun. Mukhang mayabang nga lang. Pero hindi mo ako pwedeng saktan kasi lalabanan ka nila in anyway.”“Ano ba naman yan!” Parang feeling ko naman, bilang ang mga kilos ko.
“Wag na kaya kitang lapitan noh?”“Gusto mong ilunod kita sa pool ngayon na?”“Sabi ko nga, good girl ako eh. Pero pag wala sila, wala kang ligtas!”“Eh goodluck sayo cher.” Ano daw?
“huh? Anong cher? Hello? May amnesia ka? Hindi ako si Cher noh! I’m Ritz!” Nakakainis. Kung sino sinong babae ang iniisip. Inakala pa na ako! Nakuuuu!
Ayun, todo walk out ang drama ng lola nyo habang yung walang kwentang kabute na yun eh tumatawa lang. Nakakainis!
