“may problema po ma’am?” 
at si manong guard sa akin nakatingin. Ano ngayon ang sasabihin ko? ituro ko kaya si Chris ano?
“Naku sir, ma’am I’m sorry po. Akala ko po kasi may problema. Enjoy your meal na lang po.” 
Ayun at nakatingin kay Chris at kay ate cee. May pa-bow effect pa si manong. Anong meal ang sinasabi nun eh wala pa kaming order? Manong naman eh, ang labo mo!
“anong nangyari dun?” 
si chris naman biglang tumawa kaya binatukan ko ulit. Don’t get me wrong pero mahina lang naman yung mga pambabatok ko sa kanya.
“ang brutal mo talaga.” 
Hindi ko na lang sya pinansin at napatingin ako kay ate cee.
“ah kasi kilala na kami ni kuya.” KUYA?
“actually, we own the mall." Wow. They own the-- what?

they own this mall? oh man!
"I mean, our family owns it. Kami kasi ni Chris madalas dito at sa iba pang family business kung saan saan para mag check at mag supervise. Minsan may mga works na ginagawa para ma-train. Lalo na yang si Chris.” Whoa? he works? With that attitude? Oh my, kawawang mga empleyado.

Napatingin naman ako kay Chris,
“you’re that rich eh? Bakit nung minsan na kumain ako ng fishball eh naki-kain ka din?” yeah, there was a time na naisipan kong bumili at sya eh nag-enjoy din sa pagkain. Kaya pala ang weird ng reaction nya nun. first time kaya nya makakain nun?
“bawal na ba kumain ang gwapong tulad ko ng fishball?” I just rolled my eyes. ::)Here we go again, ang yabang talaga nitong kabute na ito!
Ayun, after ng maghapon na yun eh nakauwi pa naman ako ng buhay at luckily hindi ako inatake sa puso sa inis kay Chris. Nakakaloka! Ang labo talaga nun lalake na yun. nagpasama mag shopping ng damit nya pero puro damit ko ang binili. Ayaw ko sana tanggapin kaso, kasabwat pa si ate cee at si mitch. Aba, edi sige libre naman eh.
Si mitch, ayun at nagdate pa sila ni kuya. Gagabihin na yun sigurado ng uwi.
Nung nasa kwarto na ako after magpaturo ni Ark ng kanyang assignment eh naalala ko yung cellphone ko! Naku naman talaga! Hindi binalik ni Chris! Loko lokong yun!
Kinabukasan, lunch time na sya pumasok. Ang unang-unang linya ko eh,..
“hoy kabute! Akin na yung cellphone ko. Pakialamero ka kasi!” at ang loko, ang werid tumingin sa paligid at parang may hinahanap.
“you’ve gotta hear me out first. I just want to make it clear na simula ngayon eh bawal mo na akong batukan or whatever. Hindi na pwede.” Pero yung mukha nya, seryoso pero hindi galit. Alam mo yun parang sya pa yung natatakot na hindi ko maintindihan. Weird mushroom!
“ang weird mo, alam mo yun!” tapos naupo ako sa seat ko. iniintay ang teacher at iniintay na ibalik ang cellphone ko.
“sige na, sabihin mo muna na hindi mo na ako babatukan ulit or kahit papaluin or whatever.” huh? ang werid. Kelan pa sya natakot sa mga palo ko? Eh lagi nga nya akong tinatawanan!
Niloloko lang yata ako nito, kaya ayun bigla ko syang hinampas ng notebook ko.
“nakakainis ka na, puro---” hindi ko na natuloy dahil may biglang dalawang lalake na schoolmate yata naming dahil nakauniform ang humawak sa braso ko at pilit akong tinayo.
“hey, let go of me! ano ba kayo!” “teka, stop that. Ako na ang bahala. Bitiwan nyo sya.” Ano daw? Bahala saan?
“hindi pwede eh. we’re just--”At bigla naman sumigaw si Chris,
“I said let my girlfriend go o gusto nyong hindi na kayo sikatan ng araw?" wah? luma na yan Chris!
"Mga walang kwentang bodyguard!” whoa!

ano daw? Eh naka school uniform kaya sila!
At teka teka, anong girlfriend ang pinagsasasab nito?

?!!!!
