Buong umaga yata kami nagstay dun sa playground. Anong ginawa namin? Ano pa nga ba edi naglaro! Grabe itong si Chris, nung una sobrang sungit ngayon naman panay ang tawa. Ayaw nga tumigil sa kakalaro. Ewan ko kung anong nangyari sa kanya.
Ang totoo, nagkwentuhan din naman kami kahit papaano. Magtatanong sya, sasagot ako. Ganun lagi yung nangyayari. Once lang ako nagtanong at tungkol sa family nya pero hindi naman nya sinagot. Ayaw daw nyang pag-usapan. Hmm, siguro may problema sa family itong lalake na ito. Ang weird eh.
Ang totoo, dahil nga inis ako sa kanya eh hindi ko alam yung buong name nya. Hindi ko narinig nung pinakilala sya ni Sir.
Sumama sya sa amin nung recess time na.
"Grabe ritz, ang sweet talaga ng kuya mo!" kinikilig pa si Mitch habang nagbabasa ng text.
"naku, sweet talaga yun! Mana sa akin yun eh!"
"pano naman magmamana sayo eh mas matanda sayo?" "bakit ba kasi nakikialam ka?" Teka ano naman ito? Balik kami sa dati? Yung parang aso't-pusa?
Tinignan lang naman nya ako tapos tumawa. Eh naasar ako, feeling ko parang si Ark na nangaasar kaya binatukan ko.
Tumigil naman sya,
"alam mo, ang brutal mo." tapos tumawa ulit. Grabe, may sayad ba ito? Parang mas gusto ko pa na magalit sya kesa magtawa pag binabatukan sya.
Kung ako yung babatukan malamang magalit ako, eh sya tumawa! Si mr. french slash masungit slash kabute (gwapong kabute daw!) tumatawa pag binabatukan? WEIRD!
"Ay ewan ko sa'yo!" "Galit ka na nyan?""Hindi!" "Eh bakit nakasimangot ka?"Magsasalita pa lang sana ako kaso may biglang umentra sa eksena, si Pola. Yeah, ganyan talaga spelling nung name nya

Taga ibang section sya at cheerleader slash volleyball player. Hindi sya captain or head ng cheering squad pero popular yan dito sa school. Bakit nga ba nandito yan? At nasaan ang mga alipores nya?
"Hi Chris!" Oh. sabi ko nga, si Chris ang pakay eh.
Napatingin naman ako kay Chris. At ang loko, tinaasan lang ng kilay si Pola.
"What? Hindi ka man lang ba magsasabi ng hi or whatever? Baka naman siniraan na ako ng mga geeks na yan sayo?" Ano daw? GEEKS? batukan ko kaya ito?
Naunahan naman ako ni Shella at tinapunan sya ng iced tea. "
Opps, sorry akala ko kasi may malaking bad bacteria na kailangan linisin." Way to go Shella! I so love you! haha!
"Alam mo chris, pumili ka ng sasamahan mo. Inuuto ka lang ng mga yan. Lalo na yang Ritz na yan!" At dahil nasa mood ako mang-asar,
"Huh? You're talking to me or him? Cris din kasi ang nickname ko. Besides, i think you need to go somewhere else. You're messy!" Ito namang si Pola ayaw patalo at kinuha yung iced tea sa kabilang table. Ako pa yata ang target dahil sa akin masama ang tingin! Nakita din yata ni Chris kaya..
"You wouldn't dare not unless you want me to kick you out of this school!" whoa! matapang talaga si mr. sungit!

pano naman kaya nya magagawa yun eh?

Mukha namang natakot si Pola. Tumingin kay Mitch, at pagkatapos tumayo si Mitch at hinawakan yung kamay nya na may hawak nung iced tea. Ayun, sa kanya tuloy ulit natapon.
"that is not my drink, here take it." at binuhos ni Mitch sa kanya yung hot chocolate. Wahahaha! Loka loka, mejo mainit pa yun ah!

Nagmamadali namang umalis si Pola. Si Chris ayun at tawa ng tawa! Natawa na din tuloy ako!
"Nakakainis naman, ako lang yata hindi naka-score ah!"
"Sira! Mukhang sayo nga badtrip yun. Maghanda ka na.""Sus. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Feeling nya.""Type yata ako eh."
"Conceited!" At nagtawanan lang kami!
Aba, at least hindi mainit ang ulo ko. Tawa lang ng tawa. Pero sabi nila, pag sobrang masaya ka minsan biglang babaligtad ang mundo mo. Oh yeah? ano kayang mangyayari? Bigla tuloy ako kinabahan ah.