"saan mo ba ako dadalhin ha? sa clinic? malamang hindi ako papasukin dun noh!""syempre hindi, sabi ko nga kanina may date tayo diba?" wah? date as in date? teka, redundant na yata. Date as in socialize? go out? something like that? Eh baliw din pala itong kasama ko. Nasa school, tapos date? And as if naman, sasama ako sa kanya!
"Duh? Nasisiraan ka na ba?" tinawanan lang ako ng loko. Teka, nasasanay na ito ah.
Alam nyo ba kung saan kami napunta? Sa canteen! Wow. new place. new ambiance. Napaka-gandang venue para sa isang date. hay naku, bakit ko nga ba sineseryoso ang sinasabi nito eh may sayad yata sa utak ito.
Aha! kesa naman masiraan ako ng bait sa lalake na ito, ngayon ko na lang sya i-tour para tapos na!
Hinila ko naman sya at binitbit nya yung coke in can na iniinom nya.
"ano ka ba! Muntik na ako masamid dun. Don't be too excited, sasama naman ako sayo!""sira! tigilan mo na yang date date mo na yan." Tapos tuniro ko sa kanya yung gym, yung playground, yung swimmingpool, yung dorm, yung lahat lahat ng madaanan namin. Pero hindi kami umakyat sa building namin syempre. Mahirap na baka mapagilitan pa loko kasi ito, nadamay pa tuloy ako.
Nung nag-iisip ako kung saan pa pupunta..
"alam mo, you don't need to do this. Nagpapagod ka lang eh.""eh kesa naman maupo lang tayo sa canteen at kumain? at least, tapos na trabaho ko sayo! teka, saan pa ba?""hindi mo pa ako nadadala sa big chapel. dun sa likod." "ay oo nga pala! Tara!" napahinto naman ako bigla. teka, bakit alam nya?
"bakit alam mo na may big chapel sa likod?"
"uhm, nasa map?" "anong map?""map as in mapa. You know-""I know what a map is! Pero anong map ang sinasabi mo?""Map ng school. they gave me a map pati historical notes at handbook at kung ano ano pa na tungkol sa school.""bakit ngayon mo lang sinabi? Sana hindi na tayo nag-tour! nakakainis ka naman eh!""eh, hindi ako makasingit sayo noh. Hila ka ng hila tapos salita ng salita." ngayon naman sya na yung humila sa akin. Saan kami nagpunta? sa playground sa gradeschool area.
Dahil wala kaming maisip na gawin, tinuruan na lang nya ako mag-French. Weird, at least ngayon hindi kami nag-aaway. Pero ayun, nangaasar pa rin sya pag mali pag pronounce ko. Aba, ang hirap kaya!
Sa lahat ng tinuro nya, isa lang yung nasanay ko talaga. Kinulit kasi nya ako.
"Vous m'aimez. (You like me.)" Ang ibig sabihin daw nyan eh, I hate you! O diba? Turuan ba ako na lumaban sa kanya? haha.
Actually, ang weird nga. May rules rules pa syang nalalaman. Hindi ko daw pwede sabihin yun sa iba, sa kanya lang daw kasi sya yung nagturo. Pumayag naman ako basta next time tuturuan nya ulit ako.
Ang sabi pa nya, sigawan ko sya ng
Vous m'aimez pag naiinis ako sa kanya o kaya pag feeling ko wala sya sa sarili. Ewan ko kung anon meron, pero pumayag na din ako.