After that incident in our classroom, we went straight to Mitch's house. Ano pa nga ba ang gagawin namin dun kung hindi magbabad sa swimming pool at kumain ng pasta!
Yeah, that's what we have in common. We all love to eat and spend time together. Ang bahay nila Mitch ang madalas na takbuhan namin if we don't want to be disturbed or if we don't want to see so many people around.
We have some clothes there at her place. So when we arrived, I instantly changed my clothes in one of the guest rooms and after that went straight to the pool at nag dive ako!
Whew. The water is cold, and at least lumalamig ang ulo ko kahit papaano. Sakto naman na pagahon ko sa pool umupo ako sa gilid na syempre malapit sa kanila at sa foods na nasa garden table na, eh sumigaw si Mitch na mukhang nagsu-sun bathing kahit papalubog na ang araw!
"whoa! you are so not in the mood today Ms. Criselda Ritzelle Aragon!" 
Okay, what a way to calm me down right?
Ayun, dahil nagpapalamig nga ako ng ulo i just rolled my eyes and i dived again. Man, can't they get enough of me?

Tama ba naman na isigaw yung full name ko? Nah-uh!
I spent the rest of that afternoon ranting and eating and well obviously swimming. Nung sinundo ako ni kuya sa house nila Mitch, ayun at pagbaba ko nakita ko sila na sobrang intimate.

Guess what, i just saw my big brother and my best friend kissing! Aba, bago ito ah!
That issue, diverted my attention. Habang pauwi kami ni kuya, hindi ako nagsasalita masyado. I just answered his questions and nanahimik na ako. I guess, he finds it weird that I don't rant or tell him stories about today. Madaldal kasi ako pagdating kay kuya. Let's just say, close kami.
At tama ba naman na close kami tapos hindi ko alam na may gusto sya sa bestfriend ko? Grabe, nakakaloka yung dalawa na yun!

Pagdating sa bahay nakita ko ang little brother ko at ang older sister ko. Yeah, i'm the 3rd child. Close din naman kami ni ate pero kung compared kay kuya, mas close ako kay kuya. Spoiled nga daw ako dun, sabi ko hindi naman. Mabait lang talaga kami parehas
"Andito na kami! At may big news ako sa inyong lahat!" Unang tumayo si ate Jan, at hinalikan ako sa pisngi. yeah, ganun kami sa family.
"Cris, andito ka na pala. Anong news naman yun? Sabay tingin sa school bag ko, oh wala kang uwi para sa amin ni Ark?" Tama ba naman na hanapan ako ng pasalubong, sa mall ba ako galing?
Tama namang dumating si kuya at pumasok sa pinto, dala ang.. well, pasalubong ko sa kanila.
"aba syempre meron. Si mitch pa eh love tayong lahat nun." Then i looked at my older brother,
"diba kuya?"At ang magaling kong kapatid, muntik nang madapa dahil natalisod sa doormat.

Napaghahalata yata masyado!
"ate ano yung balita mo? may boyfriend ka na?
" Ouchie naman na tanong yun. Lokong bata ito ah!
"Ark, kung ano ano iniisip mo dyan. Syempre naman wala!" At ayun, tinulungan ni ate si kuya sa bitbit nya. Ako naman at si ark nakasunod lang sa kanila. Iniwan ko yung bag ko sa sofa, at dumerecho na kaming lahat sa kitchen. I'm sure andun si mommy.
"Pero meron akong kilala na may boyfriend na, at hulaan mo ark kung sino?" Oo nga pala, ark is 2 years younger than me at si ate naman 1 year older than me pero 1st year college na sya.
Si kuya Gino, second year college sa university na malapit lang sa amin. He's taking up accounting. Si ate naman, mejo malayo yung school at ang course naman nya eh engineering. Hindi ba't parang baligtad? haha! Si ate Jan (short for January) eh maaga nakapasok sa school, gustong-gusto nya gayahin si kuya nung bata sila kaya maaga pumasok.
Ark is a first year highschool student. Actually, schoolmates kami nyan pero hindi kami madalas magkita. Bakit? Kasi, tuwing lunch break andun yan sa playground at dun nagdadala ng food o kaya naman sa basketball court. Pag uwian naman, it's either mauuna ako umalis sa school dahil maglalaro pa sya or mauuna sya umalis sa school, dahil maglalaro pa din sya! pag nauna sa akin umalis ng school si ark, isa lang meaning nun. Nasa computer shop sya kasama ng friends nya.

Pagdating naman namin sa kusina, andun na si mama at nag-aayos ng food namin. Andun din si ate linda. She's the house help. Pero parang Ate na din naming lahat. Matagal na sya sa amin, all around na. Naging yaya at kung ano ano pa.

Pero mabait yan, kunsintidor pa

She's just in her late 20's.
Minsan nga, niloloko nya si mama na sya daw ang panganay na anak ni mama.
"oh, iha nandito ka na pala" lumapit naman ako kay mama at nag mano. Si ate linda naman, bineso-beso ko.
"opo ma, at mama habang tayo ay kumakain may announcement ako!
" "aba, mukhang masaya ka ah.""Yes ma! wag lang po kayong magugulat ah.
" lagot kang kuya ka! haha.
Malakas ang loob ko mang-asar dahil wala si papa at nasa business trip. Si mama kasi, kunsintidor din naman yan kahit papaano. Saka hindi yan magagalit kung tungkol lang din naman sa boyfriend at girlfriend. Ito namang si kuya, hindi ko alam kung bakit hindi sinabi sa amin. Eh dati naman panay ang kwento nya pag may bagong girl sya.
Habang kumakain, nakalimutan ko na yung sasabihin ko. Thanks to my lil bro, at naalala ko!
"ate, may sasabihin ka diba? ano ba kasi yun? Kung may boyfriend ka, ipakilala mo ako. Dapat kahit ako man lang matalo nya sa basketball!" aba, protective yata si bunso?
"loko! hindi nga ako!""bunso, hayaan mo na nga sya magkwento kung sino yun at curious na din ako." pinigilan naman sya ni kuya. hmm, mamaya kaya kampihan mo pa ako?
"oo nga sige na Cris, kwento na! may gagawin pa ako later." oo nga pala, si ate lang ang tumatawag ng Cris sa akin. Close din kasi kami nyan. Pero syempre, for girly stuffs. mana kasi yan kay dad, mejo strict. Si kuya kasi, mana kay mama!
"okay, alam nyo ba may boyfriend na pala si Mitch!" si kuya naman na umiinom ng tubig eh nasamid! sabi ko nga, mali ang timing ko. sorry kuya
"oh, gino. Okay ka lang?""ah, oo naman ate linda. Ayos lang ako nasamid lang." Napatingin naman sa akin si kuya. ako? nag-smile lang!
"eh si Mitch naman pala. Malamang hindi ko kilala yung guy." naku ate, katabi mo po sya!
"ahm, actually kilala mo sya ate.""whoa! sino naman yun? dali ate, sabihin mo na! madami akong classmates na may crush dun kay ate Mitch eh." Natawa naman ako kay Ark. excited? baka naman crush nito si Mitch?
"naku, ark umamin ka nga crush mo ba si Mitch?""ay, hindi ah! Si kuya ang may crush dun hindi ako!" Sapul! ayun at ang aming kuya ay namutla!
Nagulat naman ako kay mama dahil natawa sya ng mejo malakas. Ang talino talaga ni Ark! Tinulungan nanaman ako! Crush pala ha! baka love na ni kuya.
"Naku anak, binuko ka na ni bunso. Ritz iha, eh baka magselos ang kuya mo huwag mo na lang kaya sabihin kung sino yung lalake.""naku ma, kilala naman ni kuya kung sino! Nakita ko kasi kanina-""Oo na sige na. Ako yun!" huwaw! no sweat! umamin ang kapatid ko! hahaha! at ang reaction nilang lahat?

<--- ayan! ganyan na ganyan. Kung anong itsura ko nung nakita ko silang nag kiss, mas malala pa yata.