Halatang nagulat sa amin si Mrs Kinston. Pano ba naman firt day pa lang kumontra na agad kami sa kanya. Siguro naman hindi ito reason for detention. Talk about freedom of speech. Right?
Pero after ng kanyang shocked-look eh bigla naman syang napangiti. Yung tipong nakakaloko na ngiti at parang may pinaplano sa utak. Natatakot ako sa ngiti nya na yan. It only means one thing, hindi ko yun magugustuhan!
"oh, I see. I guess you guys didn't hit it right." Tama! At least, na-gets naman pala nya. So, kelangan ko pa bang mag-worry?
"But then again, I'm the principal. You students, should follow my orders. Wala namang against sa batas sa mga sinabi ko sa inyo right?" Magsasalita pa lang sana ako kaya lang, tinaas nya yung kamay nya which means huwag ko nang ituloy.
"So, uulitin ko. Ritzelle, you'll be the one to tour and guide Chris from now on. Sagutin mo sa akin itong si Chris since he's a new student. Ikaw naman Chris, behave at please lang huwag mong bigyan ng sakit ng ulo itong si Ritzelle. Okay guys? Sige na, mag lunch na kayo at baka ma-late pa kayo sa next class nyo."Kinabahan ako dun ah. Okay lang na sana na i-tour ko sya. Nagawa ko naman na yun before. Ang mag-tour sa mga new students o kaya mga guests. Pero kinabahan ako dun sa part na.
"please lang huwag mong bigyan ng sakit ng ulo itong si Ritzelle." parang may masamang mangyayari sa akin this school year ah. Oh God, help me!!
Pag-alis ni Mrs Kinston, hindi naman kami nagpansinan. Maybe we're both thinking about how to get rid of each other. Kinuha ko naman yung purse ko dun sa bag ko. Bakit ba kasi naiwan ko pa ito, kung ano ano tuloy ang napasukan ko. Nakakainis.
"Quelle façon de commencer mon année scolaire! (What a way to start my school year!)" Narinig ko na lang na nagsasalita itong si.. ano na nga ulit pangalan nya? Ah, basta si Mr French slash Sungit na kailangan kong i-tour habang pinpulot yung mga libro nya.
Lokong principal kasi nakita na nga na hindi kami magkasundo nagpumilit pa rin. As if naman may choice ako diba?
Ako naman hindi ko napigilan ang sarili ko at nagsalita din ako,
"ano? anong sinasabi mo dyan?" Na-curious ako eh. Malay ko ba kung minumura na pala nya ako at hindi ko lang alam. Marunong naman mag tagalog kung ano ano pang language ang ginagamit. nakakairita!
"bakit ba kasi pati pagsasalita ko eh pinakikialaman mo? hindi mo naman naiintindihan!" "Yun na nga eh, don't you know that it's rude to talk using a foreign language in front of someone who doesn't understand the language you're using? O talaga lang wala kang modo?" Ayan na po, lumalabas na ang kasungitan at ayaw patalo na attitude ko. Aba, hindi dahil lalake sya eh aatrasan ko sya ano.
Nakita ko naman na mukhang lalo syang nainis sa sinabi ko. Pikon din pala!
"I don't care if you find me rude. Hindi naman ako nagpapapansin sa'yo!" sabay tinalikuran ako.
Eh baliw pala yung masungit na yun eh! May sinabi ba ako na nagpapapansin sya? Man, he's really annoying! Kesa mainis pa ako ng tuluyan, bumalik na ako sa canteen. Bahala sya maghanap ng canteen tutal dalawa naman ang canteen dito, sana dun sya sa kabila pumunta para hindi ko sya makita.
Pagdating ko sa canteen, tinanong naman nila ako kung bakit ang tagal ko daw at dahil ayoko pa magkwento sabi ko wala naman nagtext kasi si Kuya. Hindi naman na sila nangulit at kumain na kami.
Sa afternoon class, akala ko dadating na dun si French slash Sungit guy pero wala sya. Teka, bakit ko nga ba hinahanap yung lokong yun?
Last subject na namin at wala nanaman yung prof namin. Pero dahil hindi pa time para mag uwian, bawal pa lumabas at umalis sa room. Dahil, wala pa ding president at wala pa namang elected officers sa akin sila nagpapaalam. Bakit? Ewan ko. Siguro kasi last year, ako yung President ng class. Oo lang naman ako ng Oo pero pag tatlo na yung nasa labas at hindi pa bumabalik, hindi ko muna pinapayagan yung iba. Baka kasi mapagalitan pa kami ng ibang teachers pag nakita na nagkalat kami sa campus.
Dumating naman si Mr Guzman bago mag uwian. Since wala naman daw kaming teacher eh kakausapin nya yung buong klase namin saglit. Sya nga pala yung adviser namin.
Ayun nga, nag speech ng konti at pagkatapos pumasok naman si French slash Sungit guy. Pinakilala nya sa amin. Sabi ko nga classmate ko sya eh! Hay naku, buhay nga naman.
Iniwan naman kami ni Sir nun, at hindi ko naman pinansin si French slash Sungit guy na Chris pala ang pangalan. Umupo sya dun sa may harap malapit sa door habang hinihintay siguro na mag uwian.
Ako naman, nasa likod sa may middle aisle. Malapit sa lockers namin. Nung time na yun katabi ko yung dalawa.
"Ang cute nung new student." Cute daw?
"oo nga. Ang tahimik pa. Nahihiya pa siguro." Grabe, gusto ko yata masuka sa sinabi nitong si Mitch. Tahimik? Nahihiya? Eh inaway na nga ako kanina nun eh! Kung alam nyo lang. Naku!
"Ikaw, Ritz ano sa tingin mo?" Ano ba ang dapat kong isagot dito kay Shella?
"ha? Ewan." Pabulong naman na nagsalita si Mitch,
"uyy, bakit ka namumula?" Lokong ito, napatingin tuloy ako sa paligid namin. Mukha namang kaming tatlo lang ang nakarinig.
"Sira. ano ka ba, mainit lang ano. Kung ano anong napapansin mo!" Bakit naman ako mamumula? Mainit lang talaga!
Nagulat naman nung biglang tumayo si Chris at pumunta dun sa may window. Yung mga girls na kumakausap sa kanya na kanina pa nya hindi pinapansin eh mukhang nagulat din. See? Ang rude talaga ng isang ito. Akala mo naman kung sino.
"Hello? Ma? sì, sì (yes, yes). Quando state venendo sopra? (When are you coming over?) Pati si ate? Siete sicuri?(Are you sure?)" [[A/N: Italian ang gamit ni Chris dito
]] okay. eto nanaman tayo sa language na ginamit nya. Mukhang fluent nga sya sa french. Ako? Obvious ba, wala akong alam dun!
Sa tingin ko lahat ng classmates ko na nakarinig sa kanya eh nagulat din. Parang alien kasi hindi naman namin naintindihan diba? Oh well, hayaan na sya.
Eto namang si Shella, may hangover pa yata kaya bumulong sa amin ni Mitch. "
Ang galing naman nya kahit wala akong naintindihan mukhang fluent sya.""Oo nga, at ang alam ko Italian yun. Remember, yung kinuha ni Dad na cook talian. Naririnig ko sa kanya yung sì, sì. Pag nagtatanong ako. Ang ibig sabihin daw nun eh yes." Teka, ulitin mo nga Mitch! Italian? Diba French?
"Sure ka Italian yun at hindi French?" Sabi nya kanina French yung hindi ko naintindihan eh.
"Oo naman. Sure ako.""Pero sabi nya kanina, French yung ginamit nya eh.""huh? kanina?""Ibig sabihin nakilala mo na sya before sya ipakilala ni Sir?" Oppps!

My bad, nasabi ko tuloy. Mukhang magpapaliwanag pa ako ng wala sa oras ah.