Fait L'un pour l'autre
(Made for Each Other)
by purple_alex of teentalk
Love widens your horizon.
It makes you do exceptional things.
It makes you look stupid yet feels so good.
It makes you see beautiful things outside your so-called world.
It makes you appreciate things and people that you normally take for granted.
It makes your heart ache and at one point it makes you heart beat for that special person.
It makes you think and think about your questions but still don’t come up with an answer.
Above anything else, Love is undefined. Words won’t suffice to define or describe it.
It is magical for those who believe in its power.
Love... is simply worth every pain, every heart ache, every tear and practically everything else.
*riiiiiiiiiiiiiing* Oppps! Bell na pala. Sa bahay ko na lang tatapusin ito.
“oh, nakagawa ka ba?” pag tingin ko sa likod ko, nandun na si Mitch, shot for Michelle. Ang bilis naman nito.
“yeah. Pero konti lang. Itutuloy ko na lang sa bahay.”“grabe din itong si Ms. Steph ano? First day may assignment na agad. Si Sir Ralph naman, first day pa lang absent na. Grabe.” Dumating naman agad si Shella at nakisama sa usapan namin ni Mitch.
Silang dalawa nga pala ang ka-close ko dito sa school. Magkakaiba kami ng ugali pati ng mga hilig pero nagkasundo kami at naging magkakaibigan nang dahil lang sa ice cream.
Ang babaw ba? Dun kasi kami nagkakilala sa ice cream parlor na malapit lang dito sa school. Simula nun, naging close na kaming tatlo at take note, kahit iba-iba ang ugali namin, wala pa kaming napag awayan na big deal. In short, masaya kami.
“Ganun lang siguro talaga. Third year na tayo eh.” Bumaba na kami for lunch pero naiwan kop ala yung wallet ko sa room. Syempre kailangan ko balikan yun at baka manakawan pa ako.
Nagpaalam muna ako dun sa dalawa at naglakad na ako ng mejo mabilis papunta sa room. Malapit na ako sa room nung naramdaman ko na nagvivibrate pala yung cellphone ko. It’s rare, kaya naman tinignan ko kung sino.
Si kuya Gino pala, ang panganay kong kapatid. Pinapauwi ako ng maaga at may sasabihin daw sya. Ano naman kaya nangyari dun? Baka may ipapa-research nanaman sa akin.
Malapit na ako sa room kaya binalik ko na sa bulsa yung cellphone ko. Sakto naman nung papasok ako may nakita akong guy na papalabas ng room huli na para makaiwas ako at syempre nabangga nya ako.
“ouch” Masakit din yun ah. Pero okay lang, hindi ko din naman agad sya nakita. May kasalanan din naman ako.
Natapon yung mga gamit nya at tutulungan ko sana sya kaso lang..
“La montre où vous allez! (Watch where you’re going!)” Nagulat naman ako. Una, dahil hindi ko naintindihan yung sinabi nya at pangalawa, dahil mukhang sya pa yung galit.
Teka teka, binabawi ko na yung sinabi ko na may kasalanan din ako! Sobra itong taong ito. Sya nga yung nagmamadali lumabas ng classroom naming tapos sya pa yung galit. At teka, hindi ko naman sya kilala, hindi din naka uniform. Anong ginagawa nya dito?
“sino ka ba ha? Ikaw na nga naka-bangga ikaw pa yung galit!” ha! bahala ka ngayon umintindi nun. Nakakainis! Iiwan ko na sana sya dun at papasok sa loob ng room nang bigla sya nagsalita ulit.
“Hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo kaya nabangga mo ako. Sa susunod magiingat ka pano na lang pala kung basagulero ako at pinatulan kita?” Ano? Marunong naman pala magtagalog tapos kung ano ano language pa ang ginagamit.
Ako pa ang sinisi? Hello, nakita ko sya! Ako yung hindi nya nakita.
“Marunong ka naman pala magtagalog kung ano ano pang sinasabi mo kanina.”“Kasalanan ko ba kung hindi ka marunong ng French?” Aba’t talagang grabe na ito ah! Sino ba itong lalake na ito?
Bigla naman dumating si Mrs. Kinston an gaming principal kaya hindi na ako sumagot. Ayoko yata mabigyan ng slip at detention first day na first day eh.
“oh iha, magkakakilala na pala kayo ni Chris. Ikaw ang naka-assign mag tour sa kanya dito sa school ha. Ikaw na ang bahala dyan. Chris, kung may problema ka sabihin mo na lang dito kay Ritzelle okay? Iwan ko na kayo.”Nagkatinginan naman kami ni Mr French Guy at sabay pa kami tumingin ulit kay Mrs Kinston.
“hindi po pwede!”