Teentalk

Author Topic: ~Walk Me Home~Finished  (Read 27772 times)

marki1-3

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1384
  • Karma: +631/-1
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #30 on: July 15, 2007, 12:22:27 pm »
Chapter 14


Ano na ba nangyayari sa masayang last year ko of high school? Puro yata sakit ng katawan ang inaabot ko.

I swear my face was stinging.

Teka lang dumapo na nga bah? Tapos na bah? Nakapikit pa rin kasi ako pero pakiramdam ko iba na yung athmosphere.

Binukas ko yung isa kong mata ng dahan-dahan. Nakita ko yung mga alipores ni Betty medyo lumalayo na. Teka, BAKIT? Ano na bang nangyayari?

"Peena!" Narinig ko na lang tapos may humawak sa likod ko then I saw Jerri.

Ibang klase talaga radar ng mga friendship ko, daig pa ang Justice League sa bilis ng rescue.

Pero sandali kung nandito si Jerri sa tabi ko sino yung pinapaligiran nung mga asungot ni Betty, si Elle? si Cel? Naku po baka si Cindy!

"Betty, if you ever do this again, I swear pagsisihan mo na nakilala mo pa ako, DON'T YOU EVER THINK THAT I'LL LET YOU OFF JUST BECAUSE YOU'RE A GIRL." Narinig kong sabi nung kaharap ni Betty. It was close to a hiss pero sobrang nakakasindak. I saw Betty's face twitched na parang natakot but then she smiled.

Si WILL????

"C'mon Will its not like I did anything to her. I didn't even lift a finger." Ano hindi pa ba siya nag-lift ng finger sa lagay na yun??? I swear hindi ko na alam kung sino mas nakakatakot sa kanila ni Will ngayon.

"Shut up Betty!" sagot naman ni Jerri na kitang-kita sa itsura yung galit at disdain kay Betty.

Para namang walang narinig si Betty na patuloy lang sa pagngiti. Nakakatakot talaga siya. She moved closer to Will, at lalo akong kinilabutan nung hawakan niya yung mukha ni Will.

God am I watching one teen flick movie? Dahil kung hindi sumosobra na itong panaginip ko!

"I was only saying hi to Peena, you know, YOUR FRIEND." then she giggled, and it was pure evil.

My spine stiffened nung diinan niya yung word na FRIEND. Naramdaman siguro ni Jerri dahil bigla siyang tumingin sa akin.

"I wouldn't hurt any of your FRIENDS Willy." Betty's voice was husky if its appropriate for a girl but it was really sending unwelcomed shivers for me.

"DON'T YOU EVER, I MEAN IT BETTY, EVER TOUCH ANY OF MY FRIENDS." Bakit ba pakiramdam ko every time na babanggitin yung salitang friend bumibigat yung dibdib ko? My insides are swelling just like when i first rode the ferris wheel.

"Of course Willy, hindi ko sasaktan si Peena dahil KA-I-BI-GAN mo siya." Then Betty looked at me, saying 'Now I get the answer i want'.

Yung kaninang pagbigat ng dibdib ko parang sasabog na. My stomach rolled and rolled inside me and then i suddenly felt like puking.

"Peena? Peena are you alright?" Nag-panic naman si Jerri nung makita niyang para akong namumutla.

I turned and started running, oblivious to everything, deaf to all sounds.

I ran like my life depended on it. I ran as fast as I could.

Hinabol man ako at tinatawag ni Jerri o ng kahit na sino wala akong pakialam. I ran down the stairs and into the corridor. I was about to walk out of the school gate nung may mabunggo ako.

"Whoa!" I hit him hard but he didn't fell sa katunayan nga parang sinapo niya ako. He hold me by the shoulders at yung pakiramdam kong nasusuka bigla na lang nagtuloy-tuloy. He caught me, vomit and all.

~~~

The next thing I realized I was in bed. Naramdaman ko na may nagpupunas sa akin.

"Kamusta na si Pee?" it was a worried voice and i tried opening my eyes a little. Nakilala ko si kuya Pong nakatayo sa may pinto.

Si kuya Pong? Diba nasa school lang ako? Bakit nandito sa school si kuya Pong.

"Tumahimik ka nga muna Pong, baka mamaya magising pa toh!" Boses ni Ate Polee yun ah. Nasan na ba ako at bakit nandito yung mga kapatid ko?

"Ate?" idinilat ko na yung mata ko.

"Yan na nga ba sinasabi ko eh." Sabi ni Ate Polee. nawala na sa pakiramdam ko yung warm na bimpo.

"Bakit nasa school kayo?" I focused my eyes to my sister's face.

"Ate Polee okay na yan, nagdedeliryo na ulit eh!" sabi ni kuya Pong pero lumapit naman sa kama.

"Ano ba nangyari sayo Peena at inatake ka na naman ng anxiety puking mo? Ikaw naman hindi ka nag-iingat." Pinapagalitan ako ni ate pero hindi naman galit yung boses, tipong naiiyak pa nga eh.

"Ate naman, na-ko-control ba yung pagdating ng anxiety?" Narinig ko na lang na tumawa si Kuya Pong.

"Sabi ko sa'yo eh magaling na yan ate." Natawa na din si Ate Polee.

Ano nga bang nangyari? I was walking, then someone called me and it was Betty, i went to their room and Betty !@#$ me and then there was Jerri and there was Will too, and the FRIEND word, the pain, then the guy and vomit.

My head suddenly hurt after remembering everything, I just wished i hadn't.

Napansin naman yata ni Kuya Pong yung expression ng mukha ko.

"Ate Polee hayaan na muna natin yang magpahinga. Bukas mo na lang tanungin."
Parang ayaw pa ni ate Polee umalis pero hinila na siya ni kuya Pong.

"Peena kung may kailangan ka katukin mo lang ako dyan sa pader ha?" sabi pa ni Ate Polee bago isara ng tuluyan yung pinto ng kwarto ko.

Nung pagkasara ng pinto narinig kong may kinausap si kuya Pong. Lalaki pero hindi naman si Papa at hindi rin naman boses ni Kuya Paul. Hindi ko naintindihan yung sinabi tapos the next thing i heard bumukas yung main door then it closed.

I closed my eyes as soon as i heard the click of the door.

My mind replayed the events over and over again.

What happened to me?

What made me so upset that i puked again?

Oh c'mon Peena! You know the answer. It's because you were hurt by the FRIEND thingy. Nasaktan ka dahil nanggaling na mismo kay Will na kaibigan ka niya, na kaibigan ka LANG niya.

Eh ano naman ngayon? Matagal ko naman ng alam yun ah?

Wag kang magpanggap Peena, alam mo na kahit ano sabihin mo umasa ka pa din. You hoped that there was really something, kahit na idini-deny mo sa lahat.








"Ang ipokrita mo kasi Peena eh, ang ipokrita mo!" My heart was like ripping in half and it hurts so bad tears started to roll down from my eyes.


 :'( :'( :'(

diane cristina

  • taffy
  • ***
  • Posts: 389
  • Karma: +10/-2
  • waiting for my spiderman...
    • FRIENDSTER
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #31 on: July 15, 2007, 09:49:48 pm »
dont worry peena... mahal ka ni will hehe

marki1-3

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1384
  • Karma: +631/-1
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #32 on: July 16, 2007, 02:08:02 pm »
Chapter 15


The next day hindi muna ako pinapasok ni Ate Polee. Nalaman ko din na wala si Papa at Mama. Mabuti naman kung hindi eh mag-aalala lang yun ng sobra-sobra kesa sa kailangan. Ang usapan din naming magkakapatid hindi na muna namin sasabihin sa kanila kung ano yung nangyari, samin-samin na lang muna. Okay naman na yung pakiramdam ko pero pakiramdam ko yung tatlo nag-mi-meeting kapag hindi ako nakatingin.


Bukas pa daw ang balik nila Mama. Si Kuya Pong maghapon sa bahay dahil wala naman daw siyang importanteng klase na kailangan pasukan. Tama ba naman yun? Habang si Ate Polee maya't-maya dumadating bigla sa bahay, pinagalitan na nga ni Kuya Pong at nakakahiya daw kay ate Jen dahil lagi ni ate iniiwanan. Pero ang lalo pang nakakapagtaka eh si Kuya Paul na abot ang tawag, eh number one na ugali ni kuya Paul ang katamaran magbawas ng load. Ako nga lang ang nag-sa-save sa load nun para hindi ma-expire ng walang kalabanlaban eh.


Maghapon lang akong nakatanga sa bahay, nuod ng t.v. o kaya internet lang ang inatupag ko. Every minute si kuya Pong sumisilip sa kwarto ko. Mukha ngang ewan. Mga bandang five ng hapon nung biglang magdatingan yung buong barkada. May dalang pagkain galing kay Mang Do at kung anu-anung junk foods.


Bumangka na naman si Cindy sa mga latest kwento niya. Napakadaming bago, katulad na lang na nag-transfer na sa ibang school si Febbie Mata, may bagong nililigawan si Lesther Uy na dating obssessed kay Anna, na may bumalik galing U.S., na may na-sprain, may na kick-out at kung sinu-sino pang hindi ko naman kilala pero nalaman ko mga pangyayari sa buhay nila.


Madami nga kaming pinag-usapan, anything under the sun habang kumakain pero nagtataka lang talaga ako kasi hindi napupunta sa nangyari kahapon yung usapan. Parang iniiwasan nila.


"Sige na magtanong na kayo." I popped the balloon at para naman tubig na galing sa balloon bumuhos yung mga tanong.


"Ano ba talaga nangyari kahapon?"


"Anong kabaliwan ba pinagsasabi sayo ng bruhildang Betty na yun?"


"Bakit ka ba nagtatakbo kahapon?"


"Humanda talaga sa akin yang Betty na yan!"



Tanung ng tanong lahat pwera na lang kay Jerri na patuloy lang sa pagkain pero nakatingin sa amin at nakikinig.


"Wag nga kayung over." Natatawa naman ako sa kanila, parang mga palakang natubigan itong mga to. "Ano ba balita sa school?" Hindi sa umaasa akong pinag-uusapan AKO, pero for sure naman kasi hot topic yun dahil nandun ang mga celebs na ata ng school, bongga diba? Katulad nung nakaraan hindi na malalaman nung mga tao na nandun pala ako, swerte, kung mapadala sa guidance hindi ako damay.


"Na tinawag ka daw ni Betty, tapos dinuraan ka daw. Then ikaw naman itong si tungek sumunod naman, tapos pinagtulung-tulungan ka then dumating si Will na parang superman at si Jerri na wonder woman...Tapos nagtatakbo ka...then the next thing we know may tumawag kay Jerri sabi nasa bahay ka na nung hinahanap ka namin." Sabi ko nga mas marami pa silang alam sa akin at for sure sila lang din ang nakakaalam ng version na kasali ako sa scene.


"O, yun! yun yung nangyari. Alama niyo na pala lahat ng details eh." Tumawa na lang ako sabay kain uli.


Sinimangutan naman ako ni Cel, news reporter talaga toh gusto straight from the horses'
mouth ang detalye.


"Ano pa ba sasabihin ko, yun naman talaga yung nangyari. Well, except sa may dura part kasi tulo laway yun actually and yung pinagtulungtulungan ako, isang sampal lang naman galing kay Betty." Hinimas ko pa yung pisngi ko, hindi ko na nga matandaan kung kaliwa ba o kanan.


"Naku sa susunod na makita ko yun lagot siya sa akin!" Sigaw ni Elvy. "Mukhang nagtatago na nga ang loka eh, hindi ko nakita maghapon."


"Tingnan ko lang ang tapang non kapag ako nakaharap niya." Banat naman ni Inna.


"Tama na nga yan." Napalingon kaming lahat kay Jerri na nuon lang nagsalita. "She wont do anything again, I assure you."


After nung sinabi ni Jerri natahimik na silang lahat. Ano ibig sabihin ni Jerri don? What would keep Betty from doing further harm?


Around seven nag-pack up na ang barkada at nag-ready ng umuwi.


"O basta magpagaling ka na Pee and make sure na papasok ka na bukas." Paalala ni Cindy.


"Wala naman ako sakit eh." Ngumiti lang ako hanggang sa nakasakay na silang lahat sa van uli nila Anna.


The van was already out of sight pero nasa labas pa din ako.


Ilang linggo pa lang akong fourth year puno agad ng aksiyon ang buhay ko.


"Gabi na ah, bakit nasa labas ka pa?" Napalundag ako as in literaly sa gulat. I looked around then nakita ko may isang lalaki na lumabas mula dun sa may poste.


Grabe nakapagtago siya doon? Ganun siya kapayat? Hindi naman ah.


"Nakauwi na yung mga kaibigan mo nakatayo ka pa rin dyan." sabi niya ulit tapos lumapit sa akin.


He's wearing our uniform pero bakit hindi ko siya kilala?


"Do I know you?" Walang halong taray kong tanung, just plain curiousity.


He chuckled.


"Ako lang naman po yung sinukahan niyo nung isang araw." He was staring directly at me that i swear he makes me feel he knows something about me that i don't know about.


Sasagot pa sana ako nung biglang lumabas si Kuya Pong mula sa bahay.


"Pee, bakit ba nasa lab--" Nagulat naman si kuya Pong. "O, pare ikaw pala yan."


Pare? Kaibigan ni kuya? Schoolmate ko? Sinukahan ko? Bakit hindi ko siya matandaan?














Tinitigan ko lang yung lalaki na ngayon eh nakaupo na sa sala namin. He was looking amused kahit na wala naman siyang tinitingnan. I shifted from my position mula sa pagkakaupo sa hagdan pero hindi ko pa rin inalis yung tingin ko sa kanya.


Kaibigan siya ni kuya? Bakit ngayon ko lang siya nakilala? Ni hindi ko pa nga naririnig yung pangalan niya kahit minsan eh.


Then bigla siyang tumawa. May sayad ata ito eh.


"Ano ka ba Peena! Parang tutunawin mo na si Alfred ah!" si kuya Pong habang dala yung tray ng juice at egg tart.


Nagulat naman ako kay kuya lalo na nung lumakas yung tawa nung tinawag na Alfred.


"I almost feel myself melting in the floor limbless." So ako pala yung nakakatawa, sabi ko nga.


"Peena nag-thank you at nag-sorry ka na ba sa kanya?"


"Bakit ako mag-so-sorry? Bakit ako mag-tha-thank you?" Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa hagdan, ni hindi ko nga hinarap si kuya dahil papanik na sana ako.


"Tingnan mo to, sinukahan mo yung tao tapos hindi ka man lang mag-so-sorry."


Ako sumuka? Kelan?


Sapukin kaya kita dyan Peena! Itanong pa daw kung kelan siya huling sumuka.


Humarap naman ako sa kanila, ewan ko lang kung may sayad talaga itong Alfred na to o may laughing disease chuva pero bigla na naman tumawa.


"Muka kang mangkukulam Peena, ayusin mo nga yang mukha mo!" Hinimas naman ni Kuya Pong yung mukha niya na parang i-ni-straight yung balat, sabi ko nga nag-ala Mahal yung face ko eh.


"A thank you would be just fine." He said without looking at me dahil pakiramdam ko na nung oras na yun ako na yata ang pinakanakakatawang bagay para sa kanya and looking at me would cause him death with laughing. Kung tumawa parang wala ng bukas. But oddly parang iba ang vibes ko sa kanya, ibang wave length...echuza!


Siguro nakita ni Kuya sa mukha ko yung isang malaking question mark. Maybe I'm getting senile or something dahil wala talaga akong maalala.


"Siya yung sinukahan mo kahapon when you got that anxiety puking," Kuya Pong winced a little when he mentioned about my anxiety problems, it was never a welcomed topic anyways. "And siya din po ang nagbuhat sa heavy-gat mong katawan kahapon."


"Well, actually Manong Guard helped me, hindi kaya ng lakas ko si Peena eh." At sabi ko nga tumawa uli.


"Agree ako dyan Al!" Parang lasing tong dalawa na to, for a second i doubted the juice that they were drinking.


Medyo naiinis ako, dapat ba kasing ipagdiinan na overweight ako? It's one thing you should never discuss with a girl, boys!


Pero curiousity got the best of me, kaya sa halip na magtatakbo sa kwarto ni kuya at kuhanin yung padle niya para ihambalos sa kanilang dalawa eh bumaba ako at nakiupo sa kanila sa sala. Tsaka na, kailangan ko muna ng impormasyon, hehehehehe!


Might as well know what I do not know, right?


Nakatingin lang sa akin si kuya pati na rin si Alfred nung makaupo na ako.


"So, tell me what happened." Para namang nabigla si Alfred pero hindi gaano. Humarap lang siya sa akin then kay Kuya Pong na tumango lang tapos kumain uli nung tart.


"Well to start with, I dunno what really cause everything basta nagsimula lang yung eksena ko after lunch. Siopao nga pala yung kinain ko nun, asado, hindi ako kumakain ng pusa eh. Bagong product nila Mang Do, ang sarap, have you tried it?"


"Hindi pa, mas--SANDALI NGA! Ano namang koneksiyon non sa itinatanong ko?!"


Sabay namang tumawa yung dalawa. I should have not followed my curiousity, wala akong mapapala sa taong to eh. Ano pa nga ba aasahan ko eh kaibigan nga ni Kuya Pong?


Tatayo na sana ako para magmartsa papanik sa kwarto ko nung hinawakan ako ni Alfred sa braso.


"Kasi naman, napakaseryoso ng itsura mo, as if matter of life and death." Tiningnan ko lang siya. Okay siguro nga OA na kung OA, kasalanan ko bang ma-curious ako, sa kanya kaya mangyari yung nangyari sa akin tapos the next thing you realize na sa bahay ka na at bed ridden, would you not be curious?


Bumalik uli ako sa pagkakaupo sa sofa, I looked at him with a tell-me-what-i-want-to-know-no-more-jokes-or-else-i'm-gonna-poke-your-eyes-out look, and i think he got the idea.


"I saw you running galing sa Red Bldg., lalagpasan na sana kita but then you ran to me and then hit me, and ang lakas mo talaga, I almost fell. I was gonna tell you off but then bigla kang sumuka and imagine right on my uniform, and if that wasn't bad enough bigla ka nag-black out. I was thinking of bringing you to the clinic pero mas malayo yun kesa sa tricycle, so I called Manong Guard para isakay ka namin, I know your house obviously so inuwi kita and you were crying all the way." Okay sumobra yata yung tingin ko, I couldn't possibly cried right? The puking ang the black out was fine, but what's up with tears?


Tahimik lang ako, Kuya Pong was looking at me habang si Alfred eh nakatitig. May dapat ba akong sabihin? Bakit parang naghihintay ng speech itong dalawa?


"Sorry." Yun lang yung nasabi ko, sa totoo lang himala nga at nakapagsalita pa ako eh.


"A thanks would be better." Sabi na lang ni Alfred who emptied his glass after.


"Tama na nga yan. Magpahinga ka na Peena kung papasok ka na bukas. Baka abutan ka pa ni ate Polee, aku pa malagot."


Tumayo na ako. Siguro lumilipad yung utak ko kaya nabunggo ko yung center table, masakit man yun hindi ako um-aray. Nasa hagdan na ako nung lumingon ako uli dun sa dalawa na tahimik lang na nakaupo.


"Alfred...thanks." Yun lang at nagtatakbo na ako narinig ko na lang na sinabi ni Alfred na 'Don't mention it.'



 :-\ :-\ :-\

catseyeangel

  • jellybean
  • **
  • Posts: 120
  • Karma: +12/-0
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #33 on: July 16, 2007, 03:48:28 pm »
hi po new reader here...

next na po...


if you have time drop by sa story ko...thanks

http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,158454.0.html

marki1-3

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1384
  • Karma: +631/-1
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #34 on: July 17, 2007, 01:31:03 pm »
Chapter 16


Iba yung pakiramdam ng school pag pasok ko kinabukasan. Bakit ba pakiramdam ko lahat ng tao nakatingin sa akin? Kilala ba nila ako? Kelan pa?


Yung kakaibang feeling lalong lumakas nung makapanik na ako sa Red Bldg. kung saan nandoon yung mga fourth years, people were hissing and speaking in low voices. Ngayon alam ko na yung pakiramdam ni Harry sa Order of the Phoenix, yung pinagbubulungan ka as if you're some lunatic.


May ilang bumati sa akin na lalo ko lang ipinagtaka kasi yung mga nag-greet sa akin eh yung tipong mga kilala ko pero ako hindi nila kilala. Pero ngayon nagdadalawang-isip na ako.


Nakita ko rin yung isang alipores ni Betty na biglang parang nakakita ng multo, she turned the other way para hindi ko siya makasalubong. Hindi ko na lang pinansin, tama bang siya pa yung umiwas dapat nga ako eh. Pero ano pa ba aasahan ko sa mga gwardiya sibil ni Betty e di kawirdohan lang din diba? Kala ko ba matapang sila?


Nung makarating ako sa classroom nag-bell na din kaya dirediretso na ako sa upuan ko, may mga bumati uli sa akin na nginitian ko lang. Dumating na si Mrs. Ipurong at nag-check ng attendance. Tinanong niya pa nga kung okay na ba daw ako, sana nga hindi na siya nag-comment at lalo lang ako naging center of attraction.


May nangyari ba nung isang araw akong nag-absent?


I scanned the room nung magsimula na mag-lecture si Mrs. Ipurong about Transformations sa graphs.


I was looking for someone definitely at nakita ko naman siya. At ang ikinagulat ko pa, that person was also looking at me.


Will wasn't just looking, he was staring.


Halos naka-side way na nga siya sa pagkakaupo dahil mas nasa likod ako kesa sa kanya.


He's eyes felt like fire, not burning but warm pero para pa din akong napaso kaya binawi ko yung tingin ko.


I tried focusing with the lesson at as much as possible I blocked myself from looking around.


After ng Calculus namin eh pumasok agad yung teacher ng next subject sa laking pasasalamat ko dahil oras na i-dismiss kami ni Mrs. Ipurong nakita kong tumayo si Will. Buti na lang talaga pinatahimik na kami uli kaya napabalik siya sa upuan niya but still i could feel his gaze.







That whole day para kaming same poled magnets ni Will, everytime that i see or feel him coming bigla ako magre-repel to the other side.


One time he approached me while talking to a classmate ng bigla ako tumakbo papunta sa washroom. Sorry na lang dun sa kausap ko, lumabas ako nung mag-bell na uli. Nung lunch naman isa ako sa mga unang lumabas ng classroom at nagpunta agad ako sa office ng Novus, nag-text lang ako kay Cel na nandun ako at nagpadala ng pagkain. Nagtataka man si Cel hindi na lang siya nagtanong, wala din naman akong balak sumagot. After class hindi ko na kailangang magmadali lumabas kasi wala naman si Will dahil pinatawag siya sa isa niyang club yata, hindi na ako nagpunta ng locker. I wouldn't risk meeting him there, not right now.


Nakita ko sila Jerri sa labas ng canteen kaya pumunta ako doon. Nagdaldalan lang kami doon, hindi naman na na-open yung mga nangyari nung isang araw kaya hindi na rin ako nagtanong kung bakit ang weird nung tingin sa aking nung mga tao. Hindi ko pa nakikita si Betty maghapon, mabuti naman. Dumaan si Alfred at tinanguan lang ako, nagulat naman yung mga bruha.


"Di bah si Alfred Yambot yun?" Tanong ni Cel na biglang nalingon sa akin after ako tanguan ni Alfred.


"Alfred? Oo, di ako sure sa surname." Balewala kong sagot.


"OMG! Kelan pa kayo naging magkakilala! Loka ka hindi ka man lang nagsasabi." Binira pa ako sa balikat ni Cel, medyo masakit nga eh.


"As if special naman yung ungas na yun!" Narinig kong side comment ni Jerri, pero sa totoo lang parang imagination ko lang ata.


"Hindi ko naman talaga yan kilala eh, kaibigan ni kuya Pong nagpunta sa bahay kahapon." Sinundan ko ng tingin si Alfred na pumanik ng Blue Bldg.


"Bakit ngayon ko lang yata narinig yan?"


"Hello? Ako nga kahapon ko lang nalaman na nag-e-exist yung tao na yan eh." Totoo naman yun eh, nagtataka nga ako eh, bakit hindi ko siya kilala?


"OA mo ha! Oo hindi pa kayo nagiging classmate pero imposible namang hindi mo kilala si Alfred Y."


"Alfred Y?"


"Alfred YUCK!" Imagination ko bang nagsalita uli si Jerri?


"Yeah, Alfred as in Alfred ng Caricatura." Para namang hindi makapaniwala si Cel sa akin. Sikat ba siya? Sa pagkakaalam ko isa yata ako sa mga gifted when it comes to remembering people pero bakit itong isa na ito hindi ko kilala?


"You're just too dense Pee, yung mga taong dapat kilala mo hindi mo kilala samantalang yung mga ibang wala kwenta tandang-tanda mo." Sabi ni Jerri na umiinom ng iced tea. "Not that that psycho is worth knowing." Now I'm sure hindi ko lang imagination yun!


"Ouch, sakit mo namang magsalita Jerri."


"Totoo naman eh!" Sabay-sabay pang sagot nila Elvy.


Nagkatawanan naman kami. Hihirit pa sana ako kaso nung napatingin ako sa second floor nakita ko yung kanina ko pa iniiwasang tao.


Will was scanning the open gym na parang may hinahanap, sandali lang para namang nakita niya na rin yung hinahanap niya, at kung hindi ka nga naman mamalasin nakatingin siya sa akin.


"Oy, mauna na nga pala ako. N-ngayon kasi darating sila Mama eh." Para kong trumpo na kinuha yung mga gamit ko at tumayo na.


Nabigla pa nga silang lahat eh pero hindi na ako nag-explain. Nagtatakbo na ako palabas ng gate at nung makasakay lang ako ng tricycle tsaka lang ako nakahinga.









Yung mga sumunod na araw parang replay lang palagi. Lagi ko pa ding iniiwasan si Will at lagi pa din siyang nag-aatempt na kausapin ako. Hindi ko alam kung paano ko siyang naiiwasan kahit na nandoon siya kung saan man ako pumunta. Nakaka-guilty na nga rin dahil parang napapahiya na rin si Will kapag bigla akong umaalis tuwing dumadating siya. Pero wala ako magawa, parang instant reflex ng katawan ko yung paglayo sa kanya.


Ayoko na munang isipin yung dahilan kung bakit ako lumalayo, ayoko muna.


 :-\ :-\ :-\

meena23

  • jellybean
  • **
  • Posts: 284
  • Karma: +29/-2
  • LIFE love ME you HIM her
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #35 on: July 17, 2007, 01:35:57 pm »
hi po new reader here..



if you have time drop by sa story ko..thanks

http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,158437.0.html
MYSPACE/FRIENDSTER::: just PM me/lolz
a sad *love* story [the end]
if nothing last forever...
would you be my nothing?

catseyeangel

  • jellybean
  • **
  • Posts: 120
  • Karma: +12/-0
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #36 on: July 17, 2007, 01:39:46 pm »
hi new reader here..gusto ko po yung mga name nila ang cute..hehe


next na po..


drop by ka sa story ko pag may time ka..thanks

http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,158454.0.html

marki1-3

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1384
  • Karma: +631/-1
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #37 on: July 18, 2007, 09:32:30 am »
Chapter 17


Uwian na at pinatatawag kaming mga section head ng Novus sa office kaya medyo nagmamadali ako. Pinakaayoko sa lahat ay ang ma-late sa meeting with Mr. Agustin dahil masyado mataas ang respeto ko dun at alam ko kung gaano ka-valuable ang oras sa kanya.


Hindi ko pa nailalagay ng mabuti yung mga gamit ko sa bag ay tumayo na ako. Medyo nakayuko pa ako habang naglalakad palabas ng room kaya hindi ko napansin na may nakaharang pala sa pinto.


"Peena can we talk?"


Napatigil ako sa pagsasara ng bag ko, I didn't lift my head para tingnan yung nagsalita. I don't have to, kilala ko naman na kung sino.


"Peena." There was a hint of pleading in his voice and it pricks my heart.


"W-wil, ano kasi may meeting a-ako ngayon, kailangan k-ko ng umalis." I was stammering like a fool pero wala akong pakialam, basta I need to get out of here.


"Sandali lang Pee," I looked up at him, it was pure sadness, sadness was in his face in his eyes. Hindi ako nakatagal tingnan yung mukha niya.


Nakita ko na nakatingin yung iba naming classmate na natitira sa room, some purposedly stalled there just to hear us. Everyone was aware by now na iniiwasan ko si Will kaya action para sa kanila yung nangyayari ngayon.


"You've been avoiding me the whole week, alam kong kasalanan ko naman eh, but please kausapin mo naman ako." My insides were rolling again, alam ko na yung pakiramdam na to, just like last week, just like back when i was in first year.


Will's face was not just sad, it was like he was in pain too and the more na tinititigan ko yung mukha niya lalo sumasama yung lagay ng pakiramdam ko.


But in a flash his face changed.


"Peena? Peena okay ka lang bah?" He moved closer, nakita niya na namumutla ako and the last thing on my mind now was to vomit here in class.


Will was holding my arms, I wringed my arms away and walked past him with one hand over my mouth. Dahil hindi i-in-expect ni Will yun I managed to past thru.


I ran...again. Pag liko ko sa corridor I bump to a person. I should have said sorry pero alam kong hindi magandang idea yun lalo na at alam kong with the slightest mouth movement ay masusuka ako.


"Peena?" Kilala ko yung boses na yun ah! "Peena nasusuka ka ba?"


Tumango lang ako and the next thing I know I was hoisted up in the air. Nagulat pa ako but I didn't shriek. I was still clutching my mouth.


Malapit naman na kami sa hagdan non, when I looked pass thru Alfred nakita ko na humahangos si Will.


"Anong nangyari ka Pee?" Will grabbed Alfred by the shoulder but Alfred just jerked it off at tuluy-tuloy siyang bumaba while carrying me.


Hustong pagdating namin sa tapat ng washroom ng girls dapat ipapasok na ako ni Alfred kasunod si Will sa loob pero tumatakbong dumating din sila Jerri at yung buong barkada.


~~~~~


"Hindi ko alam kung anong problema Will, pero pare naman maawa ka naman kay Peena." I was dumbstruck sa sinabi niya. Yun lang at lumakad na palayo si Alfred.


All i want was to talk to Pee, to be near her...once more. Pero ano bang nangyayari?


Am i just causing more pain? Am I?


Unconsciously I started walking away to the opposite direction, lost in thought, lost with courage.


~~~~~


Pakiramdam ko inilabas ko lahat ng kinain ko buong buhay ko kasama pati bituka. I looked
like a big mess dahil nakakaiyak sumuka. Alam kong nakakadiri na yung itsura ko pero hindi pa din ako makaalis sa tapat ng toilet dahil pakiramdam ko masusuka pa uli ako. Bakit ba walang cool way para sumuka?


Abot naman ang himas ni Jerri sa likod ko at sa totoo lang nakatulong yun to calm me.


"Peena? Peena! Diyos ko!" napalingon ako dun sa may pinto. Si Mama na halos umiiyak na. "Anak!"


~~~~~


"Bakit hindi niyo sinabi sa amin ng Papa niyo na inatake uli si Peena?" Medyo galit yung boses ni Mama pero mahina lang. "Paano na lang kung may nangyari? Hindi man lang namin alam?"


Hindi naman nagsalita sila Kuya Paul. Tahimik lang sila, magsasalita sana ako pero pinigilan ako ni ate kaya hindi na lang.


"Tama na yan Mama, okay naman na si Peena eh." Sabi ni Papa at hinawakan niya sa balikat si Mama. "Magsitulog na kayo. Poleena doon ka muna sa kwarto ni Peena matulog. Sige na."


Sabay-sabay na kaming nagsipanik. Nakita kong ayaw pa sana ni Kuya Paul lalo na nung biglang umiyak si Mama pero katulad nung pagpigil sa akin ni ate Polee pinigilan niya din si Kuya Paul.

~~~

"Matulog ka na Peena." sabi sa akin ni ate Polee after kong makapaghilamos at mag-tooth brush.


"Ate sorry." Alam ko ang dami kong gulong ginawa ngayong araw na to, pati sila ate napagalitan dahil sa akin.


"Bakit ka mag-so-sorry wala ka namang kasalanan?" Hindi man lang ako tiningnan ni ate Polee at ipinagpatuloy niya lang yung pagbabasa ng libro.


"Eh, kasi kung hindi sa akin..."


"Wag mo na alalahaninn yun, and if you really feel bad with what happened just take care of yourself better. Wag mo na uli pag-aalalahanin si Mama at Papa." nginitian lang ako ni Ate at natulog na din ako.


~~~~~


Nung sumunod na araw ang weird lalo ng feeling. Si Mama medyo maga yung mata kaya hindi ko siya matingnan ng mabuti. Tahimik lang kami kumain which is very unusual sa amin. Tinry ni Kuya Pong mag-joke pero kahit sa kanya hindi bumenta. Inihatid ako ni papa sa school. When i kissed him goodbye niyakap pa nga ako at sabi ingatan ko daw sarili ko.


Kung kahapon tintingnan ako nung mga estudyante asahan mo ngayon yung mas malala. Hindi yata naturuan itong mga tao na masama ang mangtitig eh. Ganun ang eksena hanggang sa makarating ako ng second floor ng Red Bldg. at masama na nga ang mga titig na inaabot ko nakasalubong ko pa si Betty.


Ang malisyosa ng tingin pero hindi ko siya pinansin nagdirediretso lang ako haggang sa room namin. Medyo mas casual naman yung mga tao don. Binati ako ng goodmorning tapos yun lang.


Paupo na ako sa upuan ko nung makita ko si Will. I swear he was looking at me pero nung mapansin niyang papatingin ako sa gawi niya ay umiba siya ng lingon. Ang sakit naman non!


Ano bang problema mo Peena? Mas malala pa dyan ang ginawa mo kay Will, tapos nag-iinarte ka pa dyan!


Magkaiba yun! Ako kahit deadmahin ko si Will walang gaanong difference wala naman siyang gusto sa akin eh. E, ako?































I was shocked with that realization. So ngayon inaamin ko na, I like Will.

I like Will? I LIKE WILL!!!!!!

marki1-3

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1384
  • Karma: +631/-1
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #38 on: July 19, 2007, 11:45:16 am »
Chapter 18


Tama ba naman tong mga nangyayari?

Now that i realize I like Will saka naman lalong gumulo. Di ba dapat mas okay na ako kasi inamin ko na? Realization is the first step of happiness pero bakit pakiramdam ko everyday keeps getting painful?

Hindi ko na iniiwasan si Will. Actually hindi na lang talaga kailangan dahil after that day he stopped approaching me. Hindi na niya ako kinakausap. He doesn't even look my way anymore.

Gusto ko siyang kausapin, just to clear things up and to say sorry pero hindi ko magawa. I never had the guts to do it. Masyado akong duwag.

Takot ako to face him. For all i know he's mad at me or that he doesn't care with what i have to say. At ang lalong masakit it's all my fault.

Okay naman yung barkada, parang wala na ring nangyari. Resilient naman kasi kami eh. Sila nakakausap pa din si Will, I mean Will still talks to them, ako lang talaga ang hindi.

It's been a month already kaya medyo wala na yung issue. Balik ako sa dati though yung mga students that knew me last month amidst the crisis still greets me. It almost feels like i hopped a notch up in the popularity ladder.

Malapit na yung Press Conference, yung competition for the newspaper staffers ng school kaya abot ang bigay ng mga topics sa akin ni Mr. Agustin for practice.

Wala na naman si Will sa klase. Its been like this for aout a week now. I rarely see him, kung makita ko man sandali lang.

It was hard seeing him and even worse I am too much of a coward to stike a conversation or to even make the move to be closer, pride or shame, whatever it is overpowers my want to see his smile again.

Pagkadating ko sa office ng Novus every single computer was being used. Mukhang handwritten ang drama ko ngayon ah.

Nakita ko si Cel na busy-ng-busy sa pagta-type kaya hindi ko na binati, I went to Mr. Agustin's table pero wala siya doon, only a note was in his table.

Nakasulat sa note yung list ng mga topics that i should practice on, muntik na akong mahilo kasi naman there were 7 topics to write about at ang sabi he expects them all by the end of the week. Naman, minsan nga isang piece lang inaabot ako ng isang buong araw tapos 7 in three days? Nanaginip ba si Martian Dad?

Binasa ko uli yung note at binaligtad ko pa, hoping na may nakasulat na 'just kidding' pero walang JK na nakasulat, the only thing written at the back was a room number.

"Yellow Bldg. 204." Computer Lab? Salamat naman at pwede ako doon magpunta ngayon. Kung tutuusin pwede namang sa bahay na lang ako gumawa para makauwi na ako but knowing Mr. A for sure biglang lilitaw yun mamaya para i-check kaming lahat, madami kasing slacker na staffers when it comes to practicing kaya lahat damay.

I headed for the computer lab. Medyo kumokonti na yung tao sa school, sabi ko nga uwian na.

Pumili ako ng isang topic mula sa list na tingin ko medyo madali, dapat kasi hindi muna biglain ang utak, medyo li-low pa naman ang brain cells ko lately. I started putting up thoughts para pagharap ko sa computer meron na akong mailalagay ng hindi naman masayang ang kuryente sa pagmumuni-muni ko.

When I opened the door medyo madilim at wala ako agad nakitang tao. Wala kasi man lang gumalaw pero nung buksan ko yung computer na pinakamalapit sa pinto may sumilip mula sa table na kalinya ko sa kabilang dulo. Kilala ko sila, third year na members ng English Club.

One of the girls gave me a nod habang yung isa nakatitig lang sa akin. I sat down and started typing out yung mga ideas kanina sa utak ko.



"I can't believe na nandito pa rin yan."

"Yeah, dapat umalis na siya kung ako sa kanya."

"Tingin mo pina-abort niya?"

"Siguro kasi hindi lumalaki yung tiyan eh."


My ears are burning so hot, my hands felt so stiff. Nanginginig ang buong katawan ko.

Ngayon lang nangyari sa akin to. All this time na inakala kong tumahimik na lahat I was throdding a dark path. Ganito pala yung sinasabi ng mga tao behind my back.

I pitied Febbie all the more now for enduring this kind of humiliation.

Hindi ako makapaniwala. Is this what everyone thinks about me? How then could they still smile at me? How could they still greet me goodmorning or goodbye when there's no goodness to what they were thinking about me?

At ito rin ba yung dahilan kung bakit pati si Will iniiwasan na din ako?

Hindi ko alam kung sadya bang ipinaririnig sa aking nung dalawa yung mga sinasabi nila but I'm sure that it was me they were talking about. My mind tells me to leave pero gaanong karami pang estudyante ang nasa labas ng kwartong to na ganun din ang iniisip sa akin? I know the  truth, na hindi totoo yung mga sinasabi nila pero anong silbi non kung hindi nila alam?

Gaanong karumi na ba ang utak ng mga tao?

How then can i face them?

My sweat trickled down my forehead habang patuloy sa panginginig ang mga kamay ko. Ramdam ko na unti-unting lumalabo ang paningin ko, hindi ko na mabasa o maintindihan kung ano mang nasa harapan ko, the monitor became a blurry mass infront of me.

My heart almost jumped out when out of no where a sound of something like being snapped was heard and a sketching pencil came flying. Kasabay nun ay ang malakas na pagbagsak ng upuan sa floor mula sa kabilang side ng computer room.

"SHUT UP! SHUT THE HELL UP!" I looked at him but my eyes were now covered with tears, I can't make out the face of that boy who's making a stand for me.

Napasinghap at napatili yung dalawang babae, hindi nila yata in-expect that someone overheard their nasty words.

"WAG KAYONG MAGSALITA SA MGA BAGAY NA WALA KAYONG ALAM!" Hindi pa din ako makagalaw, I just looked up at the boy who's voice now registers inside my head, yung boses na ilang beses kong pinagdadasal gabi-gabi na marinig muli, from the person I wanted to say sorry the most, it was Will.

The next thing I know, Will pulled me out of that room.



 :( :( :(
« Last Edit: July 21, 2007, 10:12:16 am by marki1-3 »

diane cristina

  • taffy
  • ***
  • Posts: 389
  • Karma: +10/-2
  • waiting for my spiderman...
    • FRIENDSTER
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #39 on: July 19, 2007, 02:19:59 pm »
weee... o magusap na kayo hehe, peena kaya mo yan hehe

marki1-3

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1384
  • Karma: +631/-1
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #40 on: July 20, 2007, 09:23:00 am »
to Author's Readers:

i wont be uploading chapters until saturday morning (sunday night in philippines),
coz i have to ammend some parts of the next chapter but im stuck with work...
the net connection in my work suck and i cant go on hiding editing in my laptop...

so, if readers would be a little patient, just until i get off work...
thanks alot...

*goes back to work ;D*

gazell

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1345
  • Karma: +352/-262
  • at last!
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #41 on: July 20, 2007, 11:08:08 am »
THIS IS A GREAT STORY! KEEP IT GOING GOOD  ;D

btw, I'm gazell. well, keep up the good work! and i LOVE the title as well!
a m a t victoria c u r a m.

catseyeangel

  • jellybean
  • **
  • Posts: 120
  • Karma: +12/-0
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #42 on: July 20, 2007, 11:12:40 am »
to Author's Readers:

i wont be uploading chapters until saturday morning (sunday night in philippines),
coz i have to ammend some parts of the next chapter but im stuck with work...
the net connection in my work suck and i cant go on hiding editing in my laptop...

so, if readers would be a little patient, just until i get off work...
thanks alot...

*goes back to work ;D*

don't worry i'll wait.. :D

babiie jae

  • jellybean
  • **
  • Posts: 219
  • Karma: +11/-8
  • keep smiling, maybe it can hide the pain
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #43 on: July 20, 2007, 12:58:52 pm »
new reader po. i love your story :]
*waiting 'til saturday* ;D
SMILE
maybe it can hide the pain

cine_0426

  • Guest
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #44 on: July 20, 2007, 11:56:35 pm »
awww... will was dang suweet!  ;D

 

Candy Blog

Who We're Crushin' On: Joe Jonas
by: marla, 2012-05-25
This week was quite a week for the Philippines entertainment-wise, wasn't it? Special guests:...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website