Teentalk

Author Topic: ~Walk Me Home~Finished  (Read 27772 times)

marki1-3

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1384
  • Karma: +631/-1
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #15 on: July 08, 2007, 07:43:20 am »
Chapter 7


Dumapa ako agad sa kama hustong maisara ko yung pinto ng kwarto ko.

My knees still feel weak and my heart is thumping so bad inside my chest. Kamusta naman daw yung drama na yun?

Pero naman kasi, for whatever its worth, tell me who would not be weak in the knees and have a madly beating heart when the cutest guy you have ever seen in your entire life (that is except Zac Effron) brings you home? Now tell me?

Oo na, hinatid niya lang ako. He didn't kiss me or tell me anything unusually sweet except goodbye ang goodnight pero naman ang sabi ko nga presidente ako ng plain Jane association, and just to have that chance to walk with him can be a really cherished moment. OA na kung OA pero i face the truth and i sure know the facts.

Bumaligtad ako ng higa. I stared at the ceiling. I know deep within my mind kahit na alam ko na na malabong magkaroon ng kahit ano sa aming dalawa i'm still dreaming, dreaming that maybe just maybe he might see something special in me and another maybe, like me.

"AHHHHHHHH!!!!!" naloloka na talaga ako. nagdadrama na naman ako. Specialty ko talaga ang mga ganyang moments, source ko yan ng creative juices. "Ah basta panaginip na kung panaginip but i'm still getting a copy of that picture!"

Yeah, the flash was from a cam, digicam ni Cindy. Kasama yata sa news gathering gadget niya yon eh, daig pa kami ni Cel. I wouldn't be surprise if carreer niya in the future eh star patroler or papparazzi, matinik sa mga awkward moments.

After that shot syempre tahimik uli ako. Ano ba naman yan? Okay na sana kaso may umeksena pa. Tumawa ako ng konti, pero alam mo yun, yung tawang mukhang tanga. Buti na lang tumawa din siya at least na save-face uli ako.

After ng kainan at konting sayawan kasabay ng walang tigil na chikahan at hindi maputol na interview kay Will nagyayaan na kami umuwi.

Pinakamalapit yung bahay ko kung tutuusin. Katamaran kung mgta-tricycle pa ako pero hindi naman din ganun kabilis lakarin. Samantalang yung iba sumabay na kay Anna na sinundo ng daddy niya.

Pinasasakay na din ako ng daddy ni Anna pero out of the way talaga yung bahay ko, kung sila sa kanan ako naman sa kaliwa and besides wala ng pwesto dun sa van nila. Dati kasya kami don pero dahil busog yata kami lahat dahil madami kaming nakain sa libre ni Will parang ang sikip nung van bigla.

Nagpaalam na ako sa kanila na mauuna na ako. Si Tito Dan kasi yung daddy ni Anna bumili pa ng barbeque kay Mang Do.

Hindi pa ako gaanong nakakalayo nung marinig kong may tumatawag sa akin. Then i turned.

"Peena! Peena!" si Will yung tumatawag sa akin while running towards me.

Okay sana sa eksena eh, a cute guy running towards me calling my name, the sun setting behind him and everything is a blur maliban sa aming dalawa...pero who would be oblivious kung merong walong ulo na nakasilip galing sa isang rectangle blurry figure?

Hay naku panira ng moment, dinig ko na uli yung mga busina ng sasakyan at wala din namang setting sun dahil kanina pa lumubog yung araw and Will is standing right infront of me.

Kita-kitang ko yung mga nakakalokong ngiti ng mga bruha sa likod. Inirapan ko naman sila. Si Will naman na walang malay sinundan lang yung tinitingnan ko.

and just when he turned yung mga loka ko namang kaibigan eh nagsiasta na para bang wala lang at kala mong mga timang na biglang nagharap-harap at kunwari ay nag-usap-usap.

"I'll walk you home." sabi niya after turning back again to face me.

"Ha? Bakit?" ano naman ba pumasok sa utak ng lalaking to at ihahatid pa ako?

"'Coz its not safe na maglakad ka mag-isa, gabi na." sabi niya, mukha namang genuine yung intention niya, eh kaso nga lang reyna ako ng doubt so hindi ako agad bibigay.

"Sus, hindi ko first time maglakad ng gabi. Sanay na ako."

"No, there's nothing getting used to walking alone at night." sabi niya at nagsimula ng maglakad.

"Will, wag na talaga. Malalayo ko lang, tsaka mahirap sakayan sa gawi namin. You'll just walk back again and--" magsasalita pa sana ako kaso nga lang lumingon siya sa akin with the same dazzling smile na ilang beses ng bumubulag sa akin.

"If it makes you feel better, my house is on the same way as yours, so there's no need to worry about me getting home alone or late." still with the same smile.

Nakatulala na naman ako, dumbstruck again because of his smile. While he started walking.

"Ha? Saan ka ba nakatira? Hindi ba kila Elle?" narinig ko na pinag-usapan nila yun kahapon that he is staying at Elle's place.

Huminto siya sa paglalakad at hinintay akong maka-keep up sa kanya.

"We moved in to our new house this morning," he chuckled. "Well, I mean my Mom and Dad did the moving. Hinintay lang naman namin maayos yung bahay na lilipatan namin that's why we stayed at Elle's house when got here."
Grabe ang cute naman non! He chuckles like super cute!

"Oh!" naks haba na naman ng sinabi ko.


We turned to the next block, medyo tanaw na namin yung village kung saan ako nakatira.

Wala namang nagsasalita sa amin. He was just walking beside me, his hands in his pocket while his Hermes bag dangles beside him. Naks, Hermes yung bag niya!

Gusto kong magsalita, napaka-awkward naman kasi dahil magkasabay kami para naman kaming hindi magkakilala.

"S-saan naman kayo lumipat?" ayan naku sabi ko nga mautal pa.

"Sa Crescent Village, that village over there." sabay turo niya pa sa village na tanaw na.

"WHAT? Are you serious sa Crescent Village?" shocked naman ako, imagine ka-village ko pa pala ag papang ito???

"Well yeah, i think." tumawa naman siya, i don't know kung bakit baka na-wi-wirdohan na sa akin ito. "But people always doubt me, I'm never known for being serious." tapos tumawa uli siya and then he winked at me.

My heart almost leaped out of my chest to my throat, kung hindi pa ako lumunok baka dalawa kaming naghahanap ng puso kong makulit sa dilim. Nyeh!

"Anyway where do you live again?" tanong niya sa akin. Oh God, is this your gift to me?

"S-sa Crescent Village din." i took another gulp just to make sure my heart is back in its place.

"Wow! That's great!" mukha namang tuwang-tuwa talaga siya. he even stopped from walking then faced me. "I mean that's really great news. Mas madali ang pag-cope ko siguro dito now na may kilala na akong kapitbahay."

"Yeah, great!" sabi ko naman kaso pabulong.

We entered the village. We made small talks just about them moving into the village and stuff. I wasn't that interested.

Oh c'mon Peena don't go on pretending, you know how much you were hanging with every word he was saying. At hindi na nakapagtataka kung nandiri siya sayo dahil may drool pa na lumabas sa bibig mo.

Okay fine, yeah i was hanging by his every word...blah blah blah. Muntik pa nga kaming lumagpas ng bahay namin kung hindi ko lang nakita yung mga aso nung kapitbahay na kinatatakutan ko.

Medyo lutang pa rin yung isip ko kaya hindi ko man lang siya na-offer-an na pumasok sa bahay. Kamusta naman daw ang hospitality prowess ko?

Nagpaalam na din naman siya, at ang sabi niya phase 2 pa daw yung bahay nila which is hindi rin naman na ganun kalayo sa bahay namin.

Then he said goodbye and goodnight, I'm not even sure if nakapag-goodbye ako. I just watch him walk then when i was about to enter our gate he turned around and waved at me.

God give me a sign if this is your early Christmas gift for me!
 

::) ::) ::)
« Last Edit: July 23, 2007, 12:23:12 pm by marki1-3 »

cine_0426

  • Guest
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #16 on: July 08, 2007, 11:17:11 am »
waaaaaaaaaaa! grabe! kinikilig aku! hehe

diane cristina

  • taffy
  • ***
  • Posts: 389
  • Karma: +10/-2
  • waiting for my spiderman...
    • FRIENDSTER
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #17 on: July 08, 2007, 11:56:47 am »
grabe peena aus swerte mo ah!

miss-lee

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1391
  • Karma: +80/-39
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #18 on: July 08, 2007, 04:11:46 pm »
sana nga peena..
mapapaagap ang
christmas gift mo dhay!
BLACKJACK, VIP, HOTTEST and CASSIOPEIA

marki1-3

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1384
  • Karma: +631/-1
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #19 on: July 09, 2007, 09:23:01 am »
Chapter 8


Kinabukasan maaga uli ako nagising. Hindi ako nakapag-dinner kagabi. Ni wala nga akong nakitang kapamilya ko buong gabi eh dahil tuloy-tuloy na akong nakatulog pagkadating ko. Basta ang tanda ko lang pagkatapos kong maglinis ng katawan at magpalit ng damit humiga muna ko bago mag-dinner, hindi na siguro ako ginising ni mama nung makitang tulog na ako.

So eto na naman ako, nagbabasa na naman ng mga essays. Hinanap ko sa file yung piece na binabasa ko kahapon bago dumatin si Will. And again, it still brought the same effect, engrossed na engrossed ako sa pagbabasa ng sumigaw si mama mula sa kitchen para sa breakfast.

At syempre dahil nga sumigaw si mama gising na naman lahat ng tao sa bahay. Si kuya Paul at kuya Pong nasa lamesa na pagdating ko, si ate Polee naman eh hawak-hawak yung newspaper habang umiinom ng juice.

"Polee, akina nga yang newspaper. Hindi ka talaga nanunuod ng mga teleserye." sabi ni papa na umupo na sa kabisera ng lamesa.

"O ano naman koneksiyon ng newspaper sa teleserye." tanong naman ni ate Polee na umupo na din.

"Naku ate Polee sa teleserye kasi yung tatay ang nagbabasa ng newspaper sa lamesa tuwing breakfast hindi yung anak na babae." sabi ni Kuya Pong, muntik ko ng maibuga yung iniinom ko na juice dahil don.

Hindi lang naman ako yung natawa, pati si Mama at si ate Polee pati na din si kuya Paul.

"Ang Papa niyo talaga, daig pa ako." si mama na inilagay yung sinangag na kanin sa lamesa.

Medyo weirdo din pamilya ko eh. Si Papa daig pa niyan lahat ng babae sa bahay sa hilig sa panunuod ng mga drama sa t.v. at kung hindi pa yun weird isama niyo na yung hilig ni mama sa basketball, baligtad sila.

Ilang segundo lang matapos ang tawanan sabay-sabay na kaming kumain. Hindi uso sa amin yung tahimik na pagkain. Abot ang usap sa table. Si mama at si kuya Pong pinag-uusapan pa din yung mga subjects ni kuya sa university. Habang si kuya Paul, si Papa at ate Pau pinag-uusapan yung politics ata. Ako naman basta tahimik lang kumakain.

"Hoy Peenang! Sino yung lalaki kahapon ha?" muntik na akong masamid sa sinabi ni Kuya Pong.

"Ano na naman?" hay naku ito talagang si Kuya Pong sa kagustuhang mawala sa kanya yung atensyon ni mama idinadamay pa ako at naku naman successful siya. Hindi lang si mama ang nakuha ang atensyon pati na di sila papa. "Ako na naman nakita mo!" sinimangutan ko si kuya Pong then yumuko ako at tuloy lang ang subo.

"Peenang, wag mo ko lokohin. kitang-kita ko kayo kahapon, hindi ko lang kayo nabati at nagmamadali ako!" patuloy pa din ni kuya.

"Peena sino yan ha?" si Papa na nagseryoso na yung mukha.

"Naku Pa, classmate ko lang yun."

"Eh bakit may pa-wave-wave pang pa-cute." yung kaninang muntik masamid eh nagkatotoo na. Kala ko ba nagmamadali to bakit nakita pa yata lahat?

"Anong itsura Pong?" sabi ni Papa na mas lalong seryoso ang mukha. Pag ganyan na ang itsura ni papa naku lagot na ako.

"Payatot Pa, mukhang tutumba kapag hinipan." sabi ni kuya Pong uli na mukhang proud na proud pa sa sarili niya. At kung magsalita kala mo namang siya eh macho kundi payatot lang din.

"Peena, ano sabi ko sayo tungkol sa ganyan ha?"

"Pa classmate ko nga lang po talaga yun, bago lang silang lipat dyan sa phase 2." todo explain naman na ako. tinitingnan ko si mama dahil alam ko si mama lang ang makakasagip sa akin kapag ganyan na si Papa.

"Naku manong hayaan niyo nga si Peena. Mabuti at may naloloko yan." okay ate sabi ko nga gatungan mo pa. Tumawa lang naman si ate nung nakita niyang sinimangutan ko siya.

"Poleena, ako nga eh tigilan niyo. Bata pa yang si Peena." ibinababa na ni papa yung kutsara at tinidor niya, hala ibang level na to! Lagot ka sa akin kuya Pong!

"Pa classmate niya nga lang daw sabi ni Peena." I love you kuya Paul, you're the best!

"Kung sabagay, malabo talagang may magkamali dyan kay Peena." Naku tingnan mo tong taong toh! siya nagsimula ng gulo tapos ngayon manglalait pa.

"Basta Peena, tandaan mo yung sinabi ko sa'yo, bata ka pa."

"Opo." ano pa nga bang sasaabihin ko, wala naman kasi talaga. masakit mang isipin, totoong malayo sa katotohanang may magkamali sa akin lalo na kung si Will pa yun.

"Bilis-bilisan niyo na nga dyan. Peena mala-late ka na!" salamat naman at tapos na.

Bago ako umalis ng bahay I made sure na nakaganti muna ako kay Kuya Pong, dahil siya ang dahilan kung bakit ako nalagay sa hot seat. Nung makasalubong ko siya sa banyo tinapakan ko ng madiin yung paa niya. Napasigaw pa nga siya pero nginisihan ko lang. Narinig ko pa siyang sumigaw nung pababa na ako.

"Peena ang taba mo!" hmpf! pasaway talaga na yun!

~~~

Tahimik namang natapos yung maghapon. Nung lunch pinatawag uli kaming mga staffers kaya hindi ko nakita yung mga bruhaha, hindi ko din nakausap maghapon si Will.

Napansin ko na meron na siyang mga kagrupo, mga ka-section namin at sila yung kasama niya nung recess.

Thankful talaga ako at medyo walang kapalpakan nangyari sa akin ngayong araw na ito, or so i hope.

Hinilot-hilot ko pa yung kamay ko dahil medyo masakit at napasabak kami sa mahaba-habang note taking sa Socials.

Binuksan ko yung locker ko at isa-isa ko uling inilagay yung mga gamit ko sa locker. Siguro naman ngayon maididikit ko na si Zac sa locker ko.

Nangingiti pa ako habang idinidikit ko yung poster ni Zac sa pinakadulo ng locker ko. Medyo creepy pero tingin ko talaga sa akin lang siya nakatingin. Pagkatapos kong idikit si Zac eh idinikit ko naman yung Fortune callendar sa gilid sa tabi ng fly nung locker.

I was humming Fergie's song Big Girls Don't Cry habang nilalagyan ko ng mighty bond yung likod ng salamin. Wiling-wili ako kaya hindi ko napansin yung pagdating ng may ari nung katabing locker ko.

"Nice poster!" for the nth time! Magugulatin po ako!

 :o :o :o
« Last Edit: August 20, 2007, 02:25:42 pm by marki1-3 »

marki1-3

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1384
  • Karma: +631/-1
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #20 on: July 09, 2007, 10:00:56 am »
An Author's Note:

To readers I just one to share some basic truths about the story that you are currently browsing.

This story aims to avoid the love interest to be the focal point of all events, the author wishes to share the life of the main character as a whole, giving emphasis to all her spheres, family, friends, school, and personal emotions, thus meaning that by having a romantic angle is just part of it. Remember that the whole is more than the sum of its parts (Aristotle, Methaphysics).

The main character, regardless of gender, is a channel to what teen years was for someone dear to the author. This character is fictional though while everyone else are the embodiment of real people and which also uses each person's real name.

The settings and the plot progression are a replay of actual events. Readers might ask how could this be if the lead character is fictional, remember again the rule that the whole is more than its composition.

Things may go darker or lighter, may get confusing or revealing. This lies to the author's emotion, I may say.

Discouragement to continue reading the story may also occur in which I would have no appeal so I therefore lay my aces to the ones who will judge as I let it so.


Ergo, read at our own risks. :)

marki1-3

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1384
  • Karma: +631/-1
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #21 on: July 10, 2007, 01:25:51 pm »
Chapter 9


ANO BA???

Naihulog ko yung salamin na hawak ko kanina. Ang drama niya ngayon is shattered to a million piece.

Kailan ba ako huling uminom ng kape? Mukhang sobra-sobra na yung caffeine sa dugo ko at maya't-maya lumulundag yung puso ko sa gulat. I've had enough! Hindi naman ako ganito dati eh.

"Ikaw ba lalaki ka wala ka ng ibang alam gawin kung hindi gulatin ako? Can't you just not pop out of no where? Mamatay ako sa niyerbos sa'yo eh!" yung boses ko medyo malakas na yata dahil merong ilang mga fourth years na napatingin sa gawin namin.

Si Will naman na medyo nagulat din dahil nga nabasag yung salamin na hawak ko at dahil na rin medyo nagtaas ako ng boses eh hindi nakapagsalita. Nakatingin lang siya sa akin.

He just looked at me and there's just something in those eyes that calmed me down.

"Sorry." that's all i can say, pakiramdam ko ngayon ako na yata ang pinakamasang 15 yr. old sa mundo.

"No, I should be the one saying sorry. Its my fault. I'm sorry for startling you." sabi niya then he knelt down and started picking the shattered glass.

"Arghh!!" I'm super frustrated with myself right now, naiinis ako.

I bent down and helped him pick up the glasses. I was trying to pick this little shard when it got me by the finger.

"Ouch!" nagulat naman ako nung marinig ko siya. It seems na parehas kami na nadale.

Nagkatinginan pa kami then he grinned at me.

The sweetest thing!

I couldn't help but laugh.

After finally cleaning up the glasses now using the dust pan we went to the nearest sink and washed our hands.

Kasalukuyan akong nagpupunas ng kamay ng makita kong padating si Jerri.

"I finally found you two!" humihingal na sabi ni Jerri. "Everyone went home already and I was about to leave."

"O eh bakit nandito ka pa?" Sabi ko nga mambara pa ako eh, kaya ako nakakarma.

"Kasi po hindi po ako katulad ng iba dyan na bigla-bigla na lang lumalayas ng wala man lang pasabi."

"Jerri, merong tinatawag na cellphone!" apila ko naman.

"Wala akong load bruha!" at inirapan lang ako. "Yun lang naman sasabihin ko, alis na din ako." at kung paano siya bigla dumating ganun din siya kabilis umalis.

Natatawa pa nga ako habang tumatakbo si Jerri then I heard her shout.

"PEENA GOODJOB!"

Good job daw? Bakit.

I looked beside me and he was smiling again. Bakit?

"Your friends are adorable." That's all he said. "Let's go."

Ano ibig sabihin non? Bakit ba hindi ko gets?

Hindi na ako nakapagtanong. I just followed him back to our locker then grab our things.

At katulad kahapon sabay kami uli naglakad. at katulad din kahapon wala sa aming nagsasalita. Wala ba talaga kaming pwedeng pag-usapan?

Nakarating uli kami sa tapat ng bahay namin ng ganun-ganun lang.

"Thanks for walking me home...again." medyo mahina yung pagkakasabi ko. i dunno why, hindi naman ako mahiyain.

"Sure thing, you were a great company." then he laugh. compliment ba yon? "Biro lang, I mean mas okay sana kung magsasalita ka naman."

Natawa din ako. "Yeah, maybe some other time."

"Anyway, mauna na din ako. Bye!" then he walked away.

Papasok na din sana ako when i had the urge to say something back at him.

"It's fun laughing with you!" sigaw ko naman.

He turned and he was grinning. My heart melted.

 ::) ::) ::)

cine_0426

  • Guest
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #22 on: July 10, 2007, 06:57:37 pm »
awww.. that was soo sweet!

marki1-3

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1384
  • Karma: +631/-1
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #23 on: July 11, 2007, 09:46:59 am »
Chapter 10


It's been a month already, akalain mo nga naman. Ang bilis ng panahon. I'm getting the hang of it, you know being the fourth years and all. Settled na lahat ng mga estudyante kaya simula na ng club recruitments. Kaya medyo busy na ako.

Lahat busy sa panahon na toh especially higher years. Bago pa man din kabahan for auditions and screening ang mga lower years eh kayod muna kaming mga higher year for the preparations. Katulad na lang sa publication society, nagmamadali kaming lahat ngayon i-sort yung mga essays. Mga pasaway kasi yung iba last minute tinapos yung pag-ge-grade kaya medyo gahol kami sa oras. We need the results bago ang recruitment, kasi hindi elligible for the screening lahat ng may gusto.

Mahaba ang test ng school publication, three to four hours ang alotted time for the exam at i-e-excuse yung mga yon sa class so iniiwasan ng staff na gawing alibi ng mga students yung pag-apply sa mga clubs to skip classes. Isa pang reason is yung finances, madaming papers ang kailangang i-photocopy plus the art stuff and the rolls of films. Isama pa yung efforts ng staff, mahirap kaya ng magbantay ng more than 30 applicants, believe me I can tell.

"Peena make sure na kumpleto na yung mga sheets for the news writing tomorrow, better check the content with Cel bago kayo mag-print out and tell Ernest to post the list of people na elligible for the screening." yan si Mr. Agustin kahit na medyo paspasan na lahat ng mga tao siya cool pa din kaya idol ko yan eh.

"Yes Martian Dad!" sumaludo pa ako, I am one of the few students who can call him Martian Dad, and I'm telling you it's more of an honor than having a chat with the mayor of the city over a hearty lunch.

"Good. Do your best then and see you all next week." sabi ni Mr. Agustin at tumayo na from his seat. "I won't be calling anymore meetings this week kaya magkikita na tayo uli a day before the screening." nagtayuan na din kami.

Kinuha ko mula sa printer yung list ng mga elligible applicants. there were fifty persons on the list, well fifty numbers. Student numbers lang yung nandun sa list, at hanggang sa i-post na yung mga nakapasa student numbers lang ang lalabas, just to save people from a little shame from failing the test, its an unwrtitten rule with in the school clubs.

In-scan ko yung list, nasa pinaka-top yung writer ng favorite piece ko sa list, well not actually favorite pero yung pinakanag-touch sa akin. It seems that student impressed other staff members to be on the top.

Kahit hindi ako yung E-I-C ako ang pinakapunong-abala sa screening sa aming lahat na staffers, busy kasi yung E-I-C namin dahil siya nag-e-edit ng mga pieces para sa first publication ng newspaper.

Pagdating ko sa classroom maraming wala doon, tulad nga ng sabi ko lahat on the rush para sa preparations at yung iba naman na wala talagang koneksyon nakikisabay na din na hindi um-attend ng class.

I sat on my seat habang naghihintay ng susunod na subject, may thirty minutes pa bago ang English class ko kaya may time pa akong basahin yung short story na idi-discuss namin mamaya.

I was so into the story I was reading hindi ko napansin na may umupo sa tabi ko.

I looked up nung maramdaman kong abot ang galaw niya.

"I didn't say a word!" defensive agad na sabi ni Will. "Hindi ako nagsalita para hindi ka magulat."

"Ang likot mo." sabi ko na lang, hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya sa sinabi niya, naalala ko kasi nung nagsungit ako sa kanya.

After that day madalas na kaming nag-usap, I mean compared sa before nakakapag-usap na kami sa loob ng classroom at hindi na rin gaanong nakakailang kahit na nakakaloko palagi yung mga ngiti sa akin ng mga bruha tuwing nakikita nila kaming magkausap. Laking pasasalamat ko na lang at hindi sila nakikita ni Will.

"Para mapansin mo without me startling you." sabi niya with the same grin. He rarely smile lately, it has always been that boyish grin that's so adorable. It makes you want to pinch his cheeks but then again you just want to stare.

"Yeah right."

"So ano naman yang binabasa mo? Lagi ka na lang nagbabasa." sabi niya at inagaw sa akin yung libro.

"Are we suppose to read this?" kunot noo pa siya habang in-scan yung story.

"Opo. Sino ba sa atin ang madalas na nasa klase ha?" The past few days madami akong class na nami-miss kasi hindi lang naman yung Novus ang inaasikaso ko, nakikitulong din ako para sa preparations ng Theater Club at tinulungan ko din si Jerri sa Math Wiz nila para gumawa ng announcements.

"Hindi ako nakikinig eh."

"Sabi ko nga maging proud ka pa." Hindi ko na inagaw sa kanya yung libro, nabasa ko naman na yun last night nire-review ko lang.

Nung mag-bell after class sabay na din kami pumunta ng locker. Ganito na routine namin usually, after class punta ng locker then maghihiwalay dahil ako pupunta ako sa tambayan ng grupo at siya din dahil meron na rin siyang mga kaibigang lalaki. Our group is cool and all but he's still a guy and we are all girls. And from knowing him for a month now i found out na may pagka-conservative yang si Will.

Parang nagkaroon ako ng instant body guard. Hahaha! We are always together at hindi lang iilang beses ako nakakatanggap ng mga nakamamatay na tingin tuwing magkasama kami from both girls and gays every now and then. But I guess I was too happy to give them any thought.

Around 6:30 darating siya sa tambayan namin para sabay na kaming umuwi. I don't know how it all happened pero basta yun na, it became a habit. Kasama nun eh lagi na din akong tini-tease ng mga bruha, pero as much as i want to dream that there's something in between alam ko malayo pa rin talaga sa katotohanan.


 :-[ :-[ :-[
« Last Edit: July 27, 2007, 04:08:31 pm by marki1-3 »

marki1-3

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1384
  • Karma: +631/-1
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #24 on: July 12, 2007, 02:17:35 pm »
Chapter 11


"Sandali lang Cel may titingnan lang ako." I stopped in front of the bulletin board kung saan nakalagay yung list ng mga qualified applicants for Novus exam. Meron ng mga around 30 doon na naka-highlight na, yung mga naka-highlight na yun means sure na sila na mag-ta-take ng exam. I looked at the top of the list and still hindi pa din naka-highlight yung student number nung top pick. I frowned.

"Last day na today hindi pa din siya nag-sa-sign up." sabi ko ng mahina.

"May kilala ka ba dyan sa mga applicants? Araw-araw mo nang tinitingnan yan ah?" tanong ni Cel na nakitingin na din dun sa list.

"Di bah ibaba na yung list na yan mamayang after class?"

"Oo tapos, bukas ilalagay na yung 30 student numbers na pasok for confirmation. Sa Thursday na yung exam eh."

"Tingin mo may mga students na hindi nakita itong list? O baka hindi nila alam about sa school publication?"

"Naku naman Peena, nakukulili na nga ako sa announcements about dyan sa exam na yan eh. Tingin mo ba meron pang hindi makakaalam about dyan kung si Mrs. Wycoco yung announcer?" sabi naman ni Cel. Sabagay tama siya, isa sa pinakamadalas i-mention sa announcements araw-araw eh about dun sa Novus dahil under pa din yun sa school publication.

"How's the two prettiest girl ever in the history of my life?" yeah you heard it right. Medyo hindi pa rin ako sanay sa mga sweet ek-ek niyang si Will, but hell he's sweet! Habang tumatagal napapansin ko lalong tumatamis ang dila.

"Well, still the prettiest syempre." Banat naman ni Cel.

"Without a doubt." Tumawa lang ako, ano naman ba kasi dapat isagot? "So bakit kayo nakakalat dito?"

"Naku ewan ko nga ba dito kay Peena, maya't-maya na lang hinihintuan namin itong list ng Novus." kinurot pa ako ni Cel sa braso hindi naman ako nakakagigil.

"Oh! That one." sabi naman ni Will, again that same look, kelan ko nga ba nakita yung expression niya na yun, the pained confused look? Pero tulad ng dati parang namalikmata lang uli ako dahil bigla din namang nawala.

"Meron yatang crush dyan si Peena eh." Biro pa ni Cel.

"Ay naku tigilan mo nga ako Cel." sabay bira sa braso. napaaray naman si Cel, ang bigat kaya ng kamay ko.

Tumawa naman ng mahina si Will, pagak.

"Eh ikaw William Laurence Wertz, ano naman ginagawa mo dito? Oras ng klase ah!" Tanong ko naman after I dodged a hit from Cel.

"Ano pa? Edi sunduin ka, dakilang bodyguard mo yan." Sabat ni Cel. "Medyo nagtataka na nga ako dahil isang oras na hindi pa yan sumusulpot eh."

Sabi ko nga dibah? Will and me together became a regular sight sa school at tulad nga ng sinabi ni Cel, Will would always pop out near me.

"Tumigil ka nga Cel!"

"Whoa! Bakit naman kailangan pang buuin yung pangalan?" Sabi ni Will na parang hindi pansin yung sinabi ni Cel.At nga pala isa sa nalaman ko tungkol kay Will, ayaw niya yung buong pangalan niya kahit maganda naman. "Actually kagagaling ko lang sa volleyball try outs sa gym."

"Ohs? Naglalaro ka ng volleyball?" Araw-araw ata may nalalaman akong bago tungkol sa kanya. "Varsity ka sa Scihi Manila?"

"Hindi."

"Ay naku! Will don't get your hopes up then. I'm not bringing you down or anything but one of the best ang Volleyball team ng scihi and sa pagkaka-alam ko malinis pa din yung line-ups nila hanggang ngayon so there's very little chance for you to get in." Naku ito talagang si Cel napaka-nega.

"Tumigil ka nga Cel. Malay mo naman." Nung tiningnan ko si Will parang wala lang naman sa kanya yung sinabi ni Cel.

"I got in already." Balewalang sabi lang niya.

"Kasi nandun pa si Bob, si Seb and--" at parang nun lang nag-register sa isip ni Cel yung sinabi ni Will. "Y-YOU GOT IN?!"

"Well, yeah. Sabi ni Bob I will be playing this coming meet." Will wasn't even looking at Cel but he looked at me and gave me the famous grin.

"That's great! Ang galing mo naman pala eh." i hit him at the back and he just beamed at me gladly.

"Awesome!" Si Cel naman nasa in state of shock pa din. She had been a fan of the Volleball team dahil kay Bob, her long time crush-kuno.

Paakyat na kami sa hagdan nung makasalubog namin si Mrs. Manansala. Seryoso yung mukha. Binati namin pero tango lang yung isinagot. Nagkatinginan kaming tatlo then we saw who was standing behind her. The quite famous Febbie Mata, she's quite popular for being !@#$ and all pero umabot sa peak ang popularity niya when she was rumored to be pregnant.

Wala akong personal grudge sa kanya so I really dont believe the rumors lalo na at lumabas yung mga balita after her big fight with the meanest girl in school and the pregnancy issue spread like wild fire. I know my math, mess up with Betty Mejia's group makes you equal to a burnt bug, isa pa lang ang nakakaalpas without a scathe kay Betty and that is Jerri and boy that is quite a legend now.

"Uh-oh!" Yeah that means trouble Cel.

Pag-akyat namin sa second floor madali na namin nakuha yung ibang details dahil kahit saan ka lumingon, takpan mo man ng madiin yung tenga mo maririnig at maririnig mo pa rin ang mga detalye.

Nakita namin nakakumpol din sila Jerri sa corridor but unlike everyone else, they weren't talking about what had just happen. Nakigulo kami sa kanila pero dahil nga yung mga nakapaligid sa amin ay yun ang pinag-uusapan hindi na namin kailangang magtanong pa.

It seems that Febbie reached her limit dahil sinugod niya si Betty sa classroom, i give her credits for that dahil ibang klaseng tapang yon. Kaso nga lang matalino si Betty when it comes to fights, she didn't lift a finger against Febbie at hinayaan niya lang na ipagtanggol siya ng mga alipores niya hanggang sa dumating na yung teacher and bwalah! Everyone pointed at Febbie as the fire starter habang si Betty lumabas na inosenteng biktima.

If i had been there i would likely be just part of the audience, I don't have any heroes blood, I'm just another face.

~~~

Dumating yung araw ng exam, paspas dito paspas doon ang drama ko. Tinulungan ako ni Will na buhatin yung mga gamit papunta sa auditorium. Wala na akong na-attend-an na klase. Ilang beses ko ding pinaalis si Will pero matigas ang ulo, ayaw niya daw pumasok ng class at sasamahan niya na lang ako.

He's sweet, yeah right. But the more sweetness he shows me the more din yung pag-fade ng hope of something to happen. Pakiramdam ko I'm beginning to be his best bud, and friendship is one sacred word for me.

Habang isa-isang dumadating yung mga applicants panay ang tingin ko sa pinto. Kaya napansin na din siguro ni Will.

"May hinihintay ka ba?" nagulat naman ako sa kanya pero hindi na katulad ng  dati na nakakalundag ng puso, nasanay na siguro ako.

"Wala, tinitingnan ko lang yung mga pumapasok." Magkatabi kami ni Will na nakaupo sa isang monoblock habang si Cel naman eh nakaupo sa lamesa.

"Naku Pee, hinihintay mo pa rin ba yung applicant na in-stalk mo?" si Cel.

"In-stalk ka dyan!" Ito talagang si Cel hindi na inisip ang kahihiyan ko.

"Magkunwari ka pa sige, kunwari din hindi kita kilala simula nuong uhugin ka pa."

"Nakakatawa Cecilia, sobra." then i let out a fake laugh. "I'm just wondering if he will show up."

"Aha! Sabi ko na nga ba eh lalaki." Kung umasta tong si Cel kala mo naman na-rediscover niya na bilog ang mundo.

"Paano mo naman nalaman na lalaki? I mean do you know who that person is?" Tanong ni Will looking at me intently, there was a slight panic and nervousness na parang ewan sa boses niya. I looked at him just to turn away, paano ko nga ba nalaman?

"Just a hunch." Kibit balikat kong sagot.

"Will, maniwala ka ibang klase pang-amoy niyang si Pee sa lalaki." Sobrang lakas ng tawa ni Cel sa sarili niyang joke kaya medyo napatingin pa sa amin yung ibang mga students. "She can feel one a mile away, she even spotted you at the first hour."

Sukat doon sa sinabi ni Cel bigla kong ginusto na bumuka ang lupa at kainin ako ng buo. Its been a topic na d-in-eclare kong super duper over the top taboo. Pero si Cel na yata ang isa sa mga taong hindi nakakakita ng warning signs. May pagkataklesa talaga tong baliw na Cecilia na to eh.

"I know. Peena is just full of surprises, never fails to entertain me." Will laughed. Okay sabi ko nga no big deal, ako lang naman ang masyado mag-react eh.

Cel gave me a warm smile and I'm sure I blushed.

 ::) ::) ::)

marki1-3

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1384
  • Karma: +631/-1
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #25 on: July 13, 2007, 01:00:38 pm »
Chapter 12


The next day I kept thinking about the writer of that article. Nag-iisip pa din ako ng reason kung bakit hindi siya dumating, na baka hindi niya talaga nakita yung lists, hindi niya narinig yung student number niya sa morning announcements, that he didn't expect that he would get into the list of qualified applicants, at kung anu-ano pa.

Medyo malalim yung pag-iisip ko kaya hindi ko napansin yung isang malaking grupo na paparating galing sa likod ko.

I was walking just about the side railings, hindi ako nakagitna so hindi ko na rin inintindi kung dadaan sila. But I was shocked nung biglang may nagtulak sa akin. My thigh hit the railings and there was an abrupt pain and I winced.

"Nanaginip ka ba Wagan?" Narinig kong sabi nung isang lalaki, I know him. He's Ralph Lopez, quite popular dahil isa siya sa grupo ni Betty, male counterpart.

Medyo nagulat pa ako kasi this is the first time na kinausap ako ng lalaking toh, and worse napakasarcastic pa ng pagsasalita sa akin.

"Ano ka ba naman Ralph, bakit mo naman tinatakot si Pee?" It was Betty with her sickening sweet voice. Lalo yatang sumakit yung binti ko. "Okay ka lang ba Pee?" She asked moving closer to me.

I stepped backwards nung lumapit siya, I don't know why but my body just moved.

Medyo nagulat naman si Betty sa ginawa ko that her face suddenly got grim.

"Do I look like something na nakakadiri?" She said as her face gets darker.

Hindi ako nakasagot lalo na nung biglang lumapit si Ralph sa akin.

"Yabang nito ah!" He pushed me back and pakiramdam ko na-corner ako sa railings. I looked around for anyone to help me but the other students were just standing there looking afraid. May pakiramdam ako na yung itsura ko eh katulad din nung itsura nung mga first years na nakatingin.

"A-ano bang ginawa ko sa inyo?" I tried to sound brave but I know I misserably failed lalo na nung tinry kong lumayo sa railing to gain space for myself, but it proved futile dahil lalo lang nag-move in closer si Betty at si Ralph while the rest stood guard.

"Betty, ano daw ginawa niya?" Ralph smirked.

"Alam mo Wagan, wala naman talaga eh. Pero there's something about you now na bigla akong nainis." Sabi ni Betty doing those maldita stands that villains usually do, if I was just an on-looker to this seen I might find it interesting to see but unfortunately I`m the one in the scene.

I inhaled then exhaled hard. Hoping to give courage to my trembling knees.

"H-hindi ko na problema yon kung naiinis ka sa akin." Sabi ko and tried to force my way  between Ralph ad Betty. But to my surprise Ralph seize me by the arm and slung me back closer than ever to the railing. My back now hurt.

I closed my eyes with the sudden pain when suddenly biglang nahawi yung mga nakapaligid na kasamahan nila Betty.

Then the next thing I saw an arm swung right into Ralph's face na nagpatili kay Betty at sa iba pa nilang kasamang babae.

"DON'T YOU DARE TOUCH PEENA!" Will was gasping for breath, halatang kagagaling lang niya sa pagtakbo but there was no sign of weakness. He was seething with anger.

Will grabbed Ralph by the collar. Yung mga nabigla namang mga kasama ni Ralph eh umastang susugod but then I saw other faces na wala naman don kanina.

Nagulat pa ako when I saw Bob hold one of Ralph's friends by the shoulders. It really seemed a light hold pero parang naparalisa na yung hinawakan niya at hindi na gumalaw. The same goes with the others habang yung mga bagong dating na kasama din ni Bob eh nakatayo lang dun sa tabi. Sila yung mga teammates ni Will sa volleyball.

The girls that are with Betty looked so shocked and afraid. Kahit ako naman nagulat kasi itong si Ralph kilalang notorious sa away so medyo nakakagulat that Will who shows no capacity for a punch just send Ralph flying to the floor.

"Tama na Will!" I shouted but I guess it didn't come out as a shout but almost like a plead dahil sa hina. But Will heard it and let go of Ralph's collar. Will walk up to me.

"Are you alright?" He asked scanning my face as if expecting any bruise or something to pop out of my face. "That bastard!" He muttered under his breath.

"Ayos lang ako." But the wince that I gave out proved I wasn't that alright. Medyo masakit kasi nung dumiretso ako. And Will seemed to catch that.

I thought I heard Will cursed.

"Let me take you to the clinic." Sabi niya and then held me lightly in the shoulders guiding me slowly as if I was something delicate.

We walked pass Ralph who was still on the floor. Tatayo sana siya pero lumapit yung isa pang kasama nila Bob na lalaki and gave Ralp a 'no-no' sign.

Lalagpasan na din dapat namin yung mga babaeng takot na takot ang mga itsura but then I saw Betty's face.

Her face was far different from the others. Walang sign ng pagkatakot. Hindi man nga lang siya nakatingin kay Ralph, her eyes were fixed at Will.

I shivered when I saw that look in Betty's eyes, it was admiration, no it was more like desire. But there was no more time to scrutinize that stare dahil paliko na kami ni Will.

I heard Bob's voice saying something to Ralph, and I know it wasn't something good.



~~~~~

Pagdating namin sa clinic wala yung nurse.

I just sat there watching Will as he walked into the nurse's cubicle to check if she was there.

"Damn! Where's a nurse when you need one?" Medyo nagulat uli ako. Sa loob ng ilang buwan kong pagkakakilala kay Will ngayong araw pa lang na to ko siya narinig na magsalita ng ganito. He was always smiling and grinning, I never thought he can be this fierce.

"W-Will." I called him nung magsimula siyang huklatin lahat ng cabinet doon sa clinic. "Okay lang ako, wala naman akong sugat." Well, at least I guess. Wala naman akong ma-feel na sugat sa katawan ko, yes my back and my thigh hurt a little dahil lang sa pagkakatama sa railings pero nothing to be frantic about.

Will stopped from opening another cabinet. "Are you sure?" He asked still looking so worried.

"Yeah, my thigh and my back hurt a bit pero tingin ko naman walang serious injuries." Tumawa pa ako just to relieve the stress on his face.

Pero dahil sa sinabi ko para namang nag-panic lalo si Will. "Masakit yung thigh mo? How can you be sure that there's no wound?" His face looking more worried and angrier than a second ago.

The next thing he did shocked me out of my wits for he quickly squatted beside me and raised my skirt up to my thigh.

"WILL!" I gave out a loud shriek kaya nagulat din si Will at natumba sa pagkaka-squat niya.

"Peena!" sigaw ni Jerri as soon as she walked into the clinic's door kasunod yung iba pang barkada namin. She was about to say something but stopped mid-air.

She looked at my raised skirt na hindi ko pa naibaba at kay Will na nakatumba sa floor.

She gave me a questioning look pero umiwas ako ng tingin.

Mukha namang naka-recover si Will sa gulat. Bigla siyang tumayo looking disgruntled and dumbfounded. "I-I-I'll look for the nurse." He said and jumped out of the clinic.


 :o :o :o
« Last Edit: July 27, 2007, 04:17:11 pm by marki1-3 »

diane cristina

  • taffy
  • ***
  • Posts: 389
  • Karma: +10/-2
  • waiting for my spiderman...
    • FRIENDSTER
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #26 on: July 13, 2007, 06:05:32 pm »
Will talaga oh hehe

phgurl4ever

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 88
  • Karma: +7/-1
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #27 on: July 13, 2007, 06:42:08 pm »
nyehihihi! nice po ang story!
e-mail ng pinsan ang gmit haha
Pls drop by pg my tym powh kau ah ty!

FI-X will it work out?
http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,158414.0.html

My Story(I won't let you die...)
http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,159989.0.

cine_0426

  • Guest
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #28 on: July 13, 2007, 07:08:14 pm »
will ha.. chancing! hehe ;D

marki1-3

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1384
  • Karma: +631/-1
Re: ~Walk Me Home~
« Reply #29 on: July 14, 2007, 10:48:46 am »
Chapter 13


Tapos na lahat ng club auditions and screenings, next week anticipation of results na lang. Usap-usapan pa din yung nangyari kahapon pero hindi ko na lang pinansin dahil sa totoo hindi naman ako kasali sa version na kalat sa buong school. They were all talking about how Will beat the hell out of Ralph and how Bob and his gang did the same to the others. Feeling ko umakyat sa top charts of hottest males si Will sa buong school dahil doon.

I kept receiving deathly stares from Betty's girl friends habang yung mga lalaki naman eh parang iniiwasan ako. Pero tulad nga ng sinabi ko hindi ko na sila pinansin dahil alam kong sooner than anyone can expect makakalimutan na nilang kasali pala ako doon.

Kababa ko lang nung phone non, kausap ko kanina si Jerri, chika-chika lang. Kahit kasi may internet loyal pa din kami ni Jerri sa telebabad nakakatamad kasi mag-type kapag medyo mahaba yung kwento mo and iba din talaga pag may boses kang naririnig.

Nung una kung anu-ano lang naman yung pinagkukukwentuhan namin, school, teachers, students, cute guys, mall stuff at maraming bagay pang wala namang kwenta but we didn't talk with what happened yesterday. I feel relax kapaga nagkukwentuhan kami ni Jerri, I mean always pero nung tumawag siya kanina there's something different hindi ko ma-pin point agad not until nung magpapaalam na ako sa kanya.

"Wait, wait Pee." sabi niya over the line.

"Ano meron ka pa bang hindi naitsitsismis sa akin?" Tumawa naman ako but alam ko eto na yung kakaibang kanina ko pa na-vi-vibes kay Jerri. May gusto siyang pag-usapan kami pero parang hindi niya ma-open yung topic.

"Ano na?" kulit ko kasi hindi pa rin siya nagsalita.

"About..about Will?" nagulat naman ako, anong tungkol kay Will? May nangyari ba? Nagkagulo na naman?

"What about him?" medyo iba na talaga itong si Jerri, bakit ang serious ng dating?

"Anong 'what about him?', ikaw nga dyan ang tinatanong ko eh." bigla naman nagtaray yung boses ni Jerri.

"Ikaw yung nagtatanong eh." naguguluhan talaga ako, ano ba gustong malaman ng bruha na to?

"C'mon Pee, kwento ka naman about kay Will. You two have always been together lately.... and you know he kinda look sweet with you and stuff."

"WHAT?!"

"Pee, hindi lang ako nakakapansin. People are asking us, buong barkada pero wala naman kaming alam i mean... you know," I can imagine Jerri's face right now, yung tipong unsure which is very rare with Jerri Almighty.

"Jerri, look. There's nothing going on." Wala naman talaga eh, there's really none. Oo sweet at mabait sa akin si Will pero kanino ba hindi? Sa lahat naman ganun siya, kahit kanino sa barkada ang difference nga lang talaga eh madalas kami magkasama at walang ibang kulay yun dahil nasa isang class kasi kami. "And did you guys think that I wont tell you if and only if ever there was something?"

"NO PEE, OF COURSE NOT! Hindi naman sa ganun...we were just thinking.... He just saved you yesterday, you know!" medyo mahina na yung boses ni Jerri and I hate it when she's like that, feeling ko ang sama ko.

"Jerri, wala talaga. Will treats me just like how he treats everyone and sa tingin mo ba he wouldn't do the same if what happened to me happened to anyone of us? I'm just a friend and besides do you think I will be the girl she'll look at when there are others, Jerri?"

"Ayan ka na naman Pee eh." Nabuhay uli yung pagsusungit ni Jerri, siya ang isa sa pinakaayaw naririnig yung linya ko na yun. "Will was huffing mad, and did you see how he almost punched Ralph again this morning at the canteen? Threatening Ralph to death if he ever saw him go near you? Why wont you see that there's something, ganyan ka din kay Peter non eh, may gust--"

"Tama na Jerri, there's nothing and that's the end of it. I've got to go na, dinner na kami. Bye and see you on Monday." Yun lang at ibinababa ko na yung phone. Alam ko magagalit na naman sa akin yun pero i'll risk it kesa masermunan na naman ako besides Jerri cant resist me.

So ngayon eto ko, staring blankly at my ceiling. I felt my thigh now with a muscle-soothing pad para sa medyo pamamaga. Pilit kong itinatago sa bahay yung slight kong pag-ika dahil ayoko ng magtanong sila Mama at mahabang istorya lang ang magiging karugtong panigurado.

Na-mention ni Jerri si Peter, he was a friend back in second year high school but he left just before third year. They said Peter liked me so much pero sobra DAW akong dense masyado that I didn't even notice it kaya hindi nakapagtapat DAW si Peter hanggang sa makaalis. I didn't believe it, medyo nagtampo pa nga ako sa kanila non for telling such a lie, Peter would never fall for me. They dropped the issue after a while dahil wala naman na ngang mangyayari, nasa ibang lupalop na si Peter.

Imposible naman kasi talaga.

Ako at si Will? Not a good match, definitely. Ngayon pa lang, two months pa lang si Will sa school meron ng groupies or fan club o kahit ano pang gusto mong itawag doon. He's in the front while I'm at the back and mind you hindi basta-bastang back, nasa PEENAKA backside ako. So malabo talaga. Ako magkakagusto siguro kay Will to the point na iyakan ko siya but i doubt even the slightest other than friendship from Will.

Yun yung nasa isip ko hanggang sa makatulog ako that night.

~~~

"Psst!"

"Psst!"


Lumingon-lingon ako. Ayan na nga ba eh, kapag hindi ka kilala paswit ang aabutin mo sa mga tao, ako lang yata ang nag-iisang fourth year na hindi kilala dito sa school namin. Sa liit ng population at sa konti naming higher year ibang klaseng unpopularity na talaga kapag hindi pa nila alam yung pangalan mo.

"PSST!" Mukhang mauubos na yung laway nung pumapaswit sa akin hindi ko pa nakikita. "PEENA!" Ayun, alam naman pala yung pangalan ko, pero nasan ba sila.

May tumulong liquid sa braso ko kaya napatingin ako sa taas.

Yuck!

Nandoon sa taas yung grupo ni Betty. Bakit naman kaya ako naisipang tawagin ng mga hibang na to?

"Pumanik ka dito!" sabi sa akin ni Betty in a way na sure siya na susunod ako.

"Ako?" syempre tanong ko naman. Just to make sure.

"Tange! Sino bang tinitingnan ko?" Aba malay ko ba kung duling ka!

"Bakit?"

"Basta pumanik ka dito." Yun lang at bigla na silang nawala sa pagkakasilip mula sa corridor ng second floor.

I shrug my shoulder, wala namang mawawala kung punpunta ko and baka gawin lang dahilan ni Betty yung hindi ko pagsunod para lalong awayin ako. The very last thing i need on my final year in high school is an enemy.

Pero sana man lang may kasama ko. Kasi naman nakakailang nung pumasok ako sa room nila Betty. They were all looking at me. May pakiramdam ako na pumasok ako sa isang cage full of haenas na sobrang gutom sa karne. Thank goodness Ralph wasn't on the same class as Betty.

"Hi Peena!" may ilang bumati sa akin na mga dati kong naging classmate.

"Tara dito." tawag sa akin nung isa sa mga alipores ni Betty.

Nung nasa tapat naman na nila ko, feeling ko i was going to be mogged again kasi naman pinalibutan ako na para bang i-b-in-lock lahat ng ilaw sa dami nila.

"Bakit?" I looked straight at Betty, it's the most of my strength can do.

Masama ang dating sa akin na'to, pinagsisihan ko na kung bakit pumanik ako dito ng mag-isa dapat talaga tumawag man lang ako ng back-up. Bakit ba kasi ako nagtapang-tapangan?

 I've never been in any fight, well at least a fight of my own. Lagi lang kasi akong back up brigade. Sa barkada namin mata pa lang ni Elle marami ng takot isama mo pa yung mga banat ni Cel, pero kung medyo tumagal pa doon sa dalawa aabot na kay Jerri at kapag si Jerri na nakaharap mo for sure taob ka na. Complete mind game kay Jerri kasi eh, pakiramdam mo out numbered ka physically and mentally kahit one-on-one lang pero kung medyo malakas yung kalaban lumalabas ang powers ni Cindy. Pero rarely lang namin or should we say we really haven't use Cindy's power dahil sobrang nakakatakot yun, Cindy have all the facts of your life both smelly and scentless habang kami namang iba arm force lang just in case magkaroon talaga ng physical contact and so far once pa lang yun nangyayari.

Nakatingin pa rin ako kay Betty. I wont dare look around me at baka himatayin ako sa nerbiyos.

"So...kamusta ka Peena?" Biglang nagtawanan naman ang mga asungot sa paligid, ano naman ba nakakatawa doon?

"Mabuti naman." I said in monotone voice, nagtahimikan naman yung mga kaninang tumawa. Taken aback.

"Isa lang naman ang itatanong ko sa'yo. Basta sagutin mo lang ng matino wala na tayong problema." Betty spoke as if she's the sweetest girl ever, gusto kong masuka bigla. Pag kasi naalala ko lahat ng kamalditahan niya ang nakikita kong Betty ay isang malaking palaka ang only a loud croak would be coming out of her mouth.

"So, ano ba yon?" monotone voice uli, that tone is safe kumbaga hindi ako naghahamon pero hindi rin takot though ibang usapan kung ano talaga yung totoo.

"I want to know what's between you and Will."

Wait kala ko ba tanong eh bakit parang nag-uutos to ng sagot?

Hell! Ano bang nasa utak ng mga tao at kung anu-ano ang mga pinagsasabi? And imagine that, si Betty isa sa mga groupies ni Will?! Well, it was to be expected after I saw that sticky look she gave Will the other day. Sino ngayon ang nasa peligro ako ba o si Will?

"What about me and Will?" Hindi ko napigilang magtaas ng kilay and it was a wrong move kung ayaw mong makipag-away i tell you.

"Nakakatawa Wagan. Saguting mo na lang yung tanong ko at ng makaalis ka na."

"May itinanong ka na bah?" Naku, Peena wag kang magmatapang ngayon!

"Abat...!" Para namang napipikon na yung itsura ni Betty at yung mga alipores niya pakiramdam ko nag-fo-formation na, uso pa ba yun? Pwes FYI guys matagal ng wala sa uso ang mga sentai and excuse me hindi kayo super heroes! Pero syempre sa isip ko lang yon, sabi ko nga hindi ako matapang.

"Kung ano man meron sa amin, I don't think na may pakielam ka don!" PEENA WHAT ARE YOU DOING? GUSTO MO BANG MAGPUNTA NG CLINIC ULI NG DI ORAS, HA?!

"Eh matapang ka pala eh!" Betty raised her hands and medyo hinanda ko na yung mukha ko for an instant blush on na hugis kamay.

 >:( >:( >:(

 

Candy Blog

Who We're Crushin' On: Joe Jonas
by: marla, 2012-05-25
This week was quite a week for the Philippines entertainment-wise, wasn't it? Special guests:...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website