Chapter 5Napatalon ako sa gulat at muntik ng masamid si Jerri.
Mukha namang nagiging bisyo na ng lalaking to na gulatin ako yata.
Tawanan naman ang mga bruha.
"Naku ikaw Peena ha? Di pa man din settled tong pinsan ko pinagpapantasyahan mo na!" Si Elle na tinapik-tapik pa ko sa balikat. Lalo namang nagtawanan yung mga kabarkada namin.
I didn't dare turn dahil alam kong nasa likod ko pa din si Will. Note to self: Dagdagan ang batok mamaya sa sarili. Ang dami ko ng isusulat sa tapat ng most embarassing moment ko.
Umupo na ko sa upuan sa harap ko. Ipinakilala naman ni Elle yung pinsan niya sa buong grupo. Kumpleto kaming lahat dun sa table, si Jerri, si Cindy, si Elvy, Si Epy, si Inna, si Cel, si Anna, si Elle, at ako. At kung hindi nga naman nanadya yung mga bruhang toh, sa tabi ko pa pinaupo si Will.
Tuwing magagawi yung tingin ko kay Jerri at Cindy walang tigil na nakakalokong ngiti ang inaabot ko. Tahimik lang ako buong lunch time. Si Elle ang nagbayad ng meal namin at pa-welcome daw niya kay Will sa school. Abot naman ang tanung ng mga bruha kay Will ng kung anu-ano, daig pa si Boy Abunda at Kristy Fermin mang-usisa ng buhay ah.
Nakiki-comment naman ako paminsan-minsan, sasagot kung tatanunging pero hanggat maari talaga hindi na ko magsalita.
Nung mapangalahati ko yung pagkain ko tumayo na ako.
"Oy mauuna na ako. Punta pa ko ng Novus.""Ano gagawin mo don?" tanung naman ni Cel.
Ano nga bang gagawin ko don? It was just an excuse to escape that hell hole.
"Naku naman Peenang, ang nipis nito. Ayus lang yon, ikaw naman!" hay naku sabi ko nga basangbasa ako ni Jerri. Wala talaga kong lusot.
"Eh basta may gagawin ako dun!" Yun lang at nagmartsa na ako palayo. Dinig ko pa din yung pagtawag sa akin ni Jerri pero hindi na ako lumingon.
Pagdating ko ng Novus walang tao. Sino nga ba naman ang magiging tao don eh lunch time??? At sino din ba naman kasi ang mapapahiya ng tatlong beses sa iisang tao sa loob lang ng apat na oras??? Wala! ako lang.
Nagbukas ako ng isang computer. Mayaman ang school publication office namin. Lima ang units ng computer at updated pa lahat with programs. Wala pang ilang minuto ay nakaisang page na ako sa katata-type.
Doon na ako nagpalipas ng oras. wala naman akong productive na nagawa. Hustong mag-bell ay tumayo na din ako at nagpunta ng classroom.
Pagpasok ko ng classroom ay nandoon na yung teacher namin para sa first subject sa hapon. Medyo nagkakagulo pa yung mga classmate ko sa pag-upo, and nagpapasalamat ako doon dahil hindi na kapansinpansin yung pagpasok ko. That would save me a lot of shame from Will na nakaupo na din sa kaninang upuan niya.
Natapos yung maghapon na tahimik lang ako. Wala namang nagtaka kung nag-silent mode ako, again a proof that i am just another face na pampadami ng population ng school. The moment the bell rang para sa uwian ay tumayo na ako. Kailangan ko pang makita yung assigned locker.
Dahil fourth year ako nasa pinakadulo ng building namin yung locker ko, idagdag pa na muntik ng huling letra ng alphabet yung surname ko. Wala naman talaga akong ilalagay doon, routine check lang at baka may sira yung napunta sa akin.
Nagkatotoo nga naman yung hinala ko, my locker is almost the last one. BUti na nga lang at whole locker yung napunta sa akin. Sinilip-silip ko lang nga kaunti just to make sure na walang sira at malinis after eh inilagay ko na yung lock na gamit ko pa last year.
Nagdalawang isip pa ako if uuwi na ba ako o mag-stay pa kasama yung mga bruha kong kaibigan, but then again i feel tired already. Hindi ko alam kung bakit. kaninang umaga lang excited ako about school pero bigla na lang akong napagod.
Bago ako lumabas ng gate i sent a text message to Jerri.
>Jerz uwi na aq, mejo pagod...c u all tmr!:)Hindi ko na hinintay mag-reply si Jerri at umuwi na ako.
~~~
Kinabukasan maaga uli akong nagising. Four-thirty pa lang nakabangon at nakaligo na ako. Kasi naman ang aga kong nakatulog, dahil t-in-ry kong simulan yung mga essays na kailangan kong i-review pero nakakadalawa pa lang ako bumagsak na agad ako sa antok.
"Aja! Dapat makatapos man lang ako ng 10 bago pumasok."I managed to finish 15 bago ko pumasok. Pag kasi in the groove na ako mabilis na yung proseso, intro then conclusion kapag maganda basahin ng buo kung hindi naman discard na. Meron pa namang second screening yung mga discarded pieces na yun kapag konti yung napiling maganda.
Maaga din akong nakarating sa school, wala pang gaanong tao, sa katunayan si Manong guard pa lang at yung janitor ang nakikita ko at ilang mga estudyante. Wala pa ni isang fourth year kaya tahimik pa sa building namin.
Pinagpatuloy ko na lang uli i-review yung mga essays na natitira.
I'm sure kundi lang din mga dalawang linggo o hanggang sa recruitment eh itong mga essay na toh ang pagkakaabalahan ko.
I was reading thru the pieces, tinatyani ko kung alin ang medyo interesting at baka antukin ako kung boring ang babasahin ko ngayong umaga, then i found this one particular piece.
...Hiding is tiring. To not be able to show the real you out in the open just sqeezes off your energy every second of your life. You try to reach for the sun, you try so hard to get to the light but when you're just inches a way, the courage you mustered in your heart just fades away. Just like a pool of water in the desert, it never last long enough. You ask yourself why? Why do i hide? Why am i afraid to show the real me? Why? Is there something shameful inside the real me? And then the answer just came, the world is judgmental, it sees what it wants to see and what is within me is something the world is not willing to accept. I am a coward because the world is a bully...Every word pulls me more and more inside that persons head then it feels like I am touching his heart and that heart is crumbling away. The pain and fear is welling out and reaching for me who reads it. Alam ko na unti-unti ng may namumuong luha sa mga mata ko, and a tear was about to fall when i heard footsteps from the stairs.
"Oh! Hi!" I wipe my eyes before looking up at kung hindi ka nga naman mas mamalasin pa, yung tao pang ayaw mong makikita ang makakahuli sa'yo in the verge of crying.
"H-hi!" yun lang yung nasabi ko, eh bakit? ano pa ba ang pwede kong sabihin? Sabihin kong 'Leche ka! Bakit ba lagi kang dumadating in the most awkward moments?'
"I didn't know someone's already here." sabi niya at tumabi sa'kin sa pagtayo sa tapat ng classroom namin overlooking the open court.
"Ah, oo. Maaga pa kasi kaya wala pang mga students." sabi ko naman without looking at him.
"Pero nandito ka." Alam kong lumingon siya sa'kin but again i don't dare look his way.
"Early birds pala tayo parehas."Ngumiti lang ako at hindi sumagot. Maloloka siguro sa'kin sila Jerri kung makikita nila ako ngayon. Si Peena? Ang reyna ng daldalan walang masabi? Hindi ko yata i-style ang tahimik lang at palangiti? Bakit ba iba yata ako ngayon?
Napansin niya yata na tahimik lang ako kaya hindi na rin siya nagsalita. He was just there leaning beside me. Gusto ko man mag-concentrate sa pagbabasa ay sobrang imposible. Sa tingin ko naman maiintindihan ng kahit sinong teenager yung pakiramdam ko. Bukod sa ilang beses akong napahiya sa harap ng lalaking ito eh isang malaking factor kung bakit ako speechless ay dahil...he just simply makes me feel speechless.
His mere presence makes me feel dreamy, isama mo pa yung mabango niyang amoy na parang nang-te-tease ng ilong. If its not too much to say i have this urge to sniff him off that scent. Ganun yung effect niya sa'kin? Paano pa ba ako dadaldal doon?
We were just both silent dun sa corridor. Ilang beses akong bumuntunghinga at kung napansin niya yun he sure is good in pretending that he did not. Nilingon ko siya once. He was looking at the oval and if he was a girl i would say may dreamy look sa mata niya but then again he's a guy kaya medyo iba dapat ang description at hindi ako makahanap ng tamang salita; but that look mesmerizes me. I-e-examine ko pa sana pero he suddenly turns his head and face me smiling.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya with that same mesmerizing smile just like the look in his eyes.
"Ay naku w-w-wala." Ayan naku sabi na kasing wag ng tumitingin, ang kulit!
Yung nakakailang ng silence kanina mas lalo pang naging tense well at least sa'kin. Muntik ko ng mayakap si Manong Keyholder nung dumating siya para buksan yung pinto ng mga room sa floor namin.
I stuffed the essays inside my bag ng mahulog yung binabasa kong piece kanina.
He picked it up. Napansin kong medyong tinitigan niya pa yun ng matagal bago niya inabot sa akin.
"Thanks." i said hurriedly.
"Doing a lot of readings?" sabi niya.
"O-oo, medyo para sa screening ng school publication, pieces ng mga new students." medyo nabilib naman ako sa sarili ko at nagawa kong makabuo ng medyo mahabahabang sentence sa harap ni Will.
"I see." yun lang ang sinabi niya pero bakit pakiramdam ko ang daming iba't ibang emotions ang dumaan sa mata niya?
Pero ano man yung nakita ko bigla na lang din nag-fade nung mag-smile siya. Tapos may tumawag na sa kanyang isa naming kaklase na kararating lang. Nung mawala yung atensyon niya sa'kin i just slipped off and walked into the classroom.
