I never pretend to be something I'm not
You get what you see, when you see what I've got
We live in the real world, I'm just a real girl
I know exactly where I stand
And all I can do is be true to myself
I don't need permission from nobody else
'Cause this is the real world, I'm not a little girl
I know exactly who I am.
-Mutya Buena
“Sobrang sama talaga ng ugali niya! He is the beast from all beasts I’ve known! Gross!!!” 
Kanina pa nag-uusok ang ilong ko sa galit. Paano ba naman yung walang hiyang bago kong ‘patient’, tinapon ba naman sa akin yung laman ng hawak niyang… hindi ko alam kung arinola yun o ano basta yun sa mukha ko! How dare him!
“At least yun lang ang nangyari. Oh eto, suotin mo na eto.”Tinignan ko si Pola. Hawak niya yung isa sa matagal ko nang hindi sinusuot na blouse.
“Dapat ko bang ikatuwa na nabuhusan ako sa mukha ng ‘ihi’?”Natawa sa akin si Pola. Kahit kalian talaga eto hindi talaga kumakampi sa akin. Si Pola Lunares, college friend and classmate ko. We lived in one apartment. Independent na kasi ako, hindi na ako nakatira sa bahay ng parents not that I don’t like but I just want to stand by myself and live freely.
“Hindi ka naman sure di ba na ihi niya yun? Mapanghe ba?”I smelled myself. Hindi naman mapanghe. Oo nga baka nga hindi ihi yun pero kung ano man yun, ang sama talaga ng ginawa niya sa akin!
“Hindi.” At kinuha ko yung blouse sa kamay niya at nagpalit na agad.
“So your decision is final?”I nodded. Hindi na talaga magbabago yung napagdesisyunan kong alagaan yung ‘monster’/’beast’ na yun!
“Eh paano kung buhusan ka ulit niya?”“Hindi na mangyayari yun. I see to it na itatago na yung arinola niya.” Aba mautak ata eto!

Ngumiti siya.
“Ikaw talaga ang babaeng, walang sinusukuan. I’ll just be here if ever he will throw to you again messy water.” And she winked at me.

Okey na yung walang sinusukuan eh pero yung tungkol sa bubuhusan ulit, aba sobra na ata yun ha!
“Thanks for that help.” At tumango-tango ako sabay kuha ng backpack ko.
“Oh eto na yung hinhiram mo sa aking basic nursing book. Matutulungan ka niyan.”Kinuha ko yung libro at nilagay sa bag.
“Salamat. Kailangan ko talaga nito.”Tumango-tango siya.
“Matutulog ka ba dito or sa hospital?”“Dito siyempre!” Aba ayoko ngang matulog dun sa ‘space’ ng monster na yun!
Ngumiti siya.
“Sige hihintayin kita. Ingat ka dun sa patient mo!”Siya ang mag-ingat sa akin! Akala ba niya matatakot ako at tuluyan magagaya dun sa mga past nurse na kinuha aba hindi ata pwede yun! Real girl ata eto!
“Akala ko hindi ka na babalik. Iniisip ko nga nagrun away ka na rin tulad nung mga naunang mga nurse!”Tinignan ko siya.
“Akala mo lang yun. Hindi ako magrurun-away katulad nila Mister!”Nag smirk siya.
“Eh di kawawa ka pala. Mas lalong mahihirapan ka kasama ako.” At tumalikod siya sa akin.
Isa na namang pagbabanta. At hindi ko na naman dapat ikatakot yun. Bilang ‘ex’ psychologist, naranasan at nakita ko ang iba’t-ibang behavior ng mga tao at base dito sa monster na eto, yung mga pagbabanta niya ay simply ‘child play game’ lang.
“To cure one’s pain is to listen to his/her agonies. Yung pagbabanta mo ay isang uri ng agony.” Tumingin siya sa akin. The way he looks right through to me, sent something.

Hindi ko lang madistinguish dahil he immediately looked away.
“Doktor ka ba or nurse?”Ngumiti ako.
“Kung ano ang choice mo.”“Mas preferred ko kung katulong kita. Bagay sa iyo.” Aba! Anong sabi niya katulong? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking eto!

Nilapitan ko siya.
“Mister! Hindi ako nag-aaply bilang katulong mo! Hindi ko sinayang yung 4 years ko sa college para maging katulong. In the first place nga hindi dapat ako ang andito at nag-aalaga sa iyo.”“Simple lang eh di umalis ka, hindi ko naman kailangan ng madaldal na manok.”Ano? Kanina katulong ako tapos ngayon manok? Talagang inubos ng lalaking eto ang pasensiya ko ha!
“Hindi ako aalis dito kasama mo hangga’t hindi ka pa gumagaling.”Something flashes through his eyes. Flare…
“Hindi na ako gagaling! Hindi mo ba nakikita o tatanga-tanga ka lang? Baldado na ako habang buhay! Kaya wag ka ng umasa pa na gagaling ako!”Natakot ako bigla sa kanya.

Galit na galit siya sa mga sinabi ko. Mukhang hindi ko lang siya nasaktan kundi natapakan ko yung pride niya.
“I’m sorry...
Pero sana hindi ka naman maging negative. You still have the chance to be cured kung hahayaan mong tulungan kita.”“I don’t need help.” At dumiretso siyang pumunta sa comfort room at malakas na sinarado yung pintuan!
Grr!

Hindi ko na talaga alam kong makakayanan ko pang makisama sa kanya…
No, hindi dapat ako sumuko.
“You will not need my help for now but I’m sure in the next passing days you will come to me and ask for the help.”At lumabas na ako sa ‘space’ niya.
“Hay! Nakakainis na talaga siya! First, ang sama ng ugali niya. Second, ang hirap niyang pakisamahan. Third, ang sungit niya at panghuli ay napakabugnutin niya!”“Oh… What a wonderful day for me. What a very lucky day. How are you my dear, Thiara?”