Eto na po ang fourth story ko! Hope magustuhan nyo siya... Salamat... 
God must hate me
He cursed me for eternity
God must hate me
Maybe you should pray for me
I'm breaking down and you can't save me
I'm stuck in hell
And I wanna go home
-Simple Plan
“Hindi ko na po talaga kaya Mam! Ayoko na ho.” Natatakot at mabilis na tumakbo si Nurse Farrah papunta sa akin. Kadarating ko lang. Kakausap ko lang sa kaibigan ko sa malapit na pay phone.
“Bakit ho? Anong nangyari?”“Mam sobra na ho talaga siya. Hindi ko na siya makontrol baka mamatay ako na wala sa panahon.”Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Pang-walo na si Nurse Farrah sa kinuha kong magagaling at primyadong nurse dito sa Pilipinas pero wala pa rin nakatagal sa kanila. Mukhang maloloka na ako sa nangyayari…

Hay naku dapat hindi ko maramdaman eto. Psychologist ka tandaan mo yan

…
“Pwede ho ba kahit konting panahon na lang ho kasi mahihirapan po akong makahanap ng kapalit nyo.”“Wala na kayong mahahanap pa. Wala na talaga makakatagal sa sama ng ugali niya! Walang modo! Bastos! Demonyo!
” Halos maluha-luha na siya.

Naawa na ako. Pero wala naman akong choice.
Hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanya. Ang laking problema talaga niya! Kung bakit kasi pumayag ako dito… Kainis!

Ngayon I’m suffering!
“Sige ho ganito na lang, mag-extend pa kayo kahit hanggang bukas. Dada-““Hindi na ako makakatagal na kahit isang minuto pa dito! Aalis na talaga ako. Kahit na hindi mo na ako bigyan ng sweldo basta aalis na ako.” At parang kasing bilis ni Flash ang takbo niya habang pababa ng hagdan.
Each passing days,
he’s getting worse! Ano na ba talaga ang gagawin ko sa kanya?
Kung hindi lang sa kanila…
"Please take care of him for me… I know you will take good care of him like you did to me… You’ve been one of the closest person I have in this world."“Pakiusap hija, may problema lang kami dito. Ikaw muna ang bahala sa kanya… Malaki ang tiwala namin sa iyo dahil malapit kang kaibigan ni Alaine…”Napailing ako. Wala na talaga ng choice. Mukhang kailangan ko na siyang harapin…
Pumasok ako ng kwarto niya. Halos 1 buwan na siya dito. At sa halos isang buwan na yun hindi ko pa siya nakita o nasilayan, Ngayon pa lang…
Napalunok ako. Totoo pala ang sinasabi ng mga nurse na kinuha ko.
“Mam nakakatakot ho talaga ang hitsura niya! Kung mas may nakakatakot sa monster siya na ho yun.” 
Ang gulo ng kwarto niya. Parang kadadaan lang ng ilang tornado at hurricane dito. Pinulot ko yung kumot at ilalagay sana sa kama niya ng sa wakas nakita ko na siya.
“Ikaw na ba ang kapalit nung matandang hukluban? Ang bilis naman niyang sumuko.”Hindi ko alam kung ano talaga yung dati niyang mukha pero masisilayan yung kagwapuhan niya kahit na may benda ang mukha at ang haba na ng buhok niya pati ang balbas. Ay! Bakit ko ba iniisip yun?

Kanina lang sinabi ko na naniwala nga ako sa mga sinabi nila na mukha siyang monster tapos… Ano ba naman eto! Ang gulo ko!
“Natatakot ka din sa hitsura ko tulad nila. Dapat lang.
”“Alam mo hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa kanila at umalis silang lahat pero isa lang ang sasabihin ko, hindi ka uubra sa akin!” At mukhang desiddo na ako... Tatanggapin ko na ang:
Ang pagiging nurse niya! Gulp!
Hindi talaga dapat ako matakot sa kanya! Sino ba siya?
“Tignan na lang natin…” At hinagis niya yung kumot sa mukha ko.
Naku!
If this will be my worst nightmare, God must hate me… 