hi elyse.

thanks po sa pagcomment. sana subaybayan mo po itong story ko.
___________________________________________________________
Every Now and Then -column po yun sa school paper ng dati kong paaralan. Doon po nakalagay lahat ng most commonly use phrases sa time na ginagawa yung next issue.
___________________________________________________________
1
"Destiny is not a matter of chance; it is a matter of choice.”
“Leah, anong ibig sabihin netong nasa ‘Every Now and Then’ column ng school paper natin?”, wika ng best friend ni Leah na si Claire.
“Huh, ano? Saan mo nakuha yan?”“Sa graduation issue. Eto basahin mo.”“Ahh, eh hindi ko din alam.”“Hay best, okay ka lang ba?”“Yeah.” Sabay tumigin sa kanyang orasan.
“Tara na magbebell na eh.”Kahit alam ni Claire na di siya nagsasabi ng totoo ay nanahimik na lang ito at sumunod sa kanyang best friend.
“Oh okey.”At nagtungo ang magkaibigan sa kanilang silid aralan.
“Magandang umaga sa inyong lahat. Ako si Ms. Miranda ang magiging adviser niyo sa 1st year niyo sa high school. Ako din ang magiging teacher niyo sa Filipino. Okey since, halos lahat sa inyo ay bago dito eh nainis ko sanang pumunta kayo dito sa harapan at magpakilala. Please start Mr. Romero.”
Isa-isang tumayo at nagpakilala ang klase ni Ms. Miranda.
“My name is Jessie Romero. I just migrated here last month. I like playing basketball and football. Nakakaintindi ako ng Filipino, but I don‘t really speak it; so if there’s someone who’s willing to tutor me… *BIG SMILE*
That’s all. Thanks.”“Ako si Claire Lopez, ang best friend ko ay si Leah. Mabait ako sa mabait pero masama akong magalit. Mahilig ako sa Filipino, Science at Music. Medyo active ako sa academics at extra curricular activities, dito na kasi ako lumaki sa school na ito, so kung may kailangan kayo o may problem kayo, lumapit lang kayo sa akin. "Matapos ang pa ang 45 students ay nakapagpakilala na rin si Leah.
“Hi. Ako si Leah Ferrer. Ako yung anak ni Engineer Ronald Ferrer. Tingin ng iba masungit ako pero hindi totoo yun. Tahimik lang talaga ako pero kung magkakilala talaga tayo kalog talaga ako. Yun lang.”Habng pabalik siya sa kanyang upuan ay siya naming tayo ng kanyang guro upang dismiss sila.
“Okay, thank you class. Ngayon you can go to canteen and eat your lunch tapos balik kayo ng 12:50 para sa next class niyo. ‘wag kalimutang makipagkaibigan sa mga kaklase niyo.”
Unti-unting naglabasan ang klase sa kanilang silid. Nahuling tumayo para lumabas sila Leah at Claire. Nang sila’y pababa na ng hagdanan ay…
“Excuse me. Ms. Ferrer?”“Huh? You‘re calling me?”“Yes. Umm can I hang-out with you?”“Oh. Well, let me ask her.” Hinarap niya si Claire at bago pa ito makapagsalita...
“Ah ehh okey lang sakin.” Sabay ngiti.
“Okey, thanks so what’s your name again?”, tanong ni Jessie sa magbestfriend.
“I’m Claire and this is Leah.” Sabay ngiti nila sa isa’t-isa at nagshake hands.
SA CANTEEN“So what you guys want to eat? Let me treat you.”“No thanks. Di ako nagpapalibre.”, sagot ni Leah.
“Pasensiya ka na di talaga marunong magpalibre yan. Ahh eh salamat na lang. Kami na lang sige na.”, pabulong na wika ni Claire.
“But guys please. Let me.”, pagmamakaawa naman ni Jessie.
“Mr. Romero, I don’t want to be mean, but I thought you understand Tagalog.”, pagalit na winika ni Leah.
Bago pa lumala ang lahat ay pinauna na ni Claire si Leah at pinagbigyan na lang si Jessie. Habang nakapila ang dalawa…
“Why are you doing this?”“What do you mean Claire?”“Nakikipagkaibigan ka sa amin at nililibre mo pa kami?”“Ahhh…”“Anong ahh? May gusto ka ba sa best friend ko? Kanina pa kasi kita napapansin na nakatingin sa kanya eh. Nasa harap tayo pero nakatingin ka sa liked. Feeling ko nga mababali na ang leeg mo eh.”“Huh?”“Ano na? Di mo ba ako maintindihan?”“Naiintindihan. Wag kang Ma---su--”“Hahaha.
. Masungit!”“Yeah, there you go.”“Excuse me, wag kayong magdaldalan dito mahaba ang pila. Magbayad na kayo.”, wika ng cashier.
“Ate sorry. Bago kasi tong kaibigan ko dito. Wag ka ng magsungit.” Pangiting sagot ni Claire.
“Okey, sorry about that. Here, keep the change.” Sabay abot ng 60 pesos at umalis na.
Habang naglalakad sila papunta sa table ay nangulit na naman ng nangulit si Claire.
“So Jessie, ano nga? May gusto ka ba sa kanya?”“No. I don’t. She just reminds me of someone close to my heart.”