Chapter 2
“DETENTION FOR 2 WEEKS?! AT BAKIT NAMAN!?”Did I say worth it? Baka masyado lang akong nagandahan sa painting nung mga oras na yun at bigla kong nakalimutan na sasabunin ako ng nanay ko kapag nalaman niyang nagkadetention ako.
“Eh ma…kasi yung batchmate ko sinabi niyang b*tch ako sa harap ng lahat ng highschool students present dun sa gym.”Humawak naman si mama sa ulo niya at ako eh napatingin lang sa taas.
“Ano naman ginawa mo?”Aba, at bakit yata parang interested itong sister “dearest” ko?
“Ni-spike ko yung bola papunta sa kanya.”And to my greatest shock, ngumiti siya. Whoa…
“Nicely done. Pwede ka naman palang hindi ikahiya eh.”At pagtapos nun eh umalis na siya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi niya o ma-offend dahil parang pinaparating niya na kinakahiya niya ako. hindi narin ako nakapili kasi nagsalita na ulit si mama.
“Hay naku kayo talaga! Parehong pareho kayong magkapatid!” “Ew! Wag mo akong itulad kay Ate Cass ma! Hindi ako maarte’t malandi!”Binatukan ako ng nanay ko nun at yun, pinaakyat na sa kwarto ko. Siguro nga naawa na siya sa akin at hindi na niya ako pinarusahan pa. Pagdating ko naman sa kwarto ko eh nag-internet kaagad ako. Nagdalawang isip pa nga ako kung mag-ym ba ako o wag nalang pero napili kong mag-ym nalang. Ewan ko, may kakaiba kasi eh…
cuteboi: hey!Napangiti ako bigla nung nag-im siya. Hay, ang weirdo mo Andy.
sassygirl: eicuteboi: oh, bkt prang d k yata mkulit ngeon?!Natawa naman ako sa kanya. Paano, nung isang araw kasi nakikipagtalo ako sa kanya na mas makulit ako eh, tapos ngayon sobrang iba. Hay, and it’s all thanks to Keri.
sassygirl: ala sa mood ehcuteboi: ashu. Mood dwsassygirl: nvm. So wacha doin?Matagal tagal din siguro kaming nagchat nun. Pagtingin ko sa orasan eh 9 na pala. Teka, bakit parang hindi yata sila nagyaya kumain? Wag mong sabihin parusa ko ito?
Bumaba ako at nakita kong may nakahandang pagkain dun. Si ate Cass naman eh nakaupo sa sala.
“Si Mama?” “umalis, may pinuntahan, hindi ko alam kung saan.”Aba, kumpleto. Kaya pala walang tumatawag eh. Kumain narin ako nun tapos sinabayan pa ako ni Herc. Hindi kami nagpansinan kasi siya eh nag gameboy habang kumakain at ako naman eh wala sa mood para sermonan siya.
Pagkaakyat ko sa taas naligo lang ako ulit at natulog na. Hay, ano naman kayang mangyayari bukas?
****
2nd day ng foundation week. Tuwang tuwa pa yung school namin kasi panalo kami sa game kahapon. Natouch nga ako sa mga teammates ko kasi inuwi nila yung isang bola mula dun sa school na iyon. Pasaway tong mga to.
“Ano ba yan, bakit niyo dinekwat??” “Ano ka ba, at least man lang kahit hindi ka nakasama eh feel mong nakarating ka doon dahil may bola ka nila.”Natawa naman ako sa kanila at syempre nagpasalamat narin. Walang classes ngayon, lahat busy sobra sa mga booths nila. At syempre, kami rin magbabarkada busy sa sarili naming booth. At alam niyo ba kung ano yun?
“Hali na kayo! Lahat ng mga nangangarap pakasalan ang mga crush niyo…dito na kayo! And don’t worry! May blind fold para hindi nila malaman kung sino kayo!”Ewan ko ba. Ang common na ng marriage booth. Pero itong si Cheeky eh…pinagpilitan. At para daw may twist, nakablind fold yung mga ikakasal para syempre yung mga secret crushes will still remain secret. Ayos naman, mula kaninang umaga eh hindi parin kami nawawalan ng customer. Ang saya nga eh.
Nung maglulunch na, nag-excuse naman ako sa kanila. Ako na yung nagvolunteer na bumili ng pagkain namin. Actually, ako lang bibili pero pera nila. Ano sila? Sinuswerte? Mwahaha.
Pumunta naman ako kaagad ng canteen at pinili yung mga paborito nila. At syempre dahil nga may karamihan yun at mag-isa lang ako, hirap na hirap akong magdala nun. Mas lalo pa akong nahirapan ng…
“HOY! Ano bang ginagawa niyo?” “Sorry Andy, paying customer eh!”Piniringan ako ni cheeky at yun, naramdaman kong may kumuha ng mga dala ko at kinaladkad niya ako. Huminto kami at narinig kong may bells na nagring. Teka, ito yung sa booth namin ah.
“---to witness the union of Miss Andy Ongpauco and Mr. Anonymous.”Hmf, ano ba yan, bakit pati ako napasama sa kalokohan namin?! Hmf! Naman oh!
Pagtapos nung ceremony eh tinanggal na nila yung piring sa akin at syempre, wala na yung guy na kung sino man yun.
“Sino yun??” “Sorry Andy! It’s confidential!”Hay, there’s no point in forcing Cheeky. Baka masabunutan pa ako niyan eh. Kumain naman na kami dun sa booth namin at swerte nalang kasi walang customer nung mga oras na yun. Kesa naman diba habang on going yung ceremony eh may naririnig kang ngumunguya. At malay mo pa tumalsik yung mga kanin sa bibig nung “pari” na nagsasalita. Nakuha rin siguro yun ng iba kaya hindi na nagpunta.
Nung matapos kaming maglunch, nagsidatingan na ulit yung mga tao. Ang pinakanakakagulat ngang dumating ay si…
“Oh Sasha! Napadaan ka?”Magkakilala pala si Sasha at si Cheska. Kaya ko nga nakilala yan si Sasha eh, dahil diyan sa kaibigan kong iyan.
“Ahh…ehh, mag…request sana…”Napatingin lang ako sa baba noon. Grabe, medyo na-hurt ako dun ah. Okay lang yan Andy, kaya mo yan! Aja!
“Sino naman ang maswerteng *cough* babaeng napili mo??”Hay naku itong si Cheeky talaga. Pasaway!
“Umm…kung pwede sana…si…si…”Tumingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin. Naramdaman kong uminit yung mukha ko kaya iniba ko yung tingin ko. Grabe, hindi rin pa-obvious no? Buti nalang hindi “feeling” itong si Sasha.
“Si Pau.”Feeling ko biglang nabasag yung puso ko. Wah, corny man pero yun talaga eh. Ouch, ang sakit. Bakit sa lahat pa ng magugustuhan niya…yung masama pa yung napili niya?
“Hindi kami nagkakasal ng demonyo…”Si Cheeky talaga…
“Ha? A-ano yun?” “Ah, wala sabi ko saan siya ngayon?”Tinuro naman niya kung nasaan si Pau. Hay grabe, ang sakit talaga. Lalo na dito oh *points at her heart*. Matagal tagal ko na kasing crush yang si Sasha eh. Mahal ko na nga yata…hay, matatanggap ko naman sana kung iba yung babae eh…kaso si Pau pa, the evil clone.
Nag-excuse muna ako sa kanila at umikot ikot. Napadpad ako dun sa playground sa may grade school tapos nagswing nalang muna ako.
“Selos ka?”Si Vince lang pala…tumango lang ako sa kanya tapos siya eh umupo sa tabi ko at huminga ng malalim.
“Ang sakit Vince…” “Alam mo, pag andito si Cheeky ngayon, nasampal ka na nun. Bakit mo ba siya nagustuhan in the first place??”Tumingin ako sa kanya ng malungkot tapos huminga rin ng malalim.
“Ewan ko ba…basta alam ko, gusto ko siya. Mahirap explain eh. Hindi mo rin maiintindihan.” “At bakit naman hindi? Alam kong nararamdaman mo no.” “Eh kasi po hindi ka pa na-iinlove..”Napatingin ako sa kanya tapos nun eh nakakunot lang yung noo niya.
“Sino naman nagsabi sa iyo niyan??” “Na-inlove ka na?! Ano ba yan, hindi mo man lang sinasabi sa akin…” “Hay naku Andy…” “Paano mo naman nasabi na alam mo nararamdaman ko…? ” “Kasi…yung mahal ko…may mahal din iba. Ang mahirap pa dun, malapit siya sa akin ng sobra.”Hmm, kawawa naman pala itong si Vince eh. Hay, magkaibigan nga kami. Pareho kaming sawi. Nagkakuwentuhan pa kami ng husto nun at masasabi kong mas lalo pa kaming naging close sa isa’t isa. Bumalik narin kami nung mga hapon na. Wala narin “nagpapakasal” kasi uwian na nung mga oras na yun. Nagligpit lang kami tapos nagkayayaan na umuwi.
Ewan ko nga kung bakit pero hindi ako sa kanila sumabay nung mga oras na yun. Una nga eh nagtaka sila at gusto pa akong samahan pero napilit ko rin na wag na. Paano, sinabi kong pupunta akong library. Eh knowing Cheeky at yung iba, madadaldal yan…bawal sila sa library. Nung nakaalis na sila hindi ako dumiretso ng library. Palusot ko lang yun eh. Instead, nagpunta ako ng art room. Ewan, gusto ko ulit makita yung painting eh.
Pagpasok ko naman dun ibang painting ang bumulaga sa akin. This time, babae naman siya at may kalarong bata sa isang sandbox. Grabe ang ganda talaga. Lumapit ako dun sa painting at pinagmasdan ng matagal. Ang saya saya nung mukha nung mga tao sa painting…para bang wala silang worries. Hay, sana ako rin maging ganyan.
“Bakit andito ka na naman?”Grabe, may plano ata tong lalaking to na bigyan ako ng heart attack eh.
“Gusto ko pa naman mabuhay no…”Tumingin siya sa akin ng nagtataka tapos lumapit dun sa may painting.
“Anong pinagsasabi mo diyan?” “Wala.”Pareho kaming nakatitig lang dun sa painting. Hindi ko nga alam kung mga anong oras na yun eh basta alam kong matagal din ako dun.
“Ang ganda talaga. Sana balang araw makilala ko rin yung nagpapaint niyan. For sure he/she’s a great person.”Tumingin naman siya sa akin tapos nakakunot yung noo niya. Hmf, bakit ba ang moody niya? Mas moody pa nga yata yan kesa sa babaeng may period eh.
“Don’t judge an artist by his work. Hindi mo pa kilala sinasabi mo nang great person. What if you’re wrong?”Tumingin ako sa kanya tapos nagtaas ng kilay.
“Ayos lang. There’s no harm in thinking it anyway. Saka, I doubt naman na makikilala ko siya. Kaya nga “sana” eh.”Hmf, ang taray talaga nitong lalaking ito. Bahala nga siya sa buhay niya. Umalis na ako nun at hindi ko na siya nilingon. Wala narin akong pakielam kung ano man gawin niya eh. Bahala siya.
Pagkauwi ko ng bahay eh kumain na kami kaagad at syempre pagtapos nun umakyat na ako. Since wala naman lesson nitong week at tapos ko na yung mga assignments ko, nag-internet nalang ako at naghanap ulit ng pics ni Mirmo. Syempre, kasama narin dun yung pag-online ko sa ym.
cuteboi: hey!sassygirl: hey ka rincuteboi: bkt ngaun k lng?sassygirl: ala. Bkt? Ntay m ba q?cuteboi: uu kyaAt syempre, nag-usap na kami ng tungkol sa kung anu-ano. Mga 10 narin siguro nung natulog na ako. Nakakapagod din kasing maghanap at maghabol dun sa mga nirequest ng mga gustong magpakasal.
The next day, maaga akong nagising. Mga 5 pa lang ang taas taas na nag energy ko. Ewan ko ba, hindi ko nga rin maintindihan sa sarili ko eh. Ano kayang nangyari?
Tinext ko naman si Vince na gising na ako, for sure gigising narin iyan at mag-aayos. Minsan nga wag ko siyang I-text para at least makatulog din ng mahimbing yan. Kahit hindi niya sabihin alam kong nakakaperwisyo din yung gigising ka ng napakaaga no.
By 6 am natapos na ako ng lahat ng kelangan kong gawin. Lumabas narin ako ng bahay nun at syempre, andoon na kaagad si Vince sa labas ng bahay nila.
“Ikaw ba eh kumain na?” “Oo naman. Bakit?” “Wala eh kasi pag di ka pa kumain eh maguiguilty na ako niyan…”Nginitian niya lang ako tapos nun eh tumuloy na kami sa school. Pagdating namin medyo may tao narin. Unang ginawa namin ni Vince eh nag-ayos ng booth para mamaya eh continuous na yung mga request at hindi na kami madedelay di tulad kahapon. Malapit na magbell nung mga oras na nakarating yung iba naming kasama.
Okay naman yung business, naks business talaga eh no? Marami rami ulit yung mga taong nagpaparequest, at ako eh marami rami din ang mga hinabol. Ayos lang naman sa akin yun eh, kasi grade din namin katumbas nun. Saka masaya din tumakbo no.
By lunch time, pagod na pagod na kaming lahat. Hindi lang yun, gutom na gutom narin. Sino ba naman and di magugutom diba? Eh daig ko pa yata ang sumali sa marathon eh.
Dumiretso kaming magbabarkada sa canteen at bumili na ng pagkain namin tapos diretso sa tambayan.
“Ei Andy, pinapatawag ka ni Mrs. Asoha.” “Oh? Bakit daw?” “Tungkol daw dun sa detention mo.”Ow, muntik ko nang makalimutan yun ah. Nagpaalam naman ako sa mga kaibigan ko at dumiretso na sa office ng vice principal namin. Hay, ano kayang parusa ko?