wa, e2 na new story ko...hahah sana po magustuhan niyo

Prologue
“Mine!”Takbo rito…Takbo roon…
“Mine! Mine! Mine!”*PRRRRRRRRRRRRRRRT*
Napatingin kaming lahat kay coach Vicedo, ang naghahandle ng varsity volleyball.
“Sir bakit?” “Practice is over. Pwede na kayong makauwi. May emergency meeting ang teachers.” Aw, pagkasinusuwerte ka nga naman oh. Ayos! Lahat kami tuwang tuwa at dumiretso na sa locker room at naligo na.
“Oh Andy, uuwi ka na agad? Daan ka muna kina Che, may party eh.” “Party? Eh araw araw na yatang may party kina Che eh. Saka, marami pa akong gagawin. Saka nalang.” “Oh sige. Ingat sa pag-uwi.”Lumabas na ako sa locker room, at syempre, mabango na ulit. Pagkababa ko eh dumiretso ako sa classroom kasi doon ko pa imemeet yung barkada ko. Sabay sabay kasi kaming umuuwi. Pagdating ko sa classroom eh laking gulat ko na nakikipagtalo na naman si Cheeky kay Kit, ang aming sc president.
“HOY! Mr. Kit! Hindi porket SC president ka eh pwede ka nang manlait ng mga baklang katulad ko. I may be gay! But I’m a proud gay!”Hay, naku, si Cheeky talaga. Oo nga pala, Chester ang tunay na pangalan ni Cheeky. Nakilala ko yan nung 1st year high school pa lang ako. Aba, kakaiba pa yung approach niya sa akin, biruin niyo, makikipagkilala nalang yan eh bibigyan ka pa ng pasa. Sabi niya, remembrance daw. Hmf. Yan nga rin pala ang may kasalanan kung bakit ako natuto ng gay language tulad ng mga ang chaka chaka o kaya mga kung ano pang kaekekan. Basta, nakakatuwa nga eh.
“Oh Cheeky, tama na. Nag-uusok na naman yang ilong mo oh.”Yan naman si Cheska. Ang kakambal ni Cheeky. Magkabaliktad sila ng ugali ni cheeky, dahil siya sobrang tahimik saka ayaw sa gulo. May pagkawar-freak din kasi ang kambal niyan eh.
“Oo nga naman Cheeky, tama na.”Ayan si Marla. Mabait yan, elegante. Kaya nga yan nagustuhan ni Stephen eh, yung isa ko pang kabarkada.
“Huy Cheeky ano ba…”At syempre, ang kukumpleto ng barkada namin, si Vince. Sa mga kabarkada ko, siya na ang pinakaclose ko. Kilala ko kasi yan mula pa nung bata ako eh. Pareho kaming laking France at pareho ding lumipat dito nung magsimula kaming mag-aral. Magkaibigan kasi yung pamilya namin eh. As in close talaga.
“Oi Kayo, tara na nga…”Lumingon naman sila sa akin at parang gulat pero ngumiti rin.
“Cheeky ah…tama na yan.” “Hmf! Pasalamat ka Mr. Kit at dumating ang friend ko kung di, hmf!”Yung Kit naman na sinasabi ni Cheeky eh yung student council president-slash-habulin-slash-soon-to-be-valedictorian (obvious kasi) na kabatch namin. Okay sana siya eh, kaso parang ang laki ng grudge niya sa mga bakla. Ewan ko ba diyan, wala naman ginagawa si Cheeky diyan.
Gaya nga ng sabi ko kanina, sabay sabay na kaming umuwi. Pinakamalapit sa school namin si Stephen kaya siya pinakaunang nadaanan. Naglalakad lang kami kasi hindi rin naman ganoon kalayuan ang mga bahay namin. Walking distance lang talaga.
Sumunod kay Stephen si Cheeky at si Cheska at syempre pagtapos nun si Marla na. Usually talaga kami lang ni Vince ang natitira kapag umuuwi. Paano, magkatapat ang bahay namin eh kaya nga swerte ko at naging kaibigan ko yan eh, kasi parati akong may kasama umuwi hanggang bahay.
Pagdating ko naman sa bahay kumiss lang ako sa mama ko at syempre umakyat na sa kwarto. Grabe, nakakapagod din kasi tong araw na ito eh. Buti nga at tapos na yung exams namin. Oo nga pala, 3rd week of August ngayon at next week na yung foundation week namin, tiyak busy na naman kaming lahat niyan.
“Cass! Andy! Bumaba na kayo diyan at andito na ang tita Edna niyo!”Hay, si mama talaga, ang taas taas ng energy. Grabe, tinatamad akong bumaba, bakit? Kasi ang gagawin lang naman ni tita Edna pag nakita ako eh makikipagbeso beso at papupulahin ang pisngi ko sa kakakurot. Ewan ko ba, biniyayaan ako ng Diyos ng ka-cute-an kaya ayan, minsan nagdudusa ako.
“CASSIOPEIA QUELLISHA! ANDROMEDA YZOBBELLE!”Hala patay na, buo na yung pangalan. Tumayo na ako at bumaba. Ayoko ngang mahabol ng walis no. Pagkababa ko naman, nakasalubon ko ang aking evil sister at ayun, inerapan niya ako. Hmf, ang arte niya.
Pagpunta ko sa sala namin eh may biglang balyena---este mataba---este babaeng yumakap sa akin. Napausog pa nga ako eh, akala ko katapusan ko na. Joke lang.
“Andy! Ang laki laki mo na oh! Nung dati kong punta dito eh ang liit liit mo pa at wala ka pang dibdib!”Tama bang ipagkalantaran ang pagiging flat chested ko dati?! Hmf, sabagay, bata pa ako nun eh. Ano bang magagawa ko?!
“Edna…wag mong hiyain yung bata…” “Hanggang ngayon naman eh wala parin.”Aba, mukhang naghahanap ng away to ah. Hmf, bahala nga siya. Teka nga…aray…hindi ako makahinga.
“Tita…hi-hi-hindi ako maka-hi-hi-hinga…”Humiwalay naman siya kaagad at tumawa. Umupo ako dun sa kabilang sofa sa tabi ni Mama at si tita Edna naman sa tabi ni Ate. Ayoko ngang makatabi si ate no mamaya kung anong pinaplano niyan at umikli ang buhay ko.
“Asan na ba si Herc at bakit ang tagal ng inumin natin?”Napangisi ako dun sa pangalan ng kapatid ko. Herc. Short for Hercules. I know, ang weweird ng pangalan namin. Ewan ko, may pagkaaddict kasi nanay ko sa mga constellation eh. Ang hilig niya dun sobra kaya ayan tuloy, kaming magkakapatid ay may napakaweird na mga pangalan. Isipin niyo ba naman, sinong matinong nanay ang magpapangalan sa mga anak niya ng Cassiopeia Quellisha, Andromeda Yzobbelle at Hercules Rexidor?! Diba? Ang nakakainis pa dun, halatang sariling imbento lang nila yung mga second name namin. At ang sisisihin naman para diyan eh ang daddy ko na napakawide ng imagination. Writer-slash-Psychologist kasi kaya magaling mag-isip ng kakaibang pangalan.
“Andy, puntahan mo na nga yung kapatid mo at baka hirap na hirap na yung sa pagdadala.” “Huh? Bakit ako? Bakit hindi nalang si ate?”Tumingin sa akin ng masama yung ate ko at yun, inerapan na naman ako. Aba, nakakadalawa na siya ah.
“Bakit mo pinapasa sa akin yan eh sa iyo inutos??” “EH bakit ang arte arte mo?”Totoo naman eh, ganyan naman parati yan. Sobra kung mag-inarte lalo na kung inuutusan siya nina mama. Akala mo kung sino magsalita eh siya rin naman pinapasa sa akin o kaya kay Herc yung trabaho niya. Hay, kelan kaya kaming 3 magkakasundo?
“Tama na nga yan. Andy hindi ka ba susunod? Baka naman gusto mong walang cellphone at bawal lumabas next week?”Gulp.
“Susunod na po…”At yun tumayo na ako at yung ate ko naman nagbelat sa akin. Hmf, nakakapangulo ng dugo talaga. Pagdating ko naman dun sa kusina namin eh andoon nga si Herc pero naglalaro siya ng gameboy niya. Kaya ayun, binatukan ko nga.
“Aray ate! Ano na naman ginawa ko sayo??” “Hoy Herc, kanina ka pa hinihintay ni mama, asan na yung inumin?”Nagkamot siya ng ulo tapos tinuro dun sa may lababo. Hay, hindi parin siya nagtitimpla?! Ano ba yan. Nagmagandang loob nalang ako at nagtimpla ng juice tapos nagpatulong na dalhin yun sa sala. Nagkukuwentuhan sina mama at si Ate Cass naman eh nagtetext na naman sa kung sino sino at syempre si Herc eh nag gagameboy. Teka, ano pa bang ginagawa ko dito eh wala naman may kelangan sa akin dito eh.
Nagpaalam na ako kay mama na umakyat at yun, pumayag naman. Pagdating ko sa taas eh ginawa ko na yung mga homework para next next week. Ayoko kasi maghabol kapag foundation week na namin eh. Panigurado naman na hindi ako makakaisip ng matino.
Tinapos ko yun lahat kaya medyo 11 narin ako nakatulog.
***
Nagising ako ng maaga aga kinabukasan kaya maaga rin akong natapos. Nagulat pa nga si Papa at bakit daw 5:30 pa lang nakahanda na ako. Akala nga niya may field trip kami kaya nagworry pa siya na wala daw akong snacks. Pero syempre, inexplain ko lang na nagising lang ako ng maaga kaya ayun, natahimik din siya.
Hindi na ako nagpahatid sa driver kahit na madilim. Actually, tinakasan ko nga lang yun eh, buti hindi ako nakita. Paano, sinasabi ko naman sa kanila na bakit pa kelangan magpahatid eh pwede ko naman lakarin. Kaso yun talaga ang gusto nila eh pero syempre minsan, nakakatakas parin ako. ang swerte ko nga eh.
6 na nun nung umalis ako ng bahay. Nakita ko nga rin na lumabas na si Vince kaya nagsabay na kami. Nagkuwentuhan kaming dalawa kaya mas mukhang napabilis yata yung paglalakad namin. Sabi nga nila, time flies when you’re having fun. Pagdating namin sa school dumaan kami ng locker at dumiretso na ng classroom. 6:15 pa lang nun kaya wala pa talagang tao. Hindi narin kami nanibago dun.
“Bakit nga pala ang aga ng gising mo ngayon?”SA totoo lang kasi, kaya kasabay ko si Vince eh kasi tinext ko siya na maghanda na. Hihihi, tulog pa nga yata yan nun eh pero alam ko namang hindi niya ako matitiis eh.
“Wala lang. Nagising lang ako ng maaga eh. Sorry ah, mukhang nagising yata kita…”Ngumiti naman siya sa akin at umiling lang.
“Wala yun ano ka ba. Ikaw pa.”Nag-usap pa kami nun at syempre, dumami narin yung mga tao. Hindi nagtagal, bell na at nagsimula na yung class namin.
“Okay class, gusto ko lang I-clarify na yung mga gustong magtayo ng booths nila next week para sa foundation week eh magsign up lang sa akin. Meron narin akong listahan ng mga taken na na booths kaya habang maaga aga pa eh tumingin na kayo para hindi kayo maagawan.”Maraming studyante na lumapit kay Miss at tumingin dun sa papel. Kami namang magkakabarkada eh nagsimula na magchikahan at syempre, nasa pamumuno ni Cheeky.
“Losyang. Si Bella yun no hindi si Marsha.”Since hindi ako masyadong makarelate dun sa pinag-uusapan nila lumabas muna ako at dun sa tapat ng classroom namin nagstay. May upuan at table kasi dun. Tumigin tingin ako sa ibang classroom, halatang homeroom period talaga kasi halos lahat eh kung hindi nasa hallway eh nag-iingay dun sa loob ng classroom nila.
Napalingon naman ako dun sa katabing section namin at nagulat ng biglang lumabas si mr. SC president. Hmf, may atraso pa yan kay Cheeky.
Tumingin siya sa direksyon ko at aba, tama bang taasan niya ako ng kilay? Feel naman niya na magkaka----OH MY GOSH! Si…si…si Sasha!! Napansin niya yata yung pagkalaki ng mata ko kaya tumingin siya dun sa tinitignan ko. Pumasok naman ako kaagad kasi baka kung ano pang sabihin niya. Pagdating ko pa nga kina Marla eh nanloko pa.
“Ano bruha? Nakita mo na naman si Sasha?”Si Sasha nga pala ang long time crush ko. Mabait yun at cute. Yun nga lang, nerd talaga siya. Kapag kausap mo eh ang parati niyang bukambibig eh science. Kulang nalang nga daw pakasalan niya yun eh. At ang sabi pa ni cheeky dati…
“Asus, kung pwede nga lang eh malamang matagal na niyang ginawa.”Pero wala akong pakielam sa mga yun. Basta crush ko talaga siya.
“Ewan ko ba sa iyo Andy, maganda ka naman. Bakit siya pa ang nagugustuhan mo?” “Tigilan niyo nga ako.” “Nagsasabi lang kami ng totoo.”Asus, if I know gusto lang niyang sumang-ayon kay Marla. Ewan ko ba diyan, may ibubuga naman pero natotorpe parin. Hmf, guys.
Lumipas yung yung oras ng mabilis. Wala kasi kami masyadong ginawa sa mga subjects namin eh, paano pati mga teachers busy narin. Saka ayaw narin nila magturo ng heavy lecture ngayon pa’t malapit na magfoundation week. Masasayang lang effort nila dahil paniguradong lumilipad mga utak ng students.
****
“Andy bilis, gutom na kami. “Oo teka lang.”Saan na ba yung wallet ko? Argh…badtrip. ASAN NA YUNG WALLET KO!?
Pumasok sila tapos pumalibot sa akin.
“ano bang hinahanap mo diyan?” “Yung wallet ko…nawawala.”Medyo naluluha pa nga ako nun. Alam kong mababaw pero marami rin nakalagay dun no. May mga pictures. PICTURE! May picture si Sasha dun. Waaa…nakakaasar naman. Please makuha na ng kahit na sino, wag lang ni Sasha.
“Tara na Andy, lilibre nalang kita.”Ngumiti ako kay Vince. Grabe, sobrang grateful ko talaga sa lalaking iyan. At ayun, nagpunta na kami ng cafeteria at syempre bumili na ng mga pagkain namin. At syempre pagtapos nun eh dun kami nagstay sa tambayan namin. Sa stairs papuntang gym.
“Nakita mo ba kung paano makatingin yung bruhang yun kay Trek?” “Sino?” “Sino pa ba Andy? Eh di si Keri!”Ah, siya pala. Si Keri nga pala yung pinakamaarte, pinakamalandi, pinakaflirt, pinakasuplada at PINAKANAKAKAINIS sa lahat ng kabatch namin. Paano, sobrang landi lalo na sa kung kani-kaninong lalaki. Gusto niya yata na sa kanya mapunta lahat ng lalaki sa mundo. Well of course, hindi nyia yata magalaw mga kaibigan ko dahil sapok ang abot niya sa amin.
“Speaking of the devil. Tignan niyo incoming flirt, 12 o’clock.”Tumingin naman kami sa tinuro niya at tama siya, paparating nga si Keri at ang dakila niyang clone na si Pau.
“Tabi nga. Yuck.”Pinigilan naman namin si Cheeky kasi naghahanda nang sumabunot.
“Ano na naman kelangan mo ha bakla? Yung mga tulad niyo eh walang karapatan naman talaga sa school na ito eh. bakit kaya hindi nalang nila kayo paalisin? You’re making the school look ugly.”At yun, ewan ko kung yun ba ang tinawag na adrenaline kasi bigla nalang lumakas si Cheeky at sinabunutan na si Keri.
“What’s going on!? Are you fighting?! Kayong lahat, sumama kayo sa akin sa office ngayon na!” At pagkaminamalas ka nga naman oh. Yung vice principal pa talaga ang nakahuli sa amin. Hay, gulo na naman ito.
Sinama niya kami sa office niya at yun tinanong kaming magexplain. Sabay sabay naman kaming nagsalita kaya pinatahimik kami muna.
“Miss Meridian, ikaw muna ang magsalita.” “Eh kasi naman po ma’am eh,. yang baklang yan biglang sumugod nalang. Wala naman akong ginagawa sa kanya.” “Anong wala? Ito gusto mo?!” sabi ni Cheeky at umarte na parang manununtok. Si Keri naman eh mukhang takot na takot at yun nagtago sa likod ni ma’am.
“Stop it! Ikaw naman Mr. Oliveros. Bakit mo siya sinabunutan?” “Miss she provoked me! Pinalabas niyang basura lang daw kaming mga bakla dito sa school!” “Bakit!? Hindi ba!?”At ayun, sumugod na naman si Cheeky pero syempre inawat na namin.
“STOP! Bawal ang makipag-away sa school and you know it’s a serious offense. I should even be suspending you from the activities next week---” “Ma’am wag po!Promise hindi na kami mag-aaway!”Nagulat naman kaming lahat at nagkasundo pa yung dalawa. Tumango lang si ma’am at yun, pinabalik na kami sa classroom. Whew. Muntik na yun ah. Si cheeky naman eh todo ang dada tungkol kay Keri at hanggang sa makarating kami sa classroom. Nakakatulilig na nga sa tenga eh pero hinayaan nalang namin. Mas mabuti na yun kesa sa manakit pa siya at magkaoffense na talaga.
Gaya kanina, mabilis parin naman yung paglipas ng oras. Wala na talaga kaming ginagawa sa klase. Buti nga at nag-announce sila na na-cut na daw yung class kasi may meeting ang teachers. Hay, salamat naman.
Pagdating ko sa bahay wala pa sina Ate at si Herc. Nagulat pa nga si Mama na kung bakit daw maaga ako. Akala pa nga niya na nag-cutting ako eh, tinawanan ko lang naman siya.
Umakyat na ako kaagad sa kwarto at yun nagbihis. Mag-iinternet na sana ako kaso lang biglang nagring yung telepono.
“Hello?” “Hello? Pwede kay Mrs. Ongpauco?” “Umm…saglit lang po.”Lumabas ako ng kwarto at sinigaw kay mama na tawag siya. Agad agad naman niyang sinagot yun kaya binaba ko narin yng phone.
*RING*
Hai ano ba yan, bakit ba ang daming tumatawag?
“hello??” “Hello Andy! Punta ka dito kina Stephen. Andito kaming lahat eh tapos labas tayo puntang mall.”Mall? Nang-aasar ba sila? Eh wala nga akong pera eh!
“Pe----” “And don’t worry about the expenses. Ililibre ka raw ni Vince.”Grabe naman yun. Hindi kaya sobra na?
“Wag nalang…nakakahiya na kay Vince.” “Aba, at kelan ka pa natutong mahiya?” “Sobra ka naman...” “Dali na please?? Di kumpleto barkada pag wala ka eh.”Ashu, flattered naman ako dun. Nyahaha, sige na nga.
“Okay.”Medyo nilayo ko yung phone ko sa tenga ko dahil biglang sumigaw si Marla. Walang hiya ito, may balak pa yatang basagin ang ear drums ko. Hmf.
Nagpaalam narin naman siya at ako eh nagbihis na naman. Nung ready na ako eh bumaba na ako para magpaalam. Nakita ko naman na nasa phone parin si Mama kaya sumenyas nalang ako sa kanya. Pumayag naman siya basta wag pagabi. Ganun naman parati eh. Lalabas na ako nun nung marinig ko ang…
“Oh? Nasa MPU din siya? Andun din ang anak ko! Baka naman classmates sila? Okay…that’s a great idea!”At pagtapos nun eh lumabas na ako. Ewan ko kung bakit pero
I suddenly had a bad feeling.