Ito na po yung next! Salamat sa mga nagcomment. Maasahan ko talaga kayo! Tnx ulet.
much love,
marrem

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nagsmile naman sya tapos tumakbo na dahil pumito ulit si Sir .
Ang tanga ko talaga. Naka pang- basketball pala sya. Bakit ba hindi ko napansin yun? Naka black and green na jersey sya.Tapos nakalagay doon yung logo ng school at yung name ng team.‘warriors’ .
Sya pala ang captain. Nyay! Kakahiya. Ininsulto ko yung sport nya. Napikon kaya yun? Well, anong magagawa ko. Ayoko naman talaga ng basketball.
Sino nga ba yung kausap ko na’yun? Well, sya si V-jay Radley Rivera. Bukod sa captain sya ng basketball (na ngayon ko lang nalaman), classmate ko din pero hindi kami close.Sikat sya sa school palibhasa basketball player.Crush ng bayan.Doon sa ‘bayan’ hindi po ako kasali dahil I can’t imagine myself admiring a basketball player. Medyo suplado rin minsan.Ahmm...ano pa ba? Wala na. That’s all I know.
Hindi naman kami nagklase kanina dahil nga sa varsity thing na yun. Nanood sila sa gym at ako?kinalbo ko yung garden.
Habang papalabas sa gate,nakita ko si V-jay. Nagsmile sya sa akin kaya ngumiti na rin ako. Ngiting pilit.
Pag-uwi ko sa bahay,nagsoundtrip na lang ako dahil wala naman kaming homework. Hindi na ako nag-attempt manuod ng tv dahil tiyak naman na ililipat ni kuya sa basketball channel. Nakatulog na nga siguro ako habang nakikinig sa iPod, dahil ang sunod na nalaman ko, umaga na pala.
Nagriring yung phone ko.
Mama calling...
“Hi Ma. I’m fine. I know pupuntahan ko nga sya mamaya. Yeah.promise.”That’s my mom. Kahit na malayo sya, she still calls me just to check if I’m fine. Especially sa mga araw na tulad nito. Pumasok naman na ako sa school. Dumaan muna ako sa simbahan. This time, kasama ko si Daryll at Kuya Darren.
Maaga pa ng dumating ako sa school. Napatingin naman ako sa basketball court,kaya may naalala ako. Bigla naman dumating si Leah.
“Oi, ang lalim ng iniisip mo dyan.”
“May naalala lang ako.” Nakatingin pa rin ako sa basketball court.
“Ang tagal na rin pala ‘noh?” Tumango naman ako.Alam ko naman alam nya kung ano yung naalala ko na yun.
“Tara nga,lakad tayo”Naglakad-lakad nga kami ni Leah.Panay naman ang tira nya ng jokes. Para naman ngumiti ako dahil parang byernes santo daw ang mukha ko. Effective naman yung jokes nya kahit paano.
Nakafocus naman ako sa lessons namin. Kahit na medyo lumilipad yung isip ko paminsan-minsan. Nung breaktime,naupo lang ako doon sa may malaking payong at nagchew ng juicy fruit. Si Leah naman ay wala dahil may meeting yung club nila kaya solo flight ang drama ko.
“Denise.”
Nasan ba yun? Tumingin ako sa gilid at sa likod ko pero wala naman. Yun pala nasa harapan ko na. Si V-jay. Ang hilig manggulat nito.
“Ikaw na naman? Ginulat mo ko ha. Bigla ka na lang nasulpot.” Tumawa naman sya tapos umupo sa tapat ko.
“Sorry po. Ang layo ng tingin mo eh kaya hindi mo ko napansin. May problema ka ba?” “Ha..ano...wala.” at kung meron, hindi ko rin naman sasabihin sayo.
“Alam mo kung kailangan mo ng kausap, pwede naman ako.”“Ok lang ako. Thanks anyway.”“Sigurado ka?” Yung tingin naman nya ay parang nagdududa pa.
“Oo nga.” Kulit ah.
Tumango ako tapos inalok ko naman sya ng juicy fruit. Tinanggap naman nya tapos nagblow sya ng bubble. Pinapatunog pa nga nya ng malakas. Hanga naman ako dahil ang kaya ko lang ay yung simpleng bubble.Nagkwentuhan naman kami tungkol doon sa last subject namin. Nagalit kasi si Ms. Guevarra. Katakot nga yun eh. Parang kakainin kami. Nagring naman na yung bell kaya bumalik na kami sa room.
Noong uwian na, bumili muna ako ng juicy fruit doon sa labas ng school.Tinawag naman ako ni Leah at niyaya akong sumabay sa kanila pero tumanggi ako. May dadalawin pa kasi ako.
“ Ok lang. Wag na. Baka magtagal ako eh.”“Sure ka ha?" tumango naman ako.”
Sige pala. Bye na. Ingat ka. ”Umalis na sya at ako naman naglakad na rin. Dumaan muna ako sa flower shop at bumili ng bulaklak para kay Dustin. Dumeretso naman ako sa Holy Cross Cemetery kung saan sya nakalibing. Naupo ako doon sa damuhan. Nilagay ko yung flowers at sinindihan ko yung candle.
“9 years na rin, Dustin. Ang tagal na. Miss na miss na kita.” Hindi ko naman napigilan yung luha ko. Sabagay ok lang naman. Wala din namang ibang tao dito. Nagsasalita pa rin ako doon. Nagkwekwento kay Dustin tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa akin.
In the corner of my eye, may nakita akong sapatos. Kinabahan ako, baka kung sino na yun. Dahan-dahan akong lumingon.
“Denise.” Nagbuntong hininga naman ako. Hay....si V-jay lang pala.
Na naman?
“Tinakot mo ko dun ah. Anong ginagawa mo dito?” Tumayo na din ako.
“Sorry, sinundan kasi kita. ” Nyay.stalker!
“Kanina kasi sa school, napansin ko, something’s wrong with you.” Tumingin lang ako sa kanya tapos ibinalik ko yung tingin ko doon sa lapida.
“Dustin Lorence Mendoza?”