Hello! Ayan na... Tingin sa left, tingin sa right... Wala namang uupak sa akin dahil sa tagal kong hindi nag-update di ba?

Kung meron man, balaan nyo muna ako para naman magkaroon ako ng chance na makaiwas

Ano ba?

Ayun. Kung titingnan yung last update ko eh nilagyan ko sa dulo ng "end of chapter 32" wala na kasi akong maisip eh...

Pasensya na po... Magulo lang talaga ang utak ko... Pero pipilitin ko naman na matapos itong kwentong 'to (kwento nga ba ito?) para naman... wala lang

Maraming salamat po ulit sa inyo.

Sana po eh makita ko pa kayo na nagco-comment. To the highest level na po ang paghingi ko ng pasensya

Ayan. Thank you ulit.

Chapter 33: Words Are Not EnoughShow me that I'm wrong...
Hindi ko sinagot yung tanong nya. Iniwan ko pa sya dun.

Bukod dun ay hindi ko sya kinausap. Hindi din ako nagpakita sa kanya. Oo, isa na naman ako sa mga Pilipinong walang trabaho. Isa na akong tambay.
"Ayaw mo talagang maghanap ng trabaho?""Saka na. Wala ako sa mood na magtrabaho. Gusto ko lang magpahinga.""Tsk! Nag-away talaga kayo?""Nino? Ikaw ah... Gumagawa ka na naman ng kwento.""Ni Trev. Sino pa bang tinutukoy ko
Ikaw talaga... Anyway, iwan na kita. Baka ako na ang sumunod na maging tambay
"Magparinig daw ba? Well, almost 1 month na din naman akong walang nagagawang mabuti sa mundong ito. Puro kalokohan at kapalpakan ang nagagawa ko.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at dun ko ipinagpatuloy ang katamaran ko. Sa labas na lang ako magla-lunch. May pera pa naman ako eh
"Gusto mong tulungan kita na maghanap ng trabaho?""May sinabi ba ako na gusto kong magtrabaho?
""So aasa ka na lang sa parents mo at kay Anikka?""Pansamantala lang naman eh... Teka nga, bakit ba ganyan ka?""Para kasing hindi ikaw yan eh...""Huh?""Hindi ganyan ang Danica na kilala ko."Halos mabilaukan ako nun. Gusto ko syang sapakin... Pero isang malaking "ewan" kung bakit hindi ko ma-describe itong nararamdaman ko...
"Drew... Kilala mo ba talaga ako?"Natahimik sya.
"Sige, mauna na ako sa'yo."Tumayo ako bitbit yung burger at coke ko. Iniwan ko sya. Well, bakit pa ako magaabala na mag-antay sa kung ano ang isasagot nya kung alam ko naman kung ano yun.

Palibhasa, kung tatanungin ko ang sarili ko ngayon...
Yun din ang isasagot ko.
Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pag-iikot sa mall at pagpuna sa mga nakakatawang bagay dun... Tulad na lang ng isang CD case na nakita ko na may nakasulat na "
unbreakable" halos maluha na ako sa pagpigil sa pagtawa nun.

Malapit ng mag-7:00 ng umuwi ako. Inaasahan ko na gagabihin yung dalawang bruha kaya naman bumili na ako ng makakain ko. As in yung akin lang.
"You're my Honeybunch, Sugarplum. Pumpy-umpy-umpkin, You're my Sweetie Pie. You're my Cuppycake, Gumdrop. Snoogums-Boogums, You're the Apple of my Eye..."Oo na. Naloloka na ako dahil sobrang tahimik dito sa bahay

I can't take it! Ubos na ang pagkain ko. Halos lahat ng pirated dvds ay napanood ko na. Madaling araw na at wala pa din akong kasama. Hindi naman ako pwedeng basta na lang matulog dahil ako lang ang nandito

Inurong ko yung kama ko... Lahat ng gamit sa kwarto ko. Biruin nyo, nakaya ko yun

Tapos ay nagkalat ako sa kwarto ko. Para ng dinaanan ng tornado at kung anu-ano pang kalamidad

Kwarto pa ba ito?
"Danica, gising ka pa? --- Oh my... What happened? May pumasok ba na magnanakaw?
""Bakit ngayon ka lang?
Walang pumasok na magnanakaw.""Busy ako
. Eh bakit ba ang gulo nitong room mo? At bakit ba gising ka pa?""Wala lang. Trip ko lang na guluhin. Bored ako eh.""Alam mo... Kausapin mo na kasi si Trev para maging maayos na kahit papaano yang utak mo
"Ano daw?

Bakit naman napasama si Trev dito? wait... Parang... parang...
"Danica!
"