Raleigh
Extras
***2***
"uh oh." sabi ko sabay palo ko sa noo ko
badtrip naman oh.. nahuli pa tuloy ako ni Mama "san ka na naman pupunta?! gagala ka naman! pumasok ka dito at manlinis."
"Ma naman." napakamot naman ako sa ulo.."maglilinis ka? or cut off ang allowance mo?!
"argghh" asara naman si Mama eh..
padabog ako na umakyat sa hagdan..
pagpasok ko sa kwarto... malinis naman ah?! maliban sa mga damit na nagkalat, sa mga balot ng pagkain, at sa bedsheet na hndi ko inayos, e sa tingin ko malinis nga ang kwarto ko..
napahiga na lang ako sa kama.. pano na yan?! nakapangako na ako sa tropa ko na maglalaro kami ngayon..
maya-maya lang din, ay may narinig ako na parang may kung ano na tumunog sa may bintana..
sinilip ko naman kung ano un..
"Raleigh! kala ko ba maglalaro tau?!" si Brix lang pla.. tropa ko, sira ulo talaga naghagis ba naman ng bato sa may bintana..
"kayo nalang, hndi ako-hmm.." bigla naman akong may naisip.. ahaha.. "cge, sunod na aq"
pinulot ko ung mga nakakalat na damit at mga wrappers.. tapos, kumuha ako ng tagpi tagping tali at itinali ito sa may binata.. wahaha.. galing ko talaga..
dahan dahan akong bumaba, at nung nakarating na ako sa may gate, saka ako kumaripas ng takbo..
dumiretso na ako kagad sa club house, nandun kasi ung covered court eh..
"pare, bat ang tagal mo?!" sabi skin ni Brix habang nakikipag high five sa akin..
"xenxa na 'tol.. ano? start na tau?!"
nagstart na kami maglaro, aus nga ung game ng biglang..
"kami naman."
huh?! sino un?! ang yabang nun ah..
"teka, e naglalaro pa kami e, nauna kami dito." sabi q sa lalaking yun! ang angas e
lumapit naman xa sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa "babae ka?!" ay jusko.. pigilan nio ako.. ang presyon ng dugo ko!
lumapit ako sa kanya at nag chin-up pa ako.. "oo bakit?!"
cguro akala nia lalake ako, panoh ba naman sa porma at kilos ko mukha talaga akong lalake.. hndi naman sa malandi aq ah.. pero puro lalake kasama ko dito e, mas komportable lang kasi.. pag mga babae kasi puros kaartehan lang..
napansin ko namang nagbubulungan sila.. aba!? ayaw yata maniwala sakin na babae ako.. batukan ko na 'to eh..
"one on one na lang tayo, kung sino manalo.. yun ang maglalaro dito." aba! nakakaasar na 'to ah.. bat ba kasi nandito pa yang mga yan?!
"tara!" pumayag na rin ako.. hindi yata ako basta basta..
naging maayos naman ung game., habulan kami palagi sa score.. 35-33 ung score, in favor sakin.. o dbah?! galing q noh.. xempre naman, kanino ko pa ba matututunan yun edi sa tatlo kong kuya..
last 10 seconds na nung game.. nasa akin ung ball.. ready na sana aqng mag-shoot ng nakita ko si, teka hndi ko pa pala alam ang name niya.. basta nakita ko xa, alam nio ung tipong gumagawa ng commercial, parang gnon.. feeling q nga nag slow motion ang lahat e,, ang ganda kasi ng effect ng hair nia na nagba-bounce bounce pa..
hindi ko namalayan na nakuha na pala niya ang bola at shoot.. 3 pts.. DAMN!
nakakainis.. napaupo na lang ako sa mga bleachers dun.. ano bang nangyayari sakin?!
yumuko naman ako para itali ung sintas ng rubber shoes ko ng may nakita akong lumuhod sa harapan ko..
inangat ko naman ang ulo ko para tingnan kung sino..
whoah.. nagulat naman ako dun.. ang lapit ngmukha namin sa isa't-isa..
linapit pa niya na nilapit ung mukha niya.. shocks, anong ginagawa nia?!
"nice game.. sa susunod kasi, mag-concentrate ka sa bola, hindi ung kung san san ka nakatingin." aba! ang yabang nito ah, suntukin ko kaya?!
"Bryle, halika na.."
tumayo na rin naman xa dhil nga tinawag na xa...
Bryle pala ang pangalan ng mayabang na yun! hmpf..