sulat ng mga magulang sa anak...
> Sa aking pagtanda, unawain mo sana
ako at
> pagpasensyahan. Kapag dala ng
kalabuan ng mata ay
> nakabasag ako ng pinggan o nakatapon
ng sabaw sa hapag
> kainan, huwag mo sana akong
kagagalitan. Maramdamin
> ang isang matanda. Nagse-self-pity
ako a tuwing
> sisigawan mo ako.
>
> Kapag mahina na ang tenga ko at
hindi ko maintindihan
> ang sinasabi mo, huwag mo naman sana
akong sabihan ng
> "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi
mo o pakisulat
> nalang. Pasensya ka na, anak.
Matanda na talaga ako.
>
> Kapag mahina na tuhod ko,
pagtiyagaan mo sana akong
> tulungang tumayo, katulad ng pag-
aalalay ko sa iyo
> noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
>
> Pagpasensyahan mo sana ako kung ako
man ay nagiging
> makulit at paulit ulit na parang
sirang plaka. Basta
> pakinggan mo nalang ako. Huwag mo
sana akong
> pagtatawanan o pagsasawaang
pakinggan. Natatandaan mo
> anak noong bata ka pa? kapag gusto
mo ng
> lobo,paulit-ulit mo 'yong sasabihin,
maghapon kang
> mangungulit hangga't hindi mo
nakukuha ang gusto mo.
> Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.
>
> Pagpasensyahan mo na rin sana ang
aking amoy. Amoy
> matanda, amoy lupa. Huwag mo sana
akong piliting
> maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit
> kapag nalamigan, huwag mo sana akong
pandirihan.
> Natatandaan mo noong bata ka pa?
pinagtiyagaan kitang
> habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw
mong maligo.
>
> Pagpasensyahan mo sana kung madalas,
ako'y masungit,
> dala na marahil ito ng katandaan.
Pagtanda mo,
> maiintindihan mo rin.
>
> Kapag may konti kang panahon,
magkwentohan naman tayo,
> kahit sandali lang. inip na ako sa
bahay, maghapong
> nag-iisa. Walang kausap. Alam kong
busy ka sa trabaho,
> subalit nais kong malaman mo na
sabik na sabik na
> akong makakwentohan ka, kahit alam
kong hindi ka
> interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak,
> noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong
pakinggan at
> intindihin ang pautal-utal mong
kwento tungkol sa
> iyong teddy bear.
>
> At kapag dumating ang sandali na
ako'y magkakasakit at
> maratay sa banig ng karamdaman,
huwga mo sana akong
> pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo
n asana kung ako
> man ay maihi o madumi sa higaan,
pagtiyagaan mo sana
> akong alagaan sa mga huling sandali
ng aking buhay.
> Tutal hindi na naman ako magtatagal.
>
> Kapag dumating ang sandali ng aking
pagpanaw, hawakan
> mo sana ang aking kamay at bigyan mo
ako ng lakas ng
> loob na harapin ang kamatayan.
>
> At huwag kang mag-alala, kapag
kaharap ko na ang Diyos
> na lumikha, ibubulong ko sa kanya na
pagapalain ka
> sana ... dahil naging mapagmahal ka
sa iyong ama't ina...
>
> -Written by Ariel F. Robles
> Baliuag, Bulacan