Hello, guest!

Not yet a member? Register here | SUBSCRIBE TO CANDY AND GET 15% OFF!

Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Visit our new Candy Blog for the latest news and updates from Candy editorial team!



Poll

Sino fave charcter mo?

Marielle
Clark
Eric
Marie
Jeric
Kevin

Author Topic: LAST ONE~ "He's always been the Last One to go." UPDATE!  (Read 1017 times)

Lin-Lin

  • taffy
  • ***
  • Posts: 440
  • Karma: +5/-0
  • TeenTalker
Re: Last One~ Chapter 4 :) UPDATE! spoiler alert on last page
« Reply #30 on: October 23, 2009, 10:49:45 pm »
weee.labyu ate sis! lolz  :D

iloveapplejuice

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 92
  • Karma: +4/-0
  • Where are you? Are you looking for me too?
Re: Last One~ Chapter 4 :) message for everyone!
« Reply #31 on: October 28, 2009, 06:33:59 pm »
i know i promised that i'll post the newest chapter last monday. but i didn't because i couldn't. something bad happened and i was unable to do so. i'm really sorry to everyone.


but don't worry i've sorted the things that needed my time for the last three days and so i'll post the chapter later... i'm really sorry!  :-[
LAST ONE
How do you love when you can't find your heart?

iloveapplejuice

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 92
  • Karma: +4/-0
  • Where are you? Are you looking for me too?
Re: Last One~ Chapter 4 :) UPDATE! spoiler alert on last page
« Reply #32 on: November 30, 2009, 08:38:14 pm »
Chapter 5
""I tried my best to stop myself from loving you. Kaya lang ang hirap magpanggap na hindi kita mahal."




Nakatingin ako kay dad at sa lolo ko. Ang lolo ko na iilang beses ko lang nakita sa buong buhay ko. Sure, I see him from time to time but never this up close. He never even acknowledged my existence until now, when he is staring at me with such scrutiny that I started thinking whether this confrontation is such a good idea.

Andito kami ngayon sa ancestral home ng mga Abellarno. Dito sa Laguna na parang ghost twon ang paligid mo dahil wala talagang ingay na maririnig except sa occasional tricycle na dumadaan na parang once a day lang.

Nakaupo ako ngayon sa isang wooden chair na nakaharap sa isang couch na kinauupuan ni Dad at ni Lolo na parehas na nakatingin sa akin. Walang imik. Dun sa gilid ng library, opo may library ang bahay na ito, andun nakaupo si Kuya Jeric at si mama.

Napatingin ako kay Kuya at nginitian niya ako ng konti kaya medyo nagulat ako kasi hindi talaga ako sanay na mabait siya sa akin.


“Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Jeric?” Sabi ni lolo na may kasamang bagsak ng tungkod niya.

“Opo.” Tumingin ako ulit kay Kuya at tumango lang siya sa akin. “Pero…”


“Marielle!” Pabulong na sigaw ni Kuya. Tumigil ako agad sa sasabihin ko, yung mga gusto ko talagang sabihin na ayokong magkagulo ang pamilya dahil nanaman sa akin. Hindi ko naman masisisi si mama kung ganun ko talaga siya nasaktan dahil sa anak ako sa labas. Nahihirapan nanaman ako huminga dahil pakiramdam ko wala nanaman akong ginawa kung hindi magdala ng problema sa pamilyang ito. Tama ba talaga itong ginagawa ko?


I clutched my black satin dress and looked towards my older brother again. He was clad in formal attire too since this was a family meeting and you can never meet with grandfather with nothing but your best clothes on. It was just one of those traditions that I still couldn’t grasp considering how I thought that you should always be comfortable when you’re with your family instead of fidgeting because you’re wearing stuffy clothes.


“Sa tingin ko po…” Mahina kong sinabi pero lahat sila nakatingin sa akin. Lumunok ako at hingipitan ang hawak sa damit ko, my eyes firmly focused on the high polished wood flooring of the room. “Na mali yung ginawa ni mama. Pero… lahat ng bagay merong dahilan. Minsan hindi nating naiintindihan dahil iba ang pananaw natin pero dib a pag nasaktan ka ng sobra-sobra minsan gusto mo na lang sumabog tapos may mga bagay na nagagawa mo out of character because you just feel like it’s the best thing to do at that time. Si mama, alam kong nasaktan siya ng dahil sa akin…”


“What do you suggest we do then iha?” Napatigil ako at napatingin kay lolo. Seryoso ba siya?

“Ahh…” Bigla namang tumayo itong si Kuya at tumabi sa upuan ko and gripped my shoulder preventing from saying anything else further.

“Lo, I have a suggestion.” Nakangiti siya ng para bang may pinaplano.

And after he explained everything. That was when my life changed.



Forever.








Tatlong lingo na rin ang nakaraan simula nung nalaman ko na minamaltrato pala itong si Em sa bahay nil ang step-mom niya. Syempre galit nag alit ako at sumugod pa ko sa bahay nila the day that I learned about it, having received a call from the one and only captain of the basketball team. Nung una hindi pa ko naniniwala na si Eric Madrigal yung dumadaldal sa kabilang linya kasi marami na talagang sira ulo sa mundo pero nung biglang si Jeric Abellarno na yung sumisigaw sa tenga ko eh naniwala na ko kasi sabi niya didretso daw siya ng Laguna para ihiling sa pamilya nila na maging legal na Abellarno na si Em.

Syempre na-shock ako pero go na go ako sa ganung plano. Sasabihin ko pa lang sana na sasama ako sakanya eh ayun.. sinalubong ako ng malakas na click. Letse.  >:(

Isang malaking kulangot talaga sa buhay ko yang kuya ni Em. Naku ang sarap tanggalin at ipahid sa pader para mabulok na siya dun permanently.

Ayun, dahil hindi ko naman alam na umalis kaagad sina Jeric, syempre takbo ako agad sa bahay nila na wala namang inabutan kung hindi mga kasambahay lang.


Tumigil kami sa paglalakad ni Em at umupo siya sa isang bench malapit sa campus bookstore. Nagbuntong hininga na lang ng may mga lower years na dumaan at nagbulungan nung makita siya nito. Paano nga naman siya matatahimik kung ibang apelyido na ang gamit niya?


Marielle Abellarno na siya ngayon.


“Em... ano gusto mo upakan ko na yung mga yun?” I gave those freshmen my deadliest glare and they hurried off to another spot on campus, away from us.


“So! Ikaw pala ang salarin sa pagiging amazona nitong si junior ng pare koy!” Biglang may umakbay sa akin na lalaki na naka jacket ng varsity team. Hmm… si Clark Sanchez. Teka, alam ko kasama siya sa list ng students na nakalinya para sa mga nag-apply ng tutorial sa math ah? Alm ko yun kasi student-tutor ako dito sa amin. Alam mo na, extra income.


“Excuse me.” Tinulak ko siya palayo sa akin at natanggal ang pagkakaakbay niya. Umupo na lang siya sa tabi ni Em at ginulo ang buhok nito. Hmm, atleast napangiti niya besty ko. “Pero siya kaya yung nanghawa ng violent tendencies niya sa akin not the other way around.”


“Ows? Talaga? Haha! Payag ka ba nun ha Elle?”
Elle? ELLE? What the Hell? Bakit may pet name pa siya kay Em? FC? Feeling close siya? Tumaas tuloy kilay at presyon ko sakanya.


“Clark, siya yung besty ko na sinasabi kop ala sa iyo na genius. Part siya ng tutorial program that is being offered here in our school so I hope makapasa ka sa evaluation para si Em na lang ang magturo sa iyo.”


WHAAAAATTT? Ano ito?  :o 


“WHAAAATT? Hindi ikaw ang magiging tutor ko? Pano na ako mabubuhay niyan? Don’t do this to me Elle!”

Anong don’t do this, don’t do this to me ka pa dyan! Dapat ako magsabi nun! DON’T DO THIS TO ME DAMN IT! Ayoko ma-stuck sa isang utak bola!!!

“Em! Kung ayaw ng poste na ito na turuan ko siya eh di huwag! Hayaan mong maging ka-batch natin siya next year dahil sa kaartehan niya. Tara na nga!” Hinila ko na si Em palayo dahil hindi ko alam kung bakit umiinit ang dugo ko sa poste na yun. Matangkad nga at ma-muscle pero puro hangin lang ang laman. 



“SANDALEEE!!!!! WOI!” Binilisan ko pa lakad ko. Sige lang humabol ka mokong. “Wui! Sandali sabi! Hui ang bilis mo tumakbo! Anak ka ba ni Lydia De Vega?”


“Bakit pati ako nadamay sa karera ninyo?” Ay. Tumigil na kami sa pagtakbo at nakahabok na itong si Sanchez.

“I’m sorry if I offended you. Please…” Maganda pala mata niya. Hmm… namumula din cheeks niya dahil siguro sa pagod. “Please… I really need help.”

“Em… sige na. Mabait naman si Clark eh.” 


“Fine. But you have to follow me okay?” Ngumiti siya ng parang bata at nahirapan akong tignan siya ng diretso sa mata. Masyadong makislap.

“Yes. I’ll follow you ‘till the end of the world.”

Bat ganun?



Parang…..










May sakit ata ako…






Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.




At hindi ko macontrol ang pag-ngiti ko sakanya.



 


Sorry guys for the late update but everythign just went haywire for me these past few weeks.


LAST ONE
How do you love when you can't find your heart?

iloveapplejuice

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 92
  • Karma: +4/-0
  • Where are you? Are you looking for me too?
Re: Last One~ Chapter 5 "Mahirap magpanggap na hindi kita mahal"
« Reply #33 on: November 30, 2009, 10:51:14 pm »
guys! huhu... may nagbabasa pa ba? =p
LAST ONE
How do you love when you can't find your heart?

iloveapplejuice

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 92
  • Karma: +4/-0
  • Where are you? Are you looking for me too?
Re: Last One~ Chapter 5 "Mahirap magpanggap na hindi kita mahal"
« Reply #34 on: December 01, 2009, 09:03:28 pm »
 :( :-[ :-\ walang nagrereview bakit???? may nagbabasa naman ah,,, silent readers, i need your love! haha! desperada.
LAST ONE
How do you love when you can't find your heart?

~mystic.lady

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 740
  • Karma: +34/-5
  • bakit siya pa? nandito lang naman ako ah.
Re: Last One~ Chapter 5 "Mahirap magpanggap na hindi kita mahal"
« Reply #35 on: December 01, 2009, 09:12:41 pm »
sis~!
sorry ngayon lang nagparamdam.
medyo semi-active na lang kasi ako dito sa CC eh.
don't worry, i'll still support this story.. it's worth reading. O0
BOUND to STRUGGLE and be inCOMPLETE

© ~mystic.lady

iloveapplejuice

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 92
  • Karma: +4/-0
  • Where are you? Are you looking for me too?
Re: Last One~ Chapter 5 "Mahirap magpanggap na hindi kita mahal"
« Reply #36 on: December 01, 2009, 09:17:36 pm »
aww thanks lynn! :) sad lang kasi ako ngayon kaya kailangan ng inspiration to motivate myself!
LAST ONE
How do you love when you can't find your heart?

iloveapplejuice

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 92
  • Karma: +4/-0
  • Where are you? Are you looking for me too?
Re: LAST ONE~ How do you love when you can't find your heart? UPDATE!
« Reply #37 on: December 07, 2009, 10:14:25 pm »
Chapter 6
"Wala naman tayong ginagawa kung hindi saktan ang isa't-isa."







"Eh bakit kasi kayo nag-away?" Sabay batok ko dito kay Kevin-tot. Loko-loko kasi, inaway-away yung girlfriend tapos ngayon ngangawa-ngawa na hindi daw siya pinapansin. Naku naman oh, pagdating talaga sa babae parang mga baliw kaming mga lalaki kapag tinamaan. Timang na kung timang. Ang loko.
"Pare, just give her flowers and a huge teddy bear and say you're sorry. Panigurado iiyak pa yun sa tuwa." Hehe. Iba na talaga kapag may lola kang mahilig manuod ng chic flicks. Marami kang matututunan.




"Tol naman! hindi naman ganun kababaw pinag-awayan namin! Isa pa hindi mahilig si petchay dun." Umiling iling pa ang mokong. Haha, ayus din yung pet name nitong si Kevin kay Fait. Faitchay daw. Petchay. Haha, ayun tuloy umuusok ang ilong nung girlfriend niya pag naririnig yung malagulay niyang nickname.



"Eh bahala ka, magtiis ka sa silent treatment ni Faith. Ikaw din..." Hehe, guil trip ba? Eh kasi nasisira itong practice namin sa kakabusangot nitong si Kevin.



"UGH!" Oh, sinong mukhang baliw ngayon?



"Kaya mo yan tol!" Hampas ko sa likod niya pagkatapos kong buhulin yung shoelace ko at tumayo sa bench para makapag warm up na.



Ganun ba talaga kalaki ng epekto ng pagmamahal sa buhay ng lalaki? Parang baliw na kung kumilod. Eh parang makakalbo na itong si Kevin-tot sa kakagulo niya sa buhok niya dahil sa sobrang frustrated niya sa sitwasyon nila ni Faith. Para kasi silang si Gu Jun Pyo at Geum Jan Di. SHET! Pati yun alam ko? Si mamita kasi eh, ang hilig ako hilahin kapag manunuod ng mga dvd's niya. Pero okay lang din, bonding time with lola. Anyway, I'm really impressed with how strong Kevin has become. He's a son of a well known bussinessman like all the other kids in this school but his dad is really strict to the point of planning out all his life for him. Imagine a sixteen year old boy with a fiance at this time of age. Arranged marriage? Wow! Koreanovela? Kaya eto pianglalaban ang kanilang dakilang pagmamahalan.


Minsan naiingit din ako.




Ang sarap siguro na may taon kang ipinaglalaban kasi alam mong she's worth it.



"Captain, sorry late nanaman ako ah."

"Pansin ko nga. Pasalamat ka wala si coach ngayon kung hindi squatras katapat mo. Saan ka nanaman ba galing ah?" Kumunot yung noo ko nung naisip ko na naging close na talaga sila ni junior. Tinuloy ko lang yung pag-ikot sa gym habang sinabayan naman ako sa jogging nitong si Clarkito. "Woi hinay lang sa takbo, magwarm up ka muna."


"Woi Clark, late ka nanaman ah. Nagdate nanaman ba kayo ni Soriano ah? Ay mali, Abellarno na nga pala yung junior girl na yun." Sinabayan kami sa pag-ikot ng gym nitong si Kevin.


"Hoy lover boy bago ka makealam ng lovelife ng may lovelife eh ayusin mo muna yang gulo ninyo ng kangkong mo." Binilisan ni Clark yung takbo niya at nauna na sa amin.


"So inamin mo din na type mo yung utol ni Jeric! Pano mo popormahan yun eh tuwing magkikita kayo nung kuya niya eh tumutugtog yung theme song ng Mortal Combat. Daig pa World War III. Saka petchay hindi kangkong ul0l!"
Binilisan din ni Kevin yung takbo niya habang napatigil lang ako sa gilid ng court tapos si Clark tumingin lang ng masama kay Kevin at umalis sa sidelines patungo dun sa may lalagyanan ng mga bola. Nagsiumula na siyang magshoot ng mga three pointers. Puro sablay. Ano kayang problema nun?



Nakatayo lang ako dun sa side at hindi alam ang gagawin.



Napatingin ako sa taas. Lord? Ano ito teleserye? Pag-aagawan ba naming magbestfriend tong si junior?



Ginulo ko yung buhok ko at napaupo na lang sa sahig. Pinanood ko lang si Clark na pagdiskitahan yung mga bola. Sabay na kaming lunaki nitong si Clark at parati kaming magkasama. Alam ko lahat tungkol sa buhay niya at ganun din naman siya sa akin. Tinignan ko yung baller na suot ko at hinubad, tinitigan yung nakasulat dun sa inside part ng baller.



Happiness


Lahat yata ng tao gusto nun. Pero gaano mo ba kamahal ang isang tao para magpaubaya ka para lang sa kaligayahan niya?






I stood up and decided to take a walk around campus. It was still too early for students to arrive so I didn't worry about nayone catching me in this weird state.






And then there she was.




Sitting on a bench.



I smiled kasi parang ang cliche talaga.






Umupo ako sa tabi niya without saying anything. Tapos isinuot ko ulit yung baller sa kamay ko thinking that I shouldn't give up.





Paano ko ipamimigay sa iba ang happiness ko ng walang laban, ng basta-basta lang? Ginawa ko na yun dati... akala ko tama yun. Hindi pala.




Kasi bakit mo bibitawan kung hindi mo pa nga nahahawakan?







Don't back out without a fight.





Mas gag0 ako kung hahayaan ko lang na ganito. Parang sinabi ko na din na walang itong nararamdaman ko. Parang pinagsigawan ko sa mundo na hindi ako lalaban ng patas sa best friend ko. Eh ano ngayon kung nagustuhan namin isang babae lang? Bestfriend ko pa din siya. Selfish na kung selfish. Ayoko ng maging martir. Isa pa, okay na ito para sure na ko na kung lalaban talaga si Clark eh di ibig sabihin hindi na siya suicidal dun sa ex niya.




"Mukha kang constipated."



"Ganun? Haha, eh di ba si Clark yun kapag nagko-concentrate sa Trigo problem?"Nagngitian kaming dalawa and lapsed into another silence.




"Do you like him?"




"Si Superman? Oo naman."



"What about me?" I took her hand and intertwined our fingers indicating what I really meant. Please, God. Please what? Ano bang gusto ko? I'm not really sure. I just really wish for her to like me.



"Madrigal, para ka talagang linta."



Darn it. Kabute talaga itong si Jeric oh.

 
« Last Edit: December 07, 2009, 10:21:40 pm by iloveapplejuice »
LAST ONE
How do you love when you can't find your heart?

 

Advertisement