CHAPTER 9
Official checklist!
[/b]
And yes… as of the moment, we are eating our foods…as in lots-a bunch-a foods…
Yum yum!!!
Of course, it’s Gerald’s treat for my foods… and as for Kat’s foods, well, it’s on “super blusher” Jason’s account…haha..yeah!

He’s a super blusher!

I think my theory is right… bwahahahaha

Checklist # 3: ililibre ang crush or love
CHECK!
See, see, see… I told you… my theory is now becoming a reality… rich…rich…rich…
Katsing! $__$

I’m gonna be rich!!! I-pupublish ko to!!! Mamaya pag nakauwi na ko, ililista ko ang aking theories about SIGNS OF A MAN IN LOVE…
Bhea! Ano ba! Nagde-daydream ka ba??
Huh? ba…bakit? Hi…hin…hindi ah!
Asus! Dream girl ka na ah!
Nye! Ang korni.. di kaya..
Wow!! teka... Bhea!!! I can’t believe you!
Sa payat mong yan?? Ang lakas mo kumain!
Mineral water, ice cream at candies nalang ang natira sa lahat ng binili ni Gerald!!! Grabe! Tinalo mo pa yung hindi kumain ng isang buong linggo.
Hindi naman.. exage ka..yum! (habang kumakain ng ice cream)
Woah!
Sigurado kang babae ka ba?
parang talo mo pa yung mga construction worker ah!
Tama na nga yan… pabayaan mo na si Bhea.
Asus! Sige! Ipagtanggol mo si Bhea! >.< Ipinagpapalit mo na ko sa kakakilala mo palang na si Bhea.. samantalang ako..
halos buong buhay mo nang kasama.. alam mo yun Gerald.. nakakasakit ng dam-da-min!
*bell rings*
Tara na nga! Bell na.. (sabay tayo at alis)
Woah! Ano problema non? Mainit ulo?
Ayyy.. hindi…
Tsss. Tara na nga.. Bhea.. dalhin mo na yang mineral water at ice cream mo… ikaw nalang yang kumakain oh..
Sorry lang..
*Sa room*
Daaaave…what’s wrong?
Wala…
Hay naku David! Wag ka ngang mag emote dyan.. sabihin mo na kung ano problema mo..
Wala akong problema (sabay yuko at pinatong yung ulo sa arm nya na nasa arm chair na parang matutulog style)
Dave…
Bhea.. I’m ok.. just give me a time to rest.. ok?
Owkei… basta mamaya you need to tell us what’s your problem huh…
Pssst… (pabulong tapos napatingin sina Kat at Bhea sa likod nila) ano sabi? (tapos tinuro si David through his mouth)
Give him time to rest raw…
Owwww….
(nagkatinginan nalang si Gerald at Bhea) Natapos ang araw naming sa school ng wala… lesson… tapos tinanong kung bakit daw ako absent.. sa mga teachers ko lang sinabi kung bakit.. kasi nakakahiya nga pumasok ng may black eye..eh syempre kailangan pag nasa classroom tanggalin yun diba.. magugulat pa ang mga tao kung bakit ako may black eye…ayoko kaya ng ganun. At yung mga teachers nga naming na sinabihan naming ng nangyari.. ayun.. tama bang pagtawanan lang ako.

Well, mababaw na reason yun pero ayus lang sa kanila. Basta raw ba galingan naming ni Gerald wala raw problema kahit umabsent nalang kami… well, pareho kasi kaming valedictorian nitong mokong na to.. akalain nyo! Matalinaw pala ito… wahahahaha… jowk!
At ayun.. si David naman, tsss… I don’t know what’s wrong with him. Si Kat kinausap siya tapos nag-usap sila one on one.. tapos nung tinanong ko sila pareho kung ano pinag-usapan nila ang sagot lang nila sakin…
WalaAng weird nila huh. palalampasin ko to pero bukas!!! Tama!!! Tomorrow!!! Kailangan sabihin nila sakin kung ano problema.
tapos yung isa naman naming classmate... yung parang gangster kung umasta...si...si... wait..

alam ko name nya eh... si... ayun!! den...Dencio? eekkk.. no... resto yun eh... den....nnis!!! tama!! Dennis Trillo!! kapangalan niya si fafable Dennis!!

basta.. ayun.. tinanong kung ok lang raw ako.. whatsoever. though he looks like siga, infairness gwapo nga siya huh.

ayun..he seems to care so hindi ko siya tinarayan. just like what i said before, magiging mabait na bata na ko. hindi na ko masyado magtataray at magiging isnabera.. and one more thing... he seems familiar. i think i already saw him before... i forgot lang kung kailan at saan... basta! nevermind na nga lang..
Dating gawi parin nung uwian. Sumabay ako kay Gerald tapos sina Kat at David kay Jason naman sumabay… iba talaga pag mayaman noh! Masyadong mga mayayaman tong dalawang to eh! >.< ako kaya… kailan mabibigyan ng own car?

Kailan ako makakakuha ng driver’s license?

Paano kaya nakakuha yung dalawang mag best friend na yun ng driver’s license eh super minor pa yung age nila??? Ang daya! Hmph! Pero ang pinakamalaking katanungan ko eh… paano ba magdrive?
Pag uwi namin sa bahay… syempre umandar ang pagiging gentleman ni Gerald.. ang bait nga nito talaga eh. Buti nalang peace na kami…

^_____________^ v
yeah! Tapos, aba! Salubong to the max si Yaya!!! With super smile sa kanyang mukha!
Yaya: So… how’s your day mga vagets? Did you have fuuuuuun?? Under the suuuun???
Ahhh… ok lang po yaya
(sabay tingin sakin ng parang nagtataka)
Yaya: So…ano nangyari? Isinapuso nyo ba nag aking IMPORTANT REMINDER for the day?
Yaya… may tanong lang ako sayo…
Yaya: Huwats dat?
Psychic ka ba? Manghuhula? Madam Auring?
(nanlaki ang mata ni yaya)
yaya:Hmmm… want me to answer that?sabay kaming napa nod kay Yaya tapos napanganga kami at parang na-curious sa isasagot ni Yaya…parang may isang deep secret na irereveal kasi si yaya eh…
Yaya: ok.. but before that, close your mouth first and let’s get inside…
So pumasok na kami sa bahay… tapos sinama kami ni Yaya sa dining room at aba! Prepared na lahat ng foods! Parang fiesta!!!
yaya: Hey mga peeps! Eat na kayo!!!
Yaya… ano na yung sagot mo?
Yaya: I know you went through a lot this day. I'll answer your question later, my dear. I bet you’re both tired and hungry… so what are you waiting for? Eat now! Kamon!
(with hand gesture pa na parang nagyayaya)Nagkatinginan lang kami ni Gerald… ako umupo na.. gutom na kasi nga ako..

siguro si Gerlad rin… mala-madam Auring talaga tong si yaya eh! Alam na tomguts na ako.. kaya I love yaya talaga eh!

pero grabe! Parang nung isang araw wala ako masyadong kinain… ngayon naman puro kain ginagawa ko.. kawawa naman ang akaong stomach… liliit tapos lalaki.. sobrang flexible na ng aking beautiful stomach..
After naming kumain ng mala-fiestang inihanda ni Yaya, nagpunta na kami sa living room. Naka upo na kami… wala ng istorbo. Ok… eto na! Serious talk! Ire-reveal na ni Yaya ang kanyang pinakatatagong lihim!!! Bwahahahaha
Yaya: Ok.. what are you asking again mga vagets?
Yun nga yaya, kung Psychic ka ba.. Manghuhula..mala-Madam Auring...
Yaya: Owww… that’s all you wanna know?
Napanod naman ulit kami ni Gerald..
Yaya: Ok..
ganit—
I’M HOOOOOMMMMME!!!
Yaya: Hey Mikee!
biglang tumayo si Yaya at sinalubong si Pinky… hello?? Yaya! Tama bang iwan kami dito?
Nag-uusap pa tayo yaya… nagkatinginan tuloy kami ni Gerald…ano ba yan! Puro nalang kami tinginan…hindi kasi masyado nagsasalita ngayon si Gerald…ano kaya nangyari dito?
What’s happening in this world? Everyone’s sooo weird. dumating pa ang epal kong kapatid..
Yaya: Oh! Ano gusto mo?
Kumain ka muna… marami akong pinahandang foods.tara.. dito tayo sa dining room.. kakantahan pa kita… anong gusto mong kanta?
Ahhh…
yaya…
ayos na po saking kumain ng tahimik..
[/color]
Ok.. umalis na sila.. iniwan kami pareho ni Gerald… >.< mga tao nga naman..
Grabe.. kumakanta pala si yaya?
Haha.. yeah.. but I bet you don’t wanna hear it..
Ganun ba… grabe talaga si yaya… napaka mysterious. From her name till her personality. Haha.. but she’s so funny at charming..
Huwaw!
Charming! Yihee!!
Huy! Di ah! Anong yihee ka dyan?!
Bakit? Yihee lang naman sinabi ko ah…
Eh bakit.. “di ah” at “anong yihee ka dyan” lang naman sinabi ko ah!
Asus! Bakit defensive ka?? Huh???
Hindi ah!!!Ayyy…kakasabi ko lang na hindi masyado nagsasalita si Gerald eh… >.<
Nagtapos rin ang pagiging defensive ni Gerald at pakikipag argue ko.. ang nanalo?? Sino pa? Eh di ako!! Bwahahahaha…

nagpaalam narin siya umuwi sakin pati kina Yaya at Pinky…
Kung itatanong niyo kung sinagot ni yaya yung tanong namin?
Hay naku! Wala na! Laging may umeepal eh. It’s either mag riring ang telephone or cellphone o may kung ano pang hahadlang para sabihin ni Yaya ang dapat niyang sabihin.. err.. nevermind. Balang araw nalang. Mangyayari at masasabi ang dapat sabihin.
Ngayon, andito ako sa aking beautiful room at naka higa pero yung front ko yung nakahiga…gets nyo? Basta para makapagsulat ako… tapos yung isang foot ko nakataas…hihihi..wala lang…gagamitin ko na ang aking pink notebook na cute ang design. Heart shape siya tapos yung cover is parang yung pillow na malambot. Ganun. Then I’m using a pink ballpen na pink yung ink at yung isa black naman ang ink.
Now, I’m officially writing ang magpapasikat sakin at magpapayaman!!! Bwahahahaha!!!!! I’m gonna be rich for real baby! Yeah!

3 na ang nagagawa ko sa aking mahiwagang checklist!!! Bwahahahaha!!!

Katsing! Katsing!!! Yeah boy… :>D
Tut-tut-tut-tut…1 message received…
Sender: …Hi… kumusta ka na? ÜOk… siya parin…si mr. Dot-dot-dot… sanay na ko sa kanya. Di ko lang siya pinapansin. Parang araw araw expected ko na na may text ako galing sa kanya. Mga siguro 3 or more text messages a day. Pero alam nyo, kahit na hindi ako mag reply sa kanya hindi parin siya tumitigil sa kakatext sakin. He seems to know me. Ang weird nga eh. Pero basta ayokong magreply sa kanya hanggat hindi siya nagpapakilala sakin.
…the next day…Nakatulog ako ng nag-iisip tunkol kay mr. Dot-dot-dot at eto ako ngayon. Nagising ng maaga dahil nahihirapang huminga. Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang kinakapusan talaga ako ng hangin…

********************************************************************
this is it guys!! sorry kung natagalan.. wala lang.. busy-busyhan..haha.. pero actualy, busy talaga ako.. napansin ko lang na mag 1 month na pala ako hindi nakapag update kaya naisipan ko kaninang gumawa na..and here it is! hope you like it...