Chapter 31 - Para Sayo
Andito na kami sa school. Phew. Grabeng usok yun kanina ha? Parang gusto na kami patayin nung jeepney driver. Take note, libreng face powder na yun para sa akin. Kasi naman noh. Itim na face powder nga lang.
JL: Bakit kayo sabay? Nagli-live in na kayo?!
Kish: Hindi noh!
JL: Bakit kayo sabay?
Jared: Ang bobo mo! Syempre, sinundo!
JL: Talaga? Nakita ko kaya si Marc kagabi, naku Marc, san ka nagpunta?
Marc: Nyeh, sa bahay namin?
JL: Umayos ka ng sagot, may dala kang KFC kagabi tapos sa bahay?
Marc: Wala kaya sila mommy sa bahay kaya bumili ako!
JL: Nakita kita pero hindi papuntang bahay niyo. Lokohin mo lelang mo!
Merced: Ano JL? Pano reaction mo? Oh, Kish, bakit naman ganyan reaction mo sa sinabi ni JL? Tama ba siya? Di nga JL, mamaya joke lang yan.
JL: Oy, hindi kaya! Itanong mo pa sa ate ko, pauwi na kasi kami nila papa tapos nakita namin siya may dalang bucket naglalakad siya, dba tol?
Marc: Nyeh, nyeh, nyeh. Ewan ko sayo.
*RIIIIIIIINNNNNNNNNNG*
Buti na lang nagring yung bell kundi lulutuin ako nyan pati na rin si Kish. Ayoko lang naman magka-isyu na dun ako natulog kayla Kish. Baka anong isipin nila eh wala naman nangyari dba? Syempre, pinoprotektahan ko lang si Kish noh..
Break time. Ang boring talaga ng klase ngayong araw na ito. Wala na kasing gagawin. Mag foundation na dito sa school puro preparation na lang. Hmm. May ride kami dito sa school pag foundation eh, tibay nga eh. Sasakay kami ni Kish sa ferris wheel. Wuhoooo. Saya nun kung sakali. Nyahaha.
Robie: Sinong kasali ng dance number?
Andaming sasali. Hindi sasali si Kish. Hehe. Hindi na rin ako sasali para lagi kaming magkasama, syempre pag sumali ako maiiwan siya. Kawawa naman.
Robie: Sige, labas na lahat ng sasali.
Aba, tibay ha? 12 na lang kami dito sa classroom. May nag doxology at yung sa presentation eck. eck na yon. Buti naman pero epal kasi puro naman lalaki natira dito. Sila Jared, JL at mga ka-friends ko. Aasarin lang nila ako nang aasarin, hindi ko pa gaano malalapitan si Kish. Ano ba yan. Akala ko ito na ang momentum ng araw na ito. Ano bang pinagsasabi ko?
Kish: Tara, bili tayo.
Marc: Ng ano? Saan?
Kish: Sa baba, malamang. Wala namang tindahan dito sa taas dba?
Onga naman. Sa baba kami bibili. Hehe. Gutom na naman ito, ako isasama kasi walang pera. HAHA. Joke lang.
Marc: Teka wala akong pera.
Kish: Meron ako.
Marc: Maya sa inyo tayo ulit ha, anong gusto mo kainin?
Kish: Weh, siguro may balak ka talaga. Hampas gusto mo?
Marc: Nyeh, wala kaya. Ano ka ba? Babantayan lang kita. Anong gusto mo kainin?
Kish: Nyeh, magluto na lang tayo.
Marc: Hindi ako marunong. Marunong ka ba?
Kish: Itlog na lang kainin natin. Okaya hotdog, okaya yung nasa lata na lang.
Marc: Okaya, bumili nalang tayo! Para special lahat,
Kish: Mas special nga pag nagluto tayo dba?
Marc: Sige na nga, mahal lang talaga kita.
Kish: Kung ayaw mo, bili ka na lang ng iyo
Marc: Di na nga eh, luluto na lang tayo.
Kish: Okey, ikaw bahala.
Marc: Galit ka na eh..
Kish: Hindi ako galit, nasad lang.
Marc: Hindi na, sorry na.
Kish: Okey, sige na wag ka na magtanong kung galit ako, mas magagalit ako!
Ayoko lang talaga ako pa yung nakakasakit sa mahal ko eh.